Frida ( COMPLETE )

By ShatteredBlues

6.6K 209 3

Dahil sa pangungulila ni Frida Marseille sa kanyang yumaong asawang si Monsur ay nagpakalayo layo sya para ka... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
CHAPTER 6
Chapter 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19:
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35: END

Chapter 8

194 6 0
By ShatteredBlues

"K-kilala mo ako?" Takang tanong ni Frida.

"No, what I mean is...I've seen you before. And of all the people, ikaw yung naka agaw ng pansin ko."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Magkasabay tayo noon sa bangka. Di ko sure kung nakita mo ako pero naroon ako sa bandang likod. Sa mga taong naroon, ikaw lang yung parang hindi excited sa bakasyon na pupuntahan, yung parang ang bigat bigat nang dinadala mo. Di ko alam kung may pinagdaraanan ka that time pero I am dying to know the reason. Anong meron, Frida?"

Umiwas nang tingin si Frida sa mga matang matiim na nakatitig sa kanya. Hindi sya sigurado kung tamang ikwento nya sa isang estranghero ang tungkol sa buhay nya.

"Siguro may mga bagay lang talaga akong mahirap na makalimutan. " Mapait na saad ni Frida. Hindi nya magawang titigan ang kaharap.

"Boyfriend mo?" Usisa ni Josh

"Hindi.Asawa ko." Mapait na ngiti ni Frida.

Sandaling natahimik si Josh. Hindi nya alam kung paano sya magrereact dahil doon.

"Im sorry..."

"No, you dont have to say sorry. Wala ka namang naging kasalanan. Isa pa, kahit hindi mo naman sya mabanggit, maaalala at maaalala ko sya. Kaya nga narito ako sa isla...Para tumakas. Pero, wala eh. Ang hirap nyang kalimutan."

Napayuko si Frida. Di nya mapigilan ang mga luhang unti unti nang sumilip sa kanyang mga mata at dahan dahang bumagsak sa ibabaw ng yelo nang kanyang halo halo. Kung maaari lang, nais nyang maging kasing lamig at tigas nalang din ng yelo ang kanyang damdamin.

Ang mga bagay na gusto nya sanang kalimutan ay muli nanamang nanariwa sa kanyang isipan....

"What's your next plan?" Tanong ni Josh habang ibinabato sa dagat ang maliliit na bato na napulot nya sa dalampasigan.

Naroon na silang dalawa sa tabing dagat habang inaabangan ang paglubog ng araw. Isang nakakalungkot na tanawin ang muli nilang masasaksihan.

"Di ko pa alam. Bukas ay magchi- check out na ako. Kinukulit na kasi ako nina mama and ng anak kong si Nicole. Nakakatawa nga eh, parang daig pa ni Nicole si Mama kung mag alala sa akin."

"Ilang taon na si Nicole?"

"27. Nasa New York sya ngayon. Yung panganay kong anak naman na si Wilson ay 34 at nasa Singapore naman sya para sa kanyang newly opened business."

"27 and 34 ? Eh, halos magkaedaran lang kayo ng panganay mo. What, 2 or 3 yrs old ka palang may anak ka na?!" Biro ni Josh.

Malakas ang naging tawa ni Frida. Ang OA naman ng reaksyon ni Josh sa nalaman nito. Pero sa totoo lang, lahat ng tao ay ganun ang nagiging reaksyon kapag nalalaman ang tungkol kina Wilson at Nicole.

"Yeah, 2 years old palang ako ay ipinagbuntis ko na ko na si Wilson." Biro ni Frida.

"That's freaking weird! Parang magkakapatid lang kayo" Di parin makapaniwalang saad ni Josh.

"Hahaha, kidding aside, mga anak sila ni Monsur. Kaya naman nang mamatay si Monsur ay ako na ang nagsilbi nilang magulang. At dahil malalaki narin sila ay hindi rin maiwasang tahakin nila ang mga landas na nais nila. Kung saan nila gusto mag stay, okay lang sa akin. Mababait sila. Parang kapatid ko na nga si Nicole sa sobrang sweet at thoughful nya. Si Wilson naman, sya yung tipong may pagka strict at seryoso. Matured sya mag isip compare sa akin na hanggang ngayon ay isip bata parin. Hehe."

"Wow, you must be inlove."

"In love?"

"Yes, You're inlove with them. Nag go glow ang mga mata mo habang kinu kwento mo sila."

"But of course. Lahat ng mahal ni Monsur ay mahal ko rin. Mahal ko sila."

Napansin ni Josh ang pagiiba ng tono ng boses ni Frida ng banggitin ang pangalan ng dating asawa.

"Nasaan na si Monsur?"

"He died." Pag amin ni Frida.

"Im sorry. Hindi ko dapat tinanong iyon sayo."

"Its okay. Katulad nga ng sinabi ko sayo kanina, kahit hindi mo sya banggitin, maaalala at maaalala ko sya. Walang araw na nakalimutan ko si Monsur."

"Sana lahat ng babae ay tulad mo, Frida" May tonong panghihinayang na saad ni Josh

"Huh?"

"You love them whole heartedly. Bihira nalang ang tulad mo . I dont want to be rude, but I hope soon maka move on ka rin."

"Promise, I've tried. Pero hindi ganun kadali yun."

"You know Frida, ang pain, okay lang yan. Umiyak ka hanggang maubos ang luha mo. Kung gusto mong lunurin ang sarili mo sa alak, okay lang din yan. Kahit na yung feeling mo na, gusto mo nang magpakamatay, its okay. Pero dapat alam mo kung kelan ka dapat huminto. Hindi mo dapat pinatatagal nang ilang buwan o taon ang pain na nararamdaman mo . I dont know what happened to your husband pero you have to move on. Free yourself from pain, kasi kapag hinayaan mo lang yang pain na yan na kurot-kurutin ang puso mo,kakainin ka nyan. Baka makalimutan mo nang magmahal muli o mahalin ang iyong sarili. " Ani Josh

Matagal na tinitigan ni Frida si Josh. Ngayon nya lang na realize na may sense din pala itong kausap. Akala ni Frida ay puro hangin at kayabangan lang ang dala ng gwapong binata na ito. May utak rin pala ito at puso na marunong umunawa.

"Di ko alam na ganyan ka pala kagaling magbigay ng advice. Im impressed. Hindi ko inaasahan na sa isang tulad mo pa ako makakarinig ng ganyang advice. Thank you . I really appreciate it. Tatandaan ko yan." Nakangiting saad ni Frida sabay lagok ng alak mula sa bote na kanina nya pa hawak.

"Haay kung alam mo lang kung anong pinagdadaanan ko rin ngayon."

"Bakit? Malalim din ba ang problema mo kaya ka narito?"

"Yeah. To be honest I came here all the way from US para lang makatakas din."

Nanlaki ang mata ni Frida sa rebelasyon ni Josh.

"No way. For real?!"

"Yup." Natatawang pag amin ni Josh.

"That's crazy. Bakit sa Pilipinas pa? Bakit hindi nalang doon sa M-maine. Doon sa tinutukoy mong states sa America? Bakit dito pa?" Sunod sunod na tanong ni Frida. Di sya makapaniwala na mas malayo pa ang pinanggalingan ng binatang ito para lang takasan ang problema.

May kasalanan ba ito sa batas? Wanted ba ito at dito ito nais magtago?

Umusog ng kaunti si Frida sa kanyang kinauupuan. Hindi nya ganun kakilala ang binatang ito. Paano kung killer pala ito? Hindi kaya isa itong rapist o isang terrorist?!

"Hey, I know what you're thinking. At kung ano man ang iniisip mo, nagkakamali ka, Okay?" Mariing pagde deny ni Josh

"E a-ano ang dahilan kung bakit ka narito?"

"I proposed to my girlfriend. Pero tinanggihan nya ang alok kong kasal." Kaswal na sagot ni Josh.

"Ouch..."

"Wag kang maawa sakin. Im fine. Really, Im feeling better now." Pag amin ni Josh . Alam nya sa kanyang sarili na totoo ang mga iyon. He is now moving on.

"Bakit nya d-in-ecline ang proposal mo? Baka naman..." Kunwa ay inamoy ni Frida ang binata "amoy baktol ka."

"Baktol ? What's that? You mean, bad odor?!"

"Malay ko. O baka naman, bad breath ka sa umaga" Natatawang saad ni Frida.

"That is not true!" Mariing tanggi ni Josh.

Ngunit hindi mapigilan ni Frida ang kanyang sarili na matawa. Weird, pero kanina lang ay halos bumaha na nang luha nya roon tapos ngayon ay nagagawa na nya muling tumawa at makipag kulitan kay Josh.

"Ewan ko.." tudyong muli ni Frida .

"Ah ganun ha? Eh, kung maligo ka kaya kasi amoy araw ka na rin? " Banta ni Josh.

Lumusong si Josh sa dagat saka sinaboy kay Frida ang tubig niyon.

"Shoot!" Malakas na tili ni Frida.

"Sige na Frida, maligo ka na at amoy araw ka na rin!" Sabay saboy muli ng tubig.

Nanlaki ang mata ni Frida. Hindi sya makakapayag na hindi makaganti sa lalaking ito.

Lumusong din si Frida sa dagat saka gumanti nang pagsaboy ng tubig. Animoy masayang mga bata na nagtampisaw ang dalawa.

"Yiehhh ang ginaw!" Inis na hinampas ni Frida si Josh sa balikat nito ngunit mabilis na nakailag ang binata. Hinabol ni Frida si Josh para makaganti ngunit nawalan sya ng balanse sa inaapakan nyang buhangin.

Muntik nang matumba si Frida ngunit mabilis syang nasalo ni Josh.

"Gotcha." Hinihingal na saad ni Josh.

Matagal na nagkatitigan ang dalawa.

Pakiramdam ni Frida ay nalulunod nanaman sya sa mga titig ng binata. Bakit ba napaka ganda ng mga mata nito na animoy mga bituin sa langit? Bakit sa tuwing titigigan sya ni Josh ay tila nalilimutan nya ang lahat at nawawala sya sa sarili?

Halos hindi na humihinga silang dalawa sa sobrang pagkakalapit nila. Nararamdaman nila ang mabilis na tibok ng kanilang dibdib.

Dahan dahang lumalapit ang labi ni Josh kay Frida. At hindi na maide deny nito attraction na kanyang nararamdaman.

Ngunit itinulak ni Frida si Josh palayo sa kanya.

"B-babalik na ako sa room ko, giniginaw na ako. Masyado nang late." Umiwas ng tingin si Frida.Napakagat labi sya sa kahihiyang inasal nya.

Ngunit mabilis na nahablot ni Josh ang isang braso ni Frida bago pa man ito makalayo. Dahilan upang muling mapaharap ito sa kanya.

"Frida, would you mind if I ask you to stay with me tonight?" Direktang tanong ng binata.

Nanlaki ang mga mata ni Frida. For Pete's sake! Ano ang sinasabi nitong si Josh? Niyaya ba sya nitong magsama sila sa iisang kwarto?!

"Frida, let's forget about everything , tonight." Hinapit ni Josh ang balakang ni Frida palapit sa kanya. He'd been holding this feeling for days. He can't deny the attraction that pulling him towards her . At ngayon nga ay tila bulkang sumabog na si Josh ng walang pasabi.

He k*ssed Frida without her permission. And he dont care anymore!

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
136K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...