Prove Me Wrong

By aril_daine

3.9M 67.3K 9.5K

[NO SOFTCOPIES] Hindi ko alam kung paano makibagay. Ang pangyayaring iyon ang nag-udyok saakin na maging gani... More

Prove Me Wrong
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 37

57.8K 1K 183
By aril_daine

Chapter 37

 

 

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dahil ba hindi ko naman ginusto ang posisyon ko ngayon o dahil ba ayaw ko talagang pumunta?

“anak alam mo naman siguro ang pamilya ng papa mo” umirap ako saka tumingin sa salamin. Wala na akong pakialam sa iisipin pa ng iba.

“ikaw sigurado ka ba sa ginagawa mo? Pinamimigay mo na ako?” naglagay ako ng pulang lipstick saaking mga labi.

“Hindi! Narinig mo naman ako kanina hindi ba? Ayaw ko din naman ang ideya ng papa mo na doon ka titira!”

“kung ayaw mo, hindi mo na dapat pa siya hinayaang ibigay ang apelyido niya saakin”

“Pero anak, yun lang naman ang paraan para magkaroon din tayo ng halaga sakanya. Hindi lang basta---“

“talaga? Halaga? Nasaan siya ngayon? Nasa pamilya niya hindi ba? Ni hindi nga niya ako inaasikaso. Kung tatawag man siya magpapaalala lang yun ng mga gagawin. Ganun naman siya hindi ba? Perfectionist?” I said cynically

Humarap ako sa human-sized na salamin ko. Nakasuot ako ng itim na dress at saka pulang heels.

“Hindi ko alam kung uuwi pa ako dito mamaya ma. Baka kasi may mangyaring gulo mamaya sa party nila papa” sabi ko ng nakangiti.

“anong sinasabi mo?”

“not your business” bulong ko pa saka ko inayos ang damit ko.

“bakit nasaiyo ang litrato ng papa mo?” tinutukoy niya ang family picture na nakalapag sa lamesa ko ngayon.

“naiwan niya kaya malamang tinignan ko para kahit papaano kilala ko ang pamilyang kukupkop saakin, hindi ba?”  sagot ko saka ngumisi.

Iniwan ko na siya pagkatapos. Hindi ko alam kung handa na ba talaga ako sa gagawin ko. Ang umpisa ng pagtanggap saakin ni papa ang siya namang umpisa ng patapos na relasyon namin ni Andie.

***

Nandito ako ngayon sa isang silid sa bahay ni papa. Malaki ito at malayong-malayo sa bahay namin ni mama. Ang buhay nila ay hindi katulad ng buhay na dinadanas ko. Iba ang buhay ni Andie sa buhay ko. mag-isa lang ako ngayon dito at hinihintay si papa. Wala rin si Andie kaya nakakahinga pa ako ng maluwag.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babae. Ang half-sister ko.  Mas bata lamang siya saakin ng siguro tatlo o dalawang taon.

“ikaw daw ang ate ko?” lumapit siya saakin at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi na agad ko namang tinapik para tanggalin.

“s-sorry. Hindi ko alam na ayaw mo ng nahahawakan. Sorry a-ate”

“Andrea!” si papa. Halatang nagalit siya sa ginawa ko. Halatang mahal na mahal niya ang kapatid ko.

Lumapit siya para higitin papalayo ang anak niya mula saakin. Nakakatawang isipin na kung tignan niya ako parang gagawa ako ng masama. Na sisirain ko ang pinakamamahal niyang anak.

Inikot ko ang tingin ko sa buong silid. Lumapit ako sa isang picture frame na naka-display.

“si kuya yan. Ang gwapo niya nu?” si Andie noong high school pa lamang siya.

“mabait yang si kuya. Kaya lang bihira siya umuwi dito. May sarili na nga pala yang business.” Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon.

“sayang nga dahil ayaw niyang palitan ang apelyido niyang Lim. Pero kahit ganun daddy pa din ang tawag niya kay daddy” pagkatapos niyang sabihin iyon nabitiwan ko ang hawak kong frame na dahilan ng pagkabasag nito.

“Wala ka pang isang araw dito kung anu-ano na ang nababasag mo” galit na saad ni papa.  “nasaan na nga ba ang kapatid mong yun?”

“wala pa po sa bahay e. hinihintay pa daw po ang girlfriend niya” huminga ako ng malalim at saka pinulot ang mga basag na salamin ng frame.

“ate hwag mo na yang pulutin! Tatawag nalang ako ng maglilinis” tinanggal niya ang mga nasa kamay ko at saka ako hinigit papalayo sa basag na frame.

“Balak ko siyang ampunin. Kaya kahit hindi kayo magkadugo ituring mo pa ding kapatid ang kuya niyo. Mas matanda siya sayo ng isang taon Andrea” sabi niya ng makalabas na ang kapatid kong si Shiela.

“silang dalawa ang magiging kapatid mo, Andrea. Silang dalawa ang kapatid mo” diin niya.

“mamaya makikilala mo din si Andie at ang kanyang ina. Mababait sila at sigurado akong ituturing ka nilang tunay na pamilya”

Mali ka. Dahil mga desisyon mo ang sisira sa pamilyang ito.

Wala pang alas otso kaya naman pinaghintay muna ako ni papa sa silid na ito.

Masyadong malaki para sa isang tao.  Pero kahit ganun, parang nasu-suffocate pa din ako.

Bawat tunog ng orasan siya namang bilis ng tibok ng puso ko.

Kanina pa din tawag ng tawag saakin si Andie, pero hindi ko magawang sagutin.

“ate bakit ka umiiyak?” hindi ko namalayan ang pagpasok ni Shiela sa loob.

“I am?” pinunasan ko ang pingi ko at tama nga siya. Umiiyak ako. Hindi ko alam kung kailan pero alam ko kung bakit.  “t-this is absolutely nothing” agad akong umiwas ng tingin sa kapatid ko at saka pinunasan ang luha sa pisngi at mata ko.

“tinawagan ko si kuya kanina. Sabi niya mamaya pa daw siya darating  baka daw hindi na siya pumunta kapag hindi niya kasama ang girlfriend niya”

“What?”

“mahal na mahal ni kuya yung girlfriend niya ngayon. Alam mo bang ngayon lang siya magdadala ng girlfriend? Yung ex kasi niya dati hindi naman niya dinala dito. Pero never siya nagbanggit ng mga pangalan. Gusto kasi nun surprise pa yata. Siguro sobrang ganda nung babae? baka kasing ganda mo ate!”

“please shut up for awhile” nagitla siya sa pagsusungit ko pero siguro naman naiintindihan niya ako.

“hello?” sagot ko sa tumatawag saakin

[Babe? Nasaan ka na?]

“don’t wait for me.”

[but you promised!]

“I’ll be running late. I’m sorry” I lied.

[pero pupunta ka hindi ba? Almost eight na kasi. May announcement daw si dad. Okay lang ba sayo kung sumunod ka nalang?] kinakagat ko nalang ang labi ko para pigilan ang luhang posibleng tumulo. I love Andie. I really do.

But I don’t deserve him.

With the situation we have? With the issues I have. I really don’t deserve him.

“You’ll see me. I promise”

[I’ll be waiting for you. Ingat babe]

***

Katulad ng sinabi ni Andie. halos 8pm na nga. Kanina pa din ako tinatago ni papa dito sa silid na ito. Si Shiela, ang kapatid ko ay nandito para samahan ako.

Isa akong Ventura. Isa sa mga maimpluwensyang pamilya sa lugar na ito. Pero protektado ni papa ang pamilyang ito. Ni minsan hindi lumabas ang mukha ng pamilyang kasama niya.

“ate halika na. pinapalabas na tayo ni papa”

Maingay na sa labas. Naririnig ko ang mga bulong-bulungan ng mga tao. Mga kamag-anak daw namin sila, yun ang sabi ni Shiela.

Tumitingin ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong wala pa si Andie. Nagsisisi ako. Nagsisisi ako na maging isang myembro ng Ventura.

Madaming sinasabi si papa habang hawak-hawak ang mic. Masyadong mayaman ang pamilya nila. Mga kumikinang na damit, naglalakihang alahas, naggagandahang mga kutis.

“Andrea?” nakangiti si papa na nakatingin saakin. Lahat sila ay nakatingin din saakin na may halong gulat. Hindi makapaniwala sa nasabi ni papa.

“My first daughter. Andrea”  kasama kong pumunta sa harapan si Shiela. Nakangiti siya.

Lahat ng mata nakatingin lang saakin. Mga bulong-bulungan na ayaw kong marinig. Pumikit ako dahil nagbabakasakaling hindi ko na sila marinig ba. Hindi nila ako tanggap.

Pero isang malakas na yabag ang pumukaw sa atensyon ko. minulat ko ang mga mata ko at nakita si Andie sa harapan ko. Galit at hindi maipaliwanag ang mukha niya ngayon.

Hinawakan niya ako at linayo sa lugar. Naiwan ang mga tao sa loob na punong-puno ng katanungan.

Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko.

“Tell me Andrea, have you ever wanted to ask a question, but you didn’t because you knew that in your heart, you wouldn’t be able to handle the answer?”

Hindi ko siya maintindihan.

“AAAAAAAAAHHHH!!!” sinuntok niya ang pader sa likuran ko. “bakit? Bakit ka pumayag?” naguguluhan ako sa tanong niya. “

“I thought you hate your father?” basag at mahina na ang boses niya. umiiyak na din siya katulad ko.

“You knew it all along? And you chose to hide this from me?”

Tinulak ko siya para makawala sakanya.

“you lied? And I really thought you love me? Gees Andie!” nanginginig na ang boses ko at lalong naiinis.

“I do! I really do. Akala ko mas pipiliin mo ako kesa sa daddy mo pero mali ako. This is the reason why I don’t want to be a Ventura, Andrea.”

Walang nagsasalita saamin ngayon. Inaabsorb ang mga nangyari ngayon lang.

“let’s elope”

Tinawanan ko ng malakas ang naging suhestiyon niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagsinungaling saakin. Madami pa akong hindi nauunawaan sa ngayon. Hindi ko din alam kung totoo pa ang sinasabi niyang pagmamahal.

“this is absurd. Sa mata ng batas, kahit hindi tayo magkadugo, magkapatid pa din tayo.” Hinila ko ang kamay ko mula sakanya at saka umalis na.

And here I thought I’m in love with a trustworthy guy. I shouldn't have trust him after all.

******

kinda lame :/

vote and comment. im so sorry sa UD :(((

watch niyo yung vid sa Gilid. for Andreen shippers yan.


nyways guys! step siblings sila not half. meaning they're not blood related. im kinda surprise dahil hindi niyo binabasa ng maigi ang words, 1 word will lead you to a wrong conclusion.  keep that in mind :))))

Good day detective provers! :))) will make bawi nalang sa next chappies. kinda crappy kasi e hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

37.1K 809 16
He is DEXTER MONTIVILLA, a boy-next-door type man whose passion is music. He's a man in every woman's dream. He's not only literally rich, but his he...
281K 19.5K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
191K 5.5K 36
Minsan may mga bagay talaga na nasa iyo na mawawala pa. Kahit anong pilit nating pagaalaga kung hindi talaga para sa atin wag ng pilitin, masasaktan...
207K 6.5K 36
Yuri Kim is an 18 year old girl who is an orphan and she left her relatives because they treat her as an eyesore. She has no where to go but she fou...