Unfaithful Wife (HIATUS)

De cielodeamore

28.8K 675 78

Their lives are perfect... until a tragedy happened that changes their perfect lives Language: Filipino Statu... Mais

Work of Fiction
Author's Note
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35

Kabanata 25

615 16 0
De cielodeamore

Kabanata 25


Late





Dahil sa pag-iisip ko sa taong iyon, hindi ko namalayan ang oras. Buong araw kong inisip kung totoong nakita ko nga ba siya o namalikmata lang ako kanina. Hindi ko pa namalayang alas sais na pala nang gabi kung hindi pa ako tinawagan ni Mang Ben.

"Ma'am, uuwi na po kayo?"

"Opo. Sandali lang po. Hintayin niyo na lang po ako riyan sa baba. Bababa na po ako."

Binaba ko ang cellphone ko saka ko mabilis na inayos ang mga gamit ko. Matapos iyon, bumaba na ako.

Habang nakasakay ako sa elevator, naisip ko ring wala naman sigurong problema kung ma-late o ginabi man ako sa pag-uwi dahil hindi na tulad nang dati na may naghihintay na bata sa pag-uwi ko sa bahay. Higit sa lahat, wala na akong asawang mag-aalala at magsusundo saakin kapag late akong umuwi. I mean, yes, he's still here. Pero wala na siyang pakialam saakin ngayon.

Kaso nga lang, naisip ko si Nanay Myrna. Tiyak na nag-aalala na iyon ngayon. Kaya naman, pagkarating ko sa baba, kaagad akong sumakay sa pick up namin at umuwi na.

Tulad ng inaasahan, pagkapasok ko sa bahay nang makauwi ako, sinalubong ako nang nag-aalalang si Nanay Myrna.

"Diyos kong bata ka. Pinag-alala mo ako. Akala ko kung anong nangyaring masama sa'yo."

Bumuntong-hininga ako, "Nanay, marami lang po akong ginawa sa opisina." siyempre, it's a lie. Pero hindi ko na sasabihin ang totoong dahilan dahil ayoko nang mag-aalala siya saakin.

"Oh siya," buntong-hininga niya, "Halika. Kumain ka na lang. Nakakain ka na ba?"

"Hindi pa po," sabi ko saka luminga-linga sa paligid bago muling ibinalik ang mga mata ko sa kanya, "S-si Khalid po?"

Muling bumuntong-hininga si Nanay Myrna. Sa pagkakataon na iyon, walang buhay na, saka niya ako matamang tiningnan.

"Gusto mo ba talagang malaman o marinig ang sagot mula saakin kung nasaan o kung anong ginagawa ng asawa mo at ng babae niya?"

Ngumiti ako nang mapait sa sinabi ni Nanay Myrna dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin. Sa totoo lang, kahit papaano, habang nasa biyahe ako kanina, umasa nang katiting ang puso kong naghihintay man lang siya sa pagdating ko. Kahit hindi niya ako kausapin, okay lang. Basta naghihintay siya. Pero ako rin lang ang nasaktan sa pag-asa.

"Tara po, Nanay. Samahan niyo na lang po akong kumain." pag-iba ko sa usapan at nauna na akong lumakad sa kanya dahil ayokong makita niya ang emosyon niya sa mga mata ko at pagbabadya ng luha ko.

Pagkatapos kong kumain, tumungo na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko, as usual, gabi-gabi, tuwing papasok ako sa guest room na nagsilbi ko nang kwarto mga ilang buwan na rin, bumubuhos ang luha ko.

Madaling bumuhos ang emosyon ko lalo na't ganito ang bubungad sa kwarto ko. Tahimik. Lalo na't naghahalo na sa isip ko ang pagkawala ng anak ko at pambabae ng asawa ko. Tulad din nang dati, itinutulog ko na lang ang pag-iyak ko.

Nang magising ako kinabukasan, nagdalawang isip pa ako kung babangon o hindi. Ayaw ko kasing makita si Khalid kasama ang babae niya. Pero nang maalala kong may trabaho pa ako at maaga ang meeting para mamaya, napilitan din akong bumangon.

Matapos kong maligo, magbihis at mag-ayos, tamad na tamad akong lumabas ng kwarto at bumaba na. Dumiretso ako sa silid-kainan.

As usual and as I expected, nadatnan ko si Khalid at ang babae niyang magkasamang nag-aalmusal. Mukhang araw-araw ko nang sasanayin ang sarili kong ganito ang madadatnan ko.

Pero hanggang kailan? Habang buhay ko na bang mararanasan 'to? Habang buhay ba akong magtitiis sa ganitong sitwasyon?

Palihim akong napabuntong-hininga at hindi ko na lang itinuon ang mga mata ko sa kanila, kahit ramdam ko pa ang pagsunod ng mga mata ni Khalid saakin.

I greeted Nanay Myrna and sat in front of my husband and his other woman.

Tahimik akong nagsimula sa pagkain. Samantala, ayaw ko mang pakinggan, naririnig ko pa rin ang pagkausap ng babae ni Khalid sa kanya.

"Let's date later, babe."

"No. I have a meeting later. If you want, you can hang out with your friends or go shopping."

My heart sank. He letting his other woman hang out. Samantala ako, hindi niya ako papayagan kung hindi pa kami magtatalo. O 'di naman kaya, papayag siya pero sasama siya sa pupuntahan ko. Lagi akong bantay-sarado sa kanya. I couldn't help but compare our relationship before to his present.

Ganun na ba siya katiwala sa babae niyang hindi makakahanap ng iba? At ako? Kaya ba niya ako hindi pinapayagan noon, dahil wala siyang tiwala saakin?

"Babe naman. Date naman tayo o hindi naman kaya, huwag ka na lang pumasok sa opisina mo. Let's just lock ourselves in your room. You know, I can pleasure you whole day." she whispered her last sentence seductively but I heard it clearly.

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara ko nang maramdaman kong mas lalong kumirot ang puso ko. Narinig ko naman ang kunwaring pagduwal ni Nanay Myrna sa tabi ko dahil mukhang maging siya narinig iyon.

"Ang bastos talaga ng bibig ng babaeng 'to. Walang pinipiling lugar." Nanay Myrna whispered to herself.

Dahil hindi ko na makayanan ang emosyon ko, napatayo ako.

"Nanay, papasok na po ako."

Matapos kong sabihin iyon nang hindi nag-aangat ng tingin, tumakbo na ako palabas ng silid-kainan.

"Raiah, hija! Bumalik ka rito! Hindi ka pa tapos kumain!"

Hindi ko na pinansin ang tawag ni Nanay Myrna hanggang makarating ako sa labas ng bahay.

Nang makasakay ako sa pick up, duon ko lang binuhos ang emosyon ko.

Ano ba 'to? Sa gabi, iiyak. Sa umaga, iiyak. Wala na bang patutunguhan 'to? Iiyak na lang ba ako habang buhay?

Mabuti na lang at hindi na nagtanong si Mang Ben. Pinaandar na niya ang pick up nang hindi nagsasalita kaya hinayaan ko ang sariling umiyak nang tahimik.

"Ma'am, si Sir po nasa likuran."

Napasinghap lang ako sa sinabi ni Mang Ben. Pinalis ko ang luha ko at napalingon sa likuran. At tama nga si Mang Ben, nakita kong nakasunod na naman ang pamilyar na kotse ni Khalid saamin tulad kahapon.

Bumuntong-hininga ako saka umayos ng upo at napangiti nang mapait.

Akala ba niya may lalaki ako kaya niya ako sinusundan na naman? Bakit hindi na lang niya ang babae niya ang bantayan niya? Tutal, pinayagan naman niyang mag-hang out kasama ang mga kaibigan nito.

Sobrang pait. Sobrang pait ng pakiramdam ko. Pero may karapatan naman akong maramdaman iyon, hindi ba? Kasi ako 'yung asawa.

Hinayaan ko na lang siyang sundan ako. At tulad din kahapon, pagkahinto ng pick up sa tapat ng hotel, saka niya pinatakbo nang mabilis ang kotse niya. Hinintay ko muna siyang makalayo saka ako bumaba ng pick up at pumasok na sa hotel.

Alas nuebe nag-umpisa ang meeting na pinangungunahan ni Daddy kasama ang mga investors, pero halos wala ring pumapasok sa isipan ko. Ni hindi ko naiintindihan ang pinagdedebatehan nila dahil ang isip ko ay nasa asawa ko at sa babae niya.

Nang natapos ang meeting, nakipagngitian at batian lang ako sa investors saka ako bumalik sa opisina ko.

Itinuon ko na lang ang atensyon sa pagtatrabaho para mawala ang pag-iisip ko kay Khalid at sa babae niya.

Tama si Nanay Myrna. Mabuti nang ma-stress sa trabaho kaysa ma-stress sa pag-iisip sa dalawa. Dahil wala namang mangyayari sa pag-iisip ko. Patuloy lang si Khalid sa pambababae niya at hindi ko pa rin alam ang gagawin ko para maibalik siya sa dati.

Actually, nasubukan ko na. Makailang beses ko na siyang pinigilan noon. Ilang beses ko na rin siyang sinuyo. Pero anong ginawa niya? Ibinalik at sinumbatan niya lang ako sa kasalanan ko sa kanya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho nang biglang tumunog ang messenger tone ko. Bumuntong-hininga ako saka ko kinuha ang cellphone ko at ni-open ang message na dumating.

It's from Mildred, na sinundan ni Louise. Actually, we have group chat.

Mildred Ortega: Let's meet tonight! I have a big announcement!

Louise Vilton: Ano? Ikakasal na kayo ni Xyron?

Mildred Ortega: Tangina mo talaga, Louis Vuitton. Panira ka! Ako dapat mag-a-announce nun!

Louise Vilton: Stop murdering my name! So, ano? Tama nga ako?

Milred Ortega: Oo na! Oo na! Oh ano? G?

Louise Vilton: G! My announcement din ako.

Yolanda Samaraca: I'm not. May gagawin ako mamaya.

Mildred Ortega: Ang KJ mo naman, bagyo.

Kahit papaano, napangiti ako. Kung meron mang walang nagbago, 'yon ay ang mga kaibigan ko. Mula noon, hanggang ngayon, kung ano sila, 'yon pa rin sila ngayon. Mapang-asar at masiyahin pa rin.

Mildred Ortega: Hoy, @saraiah. Huwag kang seen lang diyan. G ka ba?

Milred Ortega: Kung iniisip mo ang asawa mo. Huwag kang mag-alala. Kami na ang bahalang magpaalam sa kanya para sa'yo.

Louise Vilton: Hanggang ngayon ba, possessive pa rin ang kulugong mukhang bisugo na 'yon?

Napawi lang ang ngiti ko sa chat ng dalawa.

Actually, bukod sa pamilya ko, hindi rin nila alam ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Hindi nila alam ang pambababae ni Khalid. I refused to tell them because I know what will happen if I tell them about it. Alam kong kapag nalaman nila iyon, sila na mismo ang magsasabi sa pamilya ko tungkol duon. Kaya nga si Nanay Myrna lang ang masasabi kong kakampi ngayon. Siya lang ang nagpapalakas loob saakin ngayon.

Bumuntong-hininga ako saka nagtipa ng mensahe.

Ako: Sorry. I can't.

Bukod sa ayaw kong tanungin nila ako kung kumusta na kami ni Khalid at baka madulas pa ako, ayaw ko nang maulit ang dati nang minsang nag-bar ako.

Ipinilig ko ang ulo ko para kalimutan ang bagay na iyon.

Mildred Ortega: Ano ba 'yan? Ang KJ niyo.

Mildred Ortega: Asawa niyo yata ang iniisip niyo, 'e. Sandali, icha-chat ko ang mga asawa niyo.

Nagulat ako sa huling chat ni Mildred. Kaya agad akong nagtipa ng ire-reply bago pa niya mai-chat si Khalid.

Ako: Huwag! Sige na. Sige na. Sasama na ako. Just, please, don't message my husband. Ako na ang magpapaalam sa kanya.

Napapikit ako matapos kong i-send iyon.

Hindi ko naman talaga gustong sumama sa kanila dahil ayaw ko nang maulit ang nangyari noon. Pero hindi ko naman gusto ang ideyang icha-chat ni Mildred ang asawa ko. Baka kasi sa pamamagitan nun, magkakaideya sila sa sitwasyon namin ngayon. Masyado pa namang cold ngayon si Khalid. At baka isang reply lang niya, maghihinala na si Mildred. Malakas pa naman ang pang-amoy ng isang 'yon.

Dahil duon, tuwang-tuwa si Louise at Mildred sa pagpayag ko, pati si Yolan nga rin napapayag din nila. Napagkasunduan ni Louise at Mildred kung saan kami magkikita. Tulad ng inaasahan, sa isang resto bar kami magkikita.

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. The last time I went to the bar something happened.

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko para kalimutan ang nangyaring 'yon na sa totoo lang, hindi ko matandaan.

Pagsapit ng alas kwatro, nagsimula na akong magligpit ng gamit at nag-retouch na rin ng sarili. Matapos iyon, muli akong umupo sa cellphone ko at nagtipa ng mensahe.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtitipa nang may napagtanto ako.

What the use of texting him if he'll not notice my message? Wala na naman yata siyang pakialam kung ma-late ako ng uwi. Tulad kagabi, sa halip na sunduin o hintayin niya ako, mas pinili niyang samahan ang babae niya.

Pero na-realize ko ring iyon naman talaga ang gawain ng butihing asawa. Ang ipaalam ang whereabouts ko. Kaya naman kahit alam ko namang hindi niya papansinin ang message ko, i-s-in-end ko pa rin ang natipa kong mensahe para sa kanya.

Ako:

I'll go out with my friends so I'll be home late.

Tulad ng inaasahan, napabuntong-hininga na lang ako nang wala akong natanggap na reply galing sa kanya. So, it means, okay lang sa kanyang lumabas ako kasama ang mga kaibigan ko. Kaya naman four-thirty nang magpahatid na ako kay Mang Ben sa resto bar na pagkakakitaan namin ng mga kaibigan ko.

Pagkarating ko sa resto bar na pagkakakitaan naming apat, ako pa yata ang nauna sa kanilang tatlo. Mahigit kalahating oras pa yata ang hinintay ko bago sila isa-isang dumating.

Tulad ng dati, every time na magkikita kami, tuwa-tuwa silang nagyayakapan. Ilang buwan din kasi noong huli naming nagkita. The last time I met them was months ago, one month after Aki left us.

Kung dati, genuine ang sayang naipapakita ko sa kanila, ngayon, hindi na. Paano ko naman maipapakita ang saya kung bukod sa naaalala ko pagkawala ni Aki at ang pambabae ni Khalid, ay naalala ko rin kung anong nangyari noong huli kaming nagkita?

Mabuti na nga lang at hindi nila napansin iyon. I think they think that I've moved on from what happened to my son. Pero mas mabuti na sigurong iyon ang isipin nila. Mabuti nang isipin nilang maayos na ang buhay ko dahil ayaw ko na silang mag-alala pa.

Actually, masaya naman talaga akong makita sila. Pero dahil sa nangyayari sa buhay ko, hindi ko maipakita kung gaano ako kasaya.

"Grabe ka, Raiah. Ang ganda-ganda mo pa rin. Parang wala ka pang asawa. Hustisya namang saaking isang taon pa lang na kasal?"

Ngumiti lang ako nang tipid sa sinabi ni Yolan.

Naalala ko parang noong nakaraan lang may nagsabi saakin parang pinagsawaan ako ng asawa. Ngayon? Makapuri 'tong kaibigan ko. Pero thanks to make up. Dahil sa make up, naitago kung gaano ka-stress ngayon sa buhay.

"Alam mo? Puwede mo pang hiwalayan ang kulugo na 'yon. Maghanap ka ng bagong jowa!" si Louise.

Mildred flipped my hair, "Pero anong nangyari sa buhok mo? Ba't mo pinagupitan? Para kang nagmo-move on sa ex mo."

Hindi na ako nagsalita.

Hindi nagtagal, naupo na rin sila at sabay-sabay kaming nag-order ng makakain.

Habang kumakain kami, panay ang kuwentuhan nila. Nakikisabay rin ako minsan para hindi halatang marami akong iniisip.

"Ano ba 'yung sasabihin niyo?" si Yolan.

"Huwag ka ngang atat! Mamaya na sabi sa bar, 'e." nakasimangot na sabi ni Mildred kay Yolan.

Inirapan naman ni Yolan si Mildred, "Huwag ka ring epal. Hindi ikaw ang tinatanong ko. Si Louise 'yon!"

Nailing-iling na lang ako sa sagutan nila. Bumuntong-hininga ako saka ko ni-check ang cellphone ko. Wala pa rin akong nakitang reply sa message ko kanina sa kanya.

What do I expect anyway? Galit siya at wala nang pakialam saakin. Siguro, himala na lang yata kung magpa-pop up ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko.

Matapos naming kumain, tumango na kami sa bar na nasa looban lang naman ng restaurant na kinainan namin.

They ordered drinks. Hinayaan ko lang sila dahil wala naman akong balak uminom. Kailangan kong mag-ingat. Ayoko nang maulit 'yung dati.

"Tumayo kayo, bilis!"

Nang tumayo si Yolan at Mildred sa sinabi ni Louise, sumunod din ako sa kanila. Pinakuha niya kami ng tag-isang wine.

"Ito na nga! I'm getting married na rin!" nakangiting sabi niya sabay pakita ng singsing niya sa daliri.

"Ha? Kailan ka magpapakasal?" si Mildred.

"Next year!"

"Next year? Next year din kami ni Xyron! Eh si sukob tayo niyan?"

Isang batok ang natanggap ni Mildred kay Yolan, "Anong sukob ka riyan? Ang sukob, kapag magkapatid ang ikakasal sa parehong taon. Eh 'di naman kayo magkapatid ni Louise, 'e!"

"Oo nga, 'no?"

Hindi na pinansin ni Yolan si Mildred. Nakangiti nitong hinarap si Louise, "Omg! Congratulations! Can't believe it! Pare-pareho na tayong may asawa. Una si Raiah, sunod ako at kayo ni Mildred sa sunod na taon! Omg!"

Nagtatalon sa tuwa si Yolan at Louise habang magkahawak kamay at mayamaya'y nakisabay rin si Mildred sa kanila.

"Oh my God! Lahat tayo may masuwerte at masayang love life!"

Napangiti ako nang mapait kahit natutuwa akong makita kung gaano kasaya ang mga kaibigan ko sa harapan ko. Pero nalulungkot ako para sa sarili ko.

Masaya rin naman kami noon ni Khalid. Walang problema. Nagsimula lang ang problema namin mula nang mawala si Aki saamin. At hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko sa nangyayari ngayon sa buhay ko. Sarili ko ba o ang tadhana.

Isa lang naman ang hinihiling ko para sa mga kaibigan ko. Na sana huwag silang matulad saakin. Na hindi, sa una lang masaya at sa huli, matutulad lang saakin.

Napakurap lang ako nang mapansin kong nasa akin na ang atensyon ng mga kaibigan ko.

"Hoy, ikaw. Hindi ka ba masaya para saamin? Ba't nakatayo ka lang diyan?" si Louise matapos nila akong titigan lang nang ilang sandali.

I shook my head and smiled a little, "I'm happy."

Umingos si Mildred, "Happy ka riyan. Eh pang-Biyernes Santo 'yang mukha mo. Para kang namatayan."

Napasinghap din si Mildred nang ma-realize ang nasabi nito. Pero huli na ang lahat. Nakatanggap siya ng tag-isang batok mula kay Louise at Yolan.

"Tangina mo talaga, Mildred. 'Yang bibig mo. Sabi nang bawal banggitin 'yang patay patay na 'yan, 'e." sabi ni Louise at lumapit saakin.

I smiled a little, "Okay lang."

But Louise didn't listen. Mukhang hindi siya naniwalang okay lang ako. Inalalayan niya ako ng umupo saka ako buong awang tiningnan. Umupo rin si Yolan sa kabilang side ko.

"Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin nakakalimutan ang anak mo?"

Napangiti ako nang mapait sa sinabi ni Louise, "He's my son, how I can forget him?"

Umiling siya, "No. I mean. Paano ka magiging masaya kung papatuloy mong alalahanin ang nangyari sa kanya?"

"Tama," pag-sang-ayon ni Yolan, "Isipin mo na lang na masaya na ngayon si Aki kung saan man siya ngayon naruruon. Pero isipin mo rin na, sa tingin mo ba, magiging masaya si Aki kapag nakikita niyang malungkot ang mommy niya?"

"Sorry, Raiah," si Mildred na umupo sa harapan ko, "Pero tama naman sila. Nandiyan pa naman ang asawa mo. Bakit, hindi na lang kaya kayo gumawa ng panibagong Aki?"

Bigla na naman siyang binatukan ni Louise, "Ikaw. Kung wala ka namang matinong sasabihin, tumahimik ka na lang diyan!"

Natawa ako kahit may kasamang luha, "Thank you." ang tanging nasabi ko. Kahit na gustong-gusto kong sabihin sa kanilang kaya ko namang maging masaya para kay Aki.

Pero paano ko gagawin iyon para sa sarili ko? Paano ako magiging masaya para sa sarili ko kung nangangaliwa ang asawa ko? Kung ibinahay niya sa bahay namin ang babae niya at magkakaanak pa sila?

Pero hindi ko puwedeng sabihin iyon sa kanila dahil alam kong mas magiging komplikado ang lahat.

Hindi nagtagal, iniba rin nila ang topic. Sabi nila, hindi raw kami narito para magluksa at malungkot, narito kami para magsaya. And I agreed. Ikakasal ang mga kaibigan ko, kaya kahit ngayon lang, gusto ko namang maging masaya para sa kanila.

Kalaunan, nagpaalam muna akong magre-restroom. Pagkatapos kong mag-CR, humarap ako sa salamin sa may sink para maghugas ng kamay. Pagkatapos kong maghugas ng kamay tiningnan ko ang reflection ko sa salamin.

I smiled to myself, "Kaya mo 'yan, Raiah." I convinced to myself.

Matapos iyon, lumabas na rin ako sa restroom. Kaso nga lang, habang naglalakad pabalik sa mga kaibigan ko, dahil chini-check ko ang cellphone ko kung may mensaheng dumating, hindi ko sinasadyang mabangga sa isang bulto ng tao.

"Sorry." I apologized without looking at him.

"No. It's okay."

Napasinghap ako nang makilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon kaya unti-unti akong nag-angat ng tingin sa taong iyon.

Napalunok ako nang bumungad sa paningin ko ang nakangiting si Zaffiro. But his eyes are telling otherwise. Ang mga mata niya ay katulad lang ng kay Khalid, malamig.

"Does your husband know that you're in this kind of place?" tanong niya, nanatili sa mga labi niya ang malamig niyang ngiti.

Matagal pa bago ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ba't ako kinakabahan nang ganito. Lumunok ako para mawala ang nakabarang bukol sa lalamunan ko.

"Y-yeah. I-I informed him."

"Really?"

I gulped and just nodded. He smirked without rumor. And later on, without uttered a word, he turned his back at me.

Nailabas ko lang yata ang hininga kong kanina ko pa pinipigilan nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Bakit ba kasi ako kinakabahan sa kanya? At bakit ba kasi pareho sila ng awra ng asawa ko?

Malalim akong napabuntong-hininga at bumalik na lang sa mga kaibigan ko.

Continue lendo

Você também vai gostar

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...