Simula

2.7K 33 7
                                    

Simula
  
        
          
            
          
         
“Ate, magkano po ito?”

“Singkuwenta, tatlo lang po, Ma’am.”

I smiled at the saleswoman, “Sige po, Ate. Pabili po ng one-fifty.”

Ngumiti rin ang tindera saakin saka nagsimulang maglagay ng mansanas sa sa isang plastic bag.

“Para sa asawa niyo po ba, Ma’am?”

I just smiled and nodded. I hope he’ll like it. Pero panigurado naman akong magugustuhan niya ito. Ito ang paborito niya sa lahat, ‘e.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko kung gaano siya kasaya sa tuwing pinapasalubungan ko siya ng mansanan noong hindi pa kami nakakasal. Kaya noon pa lang, alam ko na kung paano ko siya mapapasaya. Sa tuwing nagtatampo siya, bibigyan ko siya ng mansanan, mawawala na ang galit niya saakin at lalambingin na niya ako.

“Heto na po, Ma’am.”

Napakurap lang ako nang marinig ko ang boses ng tindera. Nakita kong inaabot na niya saakin ang isang plastic bag ng mansanan.

Ngumiti ako saka ko kinuha iyon, sabay abot ng bayad sa kanya, “Salamat po!”

Matapos kong bumili ng mansanan, naglibot pa ako sa palengke para maghanap ng kakailanganin sa bahay.

I bought some vegetables, meat and fruits. Matapos kong bilhin lahat ng kakailanganin, lumabas na rin ako sa palengke.

“Naku, Ma’am Raiah!”

Pagkalabas ko, sinalubong ako ni Beth.

“Sabi ko naman sa inyo, ako na ang gagawa niyan, ‘e! Trabaho ko na po iyan!” sabi niya at akmang kukunin niya saakin ang pinamili ko nang pigilan ko siya.

I smiled, “I can handle, Beth,” I said then my brows furrowed, “Nasaan si Manong Ben?”

“Nasa labasan po. Duon na lang po siya, maghihintay.”

“Ganun ba? Eh ‘di tara na.” sabi ko at lumakad na.

Kaagad namang sumunod saakin si Beth. Hindi na ako nagpumilit pa nang kunin niya saakin ang ilang supot ng pinamili ko. Kahit papaano, pinagpasalamat ko na lang ang pagtulong niya.

Kaagad din naming nakita ang van na sinakyan namin.

“May pupuntahan ka pa po ba, Ma’am Raiah?” tanong ni Mang Ben pagkasakay namin sa van. Nakatingin siya sa rear view mirror.

“Opo, Mang Ben. Dadaan pa po ako sa Convenient Store. Okay lang po ba?”

Mang Ben chuckled, “Bakit naman po hindi?” tanong niya saka niya inapakan ang gas ng van kaya napangiti na lang din ako.

Pagdating namin sa may pinakamalapit na convenient store, hindi na ako umangal pa nang nagpumilit si Beth na tulungan ako sa pamimili ng mga kakailanganin sa bahay.

Hindi ko mapigilang matawa dahil panay ang talak ni Beth habang namimili kami. Ang dami niyang tsismis tungkol sa buntis daw ‘yung minor de edad na anak ng kapitbahay namin.

“Alam niyo po ba kung sino ang nakabuntis? ‘Yung hardinero po nila!”

Nailing-iling na lang ako habang chini-check ang label ng gatas na hawak ko.

“Ewan ko ba sa kabataan ngayon. Talo pa akong bente-quatro na hanggang ngayon, hindi pa nagkakajowa.”

Nakangiti ko siyang binalingan, “Paano ka magkakajowa kung hindi mo sinasagot ‘yung manliligaw mong si Fredo ba iyon?”

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now