Kabanata 1

1.3K 25 2
                                    

Kabanata 1

   
Happy
           
               
             
          
              
Hindi ko alam kung ilang oras o minuto na akong nakatitig sa kesame habang nakahiga sa kama rito sa guestroom. Kahit anong pilit kong pag-iyak, wala na. Wala nang luhang lumalabas sa mga mata ko.

Pero hindi ibig sabihin na, kahit wala na akong maiyak pa, hindi na ako nasasaktan. Hindi ibig sabihin na tanggap ko na ang pagkakaruon ng anak ni Khalid sa iba, sa kalaguyo niya.

Hindi ko akalaing magagawa iyon ni Khalid saakin. Tinanggap ko naman, ‘e. Sabihin niyo nang martyr o kung ano, pero tinanggap ko ang pagkakaruon ng babae niya, kahit masakit pa rin talaga.

Anong magagawa ko? Sinubukan ko na siyang pagsabihan dati, pero binaligtad niya ang sitwasyon. Sinumbat niya lang saakin ang nagawa kong kasalanan sa kanya noon.

Tinanggap ko ang pagkakaruon niya ng kalaguyo dahil akala ko, naghihiganti lang siya sa nagawa ko nuon. Pero hindi ako kapaniwalang darating sa puntong aanakan niya ang kalaguyo niya.

What happened to us, Khalid?

I wanted to ask him that. Hindi naman kami ganito dati, ‘e. Masayang-masaya kami. Mahal na mahal namin ang isa’t isa.

Pero nagbago ang lahat nang iyon dahil sa isang pangyayaring hindi ko naman ginusto. Since then, Khalid became cold. Hanggang sa nauwi iyon sa pambabae.

Hindi ko namalayang nakatulugan ko na pala ang pag-iisip ko. Nagising lang ako nang makarinig ako ng ingay. Kaya kahit kagigising ko lang, bumangon ako at napagdesisyonang lumabas.

Nasa hagdanan palang ako, naririnig ko na ang sigawan mula sa salas.

“Magbigay ka naman nang kahit kaunting respeto sa asawa mo, Khalid!” I heard Nanay Myrna’s voice, “Hindi na nga niya kwinekuwestyon ang pambabae mo, papatirahin mo pa ang kalaguyo mo rito sa bahay niyo!”

Napahinto ako sa dulo ng hagdanan nang makita ko si Nanay Myrna, Beth at iba pang kasambahay sa salas. Kaharap nila si Khalid at Queenie.

Humugot nang malalim na hininga si Khalid, “Queenie is carrying my child, ‘Nay! And what do you want me to do? Pababayaan ko ang anak ko sa kanya?”

“Pero puwede mo namang patirahin iyang babae mo sa condo mo, Khalid!”

“I want Queenie here in my house, ‘Nay. Did you hear that? My house. So, kung sino man ang gusto ko patirahin dito sa bahay, sana respetuhin niyo ang desisyon ko bilang may-ari ng bahay.”

“Paano si Raiah? Anong mararamdaman niya? Hindi mo ba naisip kung anong mararamdaman niya?”

“Wala akong pakialam sa nararamdaman ni Raiah, ‘Nay! Kung gusto niya, siya na ang tumira ruon sa condo ko!”

Hindi na nakapagsalita si Nanay Myrna at hindi kapaniwalang nakatingin na lang sa alaga niya.

“Queenie is staying here. Period.”

Matapos niyang sabihin iyon, hinawakan niya si Queenie sa kamay at lumakad. At dahil nasa dulo pa ako ng hagdanan, alam kong madadaanan nila ako.

Kagaya nag inaasahan, sandali silang napahinto nang makita ako. Pero mayamaya, nagpatuloy ito sa paglalakad at para lang akong hangin na nilagpasan nilang dalawa.

Napahigpit ang hawak ko sa railings ng hagdanan. At ‘yung luhang akala ko wala na, naramdaman kong sunod-sunod na naglandasan sa pisngi ko.

Napapikit ako habang pinipigilan ang paghikbi ko. Naramdaman ko na lang ang paglapit ni Nanay Myrna saakin at ang pagyakap nito saakin.

Unfaithful Wife (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon