Kabanata 25

603 16 0
                                    

Kabanata 25


Late





Dahil sa pag-iisip ko sa taong iyon, hindi ko namalayan ang oras. Buong araw kong inisip kung totoong nakita ko nga ba siya o namalikmata lang ako kanina. Hindi ko pa namalayang alas sais na pala nang gabi kung hindi pa ako tinawagan ni Mang Ben.

"Ma'am, uuwi na po kayo?"

"Opo. Sandali lang po. Hintayin niyo na lang po ako riyan sa baba. Bababa na po ako."

Binaba ko ang cellphone ko saka ko mabilis na inayos ang mga gamit ko. Matapos iyon, bumaba na ako.

Habang nakasakay ako sa elevator, naisip ko ring wala naman sigurong problema kung ma-late o ginabi man ako sa pag-uwi dahil hindi na tulad nang dati na may naghihintay na bata sa pag-uwi ko sa bahay. Higit sa lahat, wala na akong asawang mag-aalala at magsusundo saakin kapag late akong umuwi. I mean, yes, he's still here. Pero wala na siyang pakialam saakin ngayon.

Kaso nga lang, naisip ko si Nanay Myrna. Tiyak na nag-aalala na iyon ngayon. Kaya naman, pagkarating ko sa baba, kaagad akong sumakay sa pick up namin at umuwi na.

Tulad ng inaasahan, pagkapasok ko sa bahay nang makauwi ako, sinalubong ako nang nag-aalalang si Nanay Myrna.

"Diyos kong bata ka. Pinag-alala mo ako. Akala ko kung anong nangyaring masama sa'yo."

Bumuntong-hininga ako, "Nanay, marami lang po akong ginawa sa opisina." siyempre, it's a lie. Pero hindi ko na sasabihin ang totoong dahilan dahil ayoko nang mag-aalala siya saakin.

"Oh siya," buntong-hininga niya, "Halika. Kumain ka na lang. Nakakain ka na ba?"

"Hindi pa po," sabi ko saka luminga-linga sa paligid bago muling ibinalik ang mga mata ko sa kanya, "S-si Khalid po?"

Muling bumuntong-hininga si Nanay Myrna. Sa pagkakataon na iyon, walang buhay na, saka niya ako matamang tiningnan.

"Gusto mo ba talagang malaman o marinig ang sagot mula saakin kung nasaan o kung anong ginagawa ng asawa mo at ng babae niya?"

Ngumiti ako nang mapait sa sinabi ni Nanay Myrna dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin. Sa totoo lang, kahit papaano, habang nasa biyahe ako kanina, umasa nang katiting ang puso kong naghihintay man lang siya sa pagdating ko. Kahit hindi niya ako kausapin, okay lang. Basta naghihintay siya. Pero ako rin lang ang nasaktan sa pag-asa.

"Tara po, Nanay. Samahan niyo na lang po akong kumain." pag-iba ko sa usapan at nauna na akong lumakad sa kanya dahil ayokong makita niya ang emosyon niya sa mga mata ko at pagbabadya ng luha ko.

Pagkatapos kong kumain, tumungo na ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko, as usual, gabi-gabi, tuwing papasok ako sa guest room na nagsilbi ko nang kwarto mga ilang buwan na rin, bumubuhos ang luha ko.

Madaling bumuhos ang emosyon ko lalo na't ganito ang bubungad sa kwarto ko. Tahimik. Lalo na't naghahalo na sa isip ko ang pagkawala ng anak ko at pambabae ng asawa ko. Tulad din nang dati, itinutulog ko na lang ang pag-iyak ko.

Nang magising ako kinabukasan, nagdalawang isip pa ako kung babangon o hindi. Ayaw ko kasing makita si Khalid kasama ang babae niya. Pero nang maalala kong may trabaho pa ako at maaga ang meeting para mamaya, napilitan din akong bumangon.

Matapos kong maligo, magbihis at mag-ayos, tamad na tamad akong lumabas ng kwarto at bumaba na. Dumiretso ako sa silid-kainan.

As usual and as I expected, nadatnan ko si Khalid at ang babae niyang magkasamang nag-aalmusal. Mukhang araw-araw ko nang sasanayin ang sarili kong ganito ang madadatnan ko.

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now