Kabanata 21

418 14 0
                                    

Kabanata 21

     
Married

        
        
        
        
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti ko sa tuwing naalala ko ang pag-propose na ginawa ni Khalid saakin sa harap ng mga schoolmates ko.

Hindi ko talaga ini-expect na gagawin niya iyon. I mean. We were too young. Nag-aaral pa kami. Pero hindi, ‘e. Mahal ko siya at mahal niya rin ako, kaya bakit ko aayawan ang proposal niya?

Akala ko nga, after that, mag-i-stay na siya sa Pilipinas, pero hindi. Nag-stay lang siya nang isang araw sa Pilipinas para makasama ako, tapos kinagabihan nun, tumulak na ulit siya pabalik sa Russia para ituloy at tapusin ang isang taon niyang pag-aaral duon.

Before he left, pinag-usapan muna namin kung kailan kami magpapakasal. We decided to marry after we graduate. And now, this is the day, finally.

After one year, we both finally graduated as well and today is our wedding.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin akalain na mauuwi kami sa ganito ni Khalid. Hindi ko akalain na tutuparin niya ang sinabi niya saakin noon na ako ang babaeng papakasalan niya. At hindi na rin ako makapaghintay. Hindi na ako makapaghintay na matapos ang araw na itong kasal na ako sa kanya. That I’ll be Mrs. Saraiah Aquirra Velasquez-Villarreal before this day ends.

“Ang ganda-ganda mo, anak. Your wedding gown suits you well.”

Napangiti ako sa sinabi ni Mommy. Pareho naming pinagmamasdan ang repleksyon ng sarili ko sa salamin kung saan kitang-kita ko kung gaano kaganda ang wedding gown na suot ko.

Ilang oras na lang at magiging isang ganap na akong Mrs. Villarreal.

My mom hugged me from my side, “Are you happy, anak?” she asked.

“Sobra, Mommy. This is one of my dream. Marrying Khalid is one of my dream.” I said as I stared at my own reflection in the mirror.

“I’m so happy for you, too, anak. At kahit hindi ko naman hilingin, alam kong magiging masaya ka sa piling ni Khalid. Hindi ako, kami ng dad mo, papayag na magpakasal ka sa kanya, kung hindi namin siguradong magiging masaya ka sa kanya,” she said then she sighed, “Nakakalungkot lang isipan na mawawalay ka na saamin. Mawawala na saamin ang panganay namin.”

Nahabag ako nang makita ko ang paglandas ng isang butil luha ni Mommy sa pisngi niya kaya yinakap ko siya pabalik.

“Mommy, hindi po ako mawawala. Magpapakasal lang po ako kay Khalid at bubuo kami ng sarili naming pamilya, pero hindi po ako mawawala. I’m still your eldest.” pag-aalo ko sa kanya.

“But you’re too young to marry, Raiah.”

“I’m twenty-three, Mom,” I narrowed my eyes at her jokingly, “Kayo nga ni Dad. You were just twenty when dad marry you.”

She laughed. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagtawa niya.

Napatigil lang kami ni Mommy nang pumasok ang kapatid kong magandang-maganda sa suot niyang gown. Bumagay sa kanya ang kulay ng gown niya. It’s yellow.

Sunflower kasi ang napili kong motif ng kasal namin ni Khalid. Sunflower, kasi iyon ang unang bulaklak na natanggap ko mula sa kanya. Kaya kulay yellow ang suot ng guests at sponsors namin sa kasal.

Lahat naman ng kagustuhan ko para sa kasal, nasunod. Pinagbigyan kasi ako ni Khalid sa lahat ng gusto ko. Hindi niya kwenestyon. Basta raw, ikakasaya ko, masaya na rin daw siya.

“Huwag ka ngang sumimangot, Sabrina. Kasal nc kapatid mo oh.” suway ni Mommy sa kapatid kong nakabusangot.

Nagpapadyak si Sabrina, “Ey! Ang pangit kasi! Bakit kasi yellow?”

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now