Kabanata 29

573 20 1
                                    

Kabanata 29

      
Mall

          
          
          
          
I couldn’t sleep. Kanina pa ako palipat-lipat ng puwesto rito sa kama, pero kahit anong puwesto ang gawin ko, hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam kung bigla lang akong nanibago rito sa kwarto o sa pag-iisip ko kay Khalid na hanggang ngayon wala pa rin.

Alam ko namang sinabi niyang mali-late siya ng uwi o hindi naman kaya sa condo na siya matutulog, pero paano kung umuwi siyang lasing? Sino mag-aasikaso sa kanya?

At saka, hindi ko pa rin makakalimutan ang pagpapaliwanag niya kanina. Ang pagsagot niya sa katanungang hindi ko isinatinig. Pero dahil sa pagpapaliwanag niya, kumalma at gumaan ang pakiramdam ko. At pakiramdam ko tuloy, bumalik kami sa dati. Naalala ko kasi, ganun din ang gawain niya noon kapag gagabihin siya ng uwi dahil alam niyang mag-aalala ako sa kanya. Magpapaalam siya para hindi ako mag-aalala o mangamba.

Ilang sandali, nagdesisyon akong bumangon dahil hindi talaga ako makatulog kahit anong gawin ko. Napatingin ako sa wall clock. It’s already ten.

Huminga ako nang malalim at itinapak ko ang paa ko sa sahig para lumabas.

Dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Matapos kong magtimpla ng gatas, pumunta ako sa salas at binuksan ko ang tv. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panonood ng tv habang pasulyap-sulyap sa entrance ng bahay.

Mukhang nakatulong ang pag-inom ko ng gatas at nakakaantok na palabas dahil hindi nagtagal, nakaramdam na ako ng antok. Hanggang sa makatulog na ako nang hindi ko man lang namamalayan.

Nagising na lang ako dahil sa maingay na boses ni Sabrina mula sa labas.

“Ate! Kuya!”

Naiinis akong nagmulat ng mata at tumingin sa pinto ng kwarto kung saan sunod-sunod na kinakatok ng kapatid ko ang kwarto habang sumisigaw.

“Sabrina, ano ba! Tigilan mo ‘yan!”

Matapos kong isigaw iyon, nagtakip ako nang unan sa tainga saka pumikit.

Matutulog na sana ako, pero muli ko ring naimulat ang mata ko nang may nagpagtanto ako.

Akala ko kanina nasa past ako. Akala ko ‘yung panahong teenager pa lang kami ni Sabrina. Pero hindi pala. Nasa present ako at nasa kwarto ako namin ni Khalid. But how did I get here? Sa pagkakaalala ko, nakatulog ako sa sofa kagabi habang nanonood ng tv. Ni hindi ko na nga yata napatay ang tv, ‘e.

Ipinilig ko ang ulo ko kapagkuwan at umupo sa kama.

Baka akala ko lang iyon. Baka naman lumipat talaga dito kagabi. Hindi ko lang maalala dahil sa antok ko kagabi.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang bumukas ang pinto ng banyo kaya napabaling ako rito. Muntik na akong mapatili sa gulat nang may lumabas na tao mula rito. Pero mas lalo yata akong nagulat nang mapagtanto kong si Khalid iyon at nakatapis lang ng tuwalya ang ibaba nitong katawan. Kitang-kita ko tuloy ang matipuno niyang katawang walang takip na kahit ano.

Napalunok ako at inangat ko ang tingin sa mukha niya. Muli akong napalunok at napakurap nang makita kong nasa akin nakatingin ang malamig at walang emosyon niyang mga mata habang pinupunasan ng towel ang basang buhok nito.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang mapagtanto kong nahuli niya akong nakatingin sa katawan niya.

Pero anong masama? Asawa ko naman siya, ‘e!

Pero hindi na ikaw ang mahal. At may iba nang nagmamay-ari niyan.

Kumirot ang puso ko sa naisip ko.

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now