Kabanata 27

614 20 0
                                    

Kabanata 27

             
Concerned      

             
             
             
             
             
Pagkagising ko kinabuksan, ramdam ko ang pamumugto ng mata ko dahil sa magdamag kong pag-iyak. Hanggang ngayon, mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa mga sagutan namin kagabi ni Khalid.

“You don’t have to kneel, Raiah. Dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi na tayo babalik sa dati. Nasaktan mo na ako at hinding-hindi na kita mapapatawad pa.”

Napangiti ako nang mapait matapos kong maalala ang huling sinabi niya kagabi. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang muling paglandas ng luha sa pisngi ko.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Dahil sa mga sinabi niya kagabi, nawalan na ako ng pag-asang babalik pa kami sa dati. Wala na ba talaga?

Dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko dala na rin buong magdamag kong pag-iyak, nagdesisyon akong huwag munang lumabas. Tinatamad at wala talaga akong gana. At saka, ayaw kong humarap sa kanilang ganito ang pamumugto ng mata ko. Para akong sinapak nang sampung beses sa pamumugto.

I just sent a message to Lyka, my secretary, na hindi muna ako makakapasok sa opisina. Matapos iyon, muli akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Nagpapasalamat na lang ako dahil mukhang napagod na ang mata ko sa kakaluluha. Dahil kahit gaano kalungkot at kabigat ang nararamdaman ko tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi, wala nang lumalabas na luha sa mata ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko para matulog na lang sana dahil wala na naman akong naisip na gagawin. Kaso nga lang, wala pang ilang sandali kong naipipikit ang mata ko nang makarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko.

Hindi ako nagsalita. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas nito. Pinakiramdaman ko ang yabag ng kung sino mang pumasok. Hanggang sa maramdaman ko ang paglubog ng kamang hinihigaan ko. Sunod ko na lang narinig ang pamilyar na boses ni Nanay Myrna.

“Hija, ayos ka lang? Masama na naman ba ang pakiramdam mo?”

“Hindi po, Nanay. Ayos lang po ako.”

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga, “Pero sa tono ng pananalita mo, hindi ka ayos lang, hija.”

Hindi na ako nagsalita.

“May kinalaman ba ‘to sa sigawan niyo ng asawa mo kagabi?”

Magtatanong sana ako kung paano niya nalamang nagsigawan kami kagabi ni Khalid. Pero napagtanto ko ring sa lakas ng sigawan namin kagabi, posible ngang marinig nila iyon. Kaya hindi na lang ulit ako nagsalita.

“Sinaktan ka ba niya kagabi?”

Napapikit ako nang bigla kong maalala ang paraan ng paghawak niya sa braso ko kagabi at ang muntik na niyang pagsampal saakin dala ng galit.

“Hindi po.”

Hindi naman masakit iyon. Mas masakit saakin ang mga binitawan niyang salita. Kumbaga, parang kagat lang ng langgam ang mga ginawa niya kagabi. Walang-wala lang iyon sa pambababae niya.

Aaminin ko naman may kasalanan naman talaga. Yes, I cheated on him. But I didn’t mean it. Ni hindi ko maalala na ginawa ko iyon o pano nangyari. I don’t even know that man. Pero deserve ko ba ‘to? Deserve ko bang masaktan nang paulit-ulit?

Matagal pa bago nagsalita muli si Nanay Myrna, “Hija, nasabi ko na ba sa’yo kung gaano kita kagusto noon para kay Khalid? Gustong-gusto na kita para sa kanya noon kahit hindi pa kita nakikita ng personal. Kasi kung makapagkuwento si Khalid tungkol sa’yo, parang siyang na-in love sa isang Diyosa. Gabi-gabi, tuwing uuwi siya galing eskuwelahan, ikaw lagi ang bukang-bibig niya. In love na in love sa’yo ang alaga ko. Mas lalo pa kitang nagustuhan nang makilala kita sa personal. Duon ko napagtanto kung bakit ganun na lang ka-in love sa’yo si Khalid. Maganda na, mabait, matalino at magalang pa. Kaya tuwang-tuwa ako nang ikaw ang nakatuluyan niya. Pero, hija. Sa nakikita ko ngayon, hindi na siya ang dating Khalid na kilala natin noon. Alam kong mahal na mahal mo siya, hija. Pero ayaw ko namang sa pagmamahal mo na ‘yan sa kanya, mas lalo kang masira. Hija, ako na ang nagsasabi sa’yo. Kung hindi ka na masaya sa relasyon na ‘to, kung patuloy mo na lang siyang iiyakan palagi, kung pagod ka na, palayain mo na ang sarili mo.”

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now