Kabanata 33

768 18 1
                                    

Kabanata 33

        
Mark

            
            
            
            
“Hindi pa rin siya maayos, hijo. Nagkukulong pa rin siya sa kwarto at umiiyak pa rin tuwing nagigising siya.”

Isang araw, nakita kong may kausap sa cellphone niya.

“Oo, hijo —Anak!”

Gulat na gulat si Mommy nang makita niya akong pababa ng hagdan. Hindi pa siya nakuntento. Nagpaalam siya sa kausap niya sa cellphone at sinalubong ako.

“Bakit bumaba ka? Saan ka pupunta?” tanong niya, may pag-aalala sa boses niya.

I couldn’t blame her. Days and week passed, mula nang dinala nila ako rito sa bahay, wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto.

Walang pagbabago. Lagi ko pa ring iniisip ang pagkawala ni Aki. They even hired a nurse to take care of me dahil nawawalan na talaga ako ng gana sa lahat ng bagay, maging ang mabuhay. Ngayon lang. Sa mga linggong lumipas, ngayon lang ako lumabas ng kwarto.

“Huwag po kayong mag-alala, Mommy. Hindi po ako lalabas,” sabi ko. Napayuko ako nang maramdaman ko ang panunubig ng mata ko, “Sorry po, Mommy. Alam kong nahihirapan na kayo saakin.”

Hinaplos ni Mommy ang braso ko, “Ayos lang, anak. Walang mahirap sa magulang kapag anak ang pinag-uusapan. Pero sana, anak. Maging maayos ka na. Tanggapin mo nang wala na si Aki dahil ayaw naming pati ikaw mawawala saamin. Ayaw naming makita kang nahihirapan.”

Nag-angat ako ng tingin sa sinabi ni Mommy. Pinalis ko ang luha ko saka tumango, “Opo, Mommy. Masakit, pero tanggap ko na po. Wala na si Aki at hindi na po siya babalik.”

Kumirot ang puso ko sa sinabi ko, pero pinigilan ko ang sarili kong humikbi dahil ayaw ko nang makitang nag-aalala ang mga magulang ko saakin. Sa ilang linggong lumipas, nasaksihan ko kung paano sila mag-alala.

“Alam niyo po ba, Mommy. Napanaginipan ko po si Aki,” pagpapatuloy ko at ngumiti, “Tama po kayo. Hindi niya po gustong nakikita akong malungkot. Gusto niya pong maging masaya ako. At gusto niya pong...”

Naputol ang salita ko dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang huling gusto ni Aki.

“Gustong alin?”

Umiling ako, “Wala po, Mommy.”

Sa halip na magtanong pa, ngumiti na lang si Mommy at yinakap ako. Napapikit ako nang maalala ko ulit ang gusto ng anak ko.

Lumipas pa ang mga araw at mas umayos ang pakiramdam ko. Nalulungkot at umiiyak pa rin ako sa tuwing naalala ko si Aki, pero hindi na tulad noon. Kapag ganun, iniisip ko na lang ang panaginip ko noong nakaraan. Na hindi niya nakikitang umiiyak at nalulungkot ako.

“Umaayos na siya, hijo. Lumalabas na siya ng kwarto niya at sumasabay na saamin. Hindi na siya nagkukulong sa kwarto niya. Umiiyak naman siya, pero hindi na tulad noon.”

Isang araw, nakita ko na naman si Mommy na may kausap sa cellphone niya. Araw-araw naman, lagi siyang may kausap. At kahit hindi ko naman siya tanungin kung sino ang kausap niya, may ideya na ako.

Ilang linggo ko na rin pala siyang hindi nakikita. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya kayang harapin. Hindi dahil hanggang ngayon iniisip ko pa ring siya ang may kasalanan sa pagkawala ng anak namin, kundi dahil nahihiya akong harapin siya matapos kong sigawan at sisihin siya.

Huli ko nang na-realize na tama siya. Hindi lang ako ang nawalan, hindi lang ako ang nahirapan. Hindi ko alam kung anong naisip ko at naibuntong ko ang sisi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko siya napagsalitaan nang masama. Pakiramdam ko tuloy ang sama ko. Kaya ngayon, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kahit miss na miss ko na siya. Naduduwag ako.

Unfaithful Wife (HIATUS)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα