Kabanata 19

356 13 1
                                    

Kabanata 19


Keyword






"This is the final boarding call for passengers Lilly, Alexander and Khalid Evan Villarreal booked on flight 372A to Moscow, Russia. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately ten minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Lilly, Alexander and Khalid Evan Villarreal. Thank you."

Napapikit ako nang marinig ko ang announcement na iyon.

"Khalid, tayo na. We have to go." I heard his mom said but Khalid didn't listen.

Mas lalo ko lang naramdaman ang paghigpit ng yakap niya saakin, "Please, let me just stay here with you, Raiah." he whispered, almost beg.

Natauhan ako sa sinabi niya kaya pilit kong humiwalay sa yakap niya. Nang magawa ko iyon, hinarap ko siya.

Sinapo ko ang pisngi niya at tinitigan ko ang mga mata niyang puno nang pagsusumamo at pagmamakaawa.

"Khalid, no. Umalis na kayo. Tumawag ka na lang kapag nakarating na kayo ruon, ha?" I smiled kahit parang sinasakal ang puso ko.

Umiling siya, "No, Raiah, please," sinapo niya ang pisngi ko, "Please, make me stay."

"Khalid, let's go."

Hinila siya palayo saakin ng Daddy niya.

"No, Dad! Please, kahit five minutes lang. I want to stay with Raiah." he begged to his father as he looked at me.

"Pero, anak. Mali-late na tayo." his mom.

"Please, Khalid. Sumama ka na. Let's just call, okay?" I said.

Para siyang nawalan ng pag-asa sa sinabi ko. Bumagsak ang balikat niya. Mayamaya, walang buhay siyang bumuntong-hininga.

"Fine. Let's leave."

Matapos niyang sabihin iyon siya na ang unang tumalikod at unti-unting lumakad, kaagad namang sumunod ang mga magulang niya.

Dahil duon, hindi ko na napigilan ang paglandas ng luha sa pisngi ko habang tinititingnan ko ang unti-unti niyang paglayo saakin.

"Khalid.." I said, almost whispered.

Naramdaman kong may humaplos sa likuran ko. Napabaling ako kay Nanay Myrna na siyang humahaplos sa likod ko kaya mas lalo akong napaiyak.

"Nanay, tama naman po 'yung ginawa ko, 'di ba? Hinayaan ko siyang umalis?"

Ngumiti siya, pero bakas din sa mukha niya ang lungkot, "Bakit hindi mo siya pinigilan kung iiyak ka nang ganyan?"

"Kasi po, alam kong iyon ang tama. Ayaw ko siyang ipagkait sa mga magulang niya. Pero ang sakit, Nanay. Mami-miss ko siya nang sobra. Mahal na mahal ko po siya."

"Mahal na mahal ka rin ni Khalid, hija," sabi niya saka niya ako yinakap, "Mami-miss ko rin ang pasaway na batang iyon."

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak sa balikat ni Nanay Myrna habang iniisip ko kung anong mangyayari saakin dahil sa pag-alis ni Khalid kung ngayon palang nami-miss ko na siya.

Ramdam na ramdam ko ang pamumugto ng mata ko pagkagising ko kinabuksan dahil sa buong gabi kong pag-iyak.

Halos hindi mag-sink in sa utak kong wala na nga talaga si Khalid.

Kaagad kong ni-check ang cellphone ko sa pag-iisip kong tumawag na siya, pero bumagsak ang balikat ko nang wala akong makita. Sa bagay, malamang hindi pa sila nakakarating sa Moscow. Halos sixteen hours ang flight papuntang Moscow mula rito sa Pilipinas kaya mamaya pa ang dating nila ruon. Limang oras pa ang hihintayin ko.

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now