Kabanata 11

435 15 0
                                    

Kabanata 11

      
Dinner

             
             
             
             
Tinapos ko ang pagligo ko. Mabuti na nga lang at nagkasya naman saakin ang damit na pinahiram ni Khalid.

Pero kanino kaya ito? Siguro sa may nagmamay-ari nitong kwarto. Pero sino naman ang nagmamay-ari ng kwarto na ito?

Bumuntong-hininga ako at humarap sa salaming nasa kwarto ring iyon. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa mga labi ko.

Agad pumasok sa isipan ko ang paghalik na ginawa ni Khalid.

“Listen, Raiah. Forget that, that asshole kissed you. Ang halik ko ang tandaan mo. Put on your mind that I am your first kiss. Naintidihan mo?”

I don’t know how did it happen but because of his kiss, tuluyan nang nawala ang pag-iisip ko sa nangyari kanina. Ang halik na niya ang naalala ko. Pakiramdam ko tuloy, may magic ang halik niya.

Hindi ko alam kung ba’t niya ako hinalikan at ayaw ko na ring mag-isip pa. Ang importante, nawala na ang takot ko na nararamdaman kanina dahil sa halik niya.

Bumuntong-hininga ako saka nagdesisyon nang lumabas na ng kwartong kinaruruonan ko. Paglabas ko, naguluhan pa ako kung saan ako pupunta dahil nakalimutan ko kung saang pasilyo kami kanina ni Khalid dumaan.

But I have no choice. Hindi ko kasi alam kung nasaan siya ngayon kaya magbabasakali na lang ako. Tinungo ko na lang ang kanang direksyon.

Mayamaya pa, napangiti ko nang mukhang tama naman ang direksyong tinatahak ko dahil tuluyan ko na ring nakita ang engrandeng hagdanang dinaanan namin ni Khalid kanina.

Hindi ko talaga mapigilang hindi mamangha sa laki ng bahay. Alam ko namang mayaman sina Khalid, pero hindi ko akalaing ganito kayaman. Mayaman din ang mga magulang ko, pero dodoblehin o tetreplihin yata ng yaman nila ang yaman ng mga magulang ko.

Minuto yata bago ako tuluyang nakarating sa baba dahil sa ginagawa kong pagsuri sa bahay.

Nang maalala ko si Khalid, tinigil ko ang pagkamangha sa bahay at luminga sa paligid para hanapin si Khalid.

“Nasaan na kaya ‘yon?”

Bumuntong-hininga ako at tumalikod. Pero nagulat na lang ako nang may nakita akong matandang ginang sa harapan ko na nasa 40’s or 50’s ‘yung edad.

Nang makabawi ako sa gulat, tumikhim ako saka ngumiti nang tipid, “H-hello po. Puwede pong magtanong? S-Si Khalid po?” alanganin kong tanong dahil sa pagkailang sa titig niya.

Hindi naman siya mukhang istrikto. Nakangiti pa nga siya saakin, ‘e, kaya hindi ko alam kung maiilang o matutuwa ako.

Lumapit siya saakin. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa kamay, “Halika, hija. Sumama ka saakin.”

Lalakad na sana siya nang magsalita ako, “Sandali lang po. Si Khalid po?”

Nilingon niya ako nang nakangiti, “Mamaya mo na aalahanin ang pasaway na batang iyon. Baka nasa kwarto niya siya, kaya sumama ka na lang muna saakin.”

Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pa sana, pero itinikom ko rin ulit saka tipid na ngumiti at tumango na lang sa kanya.

“O-okay po...”

Ngumiti siya saka lumakad na habang hawak ang kamay ko.

Hindi naman siguro siya masamang tao, hindi ba? Bukod sa wala sa mukha niya iyon, nasa bahay ako nina Khalid. Mapagkakatiwalaan naman siguro ang mga tao rito.

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now