Kabanata 20

566 12 0
                                    

Kabanata 20


Surprise





"Raiah, sige na, baby."

Umupo ako sa upuan dito sa cafeteria saka ko sinamaan ng tingin ang kanina pa nangungulit na lalaki.

"Shut up, Matt. Tigilan mo ako." sabi ko saka ko tinuon ang atensyon ko sa pagkaing nasa harapan ko.

Sa halip na tigilan ako ng damuho, umupo pa ito sa harapan ko saka nangingiti. Napaikot ako ng mata. Ang kulit talaga.

"Isang date lang, Raiah. Promise, isang date lang."

Muli ko siyang inikutan ng mata, "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong hindi puwede? At ilang beses ko bang sasabihin sa'yong may boyfriend na ako?"

Tinawanan lang niya ang sinabi ko, "Ayan na naman tayo, Raiah, 'e. Lagi mo na lang 'yang sinasabi saakin kapag niyayaya kita ng date. Ilang beses na ba? Ilang taon? Apat na taon? Tangina, Raiah. Apat na taon mo nang sinasabi ang linyang 'yan. Wala na bang iba? Nakakasawa na. At saka sa apat na taon na 'yon, wala naman akong nakikitang lalaki na nakakasama kang sinasabi mong boyfriend."

Sa haba ng sinabi ni Mathew, isa lang ang pumasok sa utak ko. 'Yung 'apat na taon'. Halos ngayon lang nag-sink in sa utak ko na halos apat na taon na pala ang nakakalipas mula nang magkahiwalay kami ni Khalid. Mula nang pumunta siya sa Moscow. Kahit kailan hindi kami nagkita sa apat na taon na iyun. Sabi niya kasi baka kapag umuwi siya, baka hindi na niya maisipang bumalik. Kaya Valentine's, Birthday's, Christmas at New year hindi namin nakakasama ang isa't isa sa mga special na araw na iyon.

Pero kahit na ganun, hindi pa rin tumitigil ang pagko-communicate namin sa isa't isa. Wala pa ring araw na hindi namin nakakausap ang isa't isa. At mula nuon at hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya. Mas lalo ko pa siyang minahal ngayon.

Sinong nagsabing long distance relationship doesn't work? No. For me it works. Dahil duon mas lalo lang nitong pinatatag ang relasyon namin ni Khalid. Dahil duon mas nagkaruon kami ng tiwala sa isa't isa. Pero siyempre, hindi pa rin mawawala ang selos minsan kahit nasa malayo kami.

Hindi ko makakailang miss na miss ko na siya. At gustong-gusto ko na ngang sabihin ang keyword na lagi niyang hinihingi niya saakin. Pero naisip ko na isang taon na lang naman. Isang taon na lang at makikita ko na siya ulit. Mayayakap at mahahalikan ko na rin siya ulit gaya nang gusto namin.

Sa ngayon, maliban sa paghintay ko sa tawag niya sa araw-araw, wala akong inaatupag kundi ang pag-aaral lalo na't last year ko na sa college.

Oo, last year ko na sa college at ganun din si Khalid kaya mas lalo akong na-excite dahil sa sunod na taon makikita na rin namin ulit ang isa't isa.

Balik tayo sa lalaking nasa harapan ko. Siya si Mathew. Siya rin 'yung preskong nangulit saakin nung nag-enroll ako. Ilang taon na niya akong kinukulit at ang malas ko at pareho pa kaming kurso na kinukuha. Nasa iisang block din kami kaya ang malas ko.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako at matutuwa kasi nang dahil sa palagi niyang pagsunod saakin. Para kasi siyang asong laging nakabuntot saakin. So, 'yon nga. Dahil sa lagi niyang pagsunod saakin, wala nang gaanong lumalapit saakin para magpakilala o pumorma.

Hindi tulad nang unang taon ko sa pasukan, lalo na nang unang araw, maraming gustong magpakilala saakin, maraming gustong kumuha ng number ko. Pero since na laging nakasunod saakin si Mathew, bihira na lang ang may lumalapit saakin dahil kapag ganun, binabantaan niya.

Para rin siyang si Khalid dahil binabantaan niya ang mga lumalapit saakin. Pero siyempre, walang-wala siya kumpara kay Khalid. Mukha palang wala na, 'no? Lamang nang halos isang daang paligo ang boyfriend ko sa kanya.

Unfaithful Wife (HIATUS)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن