Kabanata 10

514 13 0
                                    

Kabanata 10


Soft





Mas lalo akong napaiyak nang simulan niyang halik-halikan ang buhok ko, patungo sa tainga, sa pisngi, hanggang makarating siya sa labi ko.

'No! No! No!'

Agad akong nakaramdam ng pandidiri. Sa sobrang pandidiri ko sa halik niya, pinipilit kong iiwas sa kanya ang mukha ko pero muli niyang kinumos ang baba ko para mahalikan ako nang maayos.

Mayamaya, bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya nagawa ko nang makapagsalita.

"No! Please, tama na! Tulong!"

Napapikit ako nang maramdaman ko ang unti-unting pagkalas niya ng butones ng blusa ko.

"No! Please! Tulong -"

Naputol ang pagsigaw ko nang marinig ko ang pagbukas ko ng auditorium. Sunod ko na lang namalayang may biglang humila sa lalaking ginagawan ako nang masama.

"Fuck you!"

Napasinghap ako at agad akong napamulat nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Khalid. Muli akong napasinghap nang makita ko siyang galit na galit na sinusuntok ang lalaki.

"Potangina mo! Papatayin kita!"

Dahan-dahan akong umupo. Nanginginig pa rin ang katawan ko at patuloy pa ring naglalandasan ang luha sa pisngi ko habang pinapanood si Khalid na suntukin ang lalaki.

Bawat suntok niya rito, nagpapakawala rin siya nang malutong na mura. Kitang-kita ko sa ekspresyon ng mukha niya ang galit habang sunod-sunod na sinusuntok ang lalaki. Kung nakita ko na siyang galit noon, hindi ko alam kung may ikakagalit pa pala siya ngayon.

Natauhan lang ako nang makita kong kumuha siya ng upuan.

"Khalid!" sigaw ko bago pa niya matuloy ang binabalak niya.

Naiwan sa ere ang kamay niyang nanginginig sa sobrang galit na may hawak na upuan.

"No, Khalid!" I said again.

Galit ako sa lalaki at wala akong pakialam sa kanya, pero ayaw ko namang makapatay si Khalid nang dahil saakin.

Nang hindi siya gumalaw sa puwesto niya at nanggagalaiti pa ring nakatingin sa lalaking nakabulagta at duguan na ang mukha sa sahig, kahit nanginginig pa rin ako sa takot, pinilit kong tumayo at lumapit sa kanya.

Inihawak ko ang nanginginig at nanghihina kong kamay sa damit niya saka ko siya inilingan habang umiiyak.

"Khalid, please, no.."

Napaitad ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw at buong lakas na itinapon ang upuan sa sahig. Muli lang akong napaiyak nang bigla niya akong yakapin.

Humagulgol ako sa balikat niya.

"K-Khalid, please. A-ayoko na rito. U-umalis na tayo rito."

Kumalas siya ng yakap para harapin ako. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko para punasan ang luha ko.

"Hush. It's okay."

"U-umalis na tayo rito." hikbi ko.

Tumango siya, "Oo. Aalis na tayo rito."

Hinawakan niya ang kamay ko at lalakad na sana siya nang mapansin niya ang blusa kong nakalas na ang ilang butones.

Nanumbalik ang dilim ng mukha niya. Galit din siyang nagmura saka niya hinubad ang jacket niya at isinuot iyon saakin.

Sinipa pa niya ang lalaking mukhang wala nang malay saka niya ako hinila palabas ng auditorium.

Dahil hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari, tulala pa rin ako at parang hangin na nagpahila kay Khalid. Ni hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga nakakasalubong namin.

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now