Kabanata 23

455 16 0
                                    

Kabanata 23


Miss





Ramdam na ramdam ko ang paglandas ng luha sa gilid ng mata ko nang magising ako mula sa isang masamang panaginip na iyon.

No. It was't a dream. It really happened. My son, Aki, left us six months ago.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako kapaniwala na wala na ang anak ko. Ang bata-bata pa niya para mawala, kaya bakit? Bakit kinuha siya kaagad saakin? Saamin?

Pinalis ko ang luha sa mata ko saka bumangon. Kinalimutan ko muna ang nangyari sa anak ko dahil mas malulungkot lang ako kapag patuloy kong aalalahanin ang masaklap na nangyari sa kanya.

Matapos kong mag-ayos ng sarili, lumabas na rin ako ng kwarto. Sa ngayon, maayos na ang pakiramdam ko. Tatlong araw rin akong nagkasakit. At kung isang panaginip man ang nangyaring pag-aasikaso saakin ni Khalid nang gabi, okay lang. Hindi na importante kung panaginip iyon o hindi. Ang mahalaga, naramdaman ko ulit ang pag-aalaga niya kahit napipilitan lang siya.

Nang makababa ako, dumiretso ako sa dining area. Nadatnan ko ruon si Nanay Myrna na naghahanda ng almusal.

"Oh, hija!" lumapit siya saakin at sinapo ang noo ko, "Okay ka na ba? Wala ka na bang sakit?"

Ngumiti ako nang tipid, "Okay na po ako, 'Nay." sabi ko saka umupo sa harap ng hapag.

Umupo naman si Nanay Myrna sa harap ko at tiningnan ako na parang sinusuri ang mukha ko. Kapagkuwan, napabuntong-hininga ito.

"Kung okay ka, ba't ang tamlay pa rin ng ekspresyon ng mukha mo? Ngumingiti ka nga, pero hindi naman umaabot sa mga mata," she said and groaned, "Sino nga naman ang matutuwa kung hindi lang nambababae ang asawa? Binahay pa!"

Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Nanay Myrna. Dahil sa sinabi niya, muli kong naalala ang pambabahay ni Khalid sa babae niya. Kumirot ang puso ko lalo na nang sa mismong kwarto namin mismo kasama niyang natutulog ang babae niya. At malamang, kaya hindi ko pa sila nakita sa baba kanina ay dahil nasa kwarto pa namin sila. Natutulog or worst -

Pinigilan ko ang pag-iisip ko sa bagay na iyon dahil mas lalo lang akong masasaktan at baka mapaiyak na naman ako sa sakit na nararamdaman kapag patuloy kong iisipin ang tungkol sa bagay na iyon.

Kasabay ng pagkawala ni Aki, ay ang pagkawala rin ni Khalid saakin. Hindi nga niya ako iniwan tulad ni Aki, pero para na rin niya akong iniwan dahil sa ginagawa niya.

Napakurap lang ako nang biglang tumayo si Nanay Myrna, "Ang mabuti pa, kumain ka na lang para naman bumalik ang lakas mo. Kalimutan mo muna ang asawa mong hindi ko na maintindihan."

Tinulungan ako ni Nanay Myrna. Siya na ang naglagay ng pagkain sa platong nasa harapan ko habang sinasabi ang hinaing niya kay Khalid. Matapos iyon, muli siyang umupo sa harapan ko.

"Napanaginipan ko po kasi si Aki, 'Nay." sabi ko para matigil na siya sa mga hinaing niya kay Khalid.

Oo. Hindi tama at alam kong mali ang ginagawa ni Khalid, pero ayaw ko namang magalit nang ganito si Nanay Myrna sa kanya lalo na't silang dalawa ang unang naging malapit sa isa't isa. Pero simula ng nambabae si Khalid, nakita ko ang unti-unting paglayo ng loob ni Nanay Myrna sa kanya.

Samantala, natahimik si Nanay Myrna sa sinabi ko. Alam kasi niyang hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa anak ko. Pero sino ba namang makakalimot kapag maagang nawala sa iyo ang kaisa-isa niyong anak?

Nakita kong magsasalita pa sana si Nanay Myrna nang makarinig kami ng boses at hagikhik ng babae na papalapit sa kinaruruonan namin.

Sabay kaming napalingon ni Nanay Myrna sa pinto ng dining room. Parang may tumarak na naman na kutsilyo sa puso ko nang makita ko si Khalid kasama ang babaeng niyang nakaligkis pa ang mga kamay sa braso niya.

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now