Kabanata 18

379 16 1
                                    

WARNING: RATED 18+

Kabanata 18

          
Picnic 

          
          
          
          
“Valedictorian... Velaquez, Saraiah Aquirra F.”

Bumuntong-hininga ako matapos banggitin ni Mrs. Quiambao ang pangalan ko saka ako unti-unting umakyat sa stage para kunin ang award ko. Pagkaakyat stage, pumalakpak ang mga tao, pero isang sigaw ang nangibabaw.

“Wooooooh! Girlfriend ko ‘yan!” Khalid proudly shouted when I received my medal and award.

Nagtawanan ang mga tao sa sigaw niya. Samantala ako, naiiling na lang na nangingiti nang makita kong hindi lang siya basta sumigaw. Tumayo pa siya mismo sa kinauupuan niya.

“Alam naming lahat ‘yon! Huwag mo nang ipangalandakan!” sigaw ng kaibigan niyang si Zaffiro.

Muling nagtawanan ang mga tao dahil duon.

Today is our graduation in senior high school. Masaya akong natupad ko ang pangarap ni Daddy na maging pinakamagaling sa eskuwelahan. I’m class 2012-2013 valedictorian of NCA.

Kaso nga lang, nalulungkot din ako tuwing iniisip kong matapos nito, ilang araw mula ngayon, aalis na si Khalid patungong Russia. Tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis niya at kasalanan ko naman iyon dahil ako ang nagsabi sa kanya.

Pero wala na akong magagawa. Iyon naman ang dapat kung gawin, hindi ba? Ayaw kong maging madamot sa mga magulang niya at ganun din sa kanya. Alam kong nananabik din siyang makasama ang mga magulang niya.

Our graduation ceremony continued.

Pagkatapos na pagkatapos ng ceremony, agad akong nilapitan ni Khalid. Hinawakan niya ang kamay ko.

“Come on. May ipapakilala ako sa’yo.”

Hindi ako nakapagsalita. Napalunok ako, lalo na nang lumakad siya habang hawak ang kamay ko sa taong ipapakilala niya saakin.

Hindi ko mapigilang hindi kabahan, dahil alam ko na kung sino ang ipapakilala niya saakin.

His parents.

Nakita ko na ang mga magulang niya kanina dahil kasama niya itong dumating kanina. And I couldn’t deny the fact that his parents are both looking good.

Ang ganda ng mommy niya. May pagka-resemblance siya kay Kate Winslet. At halata ring mukhang bata pa o baka naman bata lang siyang tingnan? At ‘yung dad niya? Kamukhang-kamukha niya. Pinatandang version lang. But not that old. I think his dad is 40’s. Mukhang kaedad lang din ng dad ko.

Sa sobrang ganda at guwapo ng mga magulang ni Khalid parang gusto kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumakbo na lang.

Narinig ko na lang ang mahinang tawa ni Khalid saka niya ako nilingon.

“Don’t feel nervous, Apple. My mom and dad won’t eat you.”

Napalunok ako. Sa halip na makalma ang nararamdaman ko, mas lalo akong kinabahan, lalo na’t mula rito nakikita ko na ang mga magulang niya, ilang hakbang ang layo saamin.

Mas lalo akong kinabahan nang tuluyan na kaming huminto sa harap ng mga magulang niya. Bahagya akong nagbaba ng tingin dahil sa kabang nararamdaman ko.

“Mom.. Dad,” I heard Khalid say, “This is Raiah, my beautiful girlfriend.”

Mas lalo yata akong kinabahan nang pagkatapos sabihin iyon ni Khalid, wala akong narinig na salita sa kanila. Pero akala lang pala iyon. Nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko.

Unfaithful Wife (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon