Kabanata 12

369 12 0
                                    

Kabanata 12


Suspended





Monday...

Pagkagising ko Lunes nang umaga, hindi ko alam kung bakit ganun na lang kaaliwalas ang pakiramdam ko.

Palagi namang maganda at maaliwalas ang pakiramdam ko ngayong umaga, pero iba ngayon, 'e. Siguro dahil excited ako sa pagpasok matapos nang dalawang araw na walang pasok. Oo, tama 'yon 'yon. Hindi ko na itatangging excited akong makita ulit si Khalid matapos nang dalawang araw na hindi ko siya nakita.

Pagdating ko sa school, agad akong binati ng mga estudyante.

"Hi, Raiah! Ang galing mo ng Friday!"

"Hi, Raiah! Good morning! Ang ganda mo!"

Ngiti at 'thank you' lang ang sinasagot ko sa mga nakakasalubong kong bumabati saakin.

Napawi lang ang ngiti ko nang maalala ko ang nangyari noong Friday. Nandito pa kaya 'yung lalaki? Sana naman hindi. Hindi na naman niya siguro ako pagtatangkaan dahil sa ginawa ni Khalid sa kanya, hindi ba?

"Remember this, Raiah. As long as I am by your side, I will never let anything bad happen to you."

Nanumbalik ang ngiti ko matapos kong maalala ang sinabi ni Khalid noong nakaraan.

Oo, tama. I'll trust Khalid. Hangga't nasa tabi ko siya, walang may mangyayaring masama saakin.

"Raiah!"

Napakurap lang ako nang bigla akong salubungin nina Louise, Yolan at Mildred. Napangiti ako nang yakapin nila ako.

"Tangina mo. Saan ka nagpunta matapos ng pageant noong Friday?" tanong ni Louise nang harapin nila ako.

Muli ko na namang naalala ang ginawa nung lalaki, pero mabilis ko rin 'yung winala sa isipan ko at nginitian ang tatlo.

"Umuwi na ako, 'e." I lied.

Ayaw ko nang sabihin sa kanila ang nangyari noong Friday. Bukod sa ayaw ko nang mag-alala sila, ayoko nang palakihin ang gulo. Kaya napagdesisyonang kong itago na lang 'yung sekreto saamin ni Khalid.

Sinimangutan ako ni Yolan matapos nang sinabi ko, "Hinintay ka kaya namin. Akala ko may nangyari nang masama sa'yo kaya bigla ka na lang nawala. Muntik na kaming magtawag ng pulis, tangina mo. Tapos umuwi ka lang pala? Hindi ka man lang nag-text o tumawag?"

Touch na touch ako sa sinabi ni Yolan, pero wala akong magawa kundi ang humingi ng tawad.

Matapos iyon, tinigilan na nila ako. Ramdam ko ang pagtatampo nila dahil sa ginawa ko, pero hinayaan ko muna. Alam kong ilang minuto lang, mawawala rin ang tampo nila saakin. Ganun sila, 'e.

Pagkaupo ko sa upuan ko, napatingin ako sa katabi kong upuan, upuan ni Khalid. Hindi na ako nagtaka na wala pa siya kasi kagaya nang paulit-ulit kong sinasabi, ilang minuto bago mag-umpisa ang klase, saka siya dumarating.

Ang kaso, nagtaka ako nang pumasok lang ang teacher namin sa unang subject, hindi siya dumating. Hanggang sa natapos lang ang ilan pang subject at sumapit ang lunch, walang Khalid na dumating. Walang Khalid na pumasok.

Kaya naman, siya ang laman ng isip ko hanggang matapos ang klase sa hapon. Pagkauwi ko ng bahay, agad akong dumiretso sa kwarto. Tiningnan ko kung online siya sa Facebook. At nang makita kong hindi siya online, ni-message ko na lang siya sa number niya.

Ako:

Bakit hindi ka pumasok? May nangyari ba?

Ilang minuto akong naghintay sa reply niya, pero walang dumating na reply galing sa kanya. Hanggang matapos lang ang hapunan ko kasama ang pamilya ko, nakaligo na rin at nakapagbihis na ng pagtulog, pero wala pa rin akong natanggap na reply sa kanya.

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now