Kabanata 14

346 11 0
                                    

Kabanata 14

      
Same

          
          
          
          
          
My eighteenth birthday party continued. Matapos ng program sa party ko, nagsimula na silang kumain.

Samantala, isa-isa ko namang nilapitan ang bawat table ng mga bisita para kamustahin sila. Nang nilapitan ko ang table ng mga kaibigan ko, halos sakalin nila ako sa tuwa. Sandali pa nila akong pinaupo sa table nila.

“Ang ganda-ganda mo! Ang bongga ng party mo, lalo na mga pagkain! Ang sarap-sarap!”

Natawa na lang ako sa sinabi ni Louise na sinang-ayunan naman nina Yolan at Mildred.

Unti-unti lang napawi ang ngiti ko nang maramdaman kong may pamilyar na mata ang nakatitig saakin.

Dahil nasa katabing table lang ng mga kaibigan ko ang table nina Khalid at mga kaibigan niya, napabaling ako sa table nila.

Napalunok ako nang kaagad magtapo ang mga mata namin. Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya kanina.

“Meet me outside after your party. I have something to tell you.”

Ano kaya ang sasabihin niya? Kanina pa iyon gumugulo sa isipan ko. Pero wala talaga akong ideya kung anong sasabihin niya.

Dahil hindi ko na makayanan ang titig niyang mukhang wala man lang balak iiwas saakin, ako na ang umiwas ng tingin sa kanya.

Kanina, halos hindi niya ako matingnan, ngayon kung titigan niya ako, parang wala nang katapusan. At kung kanina, gustong-gusto kong tingnan niya ako kahit ilang segundo, ngayon parang ayaw ko nang gawin niya iyon dahil naghuhumirintado na ang puso ko sa ginagawa niyang paninitig. Ewan. Ang labo ko talaga kahit kailan.

Nakipagtawanan na lang ako sa mga kaibigan ko, patuloy na binabale-wala ang titig ng isang tao sa kabilang table. Mayamaya, nagpaalam na rin ako para pumunta ulit sa stage para magpasalamat sa pagpunta nila sa eighteenth birthday party ko.

Nagpatuloy sila sa pagkain. ‘Yung iba, uminom pa. Siyempre, ‘yung matatanda lang naman at ibang kaklase ko. Pero beer lang ang inuming may hintulot na inumin nila dahil kahit nasa tamang edad na ang iba saamin, kailangan pa ring mag-ingat dahil babyahe pa sila. At kargo de konsensiya pa ng pamilya ko kung may nangyaring masama sa kanila.

Nakita ko nga ring umiinom din ang mga kaibigan ni Khalid, even him. Gusto ko siyang suwayin, pero ano namang karapatan kong gawin ko iyon, ‘di ba?

Hanggang sa lumalim na ang gabi. Umuwi na ang mga bisita. Mabuti na nga lang at sa hotel ng mga magulang ko ginanap ang party kaya walang problema sa mga nagpaiwan para uminom at magsaya.

Kapagkuwan, dahil kating-kati na ako sa gown na suot ko, nilapitan ko ang kapatid ko para magpasama sa hotel room naming dalawa para makapagbihis. Dito na kasi kami magpapalipas nang gabi.

Nang makapagbihis ako nang komportableng damit, lumabas na ako ng banyo. Nadatnan ko ang kapatid kong nakadapa sa kama at ngingiti-ngiting habang nakatingin sa cellphone.

“Sinong ka-text mo?”

Napaupo siya sa gulat at mabilis na itinago ang cellphone niya sa likuran niya kaya nanghalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

“Sinong ka-text mo?” ulit ko.

“Wala!”

“Anong wala? Bakit mo tinatago ang cellphone mo sa likuran mo?”

“Fine!” sinimangutan niya ako, “It’s Zion.”

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Classmate ko, okay! And my crush. Babae rin naman ako, Ate. Marupok. At saka, malapit na ako mag-seventeen at eighteen na rin ako next year. Masama bang magkaruon ng crush, ha? Ikaw nga, ‘e. Si Kuya Khalid. Tss.”

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now