Kabanata 16

316 10 0
                                    

Kabanata 16


Sick






That night, he became my boyfriend. Walang pagsidlan ang tuwa at kaligayahang naramdaman ko noong sagutin ko siya nang gabing iyon. Maging siya, hinding-hindi ko makakalimutin ang ekspresyon ng mukha niya matapos niyang marinig ang sagot ko.

Sa sobrang saya, nagsisigaw siya sa gitna. Wala siyang pakialam kung pinapanuod na kami ng kapwa naming estudyante. Hindi ko makakalimutin ang gabing iyon dahil isa 'yon sa mga maligayang araw sa buhay ko. Iyon ang unang beses na nakita ko siya nang ganun kasaya.

Naramdaman kong may dumamping basa at malamig na bagay sa noo ko. Unti-unti akong nagmulat ng mata.

Kahit ang bigat-bigat at ang init ng nararamdaman ko, nagawa ko pa ring ngumiti sa pag-aakalang nananaginip lang at nagha-hallucinate lang ako nang makita kong siya ang gumagawa nun.

Naramdaman ko ang paglandas ng luha sa pisngi ko, "H-hindi mahalaga kung nanaginip lang ako o hindi. Ang mahalaga, nandito ka ngayon sa tabi ko."

Itinigil niya ang pagdami ng bimpo sa noo ko saja siya bumuntong-hininga at nagsalita nang walang emosyon ang boses.

"I'm not here because I want to, I'm here because Nanay Myrna ordered me." nag-iwas siya ng tingin pagkatapos.

Ngumiti ako kahit sobrang hina at bigat talaga ng pakiramdam ko at parang anytime, pipikit ang mata ko.

"Still," I said, "It doesn't matter. Ang mahalaga nandito ka. Inaasikaso mo ako."

Hindi na siya nagsalita. Pero mayamaya, inalalayan niya akong makaupo sa kama. Kahit may sakit ako, hindi ko mapigilang makaramdam ng saya. Ngayon lang niya kasi ako nahawakan nang ganito matapos nang mangyari iyon, ang dahilan kung bakit nagbago siya. And I missed his touch.

Nang maiupo niya ako sa kama, agad siyang naglagay ng maliit na palanggana sa tapat ko dahil mukhang hanggang ngayon, naalala niya pa rin kung paano ako magkasakit. Wala pang ilang segundo, nailabas ko na palanggana ang lahat ng kinain ko nang bigla ko itong isuka. Naramdaman ko ang pagsikop niya sa buhok ko habang sumusuka ako sa palanggana.

Matapos kong sumuka, pinagmumog at pinainom niya ako ng tubig. Kahit hinang-hina pa rin ako, hindi ko pa rin mapigilang ngumiti.

"Hindi ko alam na naaalala mo pa rin sa tuwing nagkakasakit ako. I can still remember whenever I -"

"Shut it," putol niya sasabihin ko. Ang boses niya'y kasing lamig ng yelo, but I still managed to smile, "Kumain ka na lang."

Tumango ako at paunti-unting kinain ang pagkaing inihanda niya sa harapan ko para magkalaman ulit ang tiyan ko.

Tahimik lang siya, hindi na siya nagsalita pa. Wala akong ibang naririnig sa kanya kundi ang malalim niyang buntong-hininga.

Mayamaya, nagulat ako nang bigla niyang agawin saakin ang kutsara at siya na mismo ang nagsubo saakin.

"Eat.."

Nung una, nagulat pa ako. Pero nang makabawi ako, ngumiti rin ako at tumango saka ko tinanggap ang subo niya.

Kung ganun lang na aalagaan niya ako kahit napipilitan pa siya dahil inuutos sa kanya ni Nanay Myrna, parang mas gugustuhin ko na lang na magkasakit na lang habang buhay para kahit papaano, muli kong maramdaman ang pag-aalaga niya kahit napipilitan lang siya.

"Mahal mo ba si Queenie?" tanong ko gamit ang nanghihina kong boses.

Dahil duon, napatigil siya sa pagpapakain saakin. Ngumiti ako kahit naramdaman kong may lumandas na luha sa pisngi ko,

Unfaithful Wife (HIATUS)Where stories live. Discover now