Unfaithful Wife (HIATUS)

By cielodeamore

28.9K 675 78

Their lives are perfect... until a tragedy happened that changes their perfect lives Language: Filipino Statu... More

Work of Fiction
Author's Note
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35

Kabanata 17

350 15 0
By cielodeamore

Kabanata 17

       
Promise

               
               
               
               
Nagtuloy-tuloy ang magandang relasyon namin ni Khalid. Maging ang relasyon niya sa pamilya, mas naging matibay rin. Sa mga kaibigan ko, mabuti na rin. Minsan nga lang, hindi na talaga yata mawawala sa mga ito ang pag-aasaran at pagpipikunan nila. Pero ang mahalaga, tanggap nila at hindi na rin sila tumututol sa relasyon namin ni Khalid.

Normal lang naman kaming mag-boyfriend at girlfriend. Hindi kami perpektong couple. Tulad ng ibang magkasintahan, nag-aaway rin kami at nagkakatampuan. Madalas na pag-awayan namin, selos. At siya lang naman ang madalas magselos saaming dalawa kahit ilang beses at paulit-ulit ko nang sinasabi sa kanyang wala dapat siyang ipagselos dahil siya lang ang gusto at mahal ko.

Pero sa tuwing nag-aaway at nagkakatampuhan kami, hindi namin pinapalipas ang araw at gabi na magkaaway at magkatampuhan kami. Siya rin ang nanunuyo sa bandang huli.

“Apple..” I heard him called but my eyes still focused on my notes, “Moya lyubov'.. baby..”

“Hmm?” I said nang hindi ko na siya matiis. Kanina pa niya ako tinatawag, ‘e.

Naramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko nang ilapit niya ang bibig niya rito, “Let’s kiss.”

Natatawa kong iniwas ang tingin sa notes ko saka ko siya binalingan. Tinampal ko ang pisngi niya.

“Magtigil ka nga. Mag-review ka na lang.”

Para siyang batang ngumuso at sumimangot kaya mas lalo akong natawa. Ang cute cute niya kasi.

“Mamaya na tayo mag-review. Tutal, matalino ka na naman. Let’s just kiss.”

Natawa ako ulit nang unti-unti niyang inilapit ang nakanguso niyang labi sa labi ko. Bago pa niya magawa ang gusto niya, inilagay ko na ang palad ko sa bibig niya at inilayo ko ang mukha niya.

“No review, no kiss.” I said that made him frowned more.

“Ang damot mo. Halik lang, ‘e.”

Hindi ko na pinansin ang pagmamaktol niya. Natatawa ko na lang siyang inikutan ng mata saka ko ibinalik ang mga mata ko sa notes na nire-review ko habang magkatabi kaming nakaupo rito sa ilalim ng puno rito sa may burol.

Mula nang maging kami, ito na ang palaging tambayan naming dalawa. Dito kami nagre-review at nagla-lunch.

These days, pagre-review ang pinagkakaabalahan naming dalawa. Tigil muna kami sa pagdi-date namin kung saan. Malapit na kasi ang final exam namin at sa sunod na buwan, graduation na namin sa senior high. Kaya puspusan ang pagre-review namin.

Graduation na namin sa sunod na buwan pero hindi pa rin ako sigurado kung saan ako mag-aaral pagkatungtong ko ng college. Hindi ko rin alam kay Khalid. Hindi pa naman namin pinag-usapan ang tungkol duon. Ang iniisip ko ngayon ang paparating naming exam.

“Where do you want to eat?” tanong ni Khalid nang makasakay kami sa kotse niya. Katatapos lang ng klase namin.

Madalas, bago niya ako ihahatid pauwi sa bahay, kumakain muna kami sa labas.

“Sa bahay na lang muna. Kailangan ko pang mag-review, ‘e.”

Sinimangutan niya ako, “Kanina ka pa review nang review. Nawawalan ka na ng time saakin.”

Natawa ako sa sinabi niya, “Anong nawawalan ng time? Araw-araw, halos minu-minuto tayong magkasama. Kulang na lang nga bantayan mo ako sa labas ng restroom kapag nagre-restroom ako, ‘e,” sabi ko sa kanya, “Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko? Mamaya, magkapalitan na tayo ng mukha dahil hindi tayo naghihiwalay.”

“Bakit naman ako magsasawa sa’yo?” hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya sa labi niya para halikan, “I’ll never get tired of you. I’ll forever be proud being your boyfriend... or soon, being your husband.”

Natatawa kong binawi ang kamay ko sa kanya, “Husband kaagad? Ang bata pa natin para isipin ang bagay na iyon.”

“Bakit? Don’t you see yourself marrying me in the near future? Kasi ako, mula nang inamin ko sa’yo ang nararamdaman ko, nakita ko nang ikaw ang magiging asawa ko. At kung hindi papayagan ng tadhana, ipipilit ko.”

Natatawa kong tinampal ang pisngi niya saka ko siya pinatakan ng halik na tulad nang dati, ikinatulala na naman niya.

“I’ll look forward for it, but for now, let’s do our best to pass our final exam. Let’s graduate together first. Kaya iuwi muna ako sa bahay para makapag-review na ako at ikaw rin.”

Ilang segundo pa siyang natulala sa halik na ginawa ko sa kanya bago siya kumurap at sinunod ang sinabi ko. He stepped on the gas of his car.

Nailing na lang akong nangingiti.

Pero ang totoo, hindi ko akalaing iniisip na niya ang tungkol sa bagay na iyon. Ako? Asawa niya? At siya? Asawa ko? Gusto kong tumambling sa kilig na nararamdaman.

Kung ako ang tatanungin. Kung mag-aasawa rin ako sa edad na gusto ko, siya rin ang gusto kong mapangasawa. ‘Yon ay kung hindi magbabago ang nararamdaman niya saakin. Dahil ako? Sigurado na ako. Hindi lang temporary ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong panghabang buhay na ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong siya na ang mamahalin ko panghabang buhay. At sana ganun din siya.

Kinalimutan ko muna ang pag-iisip ko sa near future namin kinagabihan. Nag-focus na lang ako sa pagre-review. Pero paminsan-minsan, chini-check ko ang cellphone ko kung may dumating na mensahe galing sa kanya. Pero ganun na lang ang pagtataka ko nang walang mensahe galing sa kanya which is weird for me.

Ganitong oras naman nagme-message na siya saakin o tumatawag kahit alam niyang nagre-review ako. Pero mula nang maihatid niya ako rito sa bahay kanina, wala akong natanggap na text o tawag mula sa kanya.

So, I couldn’t stand it. Ako na mismo ang nag-text sa kanya.

Ako:

Busy?

Ilang minuto akong naghintay ng reply niya, pero wala. Kaya inisip ko na lang na busy nga siya at nagre-review rin tulad ko kaya hindi ko na lang siya kinulit pa.

Pero kahit anong pag-iisip kong busy lang din siya sa pagre-review, hindi talaga ako mapakali sa hindi niya pag-reply, pag-message at pagtawag. Nasanay na kasi akong nag-uusap kami ngayong oras.

Sumapit lang ang oras ng pagtulog ko, wala akong natanggap na tawag o text sa kanya. Hanggang sumapit ang kinabukasan, wala akong nakitang text. Ni-‘good morning’, wala.

Dahil duon, mabilis ang naging pagkilos ko. Dali-dali akong naligo, nagbihis at nag-ayos. Maging pag-almusal ko, kumuha lang ako ng tinapay saka ko kinagatan at tumakbo palabas ng bahay.

Nang makalabas ako sa gate, sakto ring huminto ang pamilyar na kotse ni Khalid sa tapat ko. Kaya naman sumimangot ako at handa na sana siyang bulyawan sa hindi niya pagparamdam kagabi saakin.

Nagsalita na ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse niya.

“Bakit hindi ka —”

Naputol lang ang salita ko nang makitang hindi si Khalid ang lumabas duon, kundi isang hindi pamilyar na lalaking nasa 20’s o 30’s ang edad. Nakasuot siya ng katulad ng uniporme ng driver namin, pero iba ang kulay.

Napakurap ako nang bigla siyang yumukod saakin, “Ikaw po ba si Miss Raiah?”

“O-Oo. Ako nga po.”

“Kung ganun po. Tara na po,” binuksan niya ang pinto sa passenger’s seat saka niya iyon iminuwestra saakin, “Sumakay na po kayo.”

Muli akong napakurap. At nang makabawi ako sa gulat at pagtataka, nagawa ko na ring makapagtanong.

“Si Khalid po?” I asked him.

“Si Sir Khalid po?” he asked. I just nodded, “Nasa mansion po nila.”

“Ha? H-hindi po ba siya papasok?”

Sandali siyang nag-isip, “Sa tingin ko po, hindi po, ‘e. Binilin ka niya lang po saakin na sundiin kita at ihatid daw po kita sa eskuwelahang pinapasukan niyo.”

“B-bakit po? May sakit po ba siya?” bigla akong nag-alala.

“Mukhang wala naman po, ‘e. Noong kinausap niya ako kanina, mukhang maayos naman ang pakiramdam niya,” sagot niya saka niya muling imuwestra ang passenger’s seat, “Sakay na po kayo.”

Tumango na lang ako at sumakay na sa kotse, kahit iniisip ko pa rin kung bakit ganun?

Habang nasa biyahe, inalala ko kung anong napag-usapan namin kahapon. Maayos naman kami, hindi ba? Ang natatandaan ko ngang huling napag-usapan namin ay tungkol sa future.

Hanggang sa huminto ang kotse sa tapat ng school, si Khalid pa rin ang nasa isipan ko.

“Raiah!” tawag saakin ni Mildred nang mapansin ang pagpasok ko sa classroom. Kaya napatingin din saakin si Louise at Yolan.

“Oy himala! Hindi mo kasama ang jowa mo ngayon!” si Yolan.

“Ano? Nagsawa na ba? Nag-break na ba kayo? Ang saya-saya kung ganun! Celebrate na ba namin?”

Pinigilan kong sumimangot sa sinabi ni Louise. Pero alam ko namang nagbibiro lang siya kaya hindi ko na sinagot. Nanatili akong tahimik at dumiretso sa upuan ko.

Nang makaupo ako sa upuan ko, kaagad nila akong pinalibuta ng tatlo kong kaibigan sa upuan ko.

“Pero hindi nga, Raiah. Nasaan ang boyfriend mo?” si Louise ulit.

“Oo nga,” pag-sang-ayon ni Mildred, “Eh ‘di ba, mula nang ligawan ka niya at maging kayo, halos hindi na iyon humihiwalay sa’yo.” dagdag niyang sinang-ayunan naman ng dalawa.

Walang buhay akong napabuntong-hininga, “Ewan ko,” wala ring buhay ang boses ko, “Kagabi, hindi siya o tumawag o nag-text man lang. Ni hindi siya nag-reply sa text ko. Tapos kanina, ‘yung driver lang nila ang sumundo saakin at naghatid dito sa school.”

“Hala!” singhap ni Yolan, “Baka naman nagsawa na siya sa’yo?”

“O baka naman, may ibang babae na?” si Louise.

“Hala! Baka nga!” pag-sang-ayon ni Mildred.

Hindi ko talaga alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinasabi ng tatlo. Gusto ko ngang mag-isip ng tama, pero gumagawa lang sila ng paraan para ma-paranoid ako.

Kalaunan, muli akong napabuntong-hininga nang walang buhay at napatitig sa kawalan.

“Hindi, ‘e. Pakiramdam ko, may problema siya.”

Problemang hindi ko alam at kung bakit hindi niya sinasabi. Kung ano man iyon, aalamin ko mamaya. Hindi ko hahayaang matapos ang araw na itong hindi ko nalalaman ang problema niya.

Pinilit kong mag-concentrate sa pag-aaral, kahit walang minutong hindi pumapasok sa isipan ko si Khalid. Iniisip ko kung anong posibilidad na problema niya.

“O baka naman, may ibang babae na?”

Naipilig ko ang ulo ko matapos kong maalala ang sinabi ni Louise.

Imposible ‘yon. Alam kong hindi ‘yon ang dahilan dahil kakasabi niya lang kahapon na hindi siya magsasawa saakin. Tandang-tanda ko pa nga ang sinabi niya kahapon.

“I’ll never get tired of you. I’ll forever be proud being your boyfriend... or soon, being your husband.”

Kaya napaka-imposible talagang ‘yon ang magiging dahilan.

Kaya naman, pagsapit ng lunch, agad ko siyang tinawagan. Pero nakailang beses ko nang subok, hindi niya sinasagot ang tawag ko. Mas lalong hindi ako mapakali. Kaya naman, naisipan kong tawagan ang isang taong malapit sa kanya.

“Raiah, hija!”

Napangiti ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Nanay Myrna.

Nitong nakaraang buwan, mas nagiging mas close pa kami. Bukod sa pamilya ko, isa rin siya sa natuwa nang malaman niyang mag-boyfriend at girlfriend na kami ni Khalid.

Pero nang naalala ko ang pakay ko, bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita.

“‘Nay, si Khalid po?”

I heard her groaned, “Ewan ko nga sa batang iyon. Kanina pa hindi lumalabas sa kwarto niya,” she said then paused, “May nangyari ba, hija? Nag-away ba kayo?”

Umiling ako kahit hindi niya nakikita, “Hindi po,” I said then I sighed, “‘Yon na nga po pinagtataka ko, ‘e. Hindi po niya sinasagot ang text at tawag ko. Hindi ko po alam kung anong problema niya. Nag-aalala na po ako. P-puwede ko po ba siyang makausap?”

“Oo, hija. Sandali lang at pupuntahan ko siya sa kwarto niya.”

“Okay po..”

Pagkatapos nun, narinig ko ang mga yabag niya. Mga dalawang minuto rin bago ko muling narinig ang boses ni Nanay Myrna sa kabilang linya.

“Khalid, hijo. Lumabas ka riyan.”

Ilang sandali, narinig ko ang pagbukas ng pinto.

“Mabuti naman at pinagbuksan mo na ako, hijo. Oh ito. Si Raiah, nasa kabilang linya. Gusto ka raw niya makausap. Hindi mo raw sinasagot ang text at tawag niya. Kausapin mo nga. Huwag mong pag-alalahanin ang nobya mong bata ka. Kung may problema ka, pag-usapan niyong dalawa dahil hindi ganyan ang pumapasok sa isang relasyon, hijo. Kung may problema ang isa sa inyo, pag-usapan niyo at sabay niyong ayusin. Huwag niyong sarilinin.”

Narinig ko ang muling pagsara ng pinto.

“Hello?”

Walang sumagot kaya akala ko, naputol na ang tawag kaya tiningnan ko ang screen ng cellphone ko. Pero nakita ko namang hindi kaya muli kong itinapat ang cellphone ko sa tainga ko.

“Hello? Nanay Myrna?”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, “Hey..”

Hindi ko alam kung anong gusto kong maramdaman nang ang pamilyar na boses ni Khalid ang narinig ko sa kabilang linya. Napangiti ako. Pakiramdam ko, ilang araw o linggo kong hindi narinig ang boses niya kahit kahapon lang kami huling nagkausap.

“Khalid!”

I heard him sigh again but I continued.

“Bakit hindi mo sinasagot ang tawag at text ko? At bakit hindi ka pumasok ngayong araw? May sakit ka ba? May problema ka ba? May problema ba tayo?” sunod-sunod kong tanong sa kanya.

I heard him sigh again, “Wala.”

“Eh bakit hindi ka sumasagot sa tawag at text ko? At bakit parang ang lamig mo ngayon?”

“I’m sorry. Pero wala talaga,” sabi niya. Mas naging maayos na ang tuno ng boses niya ngayon kaysa sa kaninang parang yelo at walang gana, “Bukas na lang tayo mag-usap, okay?”

“Pero —”

“Raiah, don't be paranoid, okay? Kung iniisip mo kung bakit hindi ko sinasagot ang text at tawag mo ay dahil may babae ako, wala, Raiah. Naalala mo ang sinabi ko sa’yo kahapon? Hindi ako magsasawa sa’yo, Raiah. And that's a promise. Kaya bukas, sasabihin ko sa’yo kung anong nagpapagulo sa isipan ko, okay?”

“K-kung ganun, may problema nga?”

He sighed, “Yes. But I’ll fix it. Dahil hindi ako papayag na magkahiwalay tayo, Raiah.”

Napatango ako kahit hindi niya nakikita, “Okay. I’ll trust you.”

Na-curious ako kung anong sasabihin niya saakin bukas. Gustong-gusto ko na siyang tanungin habang magkausap kami ngayon, pero alam kong hindi niya sasabihin, kaya magtitiis ako hanggang bukas.

Pero kahit papaano, napatanag na ang loob ko na nakausap ko na siya. Nag-usap pa kami nang ilang minuto hangga’t matapos ang lunch break namin. Kaya wala akong ibang magawa kundi ang maghintay kinabukasan.

Kaya naman, pagsapit ng kinabukasan at pagkagising ko, muli akong nagmadali lalo na't bumungad saakin ang message ni Khalid.

Khalid:

I can’t pick you up. Hihintayin na lang kita sa school, sa may burol.

Kaya tulad kahapon, nagmadali akong maligo, magbihis at mag-ayos. Matapos iyon, bumaba na ako.

“Raiah, mag-almusal ka muna! Yesterday, you did not eat your breakfast too!” narinig kong tawag ni Mommy nang mapansin ang pagmamadali ko palabas ng bahay.

“No, Mom. Sa school na lang. I’m in hurry.” tugon ko nang hindi siya nililingon hanggang sa makalabas ako ng bahay.

Agad ko ring inutusan ang driver namin na ihatid ako sa school.

Pagkahinto na pagkahinto ng pick up namin sa tapat ng eskuwelahan, agad akong bumaba at patakbong pumasok sa loob, diretso sa burol.

Habol ko ang hiningang nakarating duon. Pero binale-wala ang pagod na nararamdaman ko nang kaagad kong makita si Khalid na nakatayo sa favorite spot naming dalawa.

“Khalid!” malakas ang boses kong tawag ko sa kanya.

Agad naman siyang napalingon saakin, kaya napangiti ako. Nakangiti kong ikinaway ang kamay ko sa kanya. He smiled and waved his hand too. At nang hindi na ako makapaghintay, tumakbo ako papalapit sa kanya.

Nang makalapit ako sa kanya, hindi ko napigilang mapayakap sa kanya nang mahigpit.

“I missed you.”

I heard him chuckle, “Hindi nga halatang na-miss mo ako.”

Gusto ko ring matawa sa sarili ko. Hindi ko alam na mami-miss ko siya nang ganito kahit isang araw lang naman kaming hindi nagkita. Paano pa kaya kung weeks, months or years? Oh my God! Hindi ko yata kakayaning mawalay sa kanya nang matagal.

“But I miss you too,” he whispered, “Damn, isang araw lang kitang hindi nakita pero miss na miss na kita. Paano pa kaya kung linggo, buwan at taon na?”

Napangiti ako, dahil parehong-pareho kami ng iniisip.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya, “Kaya hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo, dahil hindi ko alam kung kakayain ko ‘yon.”

Ilang minuto kaming ganun. Walang ibang ginawa kundi ang yakapin ang isa’t isa habang pinagtatalunan kung sino ang mas naka-miss saamin. Sa huli, pareho lang naming tinawanan iyon saka kami naupo sa bermuda, sa ilalim at lilim ng puno.

Kaso, ilang minuto napansin ko ang pananahimik niya, kaya napatingin ako sa mukha niya. Napansin kong parang malayo ang tingin niya.

Hanggang sa maalala kong may sasabihin nga pala siya, kaya naman, tumikhim ako saka nagsalita.

“‘Di ba may sasabibin ka? Ano ‘yon?”

Ilang sandali pa bago siya nakasagot, “My mom called yesterday.” he said without looking at me.

“And?”

“They want me to go in Russia.”

Hindi agad ako nakapagsalita sa gulat. Pero nang may naisip ako, tumikhim ako saka nagsalita.

“Uhm, vacation? After our graduation ba?” I asked and smiled, “How many weeks will you stay there?”

He groaned. At sa pagkakataon na iyon, bumaling na siya saakin.

“No, Raiah. That’s not it. Hindi nila ako papupuntahin duon para magbakasyon lang. They want me to go there because they want me to study college there.”

Sa pagkakataon na iyon, hindi na talaga ako nakapagsalita sa gulat.

Parang kanina lang iniisip kong paano kung weeks, months or years akong mawawalay sa kanya? Tapos ngayon, ganito?

I heard him continue, “Kung dati, I would love to go with them wherever they go. I want to live in Russia with them because I am eager for their love. Pero, Raiah. Mula nang makilala kita at magkagusto ako sa’yo, nagbago ang kagustuhan ko. Gusto ko na lang manatili rito para makita at makasama ka palagi.”

Hindi pa rin ako nagsalita. Para ngang tumatagos lang sa kabilang tainga ang sinasabi niya.

Ilang taon ba ang pag-aaral sa college? Four years? Five years? Depende sa courses na kukunin, hindi ba? But four years is already long enough.

Bumalik lang ang diwa ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Khalid sa kamay ko. Napakurap ako. Lalo na nang makita kong malamlam ang mga mata niyang nakatingin saakin.

“‘Di ba, Raiah? Hindi mo rin gustong mawalay saakin nang ganun katagal, hindi ba?”

Tumango siya, kaya ngumiti siya, “But,” I paused and sighed, “They are your parents. D-dapat sinusunod mo sila.” nagbaba ako ng tingin pagkatapos.

“What do you mean by that, Raiah? Do you want me to obey them?” he asked. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong umiigting ang panga niya, “Nasanay na akong palagi silang wala sa tabi ko, Raiah.”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, “‘Yon na nga, ‘e. You used to live without them by your side. Kaya masasanay ka ring wala ako sa tabi mo.”

“Are you breaking up with me?”

Umiling ako at bahagyang natawa kahit ngayon palang nalulungkot na ako sa iisiping matagal kaming magkakalayo.

“Of course not,” hinawakan ko ang pisngi niya, “Tulad mo, ayaw ko rin namang malayo sa’yo nang matagal. Pero ayaw ko namang maging madamot sa mga magulang mo. I know they just want to be with you. And you too, whether you admit it or not, hanggang ngayon nananabik ka pa rin sa kanila. Hindi mo poproblemahin ang tungkol duon kung buo na ang desisyon mong manatili rito, kasama ko.”

Matagal siyang hindi nakasagot. Pero mayamaya, hinawakan niya rin ang pisngi ko.

“Raiah, come with me. Sumama ka saakin sa Russia. Duon tayo magtatapos nang sabay.”

Ako naman ang matagal nakasagot sa sinabi niya, pero mayamaya umiling ako, “Sorry, I can’t. Alam kong kahit gaano ka kagusto ni Daddy para saakin, hindi niya pa rin ako hahayaang sumama sa’yo. Gusto niyang dito lang ako sa Pilipinas mag-aral, ‘e.”

Nawalan ng lakas ang kamay niyang nasa pisngi ko hanggang sa tuluyan na niya itong naibaba. Para siyang nawalan ng pag-asa.

Hinawakan ko ulit ang pisngi niya para maiharap ang mukha niya sa mukha ko, “Do you believe in destiny, right? Naniniwala ka rin bang kung para tayo sa isa’t isa, tayo talaga? At naalala mo ‘yung sinabi mo noong nakaraang araw na, nakikinita mo nang ako ang magiging asawa mo sa hinaharap? At kung hindi papayagan ng tadhana, ipipilit mo?”

I smiled and continued.

“Panghahawakan ko iyon. Hindi ko kakalimutan iyon. At tatandaan mo rin ang sasabihin ko sa’yo ngayon. Whatever happens, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Hihintayin kita kahit anong mangyari. And let’s make a promise to each other. Kung halimabawang may ma-fall out man saatin, gumawa tayo ng paraan para mabumbalik ang pagmamahal ng isa saatin. Huwag tayong susuko hangga’t hindi natin nagagawa iyon. Okay ba ‘yon?”

Matagal pa bago siya nakapagsalita. Mukhang pinoproseso pa niya ang sinabi ko. Pero mayamaya, dahan-dahan siyang tumango kaya napangiti ako kahit papaano.

“But it won’t happen. I won’t fall out of love with you.”

I smiled more by what he said, “Me, too, Khalid. I know to myself, na ikaw na ang lalaking una at huli kong mamahalin.”

Hinila niya ako papalapit sa kanya at yinakap, “I love you so much, Raiah.”

Napapikit at napangiti ako sa bulong niya, “I love you too, Khalid.”

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...