Unfaithful Wife (HIATUS)

By cielodeamore

28.6K 675 78

Their lives are perfect... until a tragedy happened that changes their perfect lives Language: Filipino Statu... More

Work of Fiction
Author's Note
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35

Kabanata 9

399 13 0
By cielodeamore

Kabanata 9

      
Auditorium

        
        
        
         
“Close your eyes, Miss..”

I closed my eyes like my personal make-up artist said. Naramdaman ko na lang ang paglagay niya ng eyes shadow sa mata ko.

Ikinuyom ko ang nanlalamig kong palad na nakapatong sa kandungan ko. Ramdam na ramdam ko rin ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Today is the day. Ngayon ang araw kung kailan gaganapin ang pageant para sa Miss NU.

Hindi ko alam na ganito pala ‘yung pakiramdam. Nakakababa pala talaga kapag nasa sitwasyon ka nang ganito.

Hindi naman ako kinakabahan sa mga practice, ‘e. Maliban na lang ang kaba ko kapag nanonood si Khalid. Oo, laging present si Khalid sa panonood, tuwing may practice kami.

Hindi ko alam kung ba’t nag-aaksaya siya ng oras sa panonood at pagbabantay saakin, sa halip gumala kung saan o sumama sa mga kaibigan niya. Kung hindi ko lang alam na may nagugustuhan siyang babae, iisipin kong may gusto rin siya saakin, ‘e. Kaso hindi.

Pero normal lang ba talaga iyon sa dalawang magkaibigan? Normal ba ang ginagawa ni Khalid bilang kaibigan ko? Pero naisip ko ring normal naman talaga siguro, dahil kahit sina Louise, Yolan at Mildred, lagi ring present sa tuwing may practice ako. Kaya yeah. It’s normal.

Kaso, kahit hindi ko binibigyang malisya ang pagbantay saakin ni Khalid, binibigyan naman iyon ng malisya ng iba. Kahit anong pagde-deny ko at sinasabi kong magkaibigan lang talaga kami, hindi sila naniniwala.

“May tawag diyan, alam mo ba? Magkaibigang nag-iibigan.”

‘Yon ‘yung sabi ni Fabiana, Grade eleven representative, nang muli kong ni-deny ang tungkol duon. Kaya sa huli, hinayaan ko na lang sila mag-isip nang kung ano tungkol saamin ni Khalid.

“You can open your eyes now, Miss.”

Bumalik lang ang diwa ko nang muli kong marinig ang boses ng make-up artist ko. Kaya naman, unti-unti kong minulat ang mata ko.

Agad bumungad ang repleksyon ko sa salamin. Hindi ko alam kung magaling lang talaga ang make-up artist ko pero halos hindi ko makilala ang sarili ko.

“Ang ganda niyo po, Miss.”

I automatically smiled when I heard my make-up artist said.

“Nasaan si Raiah?”

Narinig ko ang pamilyar na boses ni Louise. Kaagad akong napalingon sa pinto ng dressing room rito sa backstage at nakita ko siyang pumasok kasama sina Mildred at Yolan.

Luminga-linga pa sila sa paligid para yata hanapin ako hanggang sa mapatingin sila sa direksyon ko. I smiled at them but they didn’t. They look stunned.

Pero mayamaya, biglang tumili si Louise at patakbong lumapit saakin.

“Oh my God!”

Yinakap niya ako kaya nakangiti ko rin siyang niyakap pabalik. Nang muli niya akong harapin, bakas sa mukha niya ang pagkamangha.

“My God, Raiah! Ang ganda-ganda mo! Maganda ka na noon at hindi ko akalaing may igaganda ka pa!”

Nailing-iling na lang akong natatawa dahil sa papuri niya, “Thanks to my make-up artist. He made a magic.” sabi ko sabay baling sa make-up artist ko.

“Naku, Miss. Hindi po. Matagal ka na pong maganda.” he said.

Mayamaya, lumapit na rin si Mildred at Yolan na bakas din sa mukha ang pagkamangha. Napadaing na lang ako nang biglang hampasin ni Mildred ang braso ko at halos sabunutan niya ako kung hindi lang niya siguro nakita na nakaayos na ang buhok ko.

“Tangina mo talaga, Raiah. Hustisya naman. Ang ganda mo potangina mo.”

Sa halip na mainis sa pagmumura niya saakin, natawa na lang ako.

“Dapat hindi na siya ni-make up-an. Tingnan niyo nga. Nagmukha siyang Barbie.” kunwaring naiinis na sabi naman ni Yolan kaya natawa ako.

Matapos nila akong puriin pero pabirong nilalait din, nag-groupie pa kami. Nakailang shots din kami.

“Excited ka na ba?” tanong ni Yolan kapagkuwan.

Parang awtomatikong nanumbalik ang nararamdaman ko kanina dahil sa tinanong niya.

Bumuntong-hininga ako, “A-ang totoo niyan, kinakabahan ako, ‘e.”

Mahigit isang oras na lang kasi bago magsimula ang pageant.

Bigla na naman akong hinampas ni Mildred sa braso. Kanina pa niya iyon ginagawa. Pakiramdam ko tuloy namumula na ang braso ko sa ginagawa niya, ‘e.

“Huwag ka nga! Dapat ma-excite ka. Ang ganda-ganda mo kaya. At bakit ka kakabahan, ‘e, alam naman nating lahat na masasagot mo nang maayos ang answer portion.”

“Oo nga!” pag-sang-ayon ni Louise, “At ano ba ‘yang suot mo?”

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang laylayan ng t-shirt na suot ko at itinali ito kung saan kita ang pusod ko. Hindi pa siya nakuntento. Bigla niyang kinalas ang butones ng jeans ko.

“Louise!” nanlaki ang mata ko, “Anong ginagawa mo?”

Kakalasin ko sana ang tali ng t-shirt ko nang tapikin niya ang kamay ko.

“Ano ka ba. Huwag ka nga. Ganyan talaga ‘yan. Tingnan mo sila.”

Tinuro niya ang ibang candidates na kasama namin. Ang iba, mini-make up-an pa ng make-up artist nila. ‘Yung iba naman, nag-uusap-usap pa. At nakita ko ngang nakatali ang mga t-shirt nila na gaya saakin.

“At saka, ang sexy mo kaya. Kalimutan mo muna ang pagiging conservative mo sa araw na ito. Pageant ‘to oy. Huwag kang hihiya-hiya.”

Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan ko na lang ang gusto nila.

Hindi nagtagal, umalis na rin sila sa backstage. Naiwan kaming mga kandidata at make-up artist. Kaya naman, mas lumalala ang kabang nararamdaman ko lalo na’t ilang minuto na lang magsisimula na ang pageant.

Inilabas ko na lang ang cellphone ko para tingnan kung may message. Napanguso ako nang makitang wala namang message na dumating mula sa kanya. Ang huling message niya ay noong nakaraang araw pa.

Hindi ko rin alam kung manonood siya. Ni hindi ko alam kung anong gusto ko. Kung gusto kong manood siya o kung hindi. Pakiramdam ko kasi mas lalo akong kakabahan kapag nakita ko siyang pinapanood ako. Pero madidismaya naman ako kapag hindi siya manood.

Ewan ko. Ang gulo. Nakakalito. Basta ang gulo ng isip ko ngayon sa sobrang kaba kaya huwag niyo nang intindihin.

Limang minuto bago magsimula ang pageant, pinaghanda na kami. Naka-puwesto na kami sa dapat naming kakalagyan para sa gagawin naming production number.

Mas lalo akong kinabahan lalo na’t hindi ko alam ang naghihintay at nag-aabang sa itim na telang nasa harapan namin.

Mayamaya pa, kasabay ng pagtugtog ng intro ng kantang ‘Magandang Dilag' ay ang unti-unting pagtaas ng itim na nasa harapan namin.

Nang tuluyan na kaming nagpakita sa mga tao, lumakas ang hiyawan ng mga tao. Nagulat pa ako dahil halos mapuno ng mga tao ang bleachers.

“Tangina! Ang ganda mo, Raiah!”

“Raiah, akin ka na lang!”

“Shit! Ang init, Raiah!”

Kung anu-ano pa ang sigawang naririnig ko kalakip ng pangalan ko. Kaya hindi ko alam kung paano ko nagagawang makapagsayaw kahit sobrang kaba na ng nararamdaman ko.

Oh my God! Ganito pala talaga ‘yung feeling kapag nasa actual na competition ka na. Pero okay lang ‘yan, Raiah. Kaya mo ‘yan.

Mayamaya, unti-unti na rin kaming nagpakilala gamit ang microphone na nasa unahan namin. Habang hindi ko pa time, tudo-tudo ang pagdarasal ko na sana hindi ako magkamali.

“Fabiana Laurent, seventeen years of age, representative of Grade eleven, GAS!”

Malalim akong bumuntong-hininga saka ako lumakad papunta sa gitna para magpakilala.

Pero hindi kaagad ako nakapagsalita dahil sinalubong ako nang malakas na hiyawan mula sa manonood.

“Saraiah! Saraiah! Saraiah!”

Nakagat ko ang ibabang labi ko sa sigawan nila. Hindi pa sila titigil kong hindi sila sinuway ng host.

“Mamaya na kayo sumigaw. Hayaan niyo munang makapagsalita si Miss Saraiah,” he said and looked at me, “Sige na.”

Tumango ako saka ako humawak sa microphone at tumingin sa audience. Kahit kabadong-kabado ako, ibinigay ko pa rin ang maganda kong ngiti.

“Saraiah Aquirra Velasquez! Seventeen years of age! Representative of Grade eleven, ABM! Thank you.”

Matapos kong isigaw iyon, muling naghiyawan ang audience kaya pagtalikod ko, napapikit ako at bumalik sa puwesto ko kanina.

Nang matapos ang production number namin at nang makabalik kami sa backstage, hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko iyon kung alam kong may susunod pang portion.

Next portion is casual wear, then sports wear, long gown and Q and A, the last portion.

Habang nire-retouch ako ng make-up artist ko, pumasok na naman sa isip ko si Khalid. Sa sobrang dami ng tao kanina, hindi ko siya napansin. Nanood kaya siya?

Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang kunin ang atensyon ko ng organizer ng pageant para sa casual wear. Kaya agad akong pumwesto dahil ako na ang susunod kay Fabiana.

Pagkapasok na pagkapasok ni Fabiana sa backstage, ako naman ang lumabas. Tulad kanina, sinalubong ako nang malakas na hiyawan ng audience habang nira-ramp ko ang casual dress ko.

Hindi natatapos ang malakas na hiyawan nila hanggang sa sports wear, long gown at sumapit ang Q and A. They’re still chanting my name.

Kasalukuyang sinasagot ni Fabiana ang tanong sa kanya ng isang judges na teacher lang naman namin, kaya ramdam na ramdam ko na ang panlalamig ng kamay ko sa sobrang kaba ko dahil ako na ang susunod!

“Thank you, candidate number six, Miss Fabiana,” the host said, “And now, step forward, candidate number seven, Miss Saraiah.”

I stepped forward like he said. Tulad kanina, sinalubong na naman ako nang malakas na hiyawan ng audience. Tulad din kanina, tumitigil lang sila kapag sinusuway sila ng host.

“Have a good day, Miss Saraiah.” bati ng host saakin.

I smiled and nodded, “Hello po.”

He smiled back and looked at the card he was holding.

“Your question will come from Mrs. Evangeles. Good luck.”

Mas lalo yata akong kinabahan. Sa dinami-rami ba naman ng magtatanong saakin, ‘yung terror teacher pa namin? God!

“Good day, Raiah..”

I smiled, “Have a good day rin po, Ma’am. At sa iba rin po. Have a good day.”

Nakagat ko ang ibabang labi ko matapos ng sinabi ko.

Our terror teacher chuckled, “You look nervous, Miss Velasquez. Huwag kang mag-alala. Sa klase lang naman ako istrikto, hindi rito. Sisimplehan ko lang naman ang tanong ko.”

She chuckled again and eyed the card she’s holding.

“Here’s my question for you, Miss Velasquez,” tumikhim siya at tumingin saakin, “What makes you different from the other girls competing today?”

Malalim akong napabuntong-hininga saka ko itinapat ang microphone ko sa bibig ko. Magsasalita na sana ako nang may mahagip ang mata ko.

Oh my God! He’s here! He’s watching!

Nakahalo siya sa audiences kaya siguro hindi ko siya nahanap kaagad. At tulad lang habang pinapanood niya ako noong nagpa-practice palang kami, ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ngumingiti, at hindi rin nakasimangot.

Hindi ko alam pero akala ko, kapag nakita ko siyang nanonood, kakabahan ako. Pero ngayong nakita ko siya, awtomatiko yatang nawala ang kabang naramdaman ko kanina.

I smiled at him but he didn’t smile back, pero binale-wala ko na lang iyon. Sa halip, iniwas ko ang tingin sa kanya para sagutin ang tanong ni Mrs. Evangeles.

“Uhm, thank you so much for that question, Ma’am,” ngumiti ako sumagot.

Matapos kong sagutan ang tanong ni Mrs. Evangeles, nakakabinging hiyawan ang pinakawalan ng audiences. Ngumiti lang ako saka ako tumalikod at bumalik sa puwesto ko.

Nang makabalik ako sa puwesto ko, muli akong tumingin sa direksyon kung saan ko nakita si Khalid. Pero ganun na lang ang pagtataka ko nang hindi ko na siya ruon nakita.

Napaisip tuloy ako kung nakita ko nga talaga siya o namamalikmata lang ako kanina. Pero hindi, ‘e. Siguradong nakita ko siya kanina.

“Our Miss NCA 2011 is candidate number seven! Miss Saraiah Aquirra Velasquez of Grade eleven!”

“Raiah!”

Napakurap ako nang yugyugin ni Mika ang kamay ko.

“H-ha?”

“Ikaw ‘yung nanalo!” nakangiti niyang sabi.

Halos hindi mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Pero ano raw? Nanalo?

Napabaling ako sa audiences na naghihiyawan at sinisigaw ang pangalan ko. Nawala lang ang atensyon ko sa kanila nang lumapit saakin ang dating Miss NCA. Nakangiti niyang hinubad mula sa ulo niya ang kumikinang na corona.

Napalunok ako nang ilagay niya sa ulo ko iyon.

“Congratulations, Raiah,” sabi niya at beneso ako, “Ang ganda at ang galing mo. Deserve mong manalo.”

Matapos niyang sabihin iyon, tumabi siya saakin para magpa-picture. I smiled at the camera kahit hindi pa rin mag-sink in saakin ang nangyayari.

Ganun na ba kalalim ang pag-iisip ko at ni hindi ko man lang namalayang ni-announce na ang winner? At ako ‘yung nanalo! Oh my God! Ako ‘yung nanalo! Ngayon lang yata nag-sink in sa utak ko.

Nakangiti kong tinanggap ang pagbati nila saakin. Sunod-sunod ang sumugod saakin sa ibabaw ng stage para batiin ako at magpa-picture. Mapababae o lalaki. Kaya naman, hindi ko alam kung ilang minuto akong natagalan sa stage dahil sa pagpapa-picture nila.

Huling lumapit saakin si Louise, Yolan at Mildred na halata ang saya dahil sa pagkapanalo ko.

“Oh my gosh, Raiah! Ikaw na talaga! Ayan, sa’yo na ang korona!” si Yolan.

“Ang galing mo. Pero ang galing din namin. Halos mamaos kami sa kakasigaw para sa’yo!” si Mildred

“Oo nga! Isang thank you naman diyan.” Louise said.

I chuckled, “Thank you.” sabi ko saka luminga sa paligid.

Hinanap ko siya sa mga naiwang mga estudyante rito, pero ni anino niya hindi ko makita.

Namamalikmata lang ba talaga ako kanina?

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napasimangot nang maisip na baka namamalikmata lang nga talaga ako.

“Oh. Bakit bigla kang sumimangot diyan?”

Napakurap lang ako nang marinig ko ang boses ni Louise.

Pilit ko silang nginitian, “Wala.” I said instead.

Mayamaya, nagpaalam muna ako sa kanila na magbibihis. Pagkabihis ko nang desenteng damit, bumalik ako kung saan nakalagay ang gamit ko.

Sandali akong humarap sa salamin para tingnan ang repleksyon ko rito. Hindi ko na binura ang make-up ko. Hinayaan ko na lang.

Matapos iyon bumuntong-hininga ako at binalingan ang mga gamit ko. Kukunin ko na sana ang bag ko nang may nakita akong  mansanas na nakapatong sa table na pinagpapatungan ng gamit ko.

Bahagyang napakunot ang noo ko nang may nakita akong nakaipit na note sa apple. Kinuha ko iyon at binasa.

‘Magkita tayo sa auditorium.’

Walang nakalagay sa note kung sino ang nagmamay-ari ng sulat. Pero napangiti ako nang isang tao kaagad ang naisip ko kung kanino nanggaling ito.

Kaya naman, umaayos muna ako bago ako tumungo sa auditorium.

Ilang hakbang bago ako makarating sa auditorium, may nakasalubong akong babaeng estudyante.

“Oy, Raiah!” she said and smiled, “Congratulation nga pala! Ang galing mo kanina ah. Ay oo nga pala. Pa-picture!”

Nakangiti naman akong tumango kaya nakangiti rin siyang lumapit saakin at nag-selfie kaming dalawa.

“Salamat. Ang ganda mo talaga.” sabi niya habang tinitingnan ang kuha niya sa cellphone niya.

I smiled, “Thank you..”

Nakangiti siyang muling bumaling saakin, pero mayamaya kumunot ang noo niya at nagtataka akong tiningnan.

“Ano namang ginagawa mo rito?”

I just smiled and shrugged.

Mayamaya, tuluyan na siyang nagpaalam. Kaya naman, bumuntong-hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad habang iniisip kung bakit gustong makipagkita ni Khalid saakin sa auditorium.

Hindi ko rin alam kung bakit ganito na lang ako kasabik na makita siya. Kaya, pagdating ko sa tapat ng auditorium, nakangiti kong binuksan ang pinto nito.

Nakita kong nakapatay ang ilaw kaya binuksan ko ito at agad hinanap si Khalid.

“Khalid?”

Napakunot ang noo ko nang hindi ko naman siya nadatnan.

“Khalid?” muli kong tawag.

Nasaan na kaya iyon? Akala ko magkikita kami? O baka naman, wala pa siya? Ganun na ba ako ka-excite na makita siya?

Nagkibit balikat ako at tatawagin ko na sana ulit ang pangalan niya, nang may biglang tumayo mula sa pagkakaupo sa upuan. And instead Khalid, ibang lalaki ang nakita ko.

Napalunok ako nang humarap siya saakin at bahagyang ngumiti. I don’t know him.

“H-hi,” naiiling bati ko sa kanya, “Have you seen Khalid?”

He tsked and crossed his arms, “So, you were expecting Khalid Villarreal here. Aww. It hurts.”

Napalunok ako at unti-unti na rin akong kinabahan dahil sa paraan ng pagtitig niya saakin. Lalo na nang unti-unti siyang humakbang papalapit saakin kaya unti-unti akong umatras.

“W-what do you mean?” hindi ko rin naitago ang kabang nararamdaman ko sa panginginig ng boses ko.

He smirked, nakakakilabot na ngisi, kaya mas lalo akong kinabahan.

“S-sige ah? A-akala ko kasi nandito si Khalid.”

Matapos kong sabihin iyon, tinalikuran ko siya at tumakbo para sana lumabas na. Pero bago ko pa, mabuksan ang pinto, nahawakan na niya ako.

“Bitawan mo a —”

Naputol ang sigaw ko nang bigla niyang takpan ang bibig ko kaya mas lalo akong natakot at kinabahan, lalo na nang ngumisi na naman siya.

“Huwag ka munang umalis. Maglaro muna tayo.” sabi niya gamit ang nakakakilabot na boses.

Ngayong mas malapit ang mukha niya sa mukha ko, ngayon ko lang napansin na namumula ang mata niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang isampay ang katawan ko sa balikat niya.

“No! No! No!”

Sigaw ako nang sigaw at sobra na ang takot na nararamdaman ko sa maari niyang gawin saakin. Nagsimula na rin akong umiyak. Sinuntok-suntok ko rin ang likod niya pero mukhang wala man lang iyong epekto.

Hanggang sa ibaba niya ako sa stage. Mas lalo akong napahagulgol at natakot nang kinabubuwan niya ako habang nakangisi pa rin nang mala-demonyo.

Hinawakan niya ang kamay ko at piniid sa magkabilang gilid ko para hindi ako makapagpumiglas.

“Let me go! Please!”

Sa halip na pansinin ang sinabi ko, para siyang demonyong inamoy-amoyan ang buhok at leeg ko.

“Ahh potangina. Ang bango. Nakakalibog.”

Kinilabutan ako sa sinabi niya lalo na’t paulit-ulit ang ginagawa niyang pag-amoy saakin habang bumibitiw nang malalaswang salita.

Para siyang adik. No. Hindi lang parang. Mukhang nakadroga ngang talaga siya base na rin sa ikinikilos niya.

“Bitawan mo ako! Pakawalan mo ako! Please!”

Bigla niyang kinumos ang baba ko kaya napatigil ako sa pagsigaw saka niya ako tiningnan, “Tumahimik ka. Kung hindi papatayin kita.”

Ngumisi siya nang mala-demonyo nang tumahimik ako at walang nagawa kundi ang umiyak at nanginginig sa takot.

“Ganyan nga. Sumunod ka lang sa sasabihin ko. Sandali lang naman ‘to, ‘e. Titikman lang kita,” hinaplos niya ang buhok ko papunta sa leeg ko, “Alam mo bang matagal na kitang pinagnanasaan. Ang ganda-ganda mo kasi, tapos ang bango-bango pa. Nakakalibog ka. Kapag nakikita kita, tinitigasan talaga ako.”

Sobra-sobra na ang takot ko. Sa sobrang takot ko, nanginginig na ang katawan ko. Gusto kong sumigaw pero natatakot ako sa banta niyang papatayin niya ako kaya wala akong magawa kundi ang umiyak at humihiling na sana ay may dumating.

Lord, please. Tulungan Niyo po ako. Huwag Niyo pong hahayaang matuloy ang binabalak ng lalaking ito saakin. Pakiusap.

A/N: Baka magtaka kayo kung anong sagot ni Raiah sa tanong. Huwag niyo kong tanungin, hindi ko rin alam, ‘e. Charr. Ewan. Wala akong maisip, ‘e. Kaya ganito na lang. Kung kayo si Raiah, anong isasagot niyo sa tanong? Iyan ‘yung ilalagay ko. Pipili ako! Advance thank you sa magco-cooperate!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...