Unfaithful Wife (HIATUS)

Por cielodeamore

28.9K 675 78

Their lives are perfect... until a tragedy happened that changes their perfect lives Language: Filipino Statu... Más

Work of Fiction
Author's Note
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35

Kabanata 8

400 16 0
Por cielodeamore

Kabanata 8


Watch





"Huwag mong galingan at huwag kang masyadong maging maganda sa araw na iyon."

Bumuntong-hininga ako nang muli kong maalala ang sinabi ni Khalid ilang araw na ang nakakaraan.

Huwag galingan? Huwag masyadong maganda? Puwede ba iyon? Bakit pa niya ako pinayagang sumali sa pageant kung hindi ko gagawin ang dapat gawin sa isang pageant? Ang maging magaling at maging maganda.

"Raiah,"

Napakurap lang ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ng driver ko kaya napabaling ako sa kanya.

"Nandito na tayo."

Napatingin ako sa labas ng bintana dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang napansing nakahinto na pala ang pick-up na sinasakyan ko sa tapat ng eskuwelahan namin.

Bumuntong-hininga ako at binalingan ang driver ko. Tipid ko siyang nginitian, "Salamat po, Manong."

Matapos kong sabihin iyon, binuksan ko ang pinto saka lumabas na at pumasok sa campus.

"Hi, Raiah.." someone greeted me.

"Hello." bati ko pabalik kahit nagtataka ako.

It's Saturday. At nagtataka akong bukod sa bumati saakin, marami pa akong nakikitang estudyante sa loob ng school.

"Galingan mo, Raiah." sabi ng nakasalubong ko. I just smiled and nodded at him.

"Raiah!"

Awtomatikong may sumilay na ngiti sa labi ko nang makita ko si Louise, Yolan. Sinalubong nila ako.

"Excited na ako! Galingan mo, ah?" si Louise.

"Ano ka ba, Louise. Practice palang naman. Kung makapag-cheer ka parang lalaban na talaga si Raiah ah," si Yolan saka nakangiting bumaling saakin, "Pero tama si Louise. Galingan mo, ha?"

Natatawa na lang akong naiiling nang batukan siya ni Louise. Pero napatigil din ako at bahagyang napakunot ang noo ko.

"Nasaan si Mildred? At saka, anong meron? Bakit ang daming estudyante rito ngayon?" tanong ko.

"Siyempre! Kumalat sa campus na lalaban ka. Alam mo namang famous ka, 'di ba? At manunuod din sila tulad namin." si Yolan.

Nailing na lang ako. Hindi ko talaga alam kung ikakatuwa ko iyon o ano.

"At saka may practice din mamaya ang varsity team ng basketball. At si Mildred ba kamo? Ayon. Inaayos 'yung banner mo."

Varsity team? Ibig sabihin, nandito rin mamaya si Khalid? Paano. Kasali siya sa varsity team ng eskuwelahan namin.

Bigla yata akong kinabahan. Paano kung manonood siya sa rehearsal namin? Ito kasi ang unang beses na magre-rehearse kami para sa pageant. Kung kanina, normal lang ang pakiramdam ko at hindi kinakabahan. Ngayong malamang may practice din ang varsity team, bigla yata akong kinabahan.

Hindi nagtagal, pagdating ni Mildred, sabay kaming tumungong covered court kung saan kami magre-rehearse.

"Tabi, tabi. Dadaan ang magaganda."

Nailing-iling na lang ako sa sinabi ni Mildred sa isang grupo na nakaharang sa entrance ng covered court.

"Oy, Raiah! Galingan mo!" sabi ng isa sa kanila na sinundan naman ng ilan pa.

Tinanguan at nginitian ko lang sila bago kami dumaan. Dumiretso ako sa stage. Hindi na ako sinamahan ng mga kaibigan ko dahil mga kalahok lang naman sa pageant at trainee ang puwede sa stage.

Nang makaakyat ako sa stage, nandun na rin ang ibang kalahok. Ang gaganda rin nila. Mabuti na nga lang at mukha naman silang friendly lahat. Tatlo kaming Grade eleven na kalahok tapos the rest, mula lower grade na.

Dahil hindi pa dumadating ang ibang kandita at ang magti-traine saamin, wala akong nagawa kundi ang makipagkuwentuhan sa ibang kandidata.

Mas nauna pa nga yatang dumating ang mga players ng varsity team. Hindi ko rin ikakailang kanina pa ako pasulyap-sulyap sa baba para hanapin siya.

Kinakabahan ako sa iisiping manonood siya, pero a part of me is gusto rin siyang makita.

Hindi nagtagal ay tuluyan ko na ngang nakita ang pagpasok niya sa entrance ng covered court. His wearing white t-shirt and jersey short. At may malaki rin siyang bag na dala na naglalaman yata ng mga gamit niya.

Lumapit siya sa mga ka-team mate niya. Nakipagyakap at fist bump siya sa mga ito bago niya ibinaba ang bag niya sa bench.

Napalunok ako nang makita kong papatingin siya rito sa stage. At bago pa niyang makitang nakatingin ako sa kanya, inilapat ko na ang tingin ko sa kandidatang nasa harapan ko at nakisali sa usapan.

Ilang segundo lang ang nakakalipas, muli kong ibinalik ang tingin ko sa direksyon niya. Saktong nakita kong hinuhubad niya ang white t-shirt niya kaya napalunok ako lalo na nang tuluyan na niya itong mahubad.

"Oh my gosh! Ang init!" someone shouted.

"Khalid! Akin ka na lang!"

Napanguso ako nang makita ko ang pagngisi niya matapos niyang marinig ang sigaw na iyon.

Fan girls.

Hindi naman talaga iyon mawawalan. Kahit basagulero si Khalid ayon sa mga kaibigan ko, marami ring nagkakagusto sa kanya. Hindi naman iyon nakakagulat dahil sabi ko nga, guwapo si Khalid, dahil siguro sa dugong Canadian niya. Yes. May lahi siyang Canadian. Half-Canadian 'yung dad niya, ang alam ko.

Naputol lang ang malalim kong pag-iisip at napakurap ako nang bigla siyang bumaling sa direksyon ko. Ngayon ko lang din napansin na suot na niya ang jersey top niya. Kaagad nagtagpo ang mga mata namin.

Bahagyang napakunot ang noo ko nang may bigla siyang senenyas gamit ang kamay niya.

"Ha?" tanong ko kahit alam kong hindi naman niya maririnig.

Nailing-iling siya at nagulat ako nang bigla siyang mag-jog papalapit sa stage. Nang makalapit siya sa stage, nasa baba siya actually, senenyasan niya akong lumapit.

Kaya kinakabahan at nahihiya man, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig saka lumapit sa kanya. Nasa baba pa rin siya, tapos ako nasa taas. Mukhang hindi pa siya nakuntento at senenyasan pa niya akong lumapit. Kaya sa halip na bumaba sa stage, lumuhod na lang ako.

"B-bakit?" I asked him.

Isenenyas niya ulit ang kamay niya, "Closer." he said.

Bumuntong-hininga ako saka ko bahagyang yumuko para gawin ang gusto niya. Nang makayuko ako, saka niya inilapit ang bibig niya sa tainga ko saka bumulong.

"Galingan mo, gagalingan ko rin. And don't forget to cheer for me, okay?" he whispered.

"Hoy! Tarantado, Villarreal! Ang PDA mo!"

Napalunok at napaayos lang ako nang marinig ko ang sigaw na iyon. Ngayon ko lang napansing nasa amin pala ang atensyon nang halos lahat.

Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko sa pagkapahiya. Samantala, si Khalid, parang wala lang naman sa kanya iyon. Natatawa pa siyang bumaling sa kaibigan saka niya ito tinaasan ng gitnang daliri.

Matapos iyon, bumaling ulit siya saakin habang may ngiti pa rin sa labi, "Sige na. I have to go. Balik ka na rin dun."

Matapos niyang sabihin iyon, tinalikuran na niya ako at nag-jog pabalik sa ka-team mates niya. Natatawa at pabiro niyang sinapak ang kaibigan niyang sumigaw kanina.

Samantala, ramdam na ramdam ko naman ang pamumula ng pisnging bumalik sa puwesto ko dahil sa eksena kanina.

"Kayo ba ni Khalid?" tanong ni Mika saakin pagkaupo ko, isa rin siya sa kandidata. Tulad ko, Grade eleven din siya.

Kaagad ko siyang inilingan, "H-hindi. Magkaibigan lang kami." nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagkautal ko.

"Magkaibigan? But you two are sweet." si Jane, Grade ten naman.

Natawa ako nang alanganin saka umiling ulit, "Hindi talaga. Promise. Magkaibigan lang kami."

"Asus! Pa-showbiz si Ate Raiah!" tukso ni Wendy, Grade seven.

Sa pagkakatanda ko, siya ang pinakamabata saamin. Pero hindi rin papahuli ang tangkad niya. At ang ganda rin niya. Lahat naman sila, magaganda, 'e.

"Okay lang 'yan, Ate Raiah! Bagay naman kayo, 'e! Ship ko nga kayo." nakangiti niyang dagdag.

Ngingiti na rin sana ako kung hindi ko lang naalala ang tungkol sa babaeng nagugustuhan ni Khalid.

Hindi nagtagal, nag-umpisa na ang laro ng dalawang team. Ang team ni Khalid at ang team mula sa kabilang school. Kaya pala, ang dami ring tao dahil may taga-ibang school kahit practice at katuwaan lang naman.

At dahil hindi pa naman dumadating ang trainer namin, nagdesisyon muna kaming manood. Mukhang pabor din naman sa ibang kandidata na late ang trainer namin dahil gusto rin nilang manood ng laro. Mukhang may kanya-kanya kasi silang crush sa mga teams. Kahit sa kabilang school, meron silang crush daw.

Hindi naman kasi makakailang mga may hitsura rin ang mga player ng taga-ibang school. Pero hindi naman ako interesado sa kanila. Sa isa lang naman ako interesado. At nasa kanya ang mga mata ko ngayon.

Ang totoo niyan, ito ang unang beses na makita ko si Khalid na maglalaro. Bukod sa tuwing wala akong ginagawa, pag-aaral ang inaatupag ko, hindi rin ako mahilig manood ng basketball. Pero dahil nandito na rin lang ako, papanoorin ko na ang paglalaro niya.

Mayamaya pa, pumwesto na ang mga players sa gitna. Nakita kong kasama si Khalid sa first five player. Siya rin ang opposing player para sa gagawing jump ball. Nang pumito ang referee sabay tapon ng bola sa ere, sabay na tumalon ang opposing player ng kalabang team at si Khalid. Pero si Khalid ang nakakuha ng bola. Agad niya itong itinakbo habang dini-dribble.

Nagsimulang mag-cheer ang manonood. At dahil sa school namin ginagawa ang laro, hindi na kataka-takang mas maraming nagchi-cheer sa team nina Khalid.

Halos mabingi ako sa sigawan nang mai-shoot ni Khalid ang bola sa ring kaya ang daming nag-cheer sa pangalan niya.

"Khalid! My gosh! I like you!"

Napanguso ako.

Ganito ba lagi sa tuwing naglalaro siya? Ang daming nagchi-cheer para sa kanya. Ngayon ko lang din napagtanto na mukhang marami nga talagang nagkaka-crush din sa kanya, hindi lang ako.

Nagpatuloy ang maayos na paglalaro ni Khalid. Hindi ko akalaing magaling pala siya. Halos siya nga ang nagdadala sa laro nila, 'e. Hindi ko na rin mabilang kung makailang beses na niyang nai-shoot ang bola sa ring.

Hindi man ako sumisigaw o nagchi-cheer gaya ng iba, pumapalakpak din naman akong walang tunog at pabulong 'yung pag-cheer ko. Nahihiya akong sumigaw, 'e. Pero ang galing talaga niya. I find him more handsome everytime he shoots the ball.

"Tangina mo, Villarreal!" malakas na sigaw ng kaibigan ni Khalid na nakaupo sa bleachers nang maka-shoot na naman siya, "Pasikat ka rin! Porke, nanonood ang crush mo, ganado ka maglaro ngayon!"

Paatras na tumakbo si Khalid para taasan na naman ng gitnang daliri ang kaibigan, "Gago! Hindi nga ako chini-cheer, 'e!" sigaw niya pabalik. Nailing-iling siyang natatawa saka umayos muli.

His crush is watching? Ibig sabihin nandito siya? Nanonood din? Ibig sabihin schoolmate din naman siya?

Napanguso ako.

Hanggang ngayon naku-curious pa rin ako kung sino ang babaeng nagugustuhan niya. Hanggang ngayon din iniisip kong ang suwerte naman niya.

Hindi nagtagal, dumating na ang trainer namin. Hindi tumigil sa paglalaro ang mga varsity pero sabi ng trainer namin na isang beki, okay lang daw iyon.

The trainer clapped his hand nang naayos na niya ang puwesto namin. Ang una kasi niyang ituturo saamin ay ang magiging production number namin.

"Basta, girls. Huwag sa mga papabols sa baba ang tingin ah? Saakin lang ang tingin. Inchindes?" he said.

"Okay po!" sabay-sabay naming sagot. Sampu rin kaming lahat.

"Okay. Let's start."

Sinimulan niyang ituro saamin ang step ng sayaw sa production namin. Mabuti na nga lang at simple at madali lang 'yung step. Madali lang naman pala siyang sundan at tandaan. Akala ko kasi maghi-hiphop kami o ano, 'e.

Nag-focus akong matutunan ang step ng sayaw kaya nawala sa isip ko ang naglalaro sa baba. Naalala ko lang nang may biglang sumigaw.

"Shout out sa naka-floral na dress! Ang ganda mo po! Mine!"

Naramdaman ko ang agarang pamumula ng pisngi ko kahit hindi naman ako sigurado kung ako iyung tinutukoy. Paano, naka-floral na dress din kasi ako.

Pero hindi ko na nagawang hanapin ang sumigaw na iyon dahil patuloy sa pagturo ng step ang trainer sa harapan namin at patuloy lang din namin itong ginagaya. Pero nakita ko sa gilid ng mata ko na tumigil na pala sa paglaro ang mga players. Time out siguro. I don't know.

At mas lalo kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko sa iisiping nanonood din si Khalid. Mabuti na nga lang at kahit kabado ako at ang lakas ng tibok ng puso, nagagawa ko pa ring makasabay sa sayaw.

Hindi nagtagal, nakita ko sa gilid ng matang nagpatuloy sila sa paglalaro at patuloy lang din kami sa pagsunod sa trainer namin. Nang may pagkakataon, sandali akong sumulyap sa gitna ng court. Nangunot ang noo ko nang hindi ko siya nakita kaya sumulyap din ako sa benches na sana hindi ko na lang ginawa.

Nandun kasi siya. Nakaupo at nakatingin sa banda ko kaya kaagad nagtapo ang mga mata namin.

Hindi siya nangiti, hindi rin siya nakasimangot. Nakatingin lang sa ginagawa ko kaya muli kong naramdaman ang unti-unting pag-iinit ng pisngi ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng conscious sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung maganda ba akong sumayaw o kung tama ang ginagawa ko.

Iniwas ko ang tingin sa kanya nang hindi ko na makayanan ang titig niya.

Natapos lang ang laro nila nang hindi pa rin kami tapos sa pagre-rehearse. May hindi kasi makasunod sa iba, kaya pinapagalitan sila ng trainer. Kapag may nagkamali, uulit na naman kami sa una. Masyado pa namang strict ang trainer namin. Mabuti na nga lang at hindi pa ako napagalitan. Nakakahiya kayang mapagalitan lalo na't kahit tapos na ang laro nina Khalid, may mga nagpaiwan pa para manuod ng rehearsal namin.

Nang may pagkakataon ulit, tumingin ako sa benches. Hindi ko alam kung matutuwa ako o madidismaya nang hindi ko na nakita ruon si Khalid. I don't where he is. Tapos na ang laro nila, 'e, kaya umalis at umuwi na siguro.

Nag-concentrate na lang ulit ako sa pagre-rehearse. Makalipas ang mahigit dalawa't kalahating oras, pinag-break muna kami ng trainer namin. Babalik na lang daw kami matapos ang isang oras.

Pagbaba ko ng stage, agad akong sinalubong nina Louise, Yolan at Mildred.

"Tangina, Raiah! How to be you po? Ang galing mo!" si Louise.

"Ano ba 'yan! Ikaw na talaga ang mahal na mahal ng nasa itaas! Ikaw na ang pinagpala! Ang suwerte mo, letse ka!" si Mildred naman.

"Oo nga. May nadagdag na naman sa'yo. Ngayon ko lang nalamang magaling ka palang sumayaw." si Yolan.

"Tama. Alam mo ba? 'Yung katabi naming kalalakihan kanina, ikaw ang pinagbubulungan. My gosh, Raiah! Ikaw na talaga!" and Mildred again.

Nailing-iling na lang akong nangingiti sa kaibigan ko. Halos hindi sila magkandamayaw kung sino ang magsasalita sa kanila.

Kaya niyaya ko na lang si cafeteria para kumain. Duon nila ipinagpatuloy ang pagkuwento saakin ng mga nangyayari kanina habang nagre-rehearse ako.

"At alam mo ba?" natatawang sabi ni Louise, "'Yung sumigaw kanina ng 'shout out sa naka-floral na dress blah blah blah.' taga-kabilang school iyon! My gosh! Pati taga-ibang school, hindi nagpahuli sa pagpansin sa kagandahan mo!"

"Aminin mo nga, Raiah. Nagparetoke ka, 'no? Kaya ganyan ka naging kaganda."

Pinigilan kong umirap sa biro ni Mildred. At ni hindi ako makapagsalita dahil tuloy-tuloy sila sa pagsasalita.

Pinagdiskitahan ko na lang kainin ang kaning nasa harapan ko.

Napatigil lang ako at bahagyang napaigtad sa gulat nang may biglang umupo sa tabi ko. Gulat akong napalingon sa kanya at hindi agad ako nakapagsalita.

"Ano namang ginagawa mo ritong kulugo ka? Lagi ka na lang sumulpot na parang kabute! Umalis ka nga! Shoo!" iritadong sabi ni Louise sa taong nasa tabi ko.

Agad naman iyung senegundahan ni Mildred at Yolan kaya salubong ang kilay niyang tumingin sa tatlo kong kaibigang patuloy siyang tinataboy.

"Hindi ko alam kung ba't galit na galit kayo saakin." he said.

"Eh kasi nga po, basagulero ka."

"Tss," pagsusuplado niya, "Wala akong pakialam sa inyo. I'm here for Raiah, not for you three."

Narinig ko ang pagdisgusto ng mga kaibigan ko sa sinabi niya, pero hindi na niya pinansin ang mga ito. Bumaling siya saakin na ikinakurap ko, lalo na nang ngumiti siya.

"Ang galing mo kanina," he said, "Pero sabi ko naman sa'yo huwag mong galingan."

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lang akong tulalang nakatitig sa guwapo niyang mukha at nakakaakit niyang ngiti.

Namamasa-masa pa ang buhok niya, halatang katatapos lang maligo. Nakapagpalit na rin siya nang desenteng damit. At ang bango-bango rin niya. Damn. Mabango rin naman siya kahit noon pa, pero siyempre, mas mabango kasi ang tao kapag bagong ligo. Naamoy ko 'yung bath wash, sabon na ginamit niya at pabango.

Napakurap lang ulit ako nang bigla akong nasinok habang wala pa rin sa sariling nakatitig sa kanya.

He chuckled because of that. Mabilis naman akong umiwas ng tingin sa kanya at uminom ng tubig para matigil ang hiccups ko.

Pinakalma ko muna ang naghuhumirintado kong puso, kahit wala namang balak kumalma, bago ako bumaling ulit sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito? A-akala ko nakauwi ka na." nautal ako sa huling salita dahil sa paraan ng pagtitig niya saakin.

Bumaba sandali ang mga mata niya sa labi ko na ikinalunok ko bago bumalik ang mga ito sa mata ko.

"Ayokong umuwi. Dito lang ako. I'll watch over you. Baka may pumorma sa kaibigan ko, 'e. Sa'yo."

Muli kong naiwas ang tingin sa kanya nang hindi ko na naman makayanan ang titig niya habang sinasabi iyon. At ayaw kong mapansin niya ang pamumula ng pisngi ko.

Natawa ako nang alanganin, hindi pa rin makatingin sa kanya, "H-hindi naman. W-wala naman sigurong poporma saakin, 'e."

"How are you sure of that?" nahimigan ko ng inis ang boses niya, "Eh kanina, muntik na naman akong makabugbog ng tao dahil sa'yo."

Gulat akong napabaling sa kanya, "Ha?"

"Tss. Nevermind." pagsusuplado niya.

Hindi na niya ulit ako pinansin. Nakabusangot na lang niyang kinain ang pagkain niya. Ang suplado ng mukha niya kaya panay ang sulyap ko sa kanya habang kumakain.

Hindi na siya ulit nagsalita pa hanggang matapos ang pagkain namin. Bumalik na rin kami sa covered court, kasama siya. Pero hindi niya pa rin ako kinakausap.

Nagpatuloy naman ang rehearsal namin ng production namin. At tulad ng sinabi ni Khalid, hindi siya umalis. Nanood siya habang nakaupo at nakahalukipkip sa benches, seryoso rin ang mukha niya. Kaya naman mas lalo akong na-conscious sa ginagawa niyang panonood.

Pakiramdam ko tuloy nagbabantay siya ng girlfriend niya... at ako ang girlfriend na iyon.

Pinamulahan ako sa naisip ko. Damn, Raiah.

Seguir leyendo

También te gustarán

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...