Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 39

148K 4.1K 269
By asherinakenza


SDTR: Kabanata 39

"Happy birthday, Claire!" Sigaw nilang muli na nagpabalik sa akin ng katauhan ko, lumapit sa akin si Jerome para pahipan ang kandila kaya naman hinipan ko iyon at halos magtatalon sa tuwa si Jenica.
"Early celebration ng birthday mo! Sayang nga lang at nasa Manila si Kuya Justine, tara na sa dining area nagluto si Tita Pola ng pagkain bago siya pumunta sa inyo kanina." Anyaya ni Jenica at saka hinila na nila ako papunta sa hapag, masyadong maraming pagkain kaya naman halos mabusog na ako kahit na tignan ko pa lang ang lahat ng iyon.

"Gaga! Bakit hindi nalang si Claire ang pagdesisyonin natin, tutal naman birthday niya yon." Sambit ni Jamille habang kumakain na kami ng chocolate ice cream matapos ang mabigat na tanghalian, kanina pa kasi nangungulit si Jenica na gusto niyang pumunta ng Sagada dahil sa napanood niyang movie noong isang araw.

"Sige na, Claire." Pagpupumilit niya.

"Ah, kayo nalang siguro. Tama na sa akin yung isang beses lang magcelebrate." Sagot ko sa kanila na nagpababa ng balikat ni Jenica, napansin ko naman ang titig sa akin ni Jerome kaya naman iniwasan ko iyon.

Noong nakaraang buwan ay plano naming kumain sa mga masasarap na restaurant dito sa Baguio sa darating na birthday ko, pero pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana dahil sa mga nalaman ko mula sa sakit ko.

Buong pamilya ko ay may alam tungkol sa kalagayan ko, ako lang ang kaisa isang hindi nakakaalam samantalang katawan ko ito. Kung ipagdiriwang ko man ang kaarawan ko ay ayokong magmula ito sa kasinungalingan, ayokong maging masaya dahil lang sa isang kasinungalingan.

"Gabi na ah, bakit hindi ka pa pumasok sa kwarto." Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Jerome mula sa likod ko, kanina pa ako nakatayo dito sa patio nila Jamille at nag iisip ng napaka raming bagay. Nag iisip kung hanggang kailan ako mabubuhay sa kasinungalingang pinili ng pamilya ko.

Niyakap ko ang sarili ko at humarap ako kay Jerome, pinagmasdan ko ang mukha niya, pero ni isang alaala ay walang bumabalik sa isipan ko. Nakakainis dahil kahit anong gawin ko ay wala akong maalala.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah." Natatawang aniya, sandali akong lumunok, gusto kong magtanong sa kanya, gusto kong itanong kung may alam ba siya sa buhay ko at anong parte ba ang mayroon siya sa buhay ko. Pero natatakot ako dahil kung may malaking parte siya sa buhay ko ay dapat noong unang pagkikita palang namin ay sinabi na niya sa akin ang katotohanan, o baka naman kasabuwat siya ng pamilya ko sa kasinungalingang dala dala ng buhay ko ngayon?

"Hindi naman, iniisip ko lang kung ano ba ako sa nakaraang buhay ko." Bulong ko, napansin ko ang pagkunot ng noo niya.

Ngumiti ako sa kanya, "Hindi ba't may kasabihan nga na, nabuhay na tayo noon. Hindi ka ba nacu-curious sa naging buhay mo noon? Masarap sigurong alalahanin kung ano ka dati." Mapait na sambit ko, pinilit ko pang siglahan ang boses ko pero alam kong bigo ako upang gawin yon.

Ngumiti siya at naglakad papunta sa gilid ko, namulsa siya at huminga ng malalim. "Siguro sa dating buhay ko isang matalik na magkaibigan tayo." Ngumingising aniya na nagpabaling sa akin sa kanya.

Tumingin din siya sa akin at mas ginandahan niya ang ngiti sa akin, "Marami siguro tayong naging memories na alam kong kaiinisan mo, isa siguro akong bully na sasalungat sa lahat ng kagustuhan mo dahil ayokong masaktan ka, pero kalaunan alam kong kakampihan kita dahil hindi ka matatanggihan nito." Itinapat niya ang kamao niya sa kaliwang bahagi ng dibdib niya kung saan nandoon ang kanyang puso saka siya humugot ng napakalalim na paghinga.

Claire, what happened 4 years ago? Bakit lahat ng tao sa paligid mo ay takot na masaktan ka?

Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso ko at hinarap niya ako sa kanya saka tinitigan sa mga mata. "Matulog ka na." Simula niya at hinaplos ang braso ko.

"H'wag ka nang masyadong mag isip, kumukunot ang noo mo." Panunuya niya sa akin, nanatili akong nakatitig sa mga mata niyang malamlam.

"Hindi namang masamang mag isip, pero sa lagay mong yan alam kong makakasama sayo...dahil baka pumangit ka, ang ganda mo pa naman." Natatawang biro niya
na alam kong may ibig sabihin din.

"Sige na, matulog ka na, para naman makapag yosi ako." Pag iiba niya ng usapan, kusa akong tumango sa kanya bago ako nagpasiyang pumasok na sa loob ng bahay nila Jamille.

Nakita ko pa sa glass door kung paano niya hampasin ng marahan ang dibdib niya bago siya nagsindi ng yosi at hinithit iyon.

Napapitlag ako nang mag ring ang cellphone ko at nakita kong si Mama ang tumatawag, huminga ako ng maayos bago ko sagutin iyon.

"Hindi ka umuwi, hinintay ka namin ng Dad mo." Malungkot na sabi ni Mama, oo nga pala, gusto ni Dad na mag-dinner kami ng sabay sabay pero nawala na yon sa isip ko. Ang dami kong gustong itanong kay Mama, pero may pumipigil sa akin.

"I'm sorry, Ma, sumama bigla ang pakiramdam ko kaya pinauwi ko na si Kuya Mike diyan, don't worry Ma, maayos naman ako dito kela Jam, pakisabi nalang kay Dad na sorry." Walang ganang sagot ko, narinig kong huminga ng malalim si Mama.

"You have to go home, anak. Pag uusapan natin ang birthday celebration mo, sa isang araw na iyon." Ani Mama.

"Ma, h'wag na. Wala ako sa mood para i-celebrate ang birthday ko. Sige na po Ma, magpapahinga na ako. Maaga nalang akong magpapahatid kay Jamille bukas." Paalam ko, narinig kong magsasalita pa si Mama pero hindi ko na hinintay iyon. May kung anong pumipiga sa puso ko at hindi ko alam kung bakit ganito nalang kasakit ang nararamdaman ko kahit na ilang ulit kong nalaman na ginawa lang nila ang lahat ng ito para hindi ako masaktan.

Pero kahit anong manyari, masakit pa rin.

Nakatulugan ko na ang pag iyak, kaya naman nang magising ako kinabukasan ay ramdam ko ang natuyong luha sa pisngi ko. Namamaga ang mata ko mula sa pagkakakita ko sa harap ng salamin, nagsimula na akong maligo at mag ayos saka ako humingi ng pabor kay Jamille na ihatid ako sa La Trinidad.

"There is something bothering you, nararamdaman ko." Simula ni Jam habang nagmamaneho, hindi ako bumaling sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa labas ng kalsada nang sagutin ko siya.

"Tingin mo?" Mapait ang pananalita ko at hindi ko maiwasan iyon.

Naramdaman ko ang titig sa akin ni Jam pero pilit kong binabalewala iyon. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko, pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko lolokohin lang ako at dadayain.

Tahimik lang kaming nakarating sa La Trinidad, ni hindi ko na nagawang makapag paalam kay Jam, basta nalang akong bumaba ng kotse niya at dumiretso sa bahay. Laking pasasalamat ko dahil alam kong tulog pa sila Mama ganitong oras, dahil hindi ko pa alam kung makakaya ko silang harapin.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at halos mapaupo ako nang marinig ko ang boses ng batang lalaki at ang boses ni Ethan.

"I MISS YOU SO MUCH, MAMA CLAIRE!"

"I miss you, baby."

Nakita ko doon ang teddy bear na bigay ni Ethan na siyang nadaganan ko. Kinuha ko iyon at paulit ulit kong pinindot ang tiyanhanggang sa niyakap ko nalang ito at hinayaang bumuhos ang luha ko.

Hindi ko na rin alam kung ano ba talagang iniiyak ko. Kung yung sakit ba na nararamdaman ng puso ko ngayon, o yung katotohanang hindi ko lubusang matanggap dahil sa panloloko sa akin ng mga mahal ko sa buhay.

Narinig ko na ang pagkilos nila Mama at Dad mula sa labas pero nagpasiya akong h'wag munang ipaalam sa kanila na nandito na ako sa bahay. Tinext ko nalang si Mama na hindi nalang muna ako uuwi, pinatay ko rin ang cellphone ko para kahit sino sa kanila ay hindi ako ma-contact.

Alas singko ng madaling araw nang magpasiya akong tumakas sa La Trinidad para maglakad lakad, pero hindi pa man din ako nakakalabas ng subdivision ay nakita na kaagad ng mata ko ang kulay asul na sasakyan ni Ethan. Bumagal ang lakad ko at naging mabigat ang bawat hakbang ko.

Inihinto niya sa gilid ang sasakyan niya at saka siya bumaba mula doon, awtomatikong nagwala nanaman ang puso ko sa mga titig niyang tumatagos sa katauhan ko. Hindi ko na namalayan na nasa mismong harapan ko na siya kaya naman malaya kong pinagmasdan ang mukha niya na para bang kinakabisa ko ang bawat detalye nito. Yung mga mata niyang malambing ang titig sa akin na para bang nagpapabuo sa nawawalang katauhan ko, yung labi niyang matamis kung magsalita.

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko at hinampas ko ang dibdib niya. "How dare you, ni hindi mo manlang ako tinawagan sa loob ng dalawang araw. Hi..hindi mo manlang ako naisipang itext." Para akong bata na sinusumbatan siya sa hindi ko malaman na dahilan, kumunot ang noo niya at mas lalong lumalim ang pagtitig niya sa akin. Patuloy ang paghampas ko sa dibdib niya hanggang sa marinig ko ang mahinang pag ngisi niya at saka hinila niya ako sa braso upang yakapin!

"Just tell me how fucking you missed me." Mapanuyang aniya na siyang hindi ko pinagbigyang pansin.

Maingay ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang nasabi sa kanya ang bagay na iyon. Hindi ko naisip na magiging ganito ang reaksyon ko matapos ang dalawang araw na hindi namin pagkikita.

Hinaplos niya ang buhok ko.

"Shhh.."

"Wa..wala akong kakampi." Umiiyak na pagsusumbong ko sa kanya na mas lalong nagpahigpit ng yakap niya sa akin.

Panay lang ang hagulhol ko sa dibdib niya na nagiging dahilan upang hindi niya ako pakawalan sa init ng bisig niya, ramdam ko rin ang maliliit na halik na ibinibigay niya sa buhok ko bilang pag aalo niya sa akin.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, pakiramdam ko wala na akong kakampi. I don't know who I can trust." Nakuha ko na, alam ko kung bakit ganito nalang ako kakampante na maglabas ng sama ng loob sa kanya. Dahil siya lang ang kaisa isang taong nakilala ko sa bagong buhay ko, siya lang yung taong pakiramdam ko kahit na isang estranghero lang siya ay mapagsasabihan ko ng mga hinanaing ko.

Hindi ko akalain na sa ibang tao ko pa mararamdaman ang ganitong pag aalo.

"You can trust me, baby." Namamaos na bulong niya.

Marahan niya akong inilayo sa kanya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, mainit ang palad niya na siyang nagiging dahilan para maibsan ang lamig na nararamdaman ko.

Ginamit niya ang hinlalaki niya upang punasan ang luha ko at hinuli niya ang mata kong nalulunod sa luha.

"Is it right to trust someone that I don't even know?" Humihikbing tanong ko sa kanya, sandali niyang ipinikit ang mata niya at pinili niyang pagdikitin ang noo naming dalawa, mas lalong nagwala ang puso ko at may kung anong umiikot sa tiyan ko.

Muli niyang binuksan ang mata niya at hindi ko kinaya ang malamlam na pagtitig niya sa akin.

"Ano bang sinasabi nito?" Napasinghap ako nang ilagay niya sa kaliwang bahagi ng dibdib ko ang kanang kamay niya. Halos mahirapan na ako sa paghinga ko dahil sa pag iyak at nanginginig na rin ang lalamunan ko.

"Hindi ko alam. Litong lito na ako, I just want to walk away from all this pain! Dahil pakiramdam ko mamatay na ako! Mamatay ako sa kasinungalingan sa paligid ko!" Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at halos hindi ako makapaniwala na naririnig ko ang malakas na hagulhol ko! Pakiramdam ko may dalawang malaking bloke ng bato ang umiipit sa puso ko!

"I don't know who I am! I feel so lost!" Hinaing ko!

"Damn it, baby." Nahihirapang bulong niya at kasunod non ang muling paghila niya sa akin! Isang mainit at mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin na naging dahilan upang mas umiyak ako ng umiyak! Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganitong kasakit, pakiramdam ko ay unti unti akong nauupos.

"I just want to stop the pain, Ethan." Pagsusumbong ko sa kanya.

"I will, baby! I promise! Just stop crying!" Pangako niya sa akin, yung malambing niyang boses, bakit pakiramdam ko ligtas na ligtas ako sa tabi niya? Bakit pakiramdam ko hinding hindi niya ako pababayaan?

Damn it, Claire! Hindi mo inasahan na sa isang estranghero ka muling magtitiwala!

Tahimik akong nakatanaw sa malayo habang kinakabitan niya ako ng seat belt, pagkatapos non ay ikinumot niya sa katawan ko ang isang medyo manipis na blanket.

Panay pa rin ang pagpahid niya sa luha ko dahil tahimik na itong bumabagsak at wala na akong pakialam. Hinayaan kong hawakan niya ang kaliwang kamay ko habang nagmamaneho siya.

Ipinikit ko ang mata ko at hindi ko na itinanong pa sa kanya kung saan niya ako dadalhin. Ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar kung saan alam kong nabubuhay ako sa kasinungalingan. I don't know, but I feel so safe with him. Posible pala yon, na kahit sandali mo palang nakakasama ang isang tao pwede mong maramdaman na ligtas ka sa kanya. Kusang humigpit ang kapit ko sa kamay niya, may parte sa akin na para bang natatakot na akong makawala sa kaisa isang taong nakayanan kong pagkatiwalaan.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw, mabigat ang mata ko nang marahan akong bumaling sa kaliwa ko at nakita ko doon si Ethan na nakapikit at nahihimbing sa pagtulog. Napatingin ako sa kamay naming dalawa na hanggang ngayon pala ay magkahawak pa rin.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mukha niya at hindi ko maitatangging pinagpala siya. Pero napapitlag ako nang imulat niya ang mata niya saka bumaling sa akin. Isang magandang ngiti mula sa bagong gising na Ethan ang ibinigay niya sa akin.

"You're in Manila, baby." Bulong niya, nanlaki ang mata ko at doon ko lang naisipan na igala ang paningin ko sa labas. Pero isang coffee shop ang tumambad sa akin.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ko doon ang pangalan ko.

Claire's Coffee Shop

"That's my name." Ewan ko pero natawa ako at may kung anong lumundag sa puso ko.

Muli akong bumaling sa kanya at nandoon pa rin ang magandang ngiti niya. Pero kahit ganoon ay pansin ko ang pagod sa itsura niya, bigla kong naalala na kagagaling lang niya sa Manila at ngayon ay bumalik nanaman siya dito kasama ako.

"Let's have some coffee, it's already eleven o'clock in the morning, wala ka pang kain." Pag aalala niya, napasandal ako sa passenger seat nang lumapit siya at kinalag ang seat belt ko, naamoy ko ang mabangong amoy niya at hindi ko maiwasang humanga doon.

Nauna siyang bumaba, umikot siya sa harap upang alalayan ako.

"Thanks." Nahihiyang bulong ko.

Hila hila niya ako sa kamay ko nang pumasok kami sa loob ng coffee shop, mukhang bago palang ito at hindi pa nagbubukas. Maganda ang design's at mukhang pinag isipan ang bawat kagamitan.

"Sa..sarado pa yata." Bulong ko, pero ngumiti lang siya. May malaking letter C doon sa may bar area at hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kakaiba sa lugar na ito.

Isang malakas na paghalakhak ng dalawang babae ang narinig ko pero kaagad din silang napahinto nang makita ako.

"Oh my god! Cl--" Biglang tinakpan ng isang babae ang bibig ng kasama niya at hinila ito palapit sa amin.

"Ethan! Diba kagabi ka lang umakyat ng Baguio? Bakit nandito ka na ulit?" Usisa ng babaeng hanggang balikat lang ang buhok.

Nginitian lang siya ni Ethan, hinila ako nito palapit sa tabi niya.

"Si, Claire." Pasimpleng pakilala niya sa akin sa dalawa. Isang malapad na ngiti ang ibigay sa akin ng dalawa at nag unahan pa silang magbanggit ng pangalan nila.

"Jersi!"

"Vanessa!"

Kahit medyo naiilang ako ay nginitian ko pa rin sila, hinila na ako ni Ethan papunta sa bar. At hindi ko alam kung bakit sinusundan ko siya ng tingin, tumungo siya sa coffee machine at pinanood ko kung paano siya gumawa ng kape.

"Siya nga pala, naibigay na namin yung mga invitations para sa grand opening bukas." Biglang sabi nung Vanessa.

"Grand opening?" Bulong ko na mukhang narinig naman ni Jersi.

"Oo, bukas palang kasi ito bubuksan. We are so lucky dahil kaming dalawa ni Vanessa ang napili para maging partner nung may ari nitong coffee shop." Sagot sa akin ni Jersi.

"Nasaan ba yung may ari?" Kunot noong usisa ko.

"Nasa puso ni Ethan!" Humahalakhak na sigaw nilang dalawa na nagpangisi lang kay Ethan at nagpailing.

"Here, have some coffee. Magluluto ako ng lunch mo. Nalipasan ka na." Ma-awtoridad na aniya, tinanguan ko siya at hindi ko alam pero magaan ngayon ang pakiramdam ko.

Pumasok siya sa open kitchen at halos lumundag ang puso ko nang kindatan niya ako habang inihahanda ang mga lulutuin niya. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at napasigaw ako nang mapaso ang dila ko sa pag inom ng kape!

"Hi, Claire." Para namang mga bata sila Jersi na pumalibot sa akin, medyo na-wei-weirduhan ako sa kanilang dalawa pero natutuwa rin ako sa ganda ng ngiti na ibinigay nila sa akin.

Para bang may gusto silang sabihin sa akin pero dinadaan lang nila ako sa mapanuyang titig nila sa akin. Kaya naman ginawa ko nalang abala ang sarili ko sa pag inom ng kape.

Ilang sandali pa ay inihain ni Ethan sa harap ko ang niluto niyang beef brocolli at kanin.

"Ikaw?"

"I'm still full, gusto ko lang matulog mamaya." Nakangiting sambit niya sa akin at saka humigop siya ng kape.

"Eat, Claire." Utos niya at tumabi siya sa akin saka pinanood akong kumain. Nahihiya ako sa pagtitig niya sa akin dahil para bang kinakabisa niya ang buong mukha at katawan ko.

"Stop staring." Bulong ko kahit na may kaunting laman pa ang bibig ko.

"I can't stop." Pilyong aniya at inilagay niya pa ang nakatakas na buhok ko sa likod ng tainga ko.

Pinilit ko nalang na hindi pansinin ang pagtitig niya hanggang sa matapos akong kumain.

Abala sa pag aayos ng iba pang decorations sila Vanessa kaya naman hindi na nila ako nakulit, may mga kameeting din sila na sa tingin ko ay marketing manager nila dito.

Napasinghap ako nang maramdaman kong pumulupot ang braso ni Ethan sa baywang ko at inihilig niya ang ulo ko sa balikat ko.

"Is it alright kung yayain kita sa unit ko? I want to sleep, baby." Bulong niya, ramdam ko sa boses niya ang pagod. Pero hindi ako makasagot.

"Trust me, wala akong gagawing masama sayo. I just want to sleep." Pakiusap niya sa akin, bigla kong naalalang magdamag siyang nagdrive papunta sa Baguio at pabalik ulit dito sa Manila, kaya naman pagod ang isang ito.

Tumikhim ako, "Alright." Bulong ko.
Huminga siya ng malalim at napasinghap ako nang halikan niya ang gilid ng tainga ko. "Thank you." Namamaos na bulong niya sa tainga ko at halos sumabay ako sa kanya sa pagtayo mula sa bar stool. Nakapulupot pa rin ang braso niya sa baywang ko nang maglakad kami palabas ng coffee shop.

Sampung minuto lang yata ang itinagal ng pagmamaneho niya nang makarating kami sa tower ng unit niya.

Pagkabukas palang ng unit niya ay may kung anong pumipigil sa akin na h'wag pumasok doon pero nagpatianod ako sa maingat na pag alalay niya sa akin. Sandaling sumakit ang ulo ko pero bahagya akong umiling para maiwasan ang sakit na yon.

Mahigpit ang kapit niya sa kamay ko nang pumasok kami sa kwarto niya na mas lalong nagpakirot sa ulo ko.

Hinayaan kong isabay ako ni Ethan sa pagbagsak ng katawan sa kama niya.

Hinila niya ako at ikinulong sa bisig niya. "Sleep, Claire." Aniya pero hindi ko magawang ipikit ang mata ko dahil sa nararamdaman kong sakit ng ulo.

Pamilyar sa puso ko ang yakap niya. Yung boses niyang sinusunod ng sistema ko at yung mga paghaplos niyang nagugustuhan ng katawan ko, hindi ko alam kung kailan at saan ko naramdaman, pero masasabi kong espesyal ang lahat ng pakiramdam na ito.

****

A/N: OMG! Salamat talaga sa patuloy na pagbabasa nito. Ahuhu iyak tayo, may nagbabasa pa rin kahit ang tagal ng update ko. Haha! Basta salamat po! Kakataba ng puso yung mga comments at mga nag aabang! :"> ♡♡

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

131K 4.5K 32
“I used to believe in fairy tales… Then an evil beast sealed my fate with his own.”
1.5M 23K 45
Paano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O...
560K 17.2K 60
[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagk...
7.1K 682 37
(I don't like him book 2) 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished :...