Let's Dance? (COMPLETED)

By Kesh_h

2.3K 1.3K 43

Shanianah is her name. She aspires to be a professional dancer or choreographer, but she has no idea how to g... More

Author's Note.
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE.
Questions.

CHAPTER 1

120 55 2
By Kesh_h

It’s three p.m in the afternoon. Biglang sinabi sa akin ni Mama kinakailangan ko na raw mag bihis dahil maya-maya pa ay aalis na kami papunta sa bahay ng Tita ko.

Si Papa naman ang maiiwan rito sa bahay, sinabi ko sa kaniya kanina na sumama siya sa amin pero tumanggi naman siya. Parang may problema si Papa e.

Nasa kuwarto ako ngayon, nakaupo lamang ako sa aking higaan. Nakatulala lang ako rito, wala akong ideya kung ano ang gagawin namin ni Mama roon. Kinakabahan ako.

Umiling nalang ako at tumayo. Kinuha ko ang aking tuwalya at lumabas ng kwarto upang pumunta sa cr namin. 

Nang makapasok na ako banyo, ay agad kong hinubad ang aking mga saplot at nag simula nang maligo. Pero habang naliligo naman ako, hindi mawala sa aking isipan ang tungkol doon kay Tita at Mama.

Ano ba nga ba ang gagawin namin roon? Halos hindi na ako makapag ensayo ng maayos kanina sa pag sayaw dahil sa kakaisip kung ano ang gagawin namin roon kina Tita.

Sobrang sarap naman ng tubig na dumadaloy sa aking buong katawan, pero nag mamadali akong maligo at ka agad akong lumabas ng banyo. Pumunta naman ako sa aking kuwarto at nag mamadaling mag bihis.

Tanging high waist at yellow t-shirt lang ang isu-suot ko ngayon, paboritong kulay ko kasi itong yellow e. Ang ganda.

Pero kahit ganito ako manuot ramdam ko talaga na ang ganda-ganda ko sobra hahahahaha.

"Anak! bilisan mo na! tapos ka na ba? bilisan mo diyan ha!" malakas na sabi ni Mama mula sa labas ng aking kuwarto.

"Opo! teka lang! nag susuklay na ako!" sigaw ko pabalik habang kaharap ang salamin ko at nag mamadaling mag suklay.

Pagkatapos ko naman mag suklay, i look myself in the mirror, then I smiled.

"Sarili ko ba talaga ito? habang tumatagal, hindi ko namamalayan na lumalaki na pala ako at habang tumatagal mas lalong dumadami ang mga problema ko. ’Tsaka hindi rin halata sa akin na marami akong problema sa buhay. Kaya siguro hindi halata kasi araw-araw ako tumatawa, malalampasan ko kaya ito lahat? sana nga." mahinang sambit ko habang nakatingin ako sa salamin at ngumiti.

Pero bigla namang nawala ang aking ngiti mula sa aking labi dahil naalala ko nagmamadali pala si Mama.

Agad ko namang kinuha itong drawstring bag ko at cellphone ko at bumaba papunta sa sala para tignan kung naka handa na ba si, Mama.

Pero pag dating ko sa sala hindi ko nakita si Mama. Tanging si Papa lang ang nasa sala. Nakaupo at nanonood ng T.V, siguro nasa labas si Mama

"Pa? saan si Mama? akala ko ba aalis na kami?" tanong ko kay Papa at tumabi sa kaniya, pero si Papa naman ay nakatitig lamang sa T.V.

"Pumasok 'yon sa kuwarto, may kinuha. Baka nag a-ayos pa 'yon." tumango na lang ako sa sinabi ni, Papa.

"Nga pala, Anak. Lumalaki kana, parang kailan lang noong bata ka pa sabi mo, Pa, gusto ko masubukan na maging parte ng isang dance troupe siguro panahon na rin para makamit mo iyon. Mag-iingat ka." sabi ni Papa sa akin habang hinahaplos niya ang aking buhok.

Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko gets. "Huh? mukha ba akong aalis, Pa? hindi naman ako aalis ah. Uuwi din naman kami dito ni Mama mamaya."

"Baka nga, ’tsaka ang ganda-ganda mo na rin Anak. May nanliligaw na ba sa iyo?

"Huh? ano ka ba, Pa. Wala nga akong kasintahan e, manliligaw pa kaya? e wala nga akong nagugustohan ngayon e."

"Pero kung meron man, patagalin mo muna. 'Wag ka kaagad na pumasok sa isang relasyon ha? aral ka ng mabuti. ’Tsaka mag-iingat kayo ng Mama mo mamaya sa daan, kasi delikado na ngayon." pagpapatuloy ni Papa at patuloy niya pa ring hinahaplos ang aking buhok.

Ang weird naman, parang namamaalam si Papa e uuwi pa rin naman ako rito mamaya.

"Oo naman Pa. Siyempre naman makakauwi ako rito ng buhay." natatawang sambit ko kay Papa. Pero tumawa lang din ito.

"Ikaw talagang bata ka, manang mana ka talaga sa Mama mo—” mag sasalita pa sana si Papa nang biglang lumabas si Mama galing sa kwarto. Halata rin kay Mama na tapos na siya mag ayos sa kaniyang sarili.

"Tara na, Anak? baka mahirapan tayo sumakay ng tricycle ngayon." ani ni Mama at agad naman akong tumayo at lumabas ng bahay.

Pero bago pa makalabas si Mama ay nakita ko siyang hinalikan si Papa sa pisngi na ikinangiti ko, at nang matapos iyon ay agad namang lumapit si Mama sa direksyon ko. "Tara na Anak?" tumango na lang ako, at nag simula na siyang mag lakad papalayo sa bahay namin.

Pero bago ako lumayo sa bahay namin ay lumingon ako kay, Papa at kumaway. Kumaway din siya pabalik sa akin. Ang suwerte ko pala kina Mama at Papa, I'm so lucky to have them. Sobra.




Nag lalakad kami ngayon ni Mama sa isang subdivision. Nag tataka ako kung dito ba talaga nakatira si Tita. Sobrang laki ng mga bahay dito, halatang mayayaman lang talaga ang nakatira dito.

"Ma?" tawag ko kay Mama habang kami ay nag la-lakad. Halatang sanay na siya rito ah, siguro nagkikita sila rito ni Tita.

Lumingon naman siya sa akin, "Hmm? ano iyon Anak?"

"Sigurado ka ba talaga na dito nakatira si Tita? o baka mali itong pinupuntahan natin Ma ha." kinakabahang sabi ko kay Mama.

"Ano ka ba Anak. Dito nakatira si Tita mo. Mayaman kasi iyon. ’Tsaka naaalala mo ba si Levin? 'yung pinsan mo na nakakalaro mo noon?" she asked me and I nodded.

"Oo, naaalala ko pa. Nasa states siya nag-aaral 'di ba Ma? almost seven years na siya doon e. ’Tsaka hindi ko na rin siya nakakausap dahil medjo hindi ko ginagamit cellphone ko e. Sumasayaw lang kasi ako lagi sa kuwarto minsan sa labas. Nililibang ko lang itong sarili ko.  Halos hidi ko na magamit itong cellphone ko e." I told her.

Kumusta na kaya si Levin ngayon. Siguro may kasintahan na iyon, sigurado mas lalo siyang gumwapo ngayon. Marami rin kasing nag kakagusto doon sa kaniya e, simula noong bata pa kami, marami na talaga ang nag kakagusto sa kaniya.

"Palagi ka ngang sumasayaw pero minsan absent ka sa klase mo." natawa na lang ako sa sinabi ni Mama at napailing.

Nakakatamad kasi pumasok lalo na kapag walang gustong makipag kaibigan sa iyo.

Napaigik naman ako ng maramdaman kong nananakit na ang aking mga paa dahil kanina pa kami nag la-lakad dito sa subdivision na ito. "Ma? malapit na ba tayo? sobrang sakit na ng paa ko e, parang ang layo naman ata ng bahay ni Tita dito." naiinip na ako sobra.

"Malapit na Anak. Kaya nga hapon tayo pumunta para hindi mainit kasi maglalakad lang tayo papunta sa bahay ng Tita mo. Kapag kasi sa subdivision sobrang tahimik." seryosong sambit niya.

May bigla namang pumasok sa aking isipan kaya tinanong ko si Mama, "Mayaman pala si Tita, Ma? Bakit hindi niya tayo natutulongan?"

Napabuntong hininga naman si Mama dahil sa aking katanungan, "Hindi ko na kailangan ng tulong galing sa Tita mo kasi nakakaya ko naman na mabuhay tayo roon kasama si Papa mo. Kasi tatlo lang tayo sa bahay, madali lang para sa akin. ’Tsaka maliit lang din ang gagastusin namin ng Papa mo. Ikaw lang naman ang nag-iisang Anak namin kaya sobrang dali lang para sa akin na alagaan ka. Ayaw ko rin na humingi ng tulong sa Tita mo, kasi may inaasikaso siya. Ayaw ko na dumagdag ako sa mga problema niya."

Na konsensiya naman ako, sana pala ay hindi ko na sinabi iyon. "Pasensiya na, Ma." napayuko na lamang ako, sana pala hindi nalang ako nag tanong.

"Ayos lang iyon Anak.” she smiled at me. “Siya nga pala, malapit na tayo sa bahay ng Tita mo. Ayon ang bahay ng Tita mo." napaangat na lang ako ng tingin, at itinuro ni Mama ang isang malaking bahay.

"Grabe, Ma. Ang laki pala talaga ng bahay ni Tita!" napanganga na lang talaga ako, hindi lang talaga ako makapaniwala na may ganito akong kamag-anak na sobrang yaman.

“Sobrang laki nga—” hindi natuloy ang dapat na sasabihin ni, Mama nang biglang lumabas si Tita Janelle.

"Cristie!!" napalingon na lang ako kay Tita na biglang sumigaw dahil sa sobrang saya na makita muli kami. Dali-dali niya namang niyakap si Mama.

"Kumusta ka na ba? sa wakas nag kita ulit tayo!" wika ni Tita Janelle kay Mama.

Hindi ko naman maiwasan na mapatitig sa mukha ni Tita, ang ganda niya talaga, kaya siguro guwapo rin si Levin e, nag mana talaga siya kay Tita Janelle.

"Ito, ayos lang." natatawang sabi ni, Mama kay Tita. "Maayos naman 'yung pamumuhay niyo ni Josef, 'di ba? t'saka— Ang laki mo na, Shanianah! halatang may kasintahan ka na ah? may kasintahan ka na 'no?" my eyes widened dahil sa sinabi ni Tita. Grabe naman, kasintahan agad. Study first pa ako.

She laugh, "Just kidding, mag-aral ka talaga ng mabuti Hija. Sa susunod na 'yang jowa jowa na iyan." Tita said. Tumawa lamang sila, habang ako naman ay nag kukunwaring natatawa.

Ang awkward nito.

I suddenly remembered my past relationship. Who gave me a trauma, at iyon ang dahilan kung bakit wala akong nagugustohan ngayon. At sobrang taas ng trust issues ko. I don't believe in love anymore.

Kinakabahan ako, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ramdam ko talaga na may mangyayari.

"Tara na? pasok na tayo." nakangiting sabi sa amin Tita Janelle. Pumasok naman sila na halatang na e-excite pa. Pero ako? ito lang nakasimangot, kinakabahan pa sa mangyayari.

Pumasok naman kami sa bahay ni Tita, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na tumingin sa bawat sulok ng bahay ni Tita. Ang laki, ang linis pa talaga.

"Right there, upo kayo doon. Kukuha lang ako ng makakain natin." turo ni, Tita sa sala na kung saan may mahabang sofa, unang umupo si Mama at sumunod ako. Na hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilan mamangha dahil sa laki ng bahay.

Naalala ko noong nandito pa si Levin 'yung anak ni Tita, palagi kaming naglalaro noon, we're best friends. Pero nasa states na siya ngayon, simula no'ng pumunta na siya doon para mag-aral ay natigil na rin ang communication naming dalawa.

Sana talaga ay naaalala niya pa ako. Doon siya nag-aral kasi gusto n'yang makapunta sa lugar na iyon. He wants to be an Engineer someday.

Pinsan ko siya oo, pero ang weird lang kasi gustong gusto ko siya noon. Ang weird ko pala dati, pati sa pinsan ko nahulog ako, kajejehan nga naman.

Gusto ko siya makausap ulit, pero busy siya lagi. But I understand that.

Lumingon naman ako ngayon kay Mama na halatang hinihintay niya si Tita. "Ma? bakit ba kasi tayo nandito?" tanong ko sa kaniya. To be honest, kinakabahan na talaga ako. I don't even know why.

"Malalaman mo rin maya-maya, alam kong kinakabahan ka. Lamig ng kamay mo e, kumalma ka lang Anak.” sabi niya naman sa akin, habang hinahaplos niya ang aking mag kabilang kamay.



Maya-maya pa ay biglang dumating si, Tita na may dalang malaking tray na nagdadala ng Carbonara, Spaghetti, at dalawang baso ng Coke. Agad niyang inilagay ang pagkain sa lamesa na ngayo'y nasa harapan namin.

"Kain ka na muna, Anak."

"Mamaya na lang siguro Mama. Nag tataka rin po kasi ako kung ano ang ginagawa natin dito. Alam kong may sasabihin kayo sa akin." sabi ko at tumingin kay Mama at Tita. Agad naman umupo si, Tita sa tabi ni Mama.

"Good news 'to Anak kasi..." mapahinto naman si Mama at napatingin kay Tita na nasa kaniyang tabi. Halatang si Tita ang gusto niya mag sabi.

"Kasi hija ako na 'yung magpapa-aral sa iyoo."

Ramdam ko parang binuhusan ako ng sobrang malamig na tubig sa aking buong katawan.

Bakit? ayaw ko malayo kina Mama't Papa. Ayaw ko ng ganoon, gusto ko sila makasama hanggang sa makamit ko itong mga pangarap ko.

Ayaw ko malayo kay, Papa. Kakasabi ko lang sa kaniya kanina na, Makakauwi ako. Kaya siguro parang namamaalam si Papa kanina, dahil ito pala ang dahilan.

Napailing na lamang ako. "Ayaw ko, Ma. Ayaw ko, ayaw ko, ayaw ko." ayaq ko malayo sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.5K 75 33
"When you heard the word evil just think of me. I hope this word won't give you bad nightmares but a good dreams. I want you to think only for me. An...