Steffano Brothers' Obsession...

By Ajai_Kim

2.2M 65.9K 34.4K

Si Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kuntento na s... More

Steffano Brothers' Obsession
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
SBO Note
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 20

42.6K 1.2K 902
By Ajai_Kim

YARELI'S POV

Nagising ako nang may nakayakap sa tabi ko. Sina Grant at Amir ito. Si Grant ay walang suot na pang-itaas at naka boxer shorts lang ito habang si Amir naman ay nakasuot ng puting sando at shorts. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mga mukha nila na mahimbing na natutulog. Ang gwapo na sana kaso ay mga kidnapper rin pala.

Sa kagwapuhan ng magkakapatid na ito ay imposibleng walang babaeng nagkakagusto sa kanila. Mga babaeng taga Maynila na mas magaganda, mayayaman, elegante at sopistikada hindi katulad ko na mahirap na nga at wala pang maipagmamalaki.

Ano ba ang nakain nila at ako pa ang nagustuhan nila? Bukod sa mahirap na nga ako, simple lang, hindi marunong mag-ayos at wala pang maipagmamalaki sa buhay ay bakit ako pa ang natipuhan nila? Ano ba ang mayroon sa akin para magawa nila ang bagay na ito?

Pilit kong tinatanggal ang mga braso nina Grant at Amir na nakayakap sa bewang at mga braso ko. Sa laki ng mga katawan nila at sobrang matatangkad pa sila ay para silang mga tore sa pagitan ko.

"Let's sleep for a while, babe. Late na kami nakatulog kagabi. Mamaya ka na bumangon." biglang sambit ni Grant habang nakapikit pa rin at mas lalo nitong hinapit ang braso niya sa bewang ko.

Babe? Anong klaseng tawag iyon? Mukha ba akong baboy na si Babe sa pelikulang Babe, Pig In The City na pinapanood namin ng mga kaibigan ko?

Naalala kong bigla si Juancho dahil tinatawag niya rin akong babe. Bakit kaya ang hilig ng mga lalake sa tawagang babe o 'di kaya ay baby?

Ipinagpapasalamat ko naman na kahit dalawang araw na ako sa lugar na ito kasama sila ay hindi pa nila ako pinagtatangkaan ng masama. Kung gagawin man nila iyon sa isang iglap ay hinding-hindi ko na talaga sila patatawarin pa. Ito nalang ang mayroon sa akin na iniingatan ko at hindi ko hahayaan na maibigay lang ito sa mga baliw na magkakapatid na ito.

Kahit anong pagbabalak kong umalis sa kama ay wala rin namang nangyayari dahil hinihila lang ako pabalik nina Grant at Amir kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang humiga nalang rin at hintayin na bumangon sila. Nasaan na kaya sila River, Efraim, at Irvin? Bakit wala sila dito ngayon?

Bigla ay naalala ko ang pamilya at mga kaibigan ko lalong-lalo na si Juancho. Sigurado akong hinahanap na nila ako at nag-aalala na sila sa akin. Sana nga lang ay hindi lubos na magalit at mamroblema si kuya Yasewah sa pagkawala ko dahil masama pa naman sa kanya ang sobrang pagkagalit.

Kalmado at palaging tahimik lang iyon si kuya Yasewah pero kapag nagalit iyon ng sobra ay parang hindi na namin siya makilala nina Inay at Itay. Kamuntikan pa niyang mapatay si kuya Dante noon na kapatid ni Mayet dahil sa may hindi sila napagkaunawaan. Mabuti nalang at naging maagap ang Papa nila Mayet at si Itay sa pag-awat sa gagawin ni kuya na pananaksak sana kay Kuya Dante kaya ito hindi nakapanakit. Mabuti nalang at magkasundo na sila ngayong magkaibigan at hindi na naulit pa ang pangyayaring iyon nung high school pa lamang sila.

Mahaba ang pasensya ni kuya Yasewah at mabait talaga ito pero kapag nagalit na siya ng sobra at hindi na nakapagtimpi pa ay makakapatay talaga ito. Hindi naman kami nag-aaway na magkapatid dahil palagi niya akong iniintindi at suportado siya sa lahat ng mga gusto ko. Ni minsan nga ay hindi pa niya ako nasigawan at magawang mainis o magalit man lang sa akin. Palagi itong nagpapaubaya sa amin ni Jingjing at ramdam ko ang pagmamahal niya sa aming magkapatid.

Namimiss ko na silang lahat. Hindi ko na naman mapigilang mapaluha.

Isang oras rin ang nakalipas at nagising na sa tabi ko sina Grant at Amir. Pinigilan ko na naman na tignan ang itsura nila dahil kahit bagong sila ay ang gagwapo pa rin nila. Naalala ko bigla si River na natulog noon sa loob ng kwarto ko nang malasing siya sa pag-inom ng lambanog ni Itay kasama si Ronnie. Kahit bagong gising ito noon ay ang gwapo pa rin nitong tignan.

Gwapo at halos magkakamukha lang rin ang Steffano Brothers bukod kay Amir. Para ngang mas kamukha pa nito si Juancho sa ibang anggulo. Malamang ay magpinsan sila kaya natural lang na maging magkamukha sila. Bukod doon ay may malalaki silang pangangatawan. Halatang palagi silang nagwowork out dahil makikita naman iyon sa mga muscles nila sa braso at sa six pack abs na tinatawag.

Hindi ako makapaniwalang nagkagusto lang sila sa akin. Siguro kung ibang babae lang ako ay nagtatatalon na ako sa tuwa dahil may limang nag gagagwapuhang magkakapatid ang nagkagusto sa akin pero hindi ganon ang nararamdaman ko ngayon. Mas lamang pa rin ang takot ko sa kanila at sigurado akong hindi lang sila basta-bastang mga lalake.

"Hey! Good morning, babe." nakangiting bati ni Grant sa akin. Kitang-kita ko ang mapuputi nitong ngipin at napansin ko rin na tumutubo na ng kaunti ang mga balbas sa bandang baba niya. Bumagay iyon sa kanya at mas nagmukha siyang model ng Real Estate sa paningin ko.

Heto't humahanga na naman ako sa itsura ng mga kidnappers ko. Hays!

"Good morning, sunshine." bati naman sa akin ni Amir nang nakangiti rin.

Sunshine naman ang tawag sa akin ni Amir? Mukha ba akong sinag ng araw at nakakasilaw sa paningin niya para tawagin ako ng ganon?

Inirapan ko naman silang dalawa at sumandal nalang sa headboard ng malaking kama namin habang nakasimangot. Hindi ko pwedeng ipakita na okay lang sa akin ang ginawa nilang pangingidnap. Kailangan kong makaalis sa lugar na ito at makauwi na sa pamilya namin.

"Ibalik niyo na ako sa San Felicidad dahil may pamilya pa ako at-"

"May Juancho ka na rin? As we said, no. Dito ka lang sa tabi namin hanggang sa mahalin mo rin kami." madiing sabi ni Grant habang nakatitig ito sa akin. Napalunok ako dahil sa ibang klaseng mga tingin niya. Para akong nanghihina doon kaya kaagad akong nagbawi ng tingin.

"Mahal? Sa tingin niyo ba mamahalin ko kayo sa ginagawa niyong 'to? Mas lalo ko lang kayong kinamuhian." sabi ko saka huminga ng malalim.

"Paano ba kami makakaporma sa'yo kung nandyan si Juancho na kung makabakod sa'yo e, para na kayong mag-asawa? So, you can't blame us for kidnapping you dahil gusto ka naming masolo at makasama." sabi naman ni Amir habang sinusuklay nito ang buhok niya gamit ang kanyang kamay.

Napapikit nalang ako sa inis. "Mga baliw na talaga kayo," bulong ko.

Tumawa naman si Grant at bigla nalang ako nitong hinila papatayo nang matapos na siyang magsuot ng sando niya. "We already knew that. Let's go to the kitchen at kumain na tayo ng breakfast natin." sabi niya habang hinahapit nito ang bewang ko.

"Yeah! I'm already hungry. Kagabi pa ako may gustong kainin pero hindi ko naman magawang makain." sabi pa ni Amir at nauna na itong lumabas ng kwarto.

Tumawa ulit si Grant sa sinabi ni Amir habang ako naman ay napakunot-noo dahil hindi ko maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ni Amir doon.

Ano ba ang gusto niyang kainin kagabi na hindi naman niya magawang makain? Mayaman naman sila at pwede nilang mabili ang pagkain na gugustuhin nila kaya ano kaya ang pagkain na tinutukoy niya?

Nagulat nalang ako nang bigla akong buhatin ni Grant na parang bagong kasal lang kami. Tumatawa-tawa pa siya habang nagpupumiglas ako sa pagkakabuhat niya sa akin.

"Ibaba mo nga ako! May paa naman ako para makapaglakad." reklamo ko habang bumababa na kami sa hagdanan.

"Ang gaan mo naman. Kumain ka nga ng marami para hindi ka nangangayayat." sabi naman niya hanggang sa makababa na kami ng hagdanan at tumungo sa may kitchen area ng bahay na ito.

Kanino kaya ang bahay na ito? Binili kaya nila ito? Hindi imposible iyon dahil mayaman naman sila pero nakakapanghinyang lang na bibili sila ng bahay para lang kidnappin ako at itago dito.

Nasa bandang kitchen area na si Amir na busy sa iniinom niyang kape sa lamesa. Binaba naman ako ni Grant sa isang upuan na nasa tabi lang ni Amir saka ito nagtungo sa kitchen sink.

"Shit! Hindi ka ba magluluto ng agahan natin, Amir? Sa akin mo talaga iaasa 'to eh hindi naman ako marunong magluto?" inis nang sabi ni Grant kay Amir na tinaasan naman siya ng kilay.

"And why? Sa akin mo rin iaasa ang pagluluto? I don't know how to cook, too!" sabi ni Amir at umikot ang mata nito.

"Kahit pagprito lang ng itlog at hotdog hindi ka marunong? Pati pagsasaing hindi mo alam? 18 ka na at dapat alam mo na 'yan!" hindi makapaniwalang sabi ni Grant at ginulo na nito ang buhok niya na animo'y problemadong-problemado.

"Wow! Nagsalita ang hindi. Hindi ka rin naman marunong magluto kahit pagprito lang, ah? Nagprito ka nga noon ng isda at muntik pa kaming mafood poison doon dahil sa sobrang sunog na." natatawang sabi ni Amir kaya sinamaan siya ng tingin ni Grant.

Seryoso ba sila? Sa tanda na nila ay hindi pa sila marunong magluto kahit magprito man lang?

"Gago! Malay ko bang kaagad maluluto 'yung isda sa kawali kapag umuusok na?" singhal ni Grant.

Napailing nalang ako at dahil ayoko nang magtalo pa sila kung sino ang magluluto ay lumapit na ako kay Grant sa may kitchen sink.

"Ako nalang ang magluluto para hindi na kayo magtalo diyan." masungit kong sabi.

Napangiti naman si Grant sa sinabi ko at kaagad niyang hinalikan ang labi ko na ikinapula ng pisngi ko.

"Thanks, babe. I will watch you cooking para next time maipagluluto na kita." sabi niya.

Namumula ko namang binuksan ang ref sa gilid ng kitchen sink at naghanap ng pwedeng maluto doon. May bacon, itlog at hotdog silang stocks kaya iyon na ang kinuha ko. Ito ang madalas na kainin ng mayayaman sa agahan dahil nakikita ko iyon sa mga pictures sa internet.

"Maglagay ka ng apat na tasang bigas sa rice cooker at hugasan mo ng tatlong beses." utos ko kay Grant.

Apat na tasang bigas na ang sinabi ko dahil siguradong malalakas kumain ang mga lalakeng ito.

"Yes, babe!" tuwang-tuwa niyang sabi at kaagad nang sinunod ang utos ko.

"Pagkabanlaw mo ng tatlong beses sa bigas, lagyan mo ulit ng tubig. Titignan ko nalang kung tama ba ang pagkakalagay mo." sabi ko at inumpisahan nang balatan ang hotdogs na may plastic pa.

Nagbati naman ako ng apat na itlog bilang scrambled eggs at ang iba ay gagawin kong sunny side up.

Pagkatapos ng inutos ko kay Grant ay lumapit ulit siya sa akin at ipinakita ang nahugasan na niyang bigas na may tubig sa kaserola ng rice cooker.

"Is it fine?" tanong niya.

Tinantsa ko naman ang tubig nito gamit ang hintuturo ko. Sakto lang naman ang tubig. "Tama na 'to. Isalang mo na kaagad sa rice cooker. Pindutin mo 'yung cook button." sabi ko.

"Aye aye!" parang bata niyang turan saka na ito lumayo sa akin at isinalang na ang bigas sa kaserola sa may rice cooker.

Napailing nalang ako dahil halatang hindi talaga nagluluto si Grant at para lang itong batang tuwang-tuwa sa pagsasaing lang sa rice cooker.

Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong spatula nang maramdaman ko si Amir na nasa likuran ko na pala at tila inaamoy nito ang batok ko.

"L-lumayo ka nga sa akin, Amir," nautal ko pang sabi habang naglalagay ako ng mantika sa kawali.

"Ang bango bango mo talaga, sunshine." bulong niya sa tenga ko.

Tumabi naman sa akin si Grant at nagulat ako nang hinahaplos-haplos na nito ang bewang ko pataas-baba.

"Seeing you cooking for us makes me want to marry you immediately. You're such a wife material, babe." sabi niya habang nakatitig na naman ito sa akin.

Grabe talaga ang epekto nila sa akin kapag ginagawa nila ang mga bagay na ito. Hindi ko ito maramdaman kay Juancho at tanging sa Steffano Brothers lang ako nakakaramdam ng ibang klaseng mga pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

"Lalayo kayo sa akin o hindi ako makakapagluto?" banta ko kahit pa nanlalambot na naman ang mga tuhod ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Napangisi naman sina Grant at Amir at itinigil na nila ang ginagawa nila sa akin pero hindi pa rin umaalis ang mga ito sa tabi ko.

"We will watch you cooking. Don't worry, behave lang kami." ani Grant at nginitian pa ako ng malawak.

"Siguraduhin niyo lang." sabi ko bago siya irapan at sinimulan nang pritohin muna ang itlog na gagawin kong sunny side up.

Habang nagluluto ako ay parang tanga lang na nakamasid sa piniprito ko sina Grant at Amir at parang ngayon lang nakakita ang mga ito ng taong nagpiprito ng pagkain.

"Bakit hindi kayo marunong magluto kahit magprito man lang?" tanong ko sa kanila matapos magprito ng sunny side up at scrambled eggs. Sinunod ko namang prituhin ay ang bacon na sa pagkakaalam ko ay medyo mahal ang presyo nito sa palengke.

"River is the only one who can cook. Hindi naman namin siya tinitignan magluto kaya hindi namin alam kung paano 'yung ginagawa niya. Sa bahay naman, si Mom o ang mga katulong lang ang nagluluto ng mga kinakain namin. Kung walang magluluto, we're only buying and eating at a restaurant." sabi ni Grant.

"Malalaki na kayo kaya dapat kahit pagprito man lang alam niyo. Painitin niyo muna kasi ang kawali bago kayo maglagay ng mantika. Pagkatapos nun, kapag umusok na ng kaunti ang kawali ay isalang niyo na ang piprituhin niyo. Hindi kailangang malakas ang apoy para maluto kaagad ang ulam. Kahit medium heat lang." sabi ko at binaliktad na ang mga bacon sa isang side. Madali lang iyon maluto dahil maninipis lang ang pagkakahiwa.

"Ah, ganon pala 'yon." tumatango-tangong sabi ni Grant.

Nang matapos na akong magluto ay tinulungan na ako ng dalawa na ilagay sa lamesa ang mga nalutong pagkain. Inilagay na rin ni Grant sa lamesa ang bigas na sinaing niya kanina nang maluto na ito. Hinanda ko na rin ang mga plato, kutsara, tinidor at baso sa lamesa. Kumuha na rin ako ng isang pitsel ng malamig na tubig sa ref.

"It looks very delicious. You're such a good cook, sunshine!" manghang sabi ni Amir habang tinitignan nito ang mga pagkaing niluto ko na nasa lamesa.

"That's why we don't have any regrets to kidnapped you." sabi naman ni Grant na akmang kukuha na sana ng hotdog sa plato nang tinampal ko ang kamay niya.

"Magdasal muna tayo bago kumain." sabi ko at nag-umpisa nang magsign of the cross.

Sinunod naman ako ng dalawa at pagkatapos nun ay ipinikit ko na ang mga mata ko para magdasal.

"Lord, sana po makaalis na ako sa lugar na ito at makasama ko na po ang pamilya at mga kaibigan ko." Dasal ko sa isipan ko at nang matapos na ako ay iminulat ko na ang mga mata ko.

Nahuli ko na nakatitig lang sa akin sina Grant at Amir. Kaagad naman silang nag-iwas ng tingin sa akin at nag-umpisa nang kumain.

Tahimik lang kaming kumakain bukod sa mga papuri nilang masarap daw akong magluto. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanila. Dapat ngayon ay hindi ko na ginagawa ang mga bagay na ito at manatili lang akong galit sa kanila pero hindi ko iyon nagawa.

Naiintindihan ko na kaya nila ako dinukot at dinala sa lugar na ito ay dahil sa umaasa sila na kapag nagkasama kami sa iisang bubong ay may posibilidad na magustuhan ko rin sila.

Sa tingin ko ay hindi malabong mangyari iyon dahil ngayon na kahit ilang beses ko pang itanggi sa sarili ko ay may kakaiba na talaga akong nararamdaman sa kanilang magkakapatid.

Ang gusto nila ay magustuhan ko silang limang magkakapatid pero mali iyon dahil kapag nagmamahal ang isang tao ay dapat sa isang tao mo lang rin ibabaling ang atensyon at pagmamahal mo.

Posible ba ang gusto nilang mangyari? Alam ko na epektibo lang iyon sa ibang bansa o depende sa isang tradisyon pero sa mata ng Diyos at sa mata ng batas ay maling-mali iyon.

Hindi na talaga nag-iisip ng tama ang Steffano Brothers at kung gugustuhin nila ay gagawin kaagad nila.

Pagkatapos naming kumain ay walang imik na akong umalis at bumalik sa loob ng kwarto namin. Gusto kong tumakas pero hindi ganon kadali iyon dahil bukod sa wala akong ibang makitang bahay sa isla na ito na pinagdalhan nila sa akin ay sobra pang taas ng mga pader at bakod sa paligid ng bahay. Nakasara lahat ang mga bintana at naka padlock naman ang mga pintuan sa kabuuan ng bahay. Talagang sinigurado ng mga baliw na iyon na hindi ako makakatakas pa sa kanila kaya kailangan kong pag-isipan ang mga hakbang na gagawin ko para lang makaalis ako sa lugar na ito.

Kaagad akong umupo sa kama nang pumasok sina Grant at Amir sa loob ng kwarto namin. Tinanaw ko lang ang bintana at hindi ko sila magawang tignan.

Naramdaman ko ang pag-upo nila sa tabi ko pero hindi ko pa rin sila pinansin.

"I know you are mad at us but we're only doing this because we love you." sabi ni Amir na ikinahinto ko.

Mahal na nila ako? Nang ganon kabilis?

Humarap naman ako sa kanila. "Kung mahal niyo ako, hindi niyo sa akin magagawa ang bagay na 'to. Makasarili kayo!" seryosong sabi ko at pinipigilan na huwag ulit mapaiyak.

Tumalim bigla ang tingin sa akin ni Amir na ikinatakot ko at napahawak nalang ako sa dibdib ko sa pagkagulat nang tumayo siya at sinipa ng malakas ang lamesa sa gilid ng kama kaya natumba ito.

"Yes. We are selfish and it's because of you! It's your fault kung bakit kami nagkakaganito at halos mabaliw na sa'yo kaya wala kang karapatang magreklamo sa mga gagawin namin sa'yo!" sigaw niya sa akin pagkatapos ay pabalang nitong sinarado ang pintuan ng kwarto nang makalabas na siya sa loob nito.

Nanginig nalang ako sa takot at kaba dahil sa biglaang pagbabago ng mood ni Amir. Sabi ko na nga ba, may mali sa kanilang magkakapatid.

"Don't say that again, Yareli. Masama kaming magalit, and will you believe kung sasabihin ko sa'yong si River ang pinaka nakakatakot at delikado sa aming lima?" nakangising sabi ni Grant na ikinagulat ko.

Si River? Paano nangyari iyon? Sa ngayon ay sa kanya ko lang nakikita ang kaunting concern at awa para sa akin. Siya lang sa Steffano Brothers ang humingi ng tawad dahil sa pagdukot nila sa akin.

"Imposible," umiling ako.

Itinukod naman ni Grant ang kanyang mga kamay sa likod ng kama. "It's not impossible, babe. Kung nakakatakot magalit si Efraim ay mas lalo naman si River kaya kung ako sa'yo ay 'wag mo siyang gagalitin at susuwayin sa mga gusto niya. He can kill you in a snap if you will do that. He's dangerous and scarier than my other siblings so you need to obey him." seryosong sabi niya hanggang sa tumayo na ito sa kama at lumabas na rin sa loob ng kwarto namin.

Tumindig ang mga balahibo ko sa sinabi ni Grant. Totoo ba talaga iyon? Na kaya akong patayin ni River sa oras na galitin at suwayin ko siya? Pero bakit hindi ko iyon makita sa pagkatao niya?

River, hindi ka naman siguro ganon, hindi ba?

---
# 3208 w

Continue Reading

You'll Also Like

712K 17.6K 32
Allison Lim is a 20-year-old girl who lives with her uncontrollable mother and older brother. Her life was always dictated by them but what will happ...
469K 2.2K 7
Since Yron met Kianna as his step sister, the man's calmness and seriousness gradually changed because as they approached his step sister, he did not...
131K 8.4K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
1.4M 33.9K 54
Russel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't kno...