Steffano Brothers' Obsession...

By Ajai_Kim

2.2M 66.1K 34.5K

Si Yareli Tamayo ay isang maganda at mabait na dalagang nakatira sa probinsya ng San Felicidad. Kuntento na s... More

Steffano Brothers' Obsession
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
SBO Note
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 12

39.2K 1.3K 641
By Ajai_Kim

YARELI'S POV

"Ano ba kasi ang nangyari at kung bakit ka sinuntok ni Irvin sa mukha?" tanong ko kay Ronnie nang matapos kong gamutin ang ilong niyang nagdurugo.

"Nakasalubong kasi namin siya kanina ni Jestin tapos bigla niyang sinabi sa akin na gusto ka raw niya at layuan na kita. Sabi ko naman na hindi pupwede 'yon dahil kaibigan kita tapos bigla nalang siyang nagalit. Sa inis ko sa kanya ay inasar ko siya at sinabi kong mas matagal mo na akong kilala at may tsansa akong magustuhan mo ako kaysa sa kanya tapos nagalit siya at ayon sinuntok niya ako sa mukha na naabutan niyo ni Mayet." mahabang paliwanag naman ni Ronnie habang hawak pa rin nito ang ilong niya.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ronnie. Maging pati si Irvin ay sinabi na rin ang nararamdaman niya para sa akin dito kay Ronnie. Palagi ko nalang siyang nakikitang nagagalit kay Ronnie nang dahil sa akin. Hindi na talaga maganda ang kutob ko sa Steffano Brothers at hangga't nandito pa rin sila sa San Felicidad ay hindi na mapapanatag ang loob ko.

Sa tingin ko ay pinagseselosan ni Irvin si Ronnie at dahil wala namang kasalanan si Ronnie ay nadadamay pa ito nang dahil sa akin.

"Sana hindi mo nalang sinabi 'yon, Ronnie. Mas pag-iinitan ka lang ni Irvin dahil nalaman mo nang g-gusto niya ako." sabi ko at napabuntong-hininga nalang.

Tinignan naman ako ni Ronnie ng seryoso. "Matagal mo na bang alam na gusto ka nila?" tanong niya.

"Nitong nakaraan ko lang rin nalaman nung kaarawan ni kuya Yasewah at sinabi sa akin 'yon ni River. Kahit anong pag-iwas ko sa Steffano Brothers ay gagawa at gagawa pa rin daw sila ng paraan para mas maging mapalapit sa akin. Hindi ko alam na sa dinami-rami ng mga magaganda at mayayamang babae sa Maynila ay sa akin pa sila nagkagusto. Sa limang magkakapatid pa." umiiling kong sabi at parang sumasakit lang ang ulo ko sa kaisipang iyon.

"Kahit sino namang lalake ay magkakagusto sa'yo, Yareli." mariing sabi ni Ronnie at hindi ko mabasa ang kung anong emosyon ang nasa mga mata niya.

Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanya at tinignan ang orasan na nakasabit sa dingding ng bahay namin.

"Alas sais na pala ng gabi. Kailangan mo nang umuwi at baka hinahanap ka na sa inyo." paalala ko kay Ronnie.

"Pinapaalis mo na ba ako? Ayaw mo na ba akong makasama? Hindi na nga tayo gaanong nakakapagbonding dahil palagi ka nalang nagkukulong dito sa bahay niyo e," tila nagtatampo niyang sabi na ikinatawa ko naman.

"Para namang hindi tayo nagkakasama simula pagkabata natin. Hindi ka ba nagsasawang makita ang pagmumukha ko?" tumatawa kong sabi.

"Hindi. Kahit araw-araw pa kitang titigan hindi ako magsasawa." seryoso niyang sabi na ikinatigil kong bigla.

Ayoko nang mag-isip pa ng kung anu-ano sa mga sinasabi ni Ronnie. Masyado akong maraming iniisip at ayoko na iyong dagdagan pa.

"U-umalis ka na nga!" sabi ko nalang at itinulak ko na siya papalabas ng bahay. Tatawa-tawa naman siya habang ginagawa ko iyon.

Nang nasa labas na kami ng bahay ay sumeryoso na ulit ang mukha ni Ronnie at hinaplos nito ang buhok ko.

"Basta kung may ginawa mang masama sa'yo ang magkakapatid na 'yon ay tawagin mo lang ako. Handa kitang protektahan sa lahat, Yareli at nandito lang ako palagi para sa'yo." sabi niya at nginitian ako.

"Salamat, Ronnie." sabi ko at nginitian rin siya.

"Magkita nalang tayo bukas. Paalam!" kinawayan niya ako at pagkatapos nun ay umalis na siya.

Huminga ako ng malalim at pumasok na ulit sa bahay.

Kinabukasan ay usap-usapan na ngayon sa probinsya ng San Felicidad ang pagpapakasal ni Juancho at ang anak ni Congressman Raul Montecillo na si Amanda Montecillo na nobya ni Juancho.

Nanghihina akong napaupo sa kubo at kaagad pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.

Bakit hanggang ngayon ay masakit pa rin? Gusto ko nalang kalimutan ang lahat pero kahit anong gawin ko ay may parte pa rin sa puso ko na umaasa na sana hindi matuloy ang kasal nila pero sarili ko nalang talaga ang pinapaniwala ko dahil wala naman talagang nararamdaman si Juancho para sa akin.

Napakasakit palang magmahal lalo na kung ikaw lang ang nagmamahal sa inyo. Kailangan kong maging matatag dahil iyang pag-ibig na 'yan ay wala naman akong mapapala diyan. Mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pamilya ko at pag-aaral ko.

Kasama ko ngayon si Mayet sa bayan ng San Felicidad at nag-apply kami sa isang Cafe shop bilang mga waitress habang bakasyon pa at wala kaming mga pasok. Maganda na rin ito para makatulong kami kahit papaano sa pamilya namin sa mga gastusin sa bahay. Dahil maaga kaming nag-apply at urgent hiring ang Cafe shop na pinag-applyan namin ay kaagad kaming natanggap ni Mayet.

Ngayon na kaagad ang umpisa namin sa trabaho at dahil may experience na kami noon ni Mayet na maging waitress ay madali nalang sa amin ang trabahong ito.

"Alam mo Yareli, kaya siguro tayo naha-hire kaagad sa work na ina-applyan natin ay dahil 'yon sa'yo." sabi ni Mayet habang busy ito sa pagpupunas ng lamesa at ako naman ay busy sa pagwawalis habang wala pang mga customer.

"Ha? Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ko.

"Maganda ka kasi, girl! Isa sa x-factor kung bakit dumadami ang nagpupuntang customer sa isang shop ay kung may maganda o gwapo silang nakikita dito. Isa na dun ay ikaw. Naalala mo ba nung nag part time job tayo sa Cafe shop na pagmamay-ari nila Vice Governor Ardiente? Palaging maraming lalakeng customers ang nagpupunta nun at dahil 'yon sa'yo. Tumaas pa raw ang sales ng Cafe Shop nila Vice Governor kaya tinaasan niya ang sahod natin." nakangisi niyang sabi.

Natatandaan ko pa iyon isang taon na rin ang nakakalipas. Palagi ngang maraming lalakeng customers ang nagpupunta nun sa part time job namin sa Cafe Shop nila Vice Governor Ardiente at nahuhuli ko pa ang mga ito na nakatingin sa akin. Ang iba pa nga ay hinihingi ang number ko na tinatanggihan ko naman. Hindi ko naman alam kung talaga bang tumaas ang sales ng Cafe Shop na iyon nang dahil sa akin o dahil masarap lang talaga ang mga pagkain at inumin doon.

"Dalian na nga natin at baka may paparating nang mga customer." sabi ko at minadali na ang pagwawalis ko.

"Oo na po, Ma'am Yareli," Pabiro namang inirapan ako ni Mayet at binilisan na rin nito ang pagpupunas ng mga lamesa sa Cafe Shop.

Nang matapos na kaming naglinis ay sakto namang may mga papasok nang customers at laking gulat ko nang makita ang Steffano Brothers na kaagad umupo sa isang bakanteng table.

Si Amir ang unang nakakita sa akin at mukhang hindi rin niya inaasahan na makikita niya ako dito sa Cafe Shop. Kaagad siyang lumapit sa akin na ikinalingon ng apat pa niyang mga kapatid. Katulad ni Amir ay nagulat rin sila nang makita ako.

"You're working here?" tanong ni Amir.

Nahihiya naman akong tumango. "Kakaumpisa ko palang dito sa trabaho ko kasama ang kaibigan ko." sagot ko naman at kaagad pumunta sa counter saka kinuha doon ang menu.

Kinakabahan akong lumapit sa table ng Steffano Brothers habang nakasunod sa akin si Amir.

Titig na titig sa akin ang magkakapatid na pilit ko namang nilalabanan ang pagkailang ko sa kanila. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa ginawa ni Irvin kay Ronnie at nananadya talaga ang tadhana dahil sa dinami-rami ng pupwede nilang puntahan na Cafe Shop dito sa bayan ng San Felicidad ay sa Cafe shop pa talaga na pagtatrabauhan ko.

Tahimik kong inabot sa kanila ang menu na kinuha naman ni River.

"Yareli, galit ka pa rin ba sa ginawa ko sa kaibigan mo? I'm very sorry about that." malungkot na paumanhin ni Irvin sa akin. Ibang-iba sa Irvin na nakita ko na kaharap ni Ronnie kahapon. Naging maamong tupa na siya ngayon.

"Kay Ronnie ka humingi ng tawad at hindi sa akin." malamig kong sabi.

Hindi na siya nagsalita pa sa sinabi ko hanggang sa kinuha ko nalang ang order nilang magkakapatid at tahimik kong inilista iyon. Pagkarating ko sa counter ay inabot ko ang listahan ng mga order nila sa isa ring empleyado dito sa Cafe shop na si Rico. Kilala na namin ito ni Mayet dahil naging kaklase namin ito noong mag 1st year college kami.

"Kilala mo ba 'yung mga 'yon? Titig na titig sila sa'yo kanina pa tapos ngayon naman ang sama ng tingin nila sa akin." natutuwa pang sabi ni Rico at nang nilingon ko saglit ang Steffano Brothers ay nakatingin nga ito sa direksyon namin habang tinititigan si Rico ng masama.

"Huwag mo na nga silang pansinin," sabi ko nalang sa inis ko sa kanila.

"Mukhang type ka pa nila, ah? Kung sa bagay, ang ganda mo naman kasi. Kung wala lang akong girlfriend malamang niligawan na kita." sabi niya habang ginagawa na nito ang order ng magkakapatid.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Tumigil ka nga, Rico!" suway ko at tinawanan lang niya ako.

"Joke lang-"

"Matagal pa ba 'yan?" rinig kong sigaw ni Grant sa direksyon namin.

"Malapit na po 'tong matapos, sir!" sigaw naman pabalik ni Rico.

"Yeah, make it faster. 'wag puro pakikipagkwentuhan ang alam." masungit namang sabi ni Irvin at nakita ko pang pasimple nitong inismiran si Rico.

Nailing nalang si Rico sa kasungitan ng dalawa at nang matapos na itong gawin ang order nila ay bumulong siya sa akin.

"Kitams? Pati ako pinagseselosan nila." sabi niya na ikinapula naman ng mukha ko.

Kinuha ko na kay Rico ang tray na may order ng Steffano Brothers at muli akong bumalik sa table nila.

"Ito na po ang order niyo." naiilang kong sabi at inilapag na ang order nila sa table nila.

"Thank you." nakangiting sabi ni River.

Tumango nalang ako sa kanya at umalis na rin pagkatapos. Sakto namang nakita ko si Mayet na kakalabas lang mula sa Storage Room ng Cafe shop at kaagad nitong nakita ang Steffano Brothers.

"Omg! Nandito pala ang mga gwapong 'yan? Anong nangyari? Hindi ka ba nailang sa kanila?" tanong niya.

"Sana nga umalis na sila kaagad. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako kapag kaharap ko sila." sabi ko at bumuntong-hininga.

"Tapos 'yang Irvin na 'yan may gana pa talagang suntukin si Ronnie kahapon? Nako! Delikado ka na talaga sa magkakapatid na 'yan, girl. Looks can be deceiving ika nga dahil kahit gwapo pa silang lahat at maamo ang mukha ay may hindi rin talagang magandang vibes akong nararamdaman sa kanila." sabi ni Mayet.

"Ganon rin ang nararamdaman ko, Mayet. Ngayong nalaman ko na may gusto silang magkakapatid sa akin at ayaw nilang iwasan ko sila ay hindi na talaga maganda ang kutob ko. Nakikita ko na ayaw nilang tinatanggihan sila." nag-aalala kong sabi.

Sa personalidad palang ng Steffano Brothers, sa tingin ko na lahat ng nanaisin nila ay makukuha nila. Masyado pang bayolente sina Grant at Irvin. Hindi ko rin kayang pagkatiwalaan ng buo sina Efraim at Amir dahil may kung ano rin sa kanila na ikinakabahala ko. Kung mayroon man akong dapat pagkatiwalaan sa kanila ngayon iyon ay si River.

Naaalala ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin nung gabing nalasing siya sa kaarawan ni kuya Yasewah at kung paano ko siya nakasamang matulog sa maliit kong kama. Wala siyang ginawang masama sa akin kahit ito ay lalake rin at natutukso. Nirerespeto niya ako dahilan para mas humanga pa ako sa kanya.

"Ah basta ingat-ingat nalang rin at 'wag masyadong nagtitiwala, ah? Sige na let's finish our work na!" saad ni Mayet at nang may dumating na ulit na bagong customer ay kaagad na niyang nilapitan iyon.

Naging busy na rin ako sa pag-aassist at pagkuha ng mga orders ng ibang customers at hindi ko na rin namamalayan ang oras. Nang tinignan ko ang table ng Steffano Brothers ay nakahinga ako ng maluwag nang wala na sila doon.

5pm na nang matapos ang trabaho namin ni Mayet at nalinisan na rin namin ang buong Cafe shop bago kami magsipag-uwian. Nagpaalam na kami na uuwi na sa mga iba pang katrabaho namin kasama na doon si Rico.

Nang lumabas na kami ni Mayet sa Cafe Shop ay may nakaparadang itim na kotse sa tapat. Mula sa loob ng kotse ay lumabas doon si River. Napansin ko na nakasakay rin doon ang apat pa niyang mga kapatid.

Bakit pa sila nandito? Ang akala ko ay nakauwi na sila?

"Ihahatid na namin kayo pauwi, Yareli." sabi ni River nang makalapit na ito sa amin.

"H-hindi na. Kaya na naming umuwi." sabi ko naman at akmang hihilahin na si Mayet papaalis nang humarang sa harapan namin si River.

"Sige na, Yareli. Hindi kami titigil hangga't hindi namin kayo nahahatid." determinado niyang sabi na nagpipigil lang ng ngiti.

"Sige na girl, ihahatid lang naman tayo e. Pagod na rin ako at hindi ko na kering maglakad pa." biglang banggit ni Mayet.

Bumuntong-hininga nalang ako at wala nang ibang nagawa kundi ang tanggapin ang alok ni River sa amin. Napangiti naman si River sa pagsang-ayon ko at kaagad niya kaming pinapasok sa loob ng kotse nila.

Si Efraim ang nasa driver's seat at kaagad pumwesto si Mayet sa front seat. Pinanlakihan ko siya ng mata sa ginawa niya pero nginisian lang niya ako.

Nasaan na kaya 'yung sinasabi niya kaninang hindi raw maganda ang vibes niya sa Steffano Brothers? Eh, mukhang pinagtutulakan na niya ako sa mga ito e.

Wala akong nagawa kundi ang umupo nalang sa back seat kung saan ay katabi ko doon ang apat pang magkakapatid.

Nang umandar na ang kotse ay tahimik lang ako habang ramdam ko naman ang pagtitig sa akin ng mga lalakeng katabi ko. Ipinapangalangin ko na sana makarating na kaagad kami sa Tayuman para hindi na ako mailang pa sa kanila.

"Yareli,"

Napalingon naman ako kay Grant nang tinawag niya ang pangalan ko.

"A-ano 'yon?" tanong ko.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong kabigin at hinalikan sa labi. Kahit ang mga kapatid niya at si Mayet ay nabigla rin sa ginawa niya sa akin.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. Makalipas ng ilang segundo ay tumigil na siya sa paghalik sa akin saka ito humiwalay at nakangiti na ito na para bang nanalo siya sa lotto.

"Sorry kung hinalikan kita, ah? Kinakausap mo pa kasi 'yung tarantadong lalakeng katrabaho niyo. I'm so jealous with him and that's my sweet punishment for you." nakangising sabi ni Grant habang nakatingin pa ito sa labi kong hinalikan niya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Irvin sa tabi ko habang ako naman ay gulat na gulat pa rin sa nangyari.

"That's why don't talk to other men anymore to make us jealous dahil baka sa susunod ay hindi lang halik ang magagawa namin sa'yo." seryoso namang sabi ni Amir na ikinatindig ng balahibo ko.

Wala na talaga akong kawala pa sa Steffano Brothers at hindi ko na nagugustuhan itong mga nangyayari.

---
#

Continue Reading

You'll Also Like

155K 9.6K 27
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
863K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
23.1K 844 8
Rishi Azaki apo ng pinakamayamang tao sa japan,sa kabila ng pagkakahawig nya sa isang manika ay mayroong deperensya ang mga paa nya. Hindi sya makal...
713K 17.6K 32
Allison Lim is a 20-year-old girl who lives with her uncontrollable mother and older brother. Her life was always dictated by them but what will happ...