Frida ( COMPLETE )

由 ShatteredBlues

6.6K 209 3

Dahil sa pangungulila ni Frida Marseille sa kanyang yumaong asawang si Monsur ay nagpakalayo layo sya para ka... 更多

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
CHAPTER 6
Chapter 7
Chapter 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19:
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35: END

Chapter 3

241 7 0
由 ShatteredBlues


"Maam Nicole...."Alanganing bati ni Manang Mameng sa dalagang amo.

"Bakit po, may problema ba, Manang ?" Nag aalalang tanong ni Nicole. Kahapon lang ay tumawag ito sa kanya para sabihin ang lagay ng kanyang Mommy Frida . Kinakabahansya sa kung ano ang magiging balita nitong muli.

"Maam Nicole , ang Mommy nyo po ..."

"Whattabout Mom?!" Gulat na tanong ni Nicole.

"Wala po sya sa bahay...umalis po sya kagabi ng hindi namin namamalayan."

"What?! No, way!"

"Wala rin po ang sasakyan ng Mommy nyo po sa labas. Sinusubukan namin syang tawagan pero can not be reached po ang kanyang phone. "

"Manang, nareport nyo na po ba ito sa pulis?"

"Hindi daw po pwedeng gawan ito ng report sa ngayon hangga't hindi daw po lumalagpas ng 72 hours."

"72hours? My, God..." Napatapik si Nicole sa kanyang noo . Hindi nya na maintindihan kung bakit nagkakaganito si Frida.

"Sinubukan nyo na bang tawagan ang mga kamag anak nya ?"

"Opo maam, pero wala rin po doon si Maam Frida."

"Sh*t nasaan ka na Frida.." Bulong ni Nicole. Hindi nya akalain na magagawa nitong umalis ng walang pasabi.

Naghalo ang inis at pagaalala ni Nicole.

Paano kung gawin ulit ni Frida ang mag suicide attempt?! Naalala nya ang nagyari noong mamatay ang kanyang daddy. Sobrang nadurog ang puso ni Frida hanggang sa nagawa nito ang isang bagay na hindi nila inaasahan.

Nakita nila noon si Frida sa loob ng CR nito. Nakalublob sa bathtub ang kalahati ng katawan ni Frida habang ang mga dugo ay nagkalat sa sahig. Resulta iyon ng ginawa ni Frida na paglaslas sa braso niya

Kaya naman ganun nalang ang pagaalala ni Nicole sa ano mang pwedeng gawin ni Frida. Because Frida is always so impulsive....

Lingid sa kaalaman nila Nicole, ay naroon si Frida sa lugar na napaka layo habang mahimbing na natutulog.

Pasado alas kwatro naman nang hapon nang magising si Frida mula sa kanyang pagkakatulog.

Dala marahil iyon ng sobrang pagod at puyat nya simula kahapon.

Hinipo nya ang kanyang ulo..sobrang sakit niyon. Siguro ay resulta rin iyon ng alak na ininom nya kahapon. Kung di lang nakaramdam si Frida ng matinding gutom ngayon, hindi talaga sana sya gigising.

"Haaawr!" Hikab ni Frida.

She took her phone para tingnan ang oras.

"Sh*t ." Nasambit ni Frida ng makita ang mga miscall ni Nicole at ng iba pa. Nakalimutan pala nyang magpaalam sa kanila kagabi dahil sa sobrang tuliro ng isip nya.

Mabilis nyang pinindot ang cellphone number ni Nicole.

"Mom!" Bulalas ni Nicole "Where are you?"

"I-I'm sorry Nicole...hindi ko naisip na sabihan kayo ng mas maaga. Ahm, I took some off . Dont worry, I'm doing good." Napatayo si Frida mula sa kanyang kama saka lumapit sa bintana.

"Thank God...Mom, nasaan ka , ngayon, papasundo kita kala Manong Rey at Manang Mameng?"

"Ahm..nasa Cagbalete ako ngayon."

"Cagbalete?! Where the hell is that?"

"Somewhere in Quezon." Pikit matang saad ni Frida. Sigurado syang maghi hysterical si Nicole kapag sinabi nya iyon.

"What?! Paano ka nakarating dyan? Mom, anong ginagawa mo dyan? Sinong kasama mo ?" Sunod sunod na tanong ni Nicole.Tama ang hula ni Frida maghi hysterical ito kapag nalaman iyon ni Nicole.

"I just need to get some fresh air."

"Fresh air ? All the way from Manila, ang layo ng Cagbalete mom." Reklamo pa ni Nicole habang bina browse sa kanyang computer ang lugar na kinaroroonan ni Frida.

"Nicole, I need some space and time for healing . Alam mong hindi ganun kadali ang pinagdaanan ko after mawala ang daddy mo." Muli ay unti unting sumisilip na ang mga luha sa mata ni Frida.

"Mom..." Biglang nagiba ang tono ng boses ni Nicole. Naaawa sya sa kanyang stepmother.

"You know Nicole, I've been trying so hard naman, para makalimutan ko ang daddy mo. And God knows how much I've tried..pero hindi , hindi ko sya makalimutan. Hindi ko parin kayang tanggapin na kasalanan ko kung bakit nawala sya."

"Mom..wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan kung bakit namatay si Daddy. Decision nya iyon dahil napapagod na sya. Dont feel guilty."

Frida is just 32 and still impulsive at immature. She's trying her best naman to become the best mom to Nicole and Wilson. Pero paano sya magiging mabuting ina kung hanggang ngayon ay hirap parin syang buuin ang kanyang sarili matapos ang pagkawala ni Monsur ?

"I'm sorry for being so selfish ... Im sorry kung iniisip ko lang ang nararamdaman ko. " She cracked her voice..konti nalang at iiyak na talaga si Frida.

"Mom.." Alam ni Nicole ang hirap na pinagdadaanan nito ngayon.

Nag consult na si Frida sa isang Psychiatrist after nya mag suicide atempt . Ang sabi ng doktor ay may Complicated Grief Disorder daw sya kaya hirap si Frida na matangap ang pagkamatay ni Munsor. Hanggang ngayon ay nakatali parin sya sa alaala ng asawa .

"Ssssh...Mom, it's okay . We understand you. If you really want to be there, okay lang . But promise to take care of yourself, okay? " Bilin ni Nicole.

Natawang bahagya si Frida kahit na naiiyak na ito.

"I should be the one telling you that. I'm you mom but here I am acting immature and selfish. Parang feeling ko tuloy wala akong karapatang maging mommy ninyo ni Wilson."

"Mom,dont say that. Kahit na halos magkaedad tayo, that doesnt mean na hindi na kita Mommy. You will always be our Mom, asawa ka ng daddy namin. And you are the best for us, at kahit wala na si Daddy, hindi magbabago yun."

Totoo ang lahat ng sinabi ni Nicole . Ngayon naisip ni Frida na napaka swerte nyang maging parte ng pamilyang ito. Tama ang sinabi ni Monsur noon, mabubuti ang puso ng kanyang mga anak at masaya itong tama ang kanyang pagpapalaki sa kanila.

"Thank you Nicole, I really appreciate it. Dont worry I'll be back in Manila in whole and complete" Pangako ni Frida.

"Good, please call me from time to time, okay, Ahm, sige mom I need to go na, may breakfast meeting pa ako mamaya."

"Im sorry kung naistorbo ko ang tulog mo. I just wanted you to know that Im doing okay."

"Dont worry, Im glad you called me, love you mom."

"I love you, too."

Huminga ng malalim si Frida saka nilibot ng paningin ang paligid. Maraming bulaklak ang naroon sa bandang dulo ganun din ang matataas na puno ng niyog at mangga. Sari sari ang mga kanta ng ibon sa kalangitan at ganun din ang tila musika sa tenga na pagalon ng dagat. Simple lang ang lugar na iyon at konti lang ang turista ng resort.

"Hi!" Sigaw ng isang boses mula sa malayo.

Napalingon si Frida and he saw that guy with a beautiful smile earlier.

Ang ganda parin ng ngiting naka plaster sa mukha nito .

"I caught some fish." Sabay taas ng balde na may lamang 2 piraso ng isda. "Lulutuin ko toh, for dinner . Wanna join?!" sigaw pa nito.

Inirapan lang ni Frida ang binata saka tinalikura iyon.

"Feeling close" Bulong ni Frida sa kanyang sarili.

Lumapit si Frida sa dresser na naroon. Mula sa kanyang bag na nakapatong roon ay nilabas ni Frida ang isang pares ng short at Tshirt upang magpalit muna ng preskong damit.

Bitbit ang kanyang wallet ay bumaba si Frida sa pantry hall upang maghanap ng makakain. Simula pa kahapon ay walang laman ang kanyang tyan weird pero hindi nya naramdaman iyon.

Naupo si Frida sa isang bakanteng mesa na naroon. Sinenyasan nya pa ang isang dalagang waitress na naroon upang lumapit sa kanya .

"Please give me 2 plain rice, mixed veggies salad, buttered shrimp, Nilagang baka at dagdagan mo narin ng 1 egg pie" sunod sunod na utos ni Frida.

Nanlaki ang mata ng dalaga na tantya ni Frida ay nasa 18 lang. Nagulat ito sa dami ng inorder ni Frida samantalang ito lang naman ang kakain ng lahat ng iyon.

"Lahat po yun maam?" Paninigurado pa ng dalagang waitress.

"Yes. And please serve it with toyo and calamansi for my nilaga"

"O-okay po." Napakamot ang waitres pagkatalikod nito. Sa ganda ni Frida at liit ng katawan ay di mo aakalaing malakas itong kumain.

Sarap na sarap si Frida sa mga pagkaing hinain sa kanya ng dalawang staff ng resort. At tila lahat ng problema ay kanyang nakalimutan ng dahil sa masasarap na ulam na nasa kanyang harapan.

Nasaa kalagitnaan ng pagkain si Frida nang may lumapit sa tapat ng kanyang mesa.

"Would you mind?"

A flashing smile greeted her.

Sandaling napahinto si Frida sa kanyang pagkain. Hindi nya maiwasang humanga sa gwapong lalake na nasa kanyang harapan.

继续阅读

You'll Also Like

1.8M 37.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
73.9K 3.5K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
122K 4.3K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...