HIS OBSESSION (UNDER EDITING)

Por erzalalaloves

42.6K 1.2K 241

Step into the alluring world of Yohannie Samuel Carbonel, a renowned billionaire and unstoppable force in the... Mais

PROLOGUE
STAR OFHIS OBSESSION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
Chapter 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
Chapter 41
CHAPTER 42
Chapter 43
Chapter 44
CHAPTER 45
Chapter 46
Chapter 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 30

517 22 0
Por erzalalaloves

YANNA

Being that our youngest, Yohan was too young to go through all of these difficulties, I wasn't really sure how to survive without him. Alam kong thirty one na siya but for me Yohan is still my baby as long as I am alive. Mommy only focused attention to Henry when she gave birth to the twin, naging unfair ang treatment niya kina Henry at Yohan. I was the one who acted as Yohan's mother in her absence at halos kalahati ng buhay ko ay inalay ko sa bunso kong kapatid. Mahina siya e, sobrang sakitin at madalas ay nabu-bully sa school dahil malamya ang kaniyang pagkilos. AKo ang naging tagapagtanggol ni Yohan, simula noon. Sobrang maaka-Ate siya, panganay na anak ko na nga kung ituring si Yohan e. He's my baby not until he met Elle, naging big guy na siya. Nasaksihan ko kung paano niya ipaglaban at mahalin si Elle to the point na naninindigan na siya, unlike noon na umiiyak lang siya in silence. I'm so proud of him, and I want to thank Elle for freeing our Yohan from his cage.

Si Elliese, ang unang babae na ipinakilala ni Yohan at siya rin ang unang babae na nakapagparamdam sa kapatid ko kung ano talaga ang tunay na ibig sabihin ng love at acceptance. I treasured both of them, the most.

Kaya nga noong malaman ko na naaksidente sila ni Elliese, pakiramdam ko ay naputulan ako ng pakpak. Nanlumo ako at nawalan ng pag-asa, I almost became depress but I choose to not too. Yohan needs me, kailangan kong maging malakas para sa kaniya lalo at kailangang-kailangan niya ako, kaming pamilya.

Two months na siyang comatose pero hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa na magigising pa rin ang bunsong kapatid namin. Sobrang traumatic para sa pamilya namin ang nangyaring aksidente sa kanilang dalawa ni Elle, hindi namin inaasahan na dadaan kami sa isang challenging phase na kagaya nito. Hindi ito biro dahil tila gumuho ang lahat sa amin nang mangyari ito.

Kasabay ng paghahangad namin na magising si Yohan, ay ang kahilingan na sana bago siya magising ay makita na namin si Elle. Elliese vanished at the same time as the accident; we don't know how; but when Yohan was taken to the hospital that evening, she's already gone without a trace. Those who witnessed it claimed that a different ambulance picked up her body, while others claimed that a man did. Who and what should we believe?marami kasi ang mga kuro-kuro na nagsisikalat. Yohan loves Elliese dearly and when he wakes up, I have no doubt Elliese will be the first person he will looks for. I'm unsure of Yohan's likely response when he learns Elliese is missing. He certainly would go to any lengths to see the woman he cherished.

"Gumising ka na, Yohan. Kailangan ka namin, kailangan ka ni Daddy at Mommy." Mahina kong bulong sa kaniyang tainga. " Alam kong sa paggising mo, hindi maganda ang balitang sasalubong sa'yo but you stil need to wake up. You are the only person we know of who can bring Elliese back."

"Yanna, hindi ka na naman ba papasok?" tanong ni Mommy nang lumabas ako mula sa kwarto kung nasaan si Yohan.

Iniuwi kasi namin siya rito sa bahay, dito siya ginagamot at pinupuntahan ng mga doktor. Matanda na kasi ang Mommy ko at delikado na sa kaniya ang magpunta sa ospital dahil sa mga sakit na nagkalat at sa sakit na iniinda niya.

"Hindi po, magbabantay po ako kay Yohan." sagot ko nang lingunin ko siya. Kasama niya si Henry, pareho silang nakasuot ng hospital gown at gloves.

"Magpahinga ka na muna kaya Ate, ako muna ang magbabantay kay Yohan," pagpepresinta ni Henry.

"Hindi na Henry, hayaan mo na ako dito. Ikaw? Wala ka bang taping?"

"Wala po kaya nga nagbo-volunteer po ako na magbantay. Gusto ko rin po kasi na makabawi kay Yohan sa lahat ng ginawa ko sa kaniya, sa kanila ni Elle. Sana bigyan mo po ako ng pagkakataon." He said sincerely.

"Mabait 'yang bunso natin, alaskador lang talaga kung minsan dahil nga sa naagaw niya si Elle pero huwag mo nang isipin pa ang nakaraan. Past is past, sikapin mo na lang na magkaayos kayong dalawa."

"Thank you Ate."

Yohan and Henry-sila ang dalawang kapatid ko na lalaki na kahit kailan, imposible na yata na maging magkasundo. Lahat na lang kasi ng mga bagay ay kanilang pinag-aawayan , lahat pinagtatalunan, ultimo iisang babae-which is Elle. How I wish this time, mabago na ang lahat at matigil na ang pag-aaway ng dalawang 'yon.

Nang araw na 'yon ay saglit ako na namahinga at naidlip sa kwarto ko. Gumising akong muli ay naligo at nagbihis ako para pumasok sa opisina at umattend ng ilang mga meetings. C.O.O at acting C.E.O ako ngayon habang wala pa si Yohan, saglit lang naman ito at pasasaan pa ay magigising din ang kapatid ko.

Pagpasok ko sa opisina ay agad na bumungad sa akin si Dominic Zafra na naka-upo sa sofa na nasa harapan ng desk ko. He's a businessman at aspirant na makuha ang Royal Gem.

"What are you doing here?" Agad niya ako na nilingon at ngumiti nang napakalapad.

"Mrs. Alyanna Carbonel-Stevenson, mabuti at dumating ka na. Kanina pa kita hinihintay e. How's Yohan?" tumayo siya at lumakad papalapit sa direksyon ko. "Long time no see."

"Wala akong panahon na makipag-chikahan sa'yo,"

"Ang sungit naman ng future business partner ko."

"Says who?"

"Says me," aniya.

"No way."

"Yes way, Mrs. Stevenson. Didiretsahin na kita, hindi ko na gugustuhin na bilhin ang RG, let's just be business partners. 40% okay na ba?"

"Hindi, umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin."

"30%?"

"Umalis ka na!"

"Si Elliese Altamirano kapalit ng RG."

"Anong sinabi mo?"

Ate uwi na po ako ha, sunduin mo ako Ate. Ate gusto ko po makita si Yohan, galit po ba siya sa akin? Sabi po ni-" Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Elliese ngunit pinatay na agad ni Dominic ang cellphone niya at inilayo sa akin.

"Wait a minute! Elliese! Elliese!" Sinubukan ko na habulin pa ang cellphone ngunit tuluyan niya na itong naibulsa.

"I'll give you fourty eight hours para magdesisyon Mrs. Stevenson, fourty eight ours," panghahamon niya habang ibinubulsa ang cellphone niya.

"Saan mo dinala si Ellies? Nasaan siya? Sabihin Mo sa akin!"

"Hindi ito tama Dominic! Hindi tama ang ginagawa mo. This is kidnapping!"

"At anong gagawin mo? Kakasuhan mo ako? Don't you dare, mas lalo ko lang na hindi ibibigay si Elliese sa inyo. Uulitin ko, fourty eight hours Mr. Stevenson-fourty eight hours."

ZARINA

Kaninang umaga nagpunta dito si Sam para sabihin sa akin na may kinalaman si Dominic sa pagkawala ni Elle, I actually find it ridiculous kasi imposible naman talaga na kuhanin niya si Elle. First of all wala siya noong araw na nangyari ang aksidente... so paano? Pangalawa, if he really wants Elle-sana noon pa, noong kasalukuyan na mayaman na sila. Niligawan niya na sana.

Xavier heard Sam, pababa siya ng hagdan noong nag-uusap kami ni Sam kaya naman kailangan ko ng opinyon niya tungkol dito.

"Xav," siyang tawag ko sa kakambal ko na busy sa pagtipa sa laptop niya. Nandito kami ngayon sa bakuran ng bahay

"Oh bakit?" sagot ni Xavier-hindi siya tumingin. Ayaw magpa-istorbo.

"Paano kung bumalik nga si Dominic at siya talaga ang kumuha kay Elle? Paano kung naroon nga siya that time?"

Napahinto siya sa pagtipa sa laptop niya, natulala rin at para bang gulat na gulat sa mga sinabi ko. This is kinda unusual-alam ko namam na sobrang seryosong tao 'tong si Xavier pero iba 'yong pagiging seryoso niya ngayon. Parang mas lalong dumoble-like ang weird niya

"Ayos ka lang Xav?"

"Oo.." blanko ang ekspresyo ng mukha niya, nakatungo lang siya at hindi niya ako matignan sa mata.

"May problema ka ba?"

"Wala."

"Totoo?"

"Wala nga, huwag kang makuliy.

"Ano ngang problema?"

"Wala nga Zarina Janine! Bakit ba ang kulit mo!? Pumasok ka na nga lang sa loob ng bahay! H'wag mo kong istorbohin dito, marami akong iniisip. Marami akong inaasikaso."

"Katulad ng?" Hindi ako nang-aasar, gusto ko lang talaga malaman.

"Isa, Zarina."

"Bakit ba ang sungit mo? May regla ka ba?"

Pinukol niya ako ng masamang tingin. "Umalis ka sinabi e!"

"Sabi ko nga aalis na e,"

Ano kayang problema ng kakambal ko na 'yun? Hindi kaya stress lang siya? Kaso dati naman, kahit stress siya, hindi niya ako kayang sigawan.

Sobrang weird ni Xavier Jan ngayon, ano kaya ang nangyari?

Bothered pa rin ba siya at naii-stress kasi nawawala pa rin si Elle or ano?

Hay bahala siya!

Pupunta na lang ako kina Tita Elsa ngayon, libing ni Lolo e. Huling araw niya ngayon dito, sa mga susunod ay sa sementeryo na namin siya dadalawin.

Namatay siya dahil sa labis na pag-aalala, kalungkutan, at pangungulila sa pagkawala ng kaniyang apo. Wala siyang masisi kaya ang sarili niya na lang ang sinisi niya hanggang sa bawian siya ng buhay.

JULIA

Today is my day off, kinailangan ko muna na magpahinga even just for a day para makapag-recharge ako kahit papaano.  The good thing here is, may nalaman na ako about Elliese' case, simpleng detalye na pupwede kong panghawakan at gawing konkretong ebidensiya para maresolba ang kaso. Few weeks ago, habang nag-iimbestiga ako sa pinangyarihan ng aksidente may na-encounter ako na grupo ng kabataan na posibleng mga witness sa aksidente at sa pagkawala ni Elliese.

I can't go wrong with what I heard..

I'm not doing this just because I have an unsaid feelings for Yohan, I'm doing this because this is my job and they are my friends—napamahal na rin kasi sa akin si Elle. She's kind, humble, very brave, and pretty. Siya lang ang babae or more like nakasama at nakarelasyon ni Yohan na talagang approve na approve at botong-boto ako. 

Saksi ako sa lahat ng struggles ni Yohan, growing up. And I don't want him to experience loneliness anymore—alam kong mahal na mahal niya si Elle kaya naman sinisikap ko na mahanap siya. 

Today, I've decided who went through the Royal Gem first, I'm sure Ate Yanna was there. I need to let Ate know what I found out. She's my boss, other than Yohan. May mga ginagawa rin akong pabor at nagtatrabaho rin ako para sa kaniya, noon pa—actually, it's my brother's job na ipinasa sa akin.Habang papasok ako at nakasalubong ko ang sekretarya ni Yohan na si Alona na papalabas ng opisina ni Yohan, may dala siyang mga folders. 

"Juls," siyang pagtawag niya sa pangalan ko. "Kung hahanapin mo si Sam, she's not here. Umalis siya kanina, may importante raw siyang pupuntahan."

About Sam—nakapag-usap na naman kami kagabi. I am aware na nasaktan ko siya pero she knew naman na siya na ang mahal ko and not Yohan. we already talked about it last night, maayos na kaming dalawa. It's just a simple misunderstanding—and its normal.

"Yea, she sent me a message." I gave her a half smile. "Pupunta raw siya kina Zarina for emergency purposes and didiretso na rin siya kina Tita Elsa para makipaglibing. Ikaw? Hindi ka ba makikipaglibing?"

"Makikipaglibing kaming lahat, sinabihan kasi kami ni Sir Harisson na makiramay sa pamilya ni Elle, may pa-libreng transpo at food pa nga po siyang inihanda. Ikaw ba?"

"Susubukan ko na makahabol, marami pa kasi akong gagawin."

"Sana makahabol ka, mauuna na ako. Kailangan ko na kasi tapusin ang lahat ng gawain para maaga kami makaalis."

"Sure, mag-iingat ka. By the way, nariyan ba si Ma'am Yanna?"

"Wala pa pero she sent me a message na papasok daw siya, since si Sir Henry ang nakatoka ngayon na magbantay ngayon kay sir Yohan."

"Si Henry—b-bantayan si Yohan?"

"Weird 'di ba? Ang chika pa nga e ay si Sir Henry pa ang nag-volunteer."

"It's actually a good thing, matagal na rin naman na magkaaway ang dalawang 'yon."

"Sana nga talaga at magka-ayos na sila 'no? O siya mauuna na ako." Pagpapaalam ni Al ona.

"Sige, thank you."

After that small conversation with Alona, I took the elevator and pressed the floor button where Ate Yanna's office is—which is  floor number 7. While on the elevator, may nakasabay ako na isang pamilyar na lalaki, namumukhaan ko siya pero hindi ko maaalala kung saan ko siya nakita.

"Good morning Miss Lia," bati niya nang makapasok siya, saglit na nagdikit ang mga braso namin pero siya ang unang umiwas.

Kilala niya ako?

"You seems too be surprise," sabi niya at liningon ako. "Don't you remember me?"

Saglit ko siyang liningon at pinagmasdan. "Hindi, sino ka ba?" 

"Allen Dominicus Zafra," pagpapakilala niya. "Hindi na ako makikipag-shake hand, I know how posessive Samuela Jean is baka makaranas ako ng sapak mula sa kanya."

Oh I remember, Yohan's mortal enemy.

"What are you doing here?"

"I'm here to acquire ownership of Royal Gem because I've wanted to be a part of the company for a very long time. My father wished for this for a very long time before he passed away in 2007."

"Dream on Dominic as if Yohan will let you. He won't ever let you be his partner."

"Kung si Tito Harisson nga pumayag e," I'm sure Yohan wil do."

"Tito Harrison was distinct from Yohan in that way. He is unaware of the problems you and Yohan have had in the past baka nakakalimutan mong wala kang laban sa kaniya kahit ano pa ang gawin mo."

"Masyado ka namang bilib kay Yohan, akala mo  naman hari siya." Maloko siyang tumawa.

"Of course he is, h's better than you in any aspect."

"Masasabi mo pa kaya 'yan kapag inilabas ko na ang alas ko?"

"Alas?"

He turned and face me. "Alas na hinding-hindi nila makakayanan na tanggihan, hawak ko sila sa leeg sa pagkakataon na ito. Ang itinuturing ninyong King Yohan noon, magiging sunod-sunoran siya sa akin."

"Anong alas? Ano ba ang sinasabi mo?"

"Hindi ko kailangan sabihin sayo, at  isa pa you are an investigator. Bakit hindi mo ako  imbestigahan? Para malaman mo kung ano ang alas na tinutukoy ko,"

Bigla ako na kinutuban sa sinabi niya, isang estrangherong kutob na hindi ko maintindihan. Nauna siya na lumabas nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa 7th floor na kami. Pareho kami ng direksyon, kagaya ko ay papunta rin siya sa opisina ni Ate Yanna.

"Hi I'm Mr. Allen Dominicus Zafra, ako 'yo ng nagpa-appointment kagabi. I'm the owner of Star Builder Talent Management." Pagpapakilala ni Dominic sa secretary ni Ate Yanna na si Zely, kakalabas niya lang mula sa loob ng opisina.

"Good morning po, wala pa po si Ms. Yanna pero pwede po kayo na mag-stay muna sa loob ng opisina niya, she'll be here in a minute naman po." Magalang na saad ni Zely,

"Sure, thank you."

Hinintay ko na makapasok si Dominic sa loob ng opisina bago ako lumapit, napansin ko na hinintay niya na makaalissi Zely. Nang maka-alis ang sekretarya ni Ate Yanna at mawala siya sa paningin naming dalawa ay napansin ko na kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa. Tumipa siya ng tumipa rito at saka inilagay sa tenga niya. Hindi ko alam kung ano ang meron pero kating-kati ako na pindotin ang micro-recorder na nakakabit sa gilid ng bag ko. Nayamot ako kaya naman i-on ko ito. Sakto naman na nagsalita si Dominic nang magsimula rin na magrecord itong micro-recorder, medyo malapit ako sa kanya kaya naman maririnig sa recorder ang mga sinasabi niya.

"Caprice, nandito na ako. Ikaw na muna ang bahala kina Elle at Bri. Tell Elle that I love her, pasasalubungan ko na lang siya mamaya."

Elle?

Si Elliese kaya ang tinutukoy ng lalaking 'to?

Siya rin kaya ang las na sinasabi ni Dominic?

Pinakinggan ko pa ng maigi ang sinasabi ni Dominic, hindi malinaw sa akin kung ano ang sinasabi ng nasa kabilang linya dahil hindi ito naka loudspeaker.

"In just a few days Cap, hindi ka na lang basta artista lang ng Royal Gem. You will going to rule Royal Gem too, we'll use Elle, malaki ang pakinabang niya at magiging ambag niya sa buhay natin. It's a good thing na baliw na baliw sa kaniya ang presidente ng R.G.E."

Oh my God.

"Ibibigay? Ibabalik? Bakit ko naman ibabalik si Elle sa kanila? No Caprice, nasa akin na siya. At isa pa, wala rin namang magagawa si Yohan. Inutil siya, nakahiga sa kama at brain dead. He has nothing against me."

Kung ganon, si Dominic pala ang tinutukoy ng mga lalaki na naka-usap ko na kumuha kay Elle noong gabi ng aksidente. Siya ang salarin sa pagkawala ni Elle.

He's a kidnapper.

Ang sama niya, ang sama-sama ng ugali niyang demonyo siya.

"Gagamitin ko lang ang existence ni Elle, gagawin ko lang siyang pain to get the Royal Gem, Whether you like it or not Caprice, ikakasal ako at pakakasalan ko si Elle. She will be mine and mine only, I don't care if you call me insane, hindi sila makakahindi kay Elle. Specially Yanna, mahal na mahal niya ang kapatid niyang si Yohan. Oo, pamimiliin ko sila pero hindi ko sasabihin na nasa atin si Elle. Paaasahin ko lang ang mga Carbonel na 'yan."

Kung gano'n, si Elle ang tinutukoy niyang alas. Gagamitin niya si Elliese para makakuha ng share at ownership sa Royal Gem.

 Kailangan kong mabalaan si Ate Yanna agad, hindi siya puwedeng magwagi sa ganoong paraan.

Maya-maya pa ay naaninag ko na si Ate Yanna na lumabas mula sa elevator, mukha siyang puyat ay pagod. Ang dami na nga niyang iniisip tas dadagdag pa ang pesteng Dominic na 'to pero don't worry parati naman akong handa, may nakakakabit na micro recorder sa bag ko. Nare-record ng micro-recorder ang lahat, pati na ang mga sinabi ni Dominic kanina. Pupewede ko na magamit ito para madiin siya, pupuwede siyang makasuhan at makulong. With that, bukod sa hindi na niya makukuha ang ownership ng Royal Gem. Mababawi pa namin si Elle mula sa poder niya at makukulong p

Naunang pumasok si Dominic sa loob ng opisina, ilang minuto lang ang dumaan ay pumasok na rin si Ate Yanna. Palihim ako na lumakad papunta sa direksyon nila, nang makapasok at sumara na ang pinto ay agad ko nang ikinabit at idinikit ang extrang micro recorder na pag mamay-ari ko at ikinonekta sa cellphone ko. Naghanap ako ng isang tagong lugar na pupwede kong pwestuhan, sakto naman na walang tao sa katabing opisina. Doon ako pumasok at pumwesto sa likod ng pintuan at isinara ito. Ikinabit ko na ang earpiece ko sa tainga at pinakinggan ang usapan nila.

"What are you doing here?" That's Ate Alyana, kasabay noon ay ang tunog ng mga takong niya,

"Mrs. Alyanna Mari Carbonel-Stevenson.... long time no see," sumagot naman si Dominic.

"Wala akong panahon na makipag-chikahan sa'yo,"

"Ang sungit naman ng future business partner ko."

"Says who?"

"Says me," aniya.

"No way."

"Yes way, Mrs. Stevenson. Didiretsahin na kita, hindi ko na gugustuhin na bilhin ang RG, let's just be business partners. 40% okay na ba?"

"Hindi, umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin."?

"30%?"

"Umalis ka na!"

"Si Elliese Altamirano kapalit ng RG."

"Anong sinabi mo?"

"Dalawang buwan na nawawala si Elliese Altamirano hindi ba?"

"Paano mo nalaman?"

"Nagkalat ang mga litrato niya all over Manila, so paanong hindi ko malalaman? I know where you can find her,"

"Ilabas mo si Elliese! Nasaan siya?"

"Si Elliese kapalit ng 40% ownership ng Royal Gem,"

"Paano ako na nakakasiguro na nasa iyo nga sa Elliese?"

 "Just give me a sec," Maya-maya pa ay narinig ko ang pagtipa ni Dominic sa cellphone niya, kasunod noon ay ang tunog ng dialing call ng messenger."Hello Bri, where's your Ate Elle?"

Kabado akong naghintay sa susunod na mangyayari at mas lalo na kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses...

"Dominic..."

Boses iyon ni Elliese...

Pakiramdam ko ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Elle... Kumpirmardo nga na itinatago niya si Elliese, hayop siya!

"Elle, may gustong kumausap sa'yo..." ani Dominic.

"A-Ate Yanna..." muling sambit ni Elliese.

"Elliese..." hindi makapaniwala ang boses ni Ate Yanna.

Ako rin naman, hindi rin ako makapaniwala na angg babaeng dalawang buwan na nami na hinahanap ay naririnig ko ang boses na 'yon, hawak siya ng lalaking mortal na kaaway ni Yohan.Nagpatuloy lang ako na nakinig sa pag-uusap nilang dalawa. Nalaman ko na nakunan pla siya dahil sa aksidente, at isa lang ang dapat sisihin sa nangyari sa pamilya nila.

Something is really odd about Elle's voice, parang may na-iba. She talks like a... child.

Maging ang kaso na 'yon, isisisi ko sa kaniya. 

"Dominic tigilan muna ito! Ibalik mo na si Elliese sa amin!"

"Ownership ng Royal Gem kapalit ni Elliese! That's the deal Mrs. Carbonel-Stevenson,"

"Hindi mo ito pupwedeng gawin."

"Ginagawa ko na nga Ms. Alyanna, at isa pa hindi naman malaki ang hinihingi ko. It's just fourty percent, mas malaki pa rin ang inyo. Sixty percent pa rin ng ownership ang nasa inyo. Huwag kayong marat"

"Why are you doing this? Wala ka bang awa na nararamdaman sa katawan mo?"

"Awa? Is that even edible?"

"You are so unprofessional Mr. Zafra. Businessminded people never do this."

"Mindset ang tawag dito Mrs. Stevenson, trading."

"Ibalik mo si Elle!"

"Fourty eight hours Alyanna Mari Carbonel-Stevenson. Alam kong mahalaga ang Royal Gem para sa inyo pero makakayanan mo ba na mangulila kay Elliese ang pinakamamahal mong kapatid na si Yohan? You know how much he loves Elliese and Elliese feel the same way. Madali lang naman ako na kausap Misis e, kung papayag ka naman I will promise to be a good business partner. Pero kapag humindi ka sa offer ko, mabuti pa na ipagdasal mo na lang na magising si Yohan na may amnesia para hindi niya maalala  na may nakilala siyang Elliese."

Nangininig ang buo kong katawan, naririndi rin ako sa boses niya. He actually even used Elliese to confuse Ate Yanna, he was really provoking Ate Yanna. Dominic knew that Ate Yanna had no choice but to favor him. Nakakainis siya!

"Napakasama mo Dominic!" sigaw ni Ate Yanna, kasabay noon ay isang malakas na kalabog. Nabahala ako mula sa narinig pero mas pinili ko na mag-focus sa ginagawa ko

"Masama talaga ako, lalo na at si Elliese at ang Royal Gem ang usapan. Kapag hindi kayo pumayag sa gusto ko, pakakasalan ko na siya at hinding-hindi na siya makikita ng kapatid mo kahit pa gumapang siya sa lupa." Kasunod ng pagsigaw ni Dominic ay ang malalaking yabag niya at ang marahas na pagsara ng pinto.

"Ang sama ng ugali mo Dominic Zafra! Ano na ang gagawin ko ngayon?" Mabigat ang paghinga ni Ate Yanna habang nagsasalita siya na sinabayan ng mahinang paghikbi.

Matapos ko na maisave ang mga nairecord ko ay agad ko itong ipinadala sa HQ ng pinagtatrabahuhan ko. Ipinadala ko rin ito kay Samuella bago ako nagpasya na lumabas mula sa pinagtataguan ko. Nagpadala na rin ako ng kopya sa kaibigan kong pulis na si Melvin para makadagdag sa case ni Elliese. Naglakad ako patungo sa pintuan ng opisina ni Ate Yanna, kinuha ko ang micro recorder at ipinasok sa bag ko bago kophitin ang doorknob at pumasok sa loob.Naabutan ko si Ate Yanna na naka-upo sa swivel chair habang nakalagay ang kanang kamay sa noo at nakapatong ang siko sa lamesa niya. Mukhang malalim ang inisiip niy...

"Ate Yanna..." mahinang usal ko.

Agad siya na nag-angat ng ulo, nasilayan ko ang mga makikinang na luha na nag-uunahan na bumagsak sa mga pisngi niya.

"Julia..."

"Malaki ang laban natin, may ebidensiya na tayo."

"A-Anong?"

"I heard everything Ate—no, I recorded everything."

"What do you mean?"

"Here, listen to this."  wika ko saka ko kinuha mula sa bag ko ang cellphone at ipinlay ang inirecord kong usapan nila.

"Caprice, nandito na ako. Ikaw na muna ang bahala kina Elle at Bri...."

"Ano 'yan?" Nagtatakang tanong ni Ate.

"Record ito kaninang umaga bago ka pa man dumating Ate. Huwag kang mag-alala, maayos rin ang lahat."

"In just a few days Cap, hindi ka na lang basta artista lang ng Royal Gem. You will going to rule Royal Gem too, I'll use Elle, malaki ang pakinabang niya at magiging ambag niya sa buhay natin..."

"Ibibigay? Ibabalik? Bakit ko naman ibabalik si Elle sa kanila? No Caprice, nasa akin na siya. At isa pa, wala rin namang magagawa si Yohan. Inutil siya, nakahiga sa kama at brain dead. He has nothing against me."

"Gagamitin ko lang ang existence ni Elle, gagawin ko lang siyang pain to get the Royal Gem.... Whether you like it or not Caprice, ikakasal ako at pakakasalan ko si Elle. She will be mine and mine only... I don't care if you call me insane, hindi sila makakahindi kay Elle. Specially Yanna, mahal na mahal niya ang kapatid niyang si Yohan..... Oo, pamimiliin ko sila pero hindi ko sasabihin na nasa atin si Elle... Paaasahin ko lang ang mga Carbonel na 'yan"

Nanlaki ang mga mata ni Ate Yanna habang pinakikinggan niya lahat ng nasa recording. Napapa-awang ang pang-ibabang labi niya habang patuloy sa pagragasa ng mga luha niya.

"Don't worry Ate, nagpadala na ako ng mga kopya sa headquarters pati na sa kaibigan kong si Melvin na humahawak ng kaso ni Elliese. Magiging maayos rin ang lahat, bago pa matapos ang fourty eight hours mahuhuli na siya."

"J-Julia..." patakbong lumapit sa akin at yumakap si Ate Yanna . "You're an angel! You're an angel!"

"Ate, ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Hindi ko po kayang tiiisin si Yohan at Elle, mahal ko po sila e. Lalo na si Elle, malapit siya sa puso ko. Siya ang dahilan kung bakit naging masaya si Yohan, si Elle ang nagbukas ng puso niya. H'wag ka na pong umiyak ate, matatapos na 'to. Magkikita na rin ang dalawa, malapit na malapit na"

"Thank you so much, thank you."

Continuar a ler

Também vai Gostar

7.6K 159 27
A gripping tale of love, betrayal and revenge Sienna Kehlani Yu is a successful fashion designer who find herself entangled in a murder accusation of...
137K 2.9K 41
[U N E D I T E D | C O M P L E T E D] "I will use every wicked ways I can just to have him wrapped around my fingers." -Sariya Quervas Started: Augus...
517K 10.5K 25
SYNOPSIS He has everything. She had nothing. He has the perfect family. She had no one but herself. He needs a wife. She needs a job. And that's...
200K 4.8K 36
Si Blanco Vladimir Isang Estudyanteng tarantado. Masaya na siya sa naging Buhay niya na nanakit. Masaya na siya na may nakakabugbogan. Pero hindi ni...