HIS OBSESSION (UNDER EDITING)

Por erzalalaloves

42.6K 1.2K 241

Step into the alluring world of Yohannie Samuel Carbonel, a renowned billionaire and unstoppable force in the... Más

PROLOGUE
STAR OFHIS OBSESSION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
Chapter 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
Chapter 41
CHAPTER 42
Chapter 43
Chapter 44
CHAPTER 45
Chapter 46
Chapter 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 22

535 25 4
Por erzalalaloves

ELLE

Naging tahimik ang kaninang puno ng tawanan at usapan namin dahil sa kagagawan ko alam ko naman na nasa usapan namin na magbubuntis ako pero ang hirap lang talaga na hindi mag-react.

Buong buhay ko si Henry lang talaga ang pinangarap ko na mapangasawa, na maging ama ng mga magiging anak ko sa hinaharap. Nagbago lang ang lahat matapos ko na tanggapin ang alok ni Yohan, hindi ko alam na mauuwi sa ganito ang lahat. Sobrang unexpected kasi lahat ng mga nangyari when he came, sobrang dami niyang binago sa buhay ko and he really deserves my love. Ako nga lang talaga ang problema, nakakulong pa rin ako sa hawla ng nakaraan.

"Talk," he said as he squeezes my hand.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Anything you want." He beamed.

"About my pregnancy-"

"Hmm?"

"Paano kung false positive pala?"

"Then we'll have a sexy time later," pilyo siyang ngumiti.

Hindi na ako naka-imik, everything feels awkward hanggang sa makarating kami sa mansyon nila ay tahimik pa rin kaming dalawa pero hindi nawawala ang pagiging clingy at gentleman niya. Siya ang nagbukas ng pinto ng kotse, inalalayan niya rin ako, habang mariin niha hawak ang kamay ko nang pumasok kami sa bahay.

"YOHAN!" Isang matining at nakaka-iritang boses ang naulanigan mula sa malapit. Isang matangkad at mestisang babae na nakasuot ng pulang dress na pa-tube at halos luwa ang kalahati ng dibdib, mahaba rin ang buhok niya. Patakbo siya na lumapit at pumulupot kay Yohan, pinaliguan niya rin ng ubod sa raming halik ang mukha, leeg, pisngi, sinubukam niya rin na halikan si Yohan sa labi pero umiiwas ito. " I really miss you, bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?"

Dumako ang mga mata ko sa mga nakatulalang kapatid at mga magulang ni Yohan, pati na sa inosenteng si Diamond na nagtataka sa mga nangyayari

"Uhm.. excuse me.." peke akong umubo, nanunuya niya ako na tinignan bago lumayo kay Yohan.

"Nandyan ka pala, Elliese. I'm sorry, Sobra lang akong na-excite to see my fiancé, ngayon na lang kasi kami nagkita e. Inagaw mo kasi siya sa akin," sabi ni Bella at inirapan pa niya ako.

"Wala ka na bang alam na iba pang pang-insulto sa akin bukod sa inagaw ko sa'yo si Yohan? Okay fine, inagaw ko na siya sa'yo." Natatawang sabi ko, nakakatawa naman kasi talaga ang hitsura niya. "I'm sorry but I'm tired with your shits." Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Yohan at dire-diretso ako na lumapit ang nagmano sa parents ni Yohan, naki-beso sa mga kapatid niya liban kay Yoora na iniwasan ako. Mga kapatid, pati na si Henry? Oo, sa kan'ya ako huling bumeso.

"Tito pasensya na po kayo, puwede po ba ako na mamahinga na muna sa kwarto?"

"Hindi mo man lang ba pipigilan si Bella sa ginagawa niya sa nobyo mo?" Pagtataka ng Mama ni Yohan.

"Hindi po, mukhang may unfinished business po sila na kailangan tapusin. Sino po ba ako para manghimasok sa buhay nilang dalawa?" Para akong kinapos ng hininga nang sagutin ko ang tanong nila.

"Elle, hija ikaw na ngayon ang fiancée ng anak ko. You have every rights para panghimasukan ang buhay ng magiging asawa ko,"

"Ayos lang po Tito, magpapa-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang marinig kong nagsalita si Bella.

"Uncle Harrison, pwede ba namin magamit 'yung love room sa third floor? Miss na miss na po kasi namin ni Yohan ang isa't isa at balak namin na mag-make love sa third floor para walang istorbo."

"Bella please, have some respect. Parents ko ang kaharap mo," Pananaway ni Yohan.

"Bakit my hubby, hindi mo ba na-miss ang pag-momoan ko everytime we had sex?"

Napabuntong hininga na na lang ang fiancé ko.

Go Yohan, kaya mo 'yan.

"This is unbelievable Isabella, sinasabi mo talaga 'yan in front of us? That's a private matter at isa pa, nandito ang fiancée ni Yohan." Tumayo ang pakiramdam ko ay napipika nang si Ate Yanna mula sa single na sofa.

"I am the real fiancée, 'di ba Uncle Harris? 'Di ba po Aunty Yvonne?" aniya habang pinipikit-pikit pa ang mga mata.

"Bella is right, siya naman talaga ang original na fiance ni Yohan and no one else. Kaya nga nagulat ako na may biglang sumulpot na basura sa buhay ni Yohan," Mariing sabi ni Yoora at nanunuyang tinignan ako.

"Yooralen shut up!" Pananaway ni Tita Yvonne.

"No Tita, it's okay." Malapad kong nginitian ang Mama ni Yohan bago ko nilingon si Yoora. "Atleast po ang basurang kagaya ko, hindi nangmamata ng inosenteng tao. Ang basurang kagaya ko, hindi basta-basta nambibintang. Ang basurang kagaya ko mataas ang pwedeng kalagyan, hindi naman po ako nakapag-aral sa magandang eskwelahan o nakatapos man lang. Kaya ko po na maipagmalaki na never po ako nanghusga ng tao nang dahil lang sa lugar na pinanggalingan niya, trabaho ng magulang niya, at kung sino man pa siya."

"Aba! Marunong ka na palang sumagot!" bulyaw pa ni Yoora na namumutok ang mga ugat sa leeg.

"Tama na Yoora!" Pananaway pa ni Tito Harrison, tumayo ito at isa-isa kami na tinignan. Blanko ang ekspresyon niya pero pakiramdam ko ay nagtitimpi lang siya. "Enough for this nonsense things, Henry mabuti pang ihatid mo na si Bella sa bahay nila. Bago pa tuluyang mag-init ang ulo ko at ikaw naman Yohan, gusto kita na maka-usap. Kayong dalawa ni Elle," tinalikuran niya kami at pumasok sa isang gold na pintuan malapit sa may hagdan.

Bago puntahan ni Henry si Bella ay matagal muna kami na nagkatitigan, he gave me a half-smile saka naglakad patungo sa kinaroroonan ng babaeng dibdib. Hinawakan niya ito sa braso at marahan na hinila palabas ng bahat.

"E-Elle..." Nagmamadali na lumapit si Yohan sa akin at kinuha ang kamay ko. "I-I'm sorry... I'm sorry baby,"

Hindi ako umimik, ginamit ko ang isang kamay ko para punasan ang pisngi at leeg niya na punong-puno ng kiss mark mula sa labi ni Bella, pulang pula ito ay mahirap tanggalin.

"Elle... I said I'm sorry..."

"You don't have to, magpahinga na tayo?"

"I'm sorry, patawarin mo ako."

"Wala ka namang kasalanan, ano ba ang sinasabi mo?" wika ko habang pinupunasan pa rin ang pisngi niya.

"She kiss me and I-"

"She initiated it, wala kang kasalanan. Pinigilan mo naman siya e "

"You know what Yohan, you're so lucky to have Elle in your life. Sobrang thoughtful niya," pamumuri ni Ate Honey sa akin.

"At mahaba rin ang pasensya, biruin mo napagtimpian niya si Bella at Ate Yoora kanina," saad pa ni Ate Hannah. "Kaya Yohan h'wag mo nang papakawalan pa 'yang si Elle, naku! Baka magsisi ka sa huli."

"Sino ba ang maysabi na pakakawalan ko pa si Elliese?" Hinapit niya ang beywang ko at inilapit sa katawan niya.

"Yohan ano ba? Nakaharap tayo sa mga ate oh!" Pananaway ko kay Yohan, ngiting aso niya akong tinignan.

"So? Alam na nila 'yan, ginagawa na ng mga asawa nila 'yan sa kanila."

"Kahit pa, bitiwan mo ko. "Mahina kong sabi ngunit mas lalo niya lang hinapit ang katawan ko palapit sa kanya. "Baka nakakalimutan mo na pagagalitan tayo ng Daddy mo."

"Mamaya na lang, after tayo kausapin ni Dad." bulong niya at ngiting aso na kinindatan ako, bumitiw siya mula sa beywang ko at inabot ang kamay ko.

"Narinig ko 'yun," sigaw ng papaakyat sa hagdanan na si Ate Hannah. "Buti na lang at sound proof ang kwarto rito sa bahay, wala akong ungolan na maririnig." sigaw niya mula sa taas.

Tumungo na kami ni Yohan sa loob ng opisina, pagbukas pa lang ng pinto ay nanuot na agad sa ilong ko ang masangsang na amoy ng sigarilyo dahilan para bigla na lang makaramdam ng kakaibang sakit ang ulo, nangasim rin ang sikmura ko at parang nanlabo ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay maduduwal rin ako dahil sa amoy na 'yon, agad ako na napahawak sa bibig ko para pigilan ang nararamdaman ko. Ilang beses kong nilunok ang aking laway na gustong kumawala sa bibig ko.

"Are you okay?" Puna ni Yohan nang makapasok kami, tanging tango lamang ang naisagot ko.

"Have a sit," wika ng Daddy niya na agad naman namin na sinunud.

Umupo kami ni Yohan sa mahaba at itim na sofa sa harap ng table ni Tito Harisson, ramdam ko ang kabog ng dibdib ni Yohan, panaka-naka rin na pinipisil niya ang kamay ko na namamawis na. Pakiramdam ko ay kinakabahan siya, naikwento niya sa akin noon na kinokontrol siya ng Daddy niya kaya kabado siya at medyo namamawis kahit na malakas ang aircon dito sa loob.

"Kailan ninyo ba balak ikasal?" Seryosong tanong ng Daddy ni Yohan nang tumayo ito mula sa itim na swivel chair na kinauupuan nito. "Hindi titigil 'yang si Bella kakahabol sa'yo hanggat hindi kayo naikakasal ni Elle,"

"Pwede ba kami agad ikasal ni Elle? Kahit Judge lang o kaya si Mayor as soon as possible Dad. Kahit simple lang, kahit hindi na malaki ang handaan."

Pakiramdam ko ay nahibang ako ng very light sa narinig ko mula kay Yohan, napatingin na lang ako sa kaya habang nanlalaki ang mga mata ko. Hindi talaga mawala ang pagiging pala desisyon ni Yohan.

"Sigurado ka riyan?"

"Opo Dad."

Bumaling ang tingin ng Daddy ni Yohan, "How about you hija? Okay lang ba sa'yo na madaliin ang kasal?"

Bumaling din ang tingin ni Yohan sa akin, dahan-dahan ko na itinango ang ulo ko habang nakatingin ng direkta sa mga mata ni Yohan. Nasa usapan na rin naman namin na magiging asawa ko si Yohan, ang kaso lang hindi ba't masyado pang maaga? Dadalawang buwan pa nga lang kami na magkakilala-Oo nga pala, sa loob ng dalawang buwan na 'yon... Maraming beses ko na nga palang naibigay ang sarili ko kaya who I am para tanggihan ang kasal?

Tanging pagtango lang aking nagawa.

"Sige, ako na ang bahala na magpa-ayos ng kasal ninyo. Sa ngayon ay magpahinga na muna kayo, sooner or later magiging Carbonel ka na rin Elliese," he gave me a half-smile, ngumiti rin ako

Sa tuwing nagsasalita siya ay naaamoy ko ang masangsang na amoy ng sigarilyo na umuusok pa sa ashtray, lalo 'yong tumitindi dahil sa aircon at kulob ang ipisina niya. Nakakaramdam na rin ako ng panak-nakang pagkabog sa loob ng ulo ko, parang nilalagari ito. Sumasabay pa ang lalamunan ko, nakakaramdam ako na para bang naduduwal ako at gusto kong masuka anytime.

"E-Excuse me po, puwede po ba akong gumamit ng rest room?"

"Sure Elle, this is your home too. Hindi mo na kailangan na magpaalam," sagot ng Papa ni Yohan.

Dahan-dahan ako na tumayo at pinakiramdaman ang sarili ko, iginala ko ang mga mata ko. Nagdidilim ito at nanlalabo, bumibigat rin ang mga talukap ko. This isn't a strange feeling, may ilang linggo ko na rin siguro ito na nararanasan pero hindi ko pinapansin.

"Elle! Elle!"

"Yanna! Hannah! Tulongan ninyo kami!"

"Elle baby, wake up!"

Ito ang mga huling salita na narinig ko bago pa magdilim nang tuluyan ang mga mata ko.

YOHAN

I've been discussing things with my dad along with Elle, here inside the office. Daddy and I were busy talking about my simple wedding with my love, I notice that Elle is not interested, what to expect? She's been dreaming to be Henry's bride but she ends up with me instead.

Habang nag-uusap kami ni Dad ay maya't-maya rin ang pago-obserba ko sa kan'ya. Aside from not listening, she also seems to have a bad feeling in her body. She looks like pale and sick, she also seemed nauseous, I noticed that when I look at her for a moment. Until she finally fell and lost consciousness, fortunately I caught her mmediately.

Binuhat ko siya papaakyat ng kwarto ko, at marahan na inihiga sa kama. Si Ate Hannah naman ay sinundo si Marigold na private doctor ng pamilya namin, sa kaya ko malalaman kung bakit nangyayari ito sa kanya o kung buntis nga ba talaga si Elle.

Ngayon ay ineeksamina na ni Marigold ang wala pa rin na malay na mahal ko, kumuha rin siya ng dugo from her with my consent na agad niyang ipinadala sa laboratory nila at maya-maya lang at malalaman na agad ang resulta. Nasabi ko rin kay Marigold ang mga ikinwento ni Crismar at mga napansin ko regarding Elle's behaviour especially those 'morning sickness'.

"Nag-s*x na ba kayo?" My jaw almost drop when I heard my Mom's question. I didn't expect it from her. We all looked at Mom with confusion. "What? You live under the same roof, magkatabi sa higaan and you guys have been missing for around a month na yata. Imposible naman yata na hindi pa kayo nagse-s*x na dalawa."

"I agree and also, sobra ka kung makabakod kay Elle. Saksi ako dyan," Ate Yanna said while staring directly at me.

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi niya sa akin kahapon, I'll just wait for the proper time to confront her. I might owe her some favors para maitago kung ano man ang sikretong natuklasan niya

Sinipat ng mga mata ko ang naka-upo sa kabilang edge ng kama na si Henry bago ko sagutin ang tanong ng nanay ko. "Of course Mom, we did it many times." Nagtaas ito ng ulo at direkta akong tinigan, "sa shower, sa sofa, almost every corner ng bahay namin."

"Anak mo nga talaga siya Harrison."

"Pupusta ako ng twenty five thousand kapag buntis si Elle, sinong lalaban?" That's my Ate Honey.

"H'wag na Honey, it's obvious. They already make-love." saad ni ni Ate Hannah.

"Wala naman akong nakikitang sakit or illness from her, hintayin na lang din po natin ang resulta ng beta hCG test na ginawa po natin. But, based on what Yohan said, it's possible that Elle is experiencing morning sickness, which is common in pregnant women." Marigold's words made my heart skip a beat; it really looks like I'm going to be a father-soon.

Habang naghihintay ng resulta ng blood test na ginawa kay Elle ay nag-decide sila Mommy na magbreakfast muna, nagpa-utos na rin ako sa mga maids namin na bilhan si Elle ng hiling niya na mangga at chocolate ice cream. Habang ako at si Henry ay naiwan dito sa kwarto ko ay binabantayan si Elle. Hindi kami nag-iimikan, we're avoiding each other stares too.

"Kapag..." Panimula niya at pagbabasag sa katahimikan naming dalawa. "Kapag nalaman mo na buntis si Elle, iiwanan mo ba siya?"

"Tanga ba ako para gawin 'yon?Anak ko ang nasa sinapupunan niya, Henry. Nag-iisip ka ba? Why would I leave her?" Kalmado ang boses ko pero sa totoo lang ay napipikon ako. "Do you expect me to leave her when I find out she's pregnant?"

"Mahal na mahal ko si Elle."

"So?"

"Hindi ko kaya na makita siyang ikakasal sa'yo."

"As if naman iimbitahin kita sa kasal namin, h'wag kang mag-ilusyon, Henry. Hindi ka imbitado."

"Mahal mo ba si Elle?"

"Bubuntisin ko ba siya kung hindi?"

"Nagkamali pala ako nang inisip ko na kapag napagsawaan mo na Elle, ibabalik mo na siya sa akin."

"Stop dreaming, ikakasal na kami at magkakapamilya. 'Yon din ang gusto na mangyari ni Daddy kaya refrain from dreaming to get her back."

"Yohan... kapag hindi mo na siya mahal, puwede bang isauli mo na lang siya sa akin?"

Isauli? That's the most ridiculous thing that I've heard.

Anong akala niya sa Elle ko, isang bagay na anytime pwede kong pagsawaan?

No.

"No." Mariing sabi ko.

"Pero Yohan...."

"No means no, makaka-alis ka na."

"Yohan gusto kong maalagaan si Elle, gusto ko siyang-makita at makasama kahit saglit. Siya ang buhay ko Yohan, si Elle ang buhay ko. Totoong may mga pagkakataon na... na hindi kami nagkikita, na hindi kami nagkaka-usap pero sa mga pagkakataon na 'yon. Kailanman hindi ko naisip na palitan si Elle sa puso ko kahit ilang beses niya akong ipagtabuyan, kahit pa ilang beses niya ulit-ulitin na sabihin na hindi niya na ako mahal."

If you only knew, Henry, she always felt the same way. She genuinely loves you, and that is an undeniable fact, and I succumbed to that.

Napililitan lang naman talaga si Elle na iwanan ka at makipag-break sa'yo dahil ginipit ko siya noon. Malay ko bang mahuhulog ako sa sarili kong patibong.

You are still the one she truly adores. But I'm not afraid; I'll fight my feelings for Elle.

"I won't give up on Elle," I said briefly.

"So am I."

"Even if we get married?"

"Annulment exist."

"Para namang gagawin ko 'yon, dream on Henry."

"Henry, Yohan, kanina ko pa kayo naririnig na dalawa," ang mala-anghel na tinig ni Elle ang nakapag patigil sa aming dalawa. Nakapikit pa rin ang mga mata niya pero gising na siya at unti-unti niyang iminumulat ang mga 'yon. "Ang sakit ninyo sa ulong magkapatid, bigyan ninyo na naman ako ng kapayapaan. Kahit saglit lang kung gusto ninyo na mag-away, puwede naman sa labas."

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Si Henry ang unang nagtanong, saglit siyang tinitigan ni Elle bago niya ako tinignan.

"Yohan, nabili mo na ba 'yung mangga?"

"Nagpa-utos na ako kay Manang Kangkay, maghintay na lang tayo baka pauwi na rin naman siya. How's your feeling? Nahihilo ka ba? Nasusuka?"

"Gusto ko lang matulog at puwede ba na h'wag na kayong maingay? Magpapahinga lang ako, saglit lang 'to." Agad niya na pinikit ang mga mata niya

"Elle I-" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"We'll have our sexy time later, pagpahingahin mo lang ako."

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko but I wasn't expecting that words from her.

Really? In front of Henry?

I look at him, he's still staring at Elle. Caressing her cheeks and whispering things on her ears, his eyes were in pain.

"Elle, I love you. Elle, I love you.." paulit-ulit nitong banggit.

Hinayaan ko na lang, he had every right to love Elle pero hindi ibig sabihin na hinahayaan ko siya ngayon ay sumusuko na ako. Pinagbibigyan ko lang si Henry, ito na ang huli niyang pagkakataon na makasama si Elle.

"I'll give you this time to talk to her kapag nagising na siya, just this time Henry. And dont you ever lay a hand on her, tandaan mong kaya kong dumihan ng dugo ang kamay ko kapag ginusto ko."

Humalik ako sa noo ni Elle bago ako lumabas ng kwarto, alam ko na posibleng mas lalong mag-lapit ang loob nilang dalawa sa gagawin ko. Pero ngayon na posible na kami na magka-anak at ikakasal na, kailangan ko nang piliin ang tama at gumawa ng mga desisyon na hindi padalos-dalos. Bumaba ako sa salas at namataan ko sina Ate Yanna at Ate Hannah na nanonood sa television.

"Bakit ka bumaba?" Siyang bungad ni Ate Yanna. "Gising na ba si Elle?"

"Hindi pa ate pero nakabantay si Henry sa kanya, you don't have to worry."

"What? Iniwanan mo silang dalawa sa loob ng kwarto mo? Are you insane? Sa'yo na nga nanggaling na mag-ex sila hindi ba? E paano kung mahal pa nila ang isa't-isa, paano kayo ni Elle? Paano ang anak ninyo?" Magkakasunod na tanong ni Ate Hannah na napa-tayo pa sa upuan niya.

"Elle will never do that," kampante kong sagot.

"Madali niya na naipagpalit si Henry sa'yo, pupwede niyang gawin 'yon ulit. Puwede niya na balikan si Henry at ikaw naman ang iwanan niya, that's a gold digger thing." Heto na naman si Ate Yoora, kalalabas niya lang mula sa dining room. May hawak siya na wine glass sa kanang kamay at bote ng wine sa kabilang kamay.

"Puwede rin naman na manahimik ka at tigilan ang pagiging pakielamera." sambit ko.

"Yohan," pananaway ni Ate Honey.

"Ate h'wag kang magsimula," pananaway ni Ate Hannah.

"Bakit? Tama naman ang sinasabi ko, as if naman gugustuhin ni Yohan na pakasalan ang babaeng napulot niya lang sa basurahan. Na kahit dinamitan ng mamahaling damit o gamit na gawa sa ginto ay nananatiling basura."

"Isa pang hindi magagandang salita Ate, hindi ako magkakamali na palayasin ka rito baka nakakalimutan mo lang na pati ang bahay na 'to ay nakapangalan sa akin," mariing sambit ko.

"Tinatakot mo ba ako Yohan?" Tumawa pa siya na animoy nanunuya. "Wala akong pakielam sa sasabihin mo, panganay mo akong kapatid, ate mo ako. Ako ang masusunod at wala kang magagawa kung tatawagin kong basura 'yang si Elliese, hindi siya bagay dito. Ang nanay niya labandera, ang step-father niya naman jeepney driver. Basura."

"Correction her mom owns a laundry shop, not one but two laundry shop and her step-dad is not just a jeepney driver. He owns five jeepneys and he's a jeepney operator, that means he's the boss." I saw how her jaw almost drop from what I said. "Here's the catch, she is Uncle Arthuro's missing daughter. She is the real Fuentabella heiress and not Bella, if you don't believe me better ask Uncle Arthuro." Hindi siya nakapagsalita, seems like she never expected it.

Pikang-pika na ako everytime she insult Elle, panahon naman na siguro para makabawi si Elle through me. Knowing her, hindi talaga siya mahilig makipag-away and thats a good thing. Isa iyon sa mga bagay na minahal ko sa kan'ya, she know how to be calm and how to defend herself without hurting others.

"A-Anak siya ni Ninong Arturo?"

"Wala ka na bang sasabihin?" Si Ate Yanna iyon, "tigilan mo na kasi si Elliese ate. Mahal siya ng kapatid natin, kaya niya nga na talikuran tayo na pamilya sarili niyang pamilya."

"E paano tinuturuan siya ng Elliese na 'yan!"

"It's my decision ate and if you hate my future wife, I hate you more."

"Iwanan mo na kasi 'yang Elliese na 'yan! Wala ka namang mapapala sa kan'ya!" Malakas niyang sigaw.

"Ngayon pa na nalaman natin na magkaka-anak sila ni Yohan?" Lahat kami ay napalingon sa maotoridad na boses ng daddy na nasa may likuran ni Ate Yoora.

"Edi... E-di... Edi kuhain ninyo ang bata tapos iwanan niya ang babaeng 'yon, as easy as that."

"Anong klaseng kapatid ka Yooralen?" Thay's mommy, sobrang dismayado siya sa tono pa lang nang pananalita niya.

"If you don't want Elle here, aalis kami. Madali naman akong kausap e," Paninindigan ko.

"Aalis na naman kayo ulit, Yohan pabayaan mo naman kami na makasama ang magiging asawa mo pati na ang magiging apo namin. H'wag mo naman silang ipagkait sa amin," si Mommy, she walks toward me and held my hand. "Anak naman, tanggap naman namin si Elle e. Regardless of her social status, ke mahirap siya ke-mayaman I don't care. Basta't alam ko na nagmamahalan kayo, alam ko na mahal mo siya. That's the most important thing. Huwag kayong umalis, delikado lalo na ngayon at buntis siya, itinawag sa akin ni Mari na lumabas na ang resulta ng test niya. Buntis ang nobya mo anak."

I was supposed to be happy knowing na buntis si Ells pero mas nangingibabaw sa akin ang galit na nararamdaman ko para kay Ate.

"Kung katulad lang naman ang pag-iisip ni Yoora na gaya mo Mommy, sana una palang hindi na kami umalis dito. But she thinks differently and she always insult my wife. Baluktot ang pag-iisip ng anak ninyo, hindi ko hahayaan na makasama namin siya lalo at buntis ang asawa ko. Stress lang ang maidudulot niya kay Elle, mas lalo siyang magiging delikado kapag nanatili kami dito."

Deserve niya ang pagiging bastos ko, marami pa akong ate nas mas deserve kong galangin.

"Yohan kung... kung ayaw naman nila sa akin. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko, puwede naman ako umuwi," Napunta ang mga mata ko sa bumababang si Elle na inaalalayan ngayon ni Henry. "Kaya ko naman buhayin ang anak natin na mag-isa ako kaya ko naman dumiskarte e. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili k-"

"Kapag umalis ka Elliese, aalis din ako. I'll go with you," Paninindigan ko.

"O sino ngayon ang makitid ang utak? Mommy, Daddy, did you hear that? Handa tayong iwanan ni Yohan para sa babae na 'yan."

"Yoora naririndi na ako sa iyo!" Sigaw ng Daddy at napahilamos na lang sa sariling mukha. "Naturingan kang panganay pero ang kitid ng utak mo? Ano ba? Nilamon na ba talaga ng pera 'yang utak mo? Ibang-iba ka Yoora! Hindi naman ganyan mag-isip sila Yanna, ang mga kapatid mo."

"Dad, bakit ako?" ani Yoora na parang nagpapa-awa pa. "Never ko kayo iniwan, hindi kagaya ni Yohan na kaya tayong iwanan para sa babaeng kung saan niya lang nakita."

"Iyon ay dahil may paninindigan si Yohan! Kaya niyang panindigan ang pagiging ama sa magiging anak niya, pagiging ama ng Royal Gem, at pagma-manage ng lahat ng negosyo natin na iniwan mo sa laylayan!" bulalas ng Daddy. "Walang aalis sa bahay na 'to, maliban sa'yo Yoora. Pikon na pikon na ako sa mga pang-iinsulto mo sa babaeng mahal ng kapatid mo."

"Ipagpapapalit ninyo ako kay Elliese? Ako na sarili mong anak?"

"Baguhin mo ang ugali kung gusto mo pang manatili dito," wika ng Daddy padabog niya kami na tinalikuran at pumasok sa opisina niya, sumunod sa kan'ya si Mommy.

Pinili ko na umakyat sa hagdan at salubungin si Elle, agad ako na yumakap sa kanya. "H'wag mo kong iiwanan ha, dito ka lang sa tabi ko."

"Ayaw ng ate mo sa akin."

"Mas ayoko sa kan'ya, handa ko silang talikuran para sa'yo at sa magiging anak natin."

"Anak natin?" Takang wika niya nang magkalas kaming dalawa.

"Lumabas na ang resulta ng blood test mo, and you're pregnant. Magkaka-baby na tayo Elle," I said as I cupped both of her cheeks. "The Lord has sent us an angel who is now forming inside your belly, There is no way to explain the joy that because of the news of your pregnancy gave me. I love you very much and I will strive to give the best to you and to our baby. "

"B-Buntis ako..." She looks at me with shock written in her face.

"Oo Elle, magkaka-anak tayo."

Yumuko siya at hinawakan ang tiyan niya habang binabanggit ang mga salitang "buntis ako," nang paulit-ulit.

"Oo mahal, buntis ka."

"Magkaka-baby na tayong dalawa."

Seguir leyendo

También te gustarán

26.4K 550 32
For the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside...
733K 19.7K 47
Hope Syrlou Suldico: He's a ruthless tycoon coat in gentle clothes. A brutal drag racer with a beast hidden behind his blue innocent eyes. But he's a...
324K 7K 26
Hot Politicians Series 2: Rule Me, Senator-CEO Sporting his alluring smile that captures every woman's heart. Wearing his costly dark blue suit, he w...
11.4K 386 21
Astrid Frabella is the wife of Garth Frabella, a former high skilled Mafia Boss. Being the former boss of some mafia guilds, he has a lot of enemies...