HIS OBSESSION (UNDER EDITING)

By erzalalaloves

42.6K 1.2K 241

Step into the alluring world of Yohannie Samuel Carbonel, a renowned billionaire and unstoppable force in the... More

PROLOGUE
STAR OFHIS OBSESSION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
Chapter 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
Chapter 41
CHAPTER 42
Chapter 43
Chapter 44
CHAPTER 45
Chapter 46
Chapter 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 9

787 35 6
By erzalalaloves


BUMABA kami ni Yohan sa isang pastry shop para kumain ulit, nagutom daw kasi ang lalaking 'to. Umorder siya ng isang vanilla bean latte, cafe frappuccino, tigalawang bacon at egg pie, at chocolate hazelnut tart. Hindi niya pa rin ako iniimik mula pa kanina, tahimik lang siya na kumakain at umiinom. Ngunit kahit na wala siyang imik ay panaka-naka niya akong sinusulyapan para i-check kung kumakain ba ako, matiko rin na dumadapo ang kamay niya sa gilid ng labi ko para punasan ang nga naiiwang chocolate.

"Elliese? Hoy! Ikaw nga!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa katapat na upuan. Isang lalaki na nakasuot ng pulang polo at tie, may salamin at medyo kalbo. Sinuri kong mabuti ang itsura niya, singkit kito at may katangusan ang ilong. "Ako yung tatlong beses mong binasted nung high school tayo."

"Binasted?" Pagtataka ko, pilit kong tinatandaan pero mukhang gasgas na ang memory ko

"Alvin, Alvin Espinosa." Pagpapakilala niya sa akin saka inabot ang kamay. Nang tataanggapin ko na ang kamay niya ay mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo si Yohan at siya ang nakipag-kamay kay Alvin.

"Yohan Carbonel, her fiancé" seryosong sabi niya.

"Sir Yohan..." naglaho ang kaninang malapad na ngiti ni Alvin at napalitan ng takot.

"Get back to work and never ever look at my fiancée like that, she's mine." Madiin ang bawat salitang binibitiwan niya.

"I'm sorry Sir..." malamlam ang boses nito.

"Get lost!"

"Yohan..." tumayo ako at hinawakan siya sa braso. "Stop it," liningon niya lang ako.

"Go back to the office now or else I'll fire you."

"Yes sir," naghahadali itong tumayo at ipinasok sa bag ang laptop niya. Saglit niya akong tinignan pa.

"I'm sorry..." I mouthed, he just gave me a half smile before leaving.

"The rules Elle, the rules." Pagpapa-alala niya sa akin.

"I know pero kaibigan ko lang naman si-."

"The rules," matalim ang mga tingin niya nang lingonin ako.

"I'm sorry..." napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Kilalang tao si Yohan kaya naman hindi maiwasan na pagtinginan kami at pagbulungan. Feel ko nga ay kilala na siya sa ganitong image-strong, fearless, and strict.

"Let's go," kinuha niya ang bag ko saka hinawakan ang kamay ko. Marahan niya ako na hinila papalabas ng pastry shop, nang makalabas kami ay ikinulong niya ako sa mga bisig niya. "I'm sorry, hindi ko lang napigilan ang sarili ko." aniya nang magkalas kami sa pagkakayakap. "What do you want? Gusto mo ba na magpa-spa muna tayo? Manicure? Pedicure?" Iling lang ang isinasagot ko sa bawat salitang sinasabi niya. "Elle I'm really sorry" Sinsero niyang sabi.

"Nasa rules, naiintindihan ko."

"Elle."

"Puntahan na lang natin ang dapat nating puntahan."

Inaamin ko na nakaramdam ako ng pagka-dismaya sa inasal niya kay Alvin kanina, ang ayos-ayos nang pagpapakilala nito tapos babastusin lang siya ni Yohan. Alam ko naman na karapatan niya 'yon kaso parang nakakasakal na, kung si Henry siguro 'yun---wait nakalimutan ko. Wala na nga pala kami ni Henry. Ipinagpalit ko nga pala siya sa pera...

Ano ka ba naman Maria Elliese?

Para bang nabaliktad ang mundo, ako naman ang hindi umiimik at siya ang kausap ng kausap sa akin. Kwento siya ng kwento habang ako naman ay nakatungo lang sa bintana, naririnig pero hindi ko siya pinakikinggan.

"Hey, you still mad about Alvin? Promise mag-aappologize ako kapag nagkita kami, just don't be mad at me.

"Hindi ako galit, I'm just disappointed Yohan. Alam ko naman na wala akong karapatan pero kaibigan ko siya e, high school friends kami."

"Pero lalaki siya, nakasaad sa rules na bawal ka makipag--"

"Alam ko, hindi mo na kailangan ulitin."

"I'm sorry, I'm really sorry Elle."

"H'wag ka nang mag-sorry, hindi naman kailangan,"

"Galit ka sa akin e..."

"No, dismayado lang."

"May magagawa ba ako para mawala yung disappointment mo sa akin, do you want me to buy you something? Bags? Clothes? Jewelries? Name it and I'll buy it."

"Hindi ako materialistic na tao, Yohan. Hindi ko kailangan ng mga bagay na binabanggit mo."

"I know," kinuha niya ang kamay ko saka ito hinalik-halikan ko. "I'm sorry, I'm sorry baby, please forgive me."

Kami ni Henry noon kapag nag-aaway kami, ni hindi niya ako inaalo na gaya ng ginagawa ni Yohan. Isang araw kaming hindi mag-uusap at magpapalamig tapos kinabukasan ay okay na kami-cold and silent treatment kaya siguro hindi ako sanay nang ganito. Hindi ako sanay na inaamo ako kagaya ng ginagawa ni Yohan ngayon.

"Hindi ko na uulitin, h'wag ka nang magagalit please. Sa susunod I'll act nice, mainit lang kasi talaga ang ulo ko kanina dahil sa nareceive kong text message e. Tapos nakita ko pa kung paano ka niya tignan, mukhang balak kang agawin,"

"Para namang gagawin niya 'yon, naka-pirma na ako ng kontrata sa'yo Yohan. Isa na ako sa mga bagay na pag-aari mo, binabayaran mo nga ako remember?"

"I won't treat you like that, you are mine but I wont treat you like a thing. I will treasure you like a diamond," Humarap siya sa akin saka mabilis na inilapat ang labi niya sa mga labi ko. Tatlong beses niyang ginawa 'yon, sinulit niya habang nasa gitna kami ng traffic. "Hmmm... your lips taste like chocolate." May ngiti sa labi niyang sabi, inulit niya ito sa ikaapat pa na beses. "Sorry, I can't stop myself from kissing you. It's too tempting, damn!" he said as he chuckles.

"Magagawa mo naman lahat ng gusto mong gawin sa akin, nasa contract naman yan. Hindi ako pupuwedeng tumanggi," Mariin kong sabi at malamig siyang tinitigan.

"Elle, can you please stop being cold? I hate it," malumanay niyang sabi saka muling hinalikan ang labi ko. "Please," mahinang usal niya. He cupped both of my cheeks as he kisses and lick my lips. "Hindi ako titigil sa paghalik sa'yo hanggang hindi mo ako kinikibo."

"Kinakausap naman kita,"

"Coldly and I hate it."

"Atleast kinakausap pa rin kita."

"Gumanyan ka ng gumanyan, I swear hindi mo magugustuhan ang gagawin ko."

"Bakit ano bang gagawin mo?"

"I'll fck you here inside my damn car," malakas niyang sabi.

Napasinghap at nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niyang tanggalin ang seatbelt niya, mabilis niya rin na tinanngal ang pagkakabutones ng polo niya at hubarin ito.

"You leave me no choice Elle."

"Fine! Papansinin na kita! Just put on your damn clothes!" Sigaw ko nang magtangka siya na lapitan ako. Ngumisi ito saka ako hinalikan sa noo, isinuot niya na rin ang polo niya at ibinotones ito.

"Scared of losing your v-card?" Nanunuyam ang mga tingin niya.

"Virginity is just a social construct, hindi naman talaga nag-eexist 'yon pero ipinangako ko sa sarili ko na bibigay ko lang ang sarili ko, sa taong handa akong pakasalan."

"I'll marry you."

"At taong mahal ako..." His smile fade away, he shifted his gaze on the wheel drove.

Saglit na naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa na binasag niya na rin.

"It's Henry, right?"

"Ayokong pag-usapan."

Muli niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ito, "I'm sorry, it's my fault..."

Umiling ako, "Our fault, gold digger kasi ako." Pineke ko ang pag-tawa.

"No."

"May choice akong tanggihan ang pagpapanggap na ito pero I choose to agree kasi may perang involved. Sad but true 'no? "

"You're not a gold digger Elle, remember that." anito saka pinupug ng halik ang kamay ko. "You are not a gold digger, you are different." Sinsero nyang sabi .

Dinala ako ni Yohan sa kumpanya niya, his arms is on my waist while walking. Kay heto na naman ang mga tao sa paligid, pinagtitinginan na naman kaming dalawa. Grabe naman kasi 'tong kasama ko e, sobrang kagalang-galang at nirerespeto ng lahat. Tapos ako? Ginagago ko lang siya at sinasabihang, naka-drugs kais why not? Hindi naman nila alam e.

"Sino 'yan?"

"Malay ko pero noong isang 'araw ipinasundo ni Sir Yohan 'yan at si Ma'am Sam pa ang sumundo."

"Jowa ni Sir?"

"Baka, tignan mo ang pagkakahawak ni Sir sa kaniya."

"Akala ko ba bakla 'yang si Sir Yohan,"

"Sabi sayo fake news lang 'yon e."

Si Yohan? Bakla? I don't think so.

"Sir Yohan! Mabuti na lang at dumating ka na, kanina pa naghihintay ang Ate Yanna mo sa'yo," Si Ms. Sam ang sumalubong sa amin, mukha siyang aligaga. Wala siyang make-up at magulo ang buhok niya, malaki rin ang eyebags niya. "Oh hi Ms. Elle!" bati niya nang makita niya ako.

"Hello po Ms. Sam," magiliw kong pagbati kay Sam.

"Paghihiwalayin ko muna kayo ni Yohan saglit ha, saglit na saglit lang talaga." Siyang sabi ni Ms. Sam saka ako inilayo mula kay Yohan.

"Just wait for a second," ani Yohan saka mabilis na inangkin ang labi ko. "I'll be right back," mahinang usal niya.

"At dito mo pa napili na mag-PDA, sige na Sir larga na."

Nilingon ako ni Yohan ng ilang segundo bago siya sumakay ng elevator, nakakapagtaka ang nangyayari. Kaya ba siya bad trip kanina dahil dito?

"A-Anong meron?" Takang tanong ko kay Ms. Sam.

Nagkibit balikat lang siya, "Tara na Ms. Elle, ihahatid muna kita sa office ng fiancé mo." aniya saka hinigit ang balikat ko, isinakay niyaa ako sa elevator at inihatid sa opisina ni Yohan. Pina-upo niya ako sa mahabang sofa, inutusan niya rin si Alona na ipagtimpla kami ng juice.

Nilibot ng mga mata ko ang loob ng opisina ni Yohan. Naghahari ang kulay puti ay itim dito, itim ang sofa, itim ang coffee table, itim ang swivel chair pati na lamesa niya. Ultimo mga kurtina ay itim rin, ang lagayan ng libro, pati na ang kulay ng tray at pitsel na isinerve sa amin ni Alona. Puno rin ng naglalakihang salamin ang loob ng opisina. May malaking divider din na may lamang mga trophy at certificate at mga litrato ni Yohan pati na ng pamilya niya.

"Sa ngayon, mamamangha ka pero sa mga susunod na araw Elle, magsasawa ka na rin sa mga nakikita mo na 'yan. " Sambit ni Ms. Sam, agad akong napagingin sa kanya.

"Sam, bakit mas pinili 'to ni Yohan? What I mean is 'yong set up naming dalawa."

Matagal bago nakasagot itong si Ms. Sam... "A-Actually h-hindi ko rin alam, we've been friends for two decades pero may pagkakataon na may mga sikreto siya na hindi ko alam. Masyadong malihim at misteryoso ang Yohanna-nnie na 'yan e." Natawa siya sabay nag-iwas ng tingin. "Pero kasi nga kaibigan ko siya so I need to support him and his shenanigans."

Tumango-tango na lamang ako, ilang sandali pa ay nagpaalam na si Ms. Sam nang ipatawag siya sa conference room. Nanatili akong naka-upo sa mahabang sofa habang inuubos ang dalang slice ng cake at ang juice na inihain ni Alona kanina.

Abala ako sa paglantak ng cake nang mapatigil ako ng bumukas ang pintuan. Isang matangkad, maputi, at blonde na babae ang iniluwa nito, nakasuot siya ng dark green na dress na sleeveless at may hawak na pulang bag na may ribbon.

Taray, merry christmas 'yan? #OOTD #Christmaspresent gano'n?

"And who are you? What are you doing here inside my brother's office? Magnanakaw ka siguro no?" Pag-aakusa niya sa akin.

"M-Ma'am hindi po..."

"Magnanakaw ka!"

"Ma'am hindi po nagkakakamali po kayo, h-hindi po ako magnanakaw."

"Guard!" Malakas na sigaw nito na umalingawngaw pa sa loob ng opisina. "Guard may magnanakaw dito! Guard!" Malakas na sigaw nito mula sa labas ay nagsipasukan ang dalawang security guard na nakasalamuha ko kanina.

"Hulihin ninyo 'yan! She's a thief!"

Tila may mga naghahabulang daga sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito, nanginginig ang buong katawan ko at mistulang na-istatwa ako mula sa kinatatayuan ko.

"Ma'am baka nagkakamali po kayo, kasama po siya ni Sir Yohan kanina." Pagtatanggol sa akin ng guard na matangkad.

"And now you are accusing me for lying? Siguro kasabwat ka ng magnanakaw na 'yan."

"Ma'am hindi po, nagsasabi po ng totoo si Mentong. Kasama po talaga siya ni Sir Yohan kanina." sabi naman ng guard na may malaking katawan, panot, at medyo maitim.

"Magnanakaw 'yan! Balak niyang pagnakawan si Yohan, sundin ninyo na lang ang iniuutos ko!"

"M-Ma'am maniwala po kayo, hindi po ako magnanakaw. N-Nagkakamali po kayo ng-" Hindi ko na natapos pa ang pagdedepensa ko sa sarili ko, naramdaman ko na lang ang paghapdi ng pisngi ko. Maya-maya pa ay hinawakan niya na ang ang buhok ko at walang ano-ano ay kinaladkad niya ako papalabas ng opisina ni Yohan.

"This girl is a thief! Hindi ako sinungaling! Magnanakaw ang babaeng 'to."

"Ms. Yoora! Ms. Yoora! Bitiwan ho ninyo si Ms. Elle," ang boses ng nagmamakaawang si Alona ang naulanigan ko.

"This girl is a thief! Deserve niya kung ano man ang ginagawa ko sa kaniya ngayon!" sigaw pa nito bago dumaping muli ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ko.

"Tama na po! Tama na po!" pagmamakawa ko, wala akong magawa. Hindi ako makaganti tanging ang pagpalahaw na lang ng iyak, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.

Patuloy siya sa pag-aakusa sa akin habang sinasabunotan at sinasampal-sampal ako, marami na ang mga tao na nakapaligid sa amin. Nanliliit ako dahil sa hiya, tanging ang pader na sinasandalan ko na lang ang naging piping saksi sa mga mahihinang pag-hikbi ko.

Lalo pang dumarami ang mga tao na nakiki-usyoso, sinipat ko mula sa kumpulan ng tao kung naroon ang taong makakapagtanggol sa akin pero bigo ako na mahanap siya.

"Ayoko na makita ang pagmumukha ng magnanakaw na babaeng 'to sa kumpanya ko. I want her out of my company!" Maotoridad pang sigaw ng ng babaeng tinatawag nila na Ms. Yoora.

"What's going on here? Ate Yoora, what happened?"

"Yanna, Yohan, glad you're here. Ano bang klaseng security ang meron dito? Kung hindi pa ako dumating ay baka nalimas na ng babaeng 'yan ang lahat ng nandirito. Magnanakaw siya!" Bulyaw niya sa akin habang dinuduro-duro ako.

"Elle!" boses iyon ni Yohan, agad niya ako na pinuntahan at inayos ang mga buhok na tumatakip sa mukha. "Elle baby, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong habang inaalalayan ako sa pagtayo."She's not a thief!" Bulalas ni Yohan nang maitayo niya ako

"Magkakilala kayo?" Halata ang pagkagulat sa mukha ng babaeng kanina lang ay inaakusahan ako. Nanlalaki ang mga mata niya habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Yohan.

"She's my fiancée Ate, don't you dare accuse her for the things she did not do!" Buo ang boses at maotoridad na sigaw ni Yohan habang blanko ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

Oh boy! He's mad, really, really mad.

"Fiancé? 'Yang magnanakaw na 'yan fiancé mo? Are you out of your mind?"

"Can I say the same thing to you?" He's really mad.

"Pero Yohan, I swear. Magnanakaw siya, alam ko 'yon."

"Shut it! Just fucking shut up! She's not a thief, the next time you call her thief again. I won't hesitate to kick you out of my company." Pinagmasdan ko si Yohan, naging isang guhit ang kilay niya at nangunot ang noo. Ang usual gentle face niya ay nawala. His eyes darken as he gritted on his teeth.

"Pero Yohan, magnanak-"

"Nakita mo ba? Nakita mo ba na may ninanakaw siya sa loob ng kumpanya? Wala naman 'di ba? Puro ka lang assumption." Umalingawngaw ang malakas at matigas na boses ni Yohan, animo'y isa siyang nagagalit na tigre na handang manakmal oras na lapitan siya. "She is my fiancé! How many times do I have to tell you?"

"Pero nakita ko siya sa opisina mo... baka nakawin niya ang lahat ng nandon. Yung pera mo, yung mga gadgets mo. Yung laptop mo pati mga gamit mo." Sinubukang magdahilan pa ng ate ni Yohan pero mukhang hindi ito umubra para kampihan siya nito. Hinapit ni Yohan ang beywang ko papalapit sa kaniya.

"Ang tanong ko ang sagutin mo, did you caught her stealing some thing on my office? Hindi naman 'di ba?"

Nakakatakot si Yohan,the way he shout and glare send chills on my spine. Siya 'yong tipo ng taong hindi ko kayang awayin kasi baka manakmal bigla.

"My company is Elle's company, my property is Elle's property. Kaya ito! Lahat nang nakikita mo sa loob ng kumpanyang ito, kay Elle ang lahat ng 'yan. She owns whatever I own." Hinarap akong muli ni Yohan saka inayos ang damit ko, sinuklay niya rin ang buhok ko gamit ang sariling daliri.

"Ayos ka lang ba?" Lumambot ang ekspresyon niya nang ibaling niya sa akin ang atensyon niya. Tanging tango lang ang aking naisagot. I was too stunned to speak.

Inakbayan niya ako at mas lalong hinapit papalapit sa kanya saka ibinaling ang tingin sa mga taong kanina pa nakiki-usyoso sa amin. "Ladies and gentleman, I want to introduce to you my very beautiful and lovely soon-to-be-wife . The soon to be Mrs. Carbonel, Ms. Elliese Altamirano." Huminto siya saka muli akong tinignan "I want you all to treat her just like how you treat me. She's also your boss, the queen of this company and the queen of my life. Don't ever try to accuse her of anything just like my sister did, I will not hesitate to fire you once I hear a bad thing or a gossip with my fiancée's name on it. Do you understand?"

"Yes po sir," sabay-sabay nilang sabi.

"Now get back to work and pretend that nothing happened," utos pa ng isang babae na nakasuot ng itim na office attire at naka bob-cut. Kahawig siya ni Yohan, matangos ang ilong, at may pagka-singkit ang mga mata.

Agad ako na iginaya ni Yohan papasok sa loob ng opisina niya, sumunod naman ang babae na kahawig niya, si Ms. Sam, pati na ang babae na nanakit at nag-akusa sa akin.

"Bakit mo ako ipinahiya sa harap ng mga empleyado mo?" Bulalas ng Ate Yoora ni Yohan nang maisara ang pinto.

"First of all, You have embarrassed your own self," sagot ng isa pang babae na kasama ni Yohan kanina.

"Look at what you did, Ate Yoora. You hurt my fiance and worse, you accused her for a thing that she didn't do."

"Malay ko ba na fiancée mo ang babaeng 'yan, ni hindi ko siya kilala. At isa pa basta-basta na lang siyang pumasok dito sa opisina mo at nanginain pa ng cake. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin," pagpapalusot pa ng Yoora na ito at pilit na pinapalabas na ako ang mali.

"Stop blaming Elle, it's your fault Ate. This is all your fault, you know what. Hindi ko nga alam kung ano pa ang ginagawa mo dito at kung bakit ka pa pabalik-balik dito." Mariing sambit ni Yohan

"I'am the C.E.O," pagmamalaki ni Yoora.

"Former C.E.O," mariing sabi ng babaeng naka-bob cut. "Ayoko na sana na malaman pa ni Elle ang tungkol sa kung paano mo pinabagsak ang kumpanya noon Yooralen."

"Hindi mo na kailangan pa na balikan Alyanna."

Habang nagsasagutan ang dalawang kapatid ni Yohan, ito namang lalaki na ito ay abala sa pagsusuklay ng buhok ko at pag-aayos nito. Sinisipat sipat niya rin ang pisngi, leeg, pati na batok ko.

"You have scratches and you cheeks were swollen..." seryosong saad niya. "Tell me anong ginawa ng ate ko sa'yo?"

"W-Wala ito, h-hwayaan muna. Hindi niya naman siguro sinasadya ang-Yohan!" sigaw ko nang tumayo siya ay mabilis na nilapitan at hinila ang Ate Yoora niya. Pwersahan niya itong iniharap sa direksyon niya. "Yohan, huwag na."

"Sam, ilayo mo si Elle." Mariing utos nito, si Ms Sam naman ay agad na hinila ang braso ko.

"How dare you to hurt, my Elle? Ate, kaya kong mapapalampas ang ginawa mong pag-aakusasa kan'ya pero ang saktan siya, baka magkakalimutan tayo. Don't forced me to disrespect you, kapatid kita. "

"She deserves it! Pasok siya ng pasok sa opisinang hindi naman kanya."

"Ikaw rin naman ah! Nangingielam ka pa nga diba? Sinaktan ba kita? Pinakaladkad ba kita? No ate, it's because you I respect you."

"At kinakampihan mo pa talaga ang babae na 'ya-" akma akong susugurin ni Yoora ngunit mabilis na iniharang ni Yohan ang katawan niya.

"One more step, ate. Magkakalimutan tayong dalawa."

"What are you saying? Bakit parang mas importante sa'yo ang babaeng 'yan? I am your sister!"

"Wala akong pakielam!" Muling bulalas ni Yohan. "Hurt her more and I'll make you pay for it."

"Yohan, this is unbelievable." wika ni Yoora. "Nang dahil kang diyan sa babae na 'yan, natutunan mo na akong kalabanin ngayon. What happened to my little brother? To my baby Yohan?"

"He's a grown up man now, making grown up decision."

"And now you're talking back, nakilala mo lang ang babaeng 'yan. Nakalimutan mo na akong respetuhin!"

"Respect? Respect my ass! Ni hindi mo nga siya ni-respeto."

"Yohan please, tama na." Pagmamaka-awa ko. Hindi ko na kasi ma-take 'yong ginagawa ni Yohan, nakakakonsensya. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan kung bakit nanganganib masira ang relasyon nilang magkapatid.

"No, Elle please. Just let him." I'm sure she's Ate Yanna. Lumapit siya sa akin at hinagod-hagod ang likod ko.

"Yohan..." muli kong pagtawag sa kaniyang pangalan.

Nilingon niya naman ako, bakas sa mukha niya ang magkahalong galit at pag-aalala. "Ate please, umalis ka na lang." aniya nang ibalik ang mga mata sa direksyon ng kaniyang ate

"What?"

"I want you to get out of my office, out of my company, and out of my sight." Mariing dikta nito sa sariling kapatid niya

"Yohan..." pangalan niya lamang ang tanging nasambit ko.

"This is ridicolous Yohan, why would I leave? This is my company!"

"Not anymore, ate. Kaya please umalis ka na, bago pa ako makagawa ng hindi maganda."

"Hindi ako aalis, kapatid mo ako Yohan!" Pagmamatigas ni Ms. Yoora. "Yanna tignan mo naman 'tong ginagawa ng bunso natin. Pigilan mo nama."

"Samuela magpatawag ka ng guards," utos naman ni Ms. Yanna. Hindi niya pinansin ang paghingi ng tulong ni Ms. Yoora.

"Kapatid ninyo ako!"

Mukhang problematic ang kapatid nilang ito, It's very evident on her actions toward me, tinatabla niya ultimo mga inosenteng guards na ginagawa lang naman ang mga trabaho nila. Sobrang talim din ng mga tingin niya sa akin nang hawak-hawak na siya ng mga guards kanina habang papalabas, para niya akong kinasusuklaman mula ulo hanggang paa.

"Sam, can you please get the first aid kit? Get us a snack too, mag-order ka using my name. Thank you," pakikiusap ni Ms. Yanna kay Ms. Sam, agad naman na sinunod ito ni Ms. Sam at lumabas na ng opisina.

"Elle," tumayo si Ms. Yanna mula sa swivel chair na kinauupuan niya at umupo sa tabi ko. "I would like to apologize for what Yoora did to you. Mahirap talagang espelengin ang kapatid ko na 'yon, pagpasensyahan mo na lang at habaan ang iyong pisi."

"Ayos lang po, wala naman po akong magagawa kung 'yon talaga ng tingin niya sa akin. Hindi ko naman po siya mapi-please." Pineke ko ang aking pagngiti.

"Ikaw na lang siguro ang umiwas sa kaniya," wika pa niya saka sinuri ang pisngi ko. "Namamaga ang magkabilang pisngi mo no wonder kung bakit galit na galit itong si Yohan e."

"Wala na po sa akin 'to, sanay na po ako. Kumabaga sa level ng isang games, average pa lang po ang natamong sugat ko. Mawawala din po 'to Ms. Yanna."

"Ate Yanna," pagtatama niya sa akin. "Soon-to-be wife ka na ng kapatid ko, that means I'm gonna be your sister-in-law. kaya dapat 'ate' na ang itatawag mo sa akin."

"Sorry po Ate," wika ko.

"Don't apologize," wika niya na may nakapaskil na ngiti sa labi. "Siya nga pala Yohan, kailan mo ipakikilala si Elle kina Papa? I'm sure matutuwa sila kapag nalaman nila na ang unico hijo nila ay may tinatago palang nobya." Natatawang sabi niya habang nakatingin kay Yohan.

"As soon as possible ate, gusto ko na rin kasi na maikasal sa kaniya." Siya namang sagot ni Yohan na nakasandal sa table niya.

"Alam ninyo, bilib ako sa inyong dalawa. Naitago ninyo ang relasyon ninyo sa loob ng three years ng wala man lang nakakaalam." She spoke as she looks at me.

Three years? Jusko Yohan, ano na naman itong sinabi mo sa ate mo? Nagdedesisyon ka na naman ng hindi ko alam, hindi man lang ako kinonsulta.

"I want to keep my relationship with Elle in private, ayoko siya na maagaw ng iba e. Mahirap na, she's a rare diamond." He glances at me and then he winked.

"Akalain mo 'yon Elle, ang dating baby namin noon siya na ngayon ang magbibigay ng baby sa pamilya." Natatawang sabi pa ni Ate Yanna,

Nang sipatin ko si Yohan ay may ngiting aso siya sa labi, agad ko siya na pinandilatan ng mata. Bigla ko kasing naaalala ang ginawa niya kaninang umaga,

"By the way Ate, aalis nga pala kami ni Elle bukas. Mga three days or one week kami sa Palawan, I want to spend my time with her bago kami na magpakilala kay Papa."

Oy teka! Hindi ko yata alam ang pinagsasabi ng lalaking 'to. Pala desisiyon talaga ang Yohan, ang sarap pisatin talaga. Kung pwede lang siya saktan baka kanina ko pa siya binato ng bag.

"Okay, I'll take over muna the company for that week pero Yohan ha. Ipapaalala ko lang sa'yo, kasal muna bago anak ha." Pagpapaalala ni Ate Yanna. "Ikaw naman Elle, pag pinilit ka ng kapatid ko na 'yan. Don't hesitate na saktan sya, I'll give you the freedom to hurt him."

"She will never do that Ate," lumapit at tumabi sa akin si Yohan saka niya ako inakbayan. "Sobra niya akong mahal," humalik pa siya sa pisngi ko.

"H'wag ninyo akong inggitin, alam na alam mo na nasa states ang Kuya Steve mo." Napatayo pa itong si Ate Yanna, "O siya sige na, makaka-alis na kayong dalawa at mukhang nasasabik na ang baby brother ko na solohin ko. Hindi 'yan nagsasalita pero ramdam na ramdam ko." Nagpalitab pa sila ng mga kindat.

Nang sabihin iyon ni Ate Yanna ay agad nang nagpaalam si Yohan at agad na rin kami na umalis sa gusali. Habang lulan ng sasakyan ay napansin ko na ibang direksyon ang tinatahak ni Yohan, hindi ito pa-Bulacan. Mukhang nakapagdesisyon na naman siya na hindi ko alam.

"Saan tayo pupunta?"

"Pink Pearl Airlines, narinig mo naman siguro na pumayag si Ate na magtake-over sa company for the mean time."

"Wait Yohan, ang ibig mo bang sabihin ay aalis na tayo kaagad? 'Yung sinasabi mo na pa-Palawan?"

"Exactly."

"Yohan naman e! Nagdesisyon ka na naman e, hindi mo man lang ako sinabihan agad."

"Sinabi ko na naman na sayo kanina, kaharap pa nga ang ate 'di ba?"

"Hindi man lang tayo nakapag paalam kina Nanay, ni hindi nga tayo nakapag-impake ng mga damit natin e."

"Pinaalam na kita kina Nanay at Tatay kagabi, pati nga kay Lolo Igme e. Just don't worry to much, about naman sa mga gamit. Pinaayos ko na kay Samuela ang lahat kagabi,"

Wala na akong nagawa, isinandal ko na lang ang likod sa sandalan ng upuan saka tumungo sa bintana at pinagmasdan ang mga dumaraang ang sasakyan na kasabayan namin na umaandar. Iisipin ko na lang na ginagawa ko 'to para sa pera at sa pamilya ko. Nakaramdam ako ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko kaya naman ipinikit ko na ang mga mata ko saka isinandal ang ulo sa may bintana. Nakakapagod intindihin ang lalaking kasama ko.

Matagal-tagal din akong nahimbing at nang magising ako ay natagpuan ko ang sarili na nakahiga sa isang malaking canopy bed. Para akong nasa loob ng isang malaking silid, nilibot ko ang mga mata ko, walang masyadong gamit dito. Bukod sa kama, dalawang night stand, dalawang floor lampshade na nasa tabi ko. Bumangon ako mula sa canopy bed at nilibot ang kabuuan ng silid hanggang sa matagpuan ko ang isang pinto. Noong una ay nag-aalangan ako na buksan ito pero nabuhay ang chismosa heart ko kaya naman marahan kong pinihit ang door knob.

Kaluskus ng tubig mula sa loob ang una kong narinig nang makapasok ako, nabubuhay ang kulay na puti sa buong paligid. Puting bowl, puting sink, puting bath tub at puting tuwalya. Nakumpirma ko na banyo nga ang kwarto na pinasukan ko, napagdesisyonan ko nang umalis ngunit...

"Glad you're awake..." Napahinto ako ng marinig ko ang malalim niyang boses mula sa likuran ko. Unti-unti akong humarap aa kanya ay tumambad sa akin ang basang-basa at hubad na katawan ni Yohan. Marahan ito na naglakad papunta sa direksyon ko, mistula akong naging istatwa sa kinatatayuan ko. "Join me," bulong niya sa akin saka marahan ako na hinila patungo sa isa pang silid kung saan ko narinig ang kaluskus ng tubig.

Pakiramdam ko ay wala ako sa sariling katinuan at tila may sariling buhay ang mga paa ko na sumusunod sa kanya. Nang makapasok kami sa loob ng shower are ay agad nito na isinara ang sliding door. Muli akong bumalik aa sariling pag-iisip nang maramdaman ko nang nababasa ako ng tubig mila sa itaas ng maliit na silid. Hinapit ni Yohan ang beywang ko para maglapit ang mga katawan namin.

"Yohan..."

"Shush, let me undress you..."

Continue Reading

You'll Also Like

516K 12.9K 51
COMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious...
48.9K 1.1K 53
Dahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan...
323K 3.7K 56
Lourd Cairus Knight Hell is a sweet and loving fiance of Natalie Smith, kaso nga lang masyado siyang possessive sa kaniya. Ang masaya at magandang re...
591K 14.2K 41
SERIES OF 'THE FATHER OF MY BABY': So, meet Ole. Pinakasalan ang babaeng minsan niya lang nakilala para maging ina nang anak niya sa dating karela...