HIS OBSESSION (UNDER EDITING)

By erzalalaloves

42.5K 1.2K 241

Step into the alluring world of Yohannie Samuel Carbonel, a renowned billionaire and unstoppable force in the... More

PROLOGUE
STAR OFHIS OBSESSION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
Chapter 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
Chapter 41
CHAPTER 42
Chapter 43
Chapter 44
CHAPTER 45
Chapter 46
Chapter 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 4

1K 39 10
By erzalalaloves


ZARINA

Day off ko kaya naman all out ako sa pagsuporta sa kaibigan kong si Elle, maganda siya at matalino. Yakang-yaka niyang patumbahin ang mga kalaban niya, si Elle pa ba? E isa siya sa campus crush noong high school. Isa pa, ang shoshonget ng mga kasali sa pageant.

Matapos ang mga naunang mga portion, alam ko na at kampante ako na isa si Elle sa mananalo ngayong gabi. Baka nga siya pa ang maging title holder, sa ganda ba naman niya at talino? Bonus na lang ang katawan niya pati na posture niya habang nakatayo sa stage, yung talent portion niya nga kanina standing ovation e.

"Tingin mo magiging title holder si Elle?" tanong ni Arjohn na kaibigan ng kambal ko.

"Kita mo nga na lyamado e, kampante na ako, diba babe?" preskong sabi ni Manolo, isa pang katropa ni Xavier na may gusto sa akin.

"Babe-in mo mukha mo diyan, tigil-tigilan mo ko Manoling ha!" pagsusungit ko at sinabayan ko nang pag-alis.

Maiirita lang ako kung magi-stay ako rito kasama ang mga chararat na kaibigan ng kambal ko. Kaya naman mas pinili ko na puntahan na lang si Elle backstage at bigyan siya ng mahigpit na yakap. Aba e ako ata ang lucmy charm ng babaeng 'yon.

"Elle!" sigaw ko nang makita ko siyang inaayusan nina baklang Betty.

"Zarina!" sigaw niya rin nang lingonin ako, tumayo siya at patakbong yumakap aa akin habang naka high heels. "Thank you sa suporta ha," wika pa niya nang magkalas kami.

"Tanga tanga mo, alangan naman na iba suportahan ko. E ikaw lang ang nag-iisang best friend ko!"

"I love you Zarinaaaaa!" wika niya at muli akong yinakap.

"I love you too Elisa, manalo man o matalo nasa iyo ang boto ko. Sagot ko ang blow out mo mamaya okay?"

"Hindi na Zari, ayos lang 'yon. Kahit wala nang blow out." wika niya nang muli kaming magkalas.

"H'wag maarte, alam kong maganda ka pero wag na umarte. Life choice ko ito, ako na bahala mamaya saka 'yang si Xavier. Sure ako na hindi rin naman aiya papayag na walang blow out na mangyayari."

"May choice ba ako? Wala naman e," natatawa niyang sabi.

"Attention everyone!" anunsyo ng isang baklitang mataba na head organizer ng event, na nakatawag pansin sa mga kandidata pati na glam team nila.

"So I'm here together with the judges, they will just stay here and observe for a couple of minutes before the coronation night mamaya. So behave well girls, okay?"

"Yes mamshie!" sabay-sabay na sabi ng mga candidates.

Pumasok ang mga hurado, ang mga mukha nila ay seryoso at para kang kakainin ng buhay anytime. Except sa isang tao na medyo suspicious.

"Elle, Elle, tapusin na natin ang pagreretouch ng make up mo para ready ka na mamaya." wika ni Betina, agad naman na umupo si Elle sa puting monoblock at sinimulan na nila ang pag-kocontour sa mukha ni Elle.

May limang minuto rin siguro na nag-obserba ang mga judges dito sa backstage. Ang pinaka napansin ko talaga sa kanila ay ang kakambal ni Henry at CEO ng RG Entertainment na si Yohan Carbonel. Bukod sa kapansin-pansin ang pagiging gwapo nito, iba rin ang titig niya sa direksyon namin lalo na kay Elle. Sa t'wing ngingiti si Elle ay napapansin ko na ngumingiti rin 'tong si Yohan, iba ang titig niya sa kaibigan ko na para bang may laman. Iba rin naman kasi ang karisma ni Elle na kahit ang kambal ko na si Xavier ay hindi nakatakas. Ilaglaglag ko na si Xav, tutal ay P.O.V ko naman 'to. He likes Elle, noon pa. Torpe lang talaga at hindi marunong manligaw.

"Kinakabahan ako," bulong ni Elle nang hawakan ko ang mga kamay niya. "Hindi talaga ako ready e."

"Tangek ka, manalo matalo go for the win tayo. Sagot ni Xavier consolation prize mo," pagpapalubag loob ko sa kaniya. "Sige na smile na, coronation na maya-maya. Basta whatever happened, nandito lang ako para sa iyo," mahipit ko siyang yinakap bago siya tuluyang nagpaalam para umakyat sa stage.

Pabalik na ako sa upuan nang mapahinto ako, isang di kaaya-ayang usapan ang aksidenteng narinig ng matatalas na tenga ko.

"That Elliese Altamirano, I freaking hate her. She is Henry's so called girlfriend, gawan mo ng paraan para hindi siya ang magtitle. Mang-aagaw siya at bawal sa mga beauty queen ang mang-aagaw, pagpalitin mo siya saka 'yung first runner up." utos nito sa baklang organizer.

"E Ms. Caprice baka po kapag ginawa ko 'yan magtaka po ang judges pati na mga audience, baka magkagulo po."

"I'll pay you, name your price."

"Pero Ms. Caprice... b"

"Please, ayoko siya na manalo beks. Pagbigyan mo na ako, minsan lang naman 'to. Minsan lang naman ako humingi ng pabor sa'yo."

"Susubukan ko po Ms. Caprice."

Nagpanting ang tenga ko sa nakakalokang usapan na narinig ko sa pagitan mg organizer at ng babaeng mukhang pinapayat na siopao na may fake boobs at fake lips.Para akong sinamaan ng katawan nang dahil sa narinig ko, warkang 'to balak pang tanggalan ng korona ang best friend ko.

"Cha-cha, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Tara na at nagsisimula na ang coronation," Si Kuya... "Cha okay ka lang? Bakit parang namumutla ka?"

"Okay lang ako Vier, may hangover lang yata ako." pagsisinungaling ko sa kambal ko.

"Sabi ko naman sa'yo tigilan mo na ang pagsama dyan kina Rosalie e, tamo nagiging lasinggera ka tuloy." panenermon pa niya.

"Bumalik na lang tayo, nag-aala Papa ka na naman e," wika ko.

Bumalik na kami sa upuan namin, inaamin ko na bothered pa rin ako dahil sa narinig kong sinabi ng bruhang babaeng 'yon. Bakit? Nang dahil kay Henry, tatanggalan niya ng karapatan si Elle to have the crown? Gustong-gusto kong ipaglaban ang best friend ko pero hindi ko alam kung papaano, ayoko lang talaga gumawa ng gulo dahil tiyohin ko ang kapitan. Ayokong maging dahilan ako ng pagkakaroon niya ng masamang imahe sa mga tao at saka isa pa, artista si Caprice. Wala akong panama sa kanya, ibabash lang ako ng mga enabler niya. Mga pakyu sila.

"And we're back, handa na ba ang barangay Masaya para kilalanin ang bagong Binibining Reyna ng Brgy Masaya?" syang masiglang tanong ng host na sinabayan ng sigawan at palakpakan ng mga tao. "Ngunit bago ang lahat, narito ang ating reigning queen na si Binibining Rocel Angela Lucero para sa kanyang farewell walk."

"Ate Zarina, kanina ka pa tahimik dyan. May problema ka ba?" tanong ni Cathy, ang kapatid na babae ni Elle.

"Ha? Wala, kinakabahan lang ako " pagsisinungaling ko.

"Hay naku Chona, mas mukhang kabado pa yata etong best friend ni Elle kaysa sa anak ko na nasa stage," pagbibiro ng stepfather ni Elle.

"E syempre aba e mag best friend ata 'yang dalawang 'yan. Ismo kambal, kung ano nararamdaman ni Elle, nararamdaman din netong si Zarina." sagot naman ni Mama.

"Isa pa nga 'tong si Nanay ni walang imik, Nay si Elle po ang lumalaban hindi kayo." pangangantyaw ng Kuya ni Elle kay Tita Elsa.

"Heh! Ikaw nga ay tumigil riyan Eliseo at ako ay nagrorosaryo." wika naman ni Tita Elsa, ang nanay ni Elle.

Matapos ang farewell walk ni Rocel ay isa-isa nang naglabasan ang mga kandidata na hindi napili sa Top 5. Maya-maya pa ay ang Top 5 candidates na ang rumampa suot ang kanilang mga gown na idinesenyo ni Rael Dimagiba, isang fashion designer na ka-batch namin nila Henry.

"GO ELLE!" Hiyaw ng kambal ko mula sa kinauupuan niya with matching wagayway pa ng tarpaulin na ginawa niya magdamag. Matagal na 'yang may gusto kay Elle, ang kaso walang pag-asa dahil taken na ang babae.

"Anak ko 'yan! Anak ko 'yan!" magkasabay na sigaw ni Tito Jun at Tita Elsa.

"Let's proceed for the special awards, let's start with our "Best in Catwalk". To be awarded by Councilor Vergel Mendiola and Binibining Reyna ng Barangay Masaya 2012 First Runner up, to  receive a Php 2,000 cash a sash and a bouquet. Our tonight's best in Catwalk is... candidate number 16 Delilah Marquez."

--

"For our next special award, let's have our "Best in Long Gown". To receive a sash, a bouquet or flowers, and a Php 3,000 cash and to be awarded by Sk Councilor Ron Billiones and Councilor Morgan Sta. Ana. Our Best in Long Gown goes to.... Candidate number 18 Chanel Marquez!"

--
"This next award is awarded to our Binibini who showcase not just her beauty and glamour but also her extravagant and extraordinary talent. To receive a sash, a bouquet, a plaque of recognition and a Php 4,000 in cash. Ro be awarded by Ms. Caprice Tan and Councilor Vergel Mendiola, our best in Talent awardee goes to.... candidate number 10 Merinda Marfori."
--
"Down to our last 2 special aw---" napatigil si Shalani nang umakyat sa stage ang isa pang judge na si Yohan Carbonel. May inabot itong papel at may binulong sa dalawang host. Kasunod niya ay ang isa pang baba na naka-suot ng formal attire at may hawak na bouquet ng red rose, isa pang sash at envelope yata. Nasa likod naman ng babae ay ang isa pang judge na si Mayor Johny. Nang matapos ang bulongan ay bumaba na ang tatlo, mula sa stage.

"Anong meron? Bakit naroon si Sir Sam at Ms. Sam?" tanong ni Ate Cherry.

"Kilala mo sila?" tanong ng Mama ko.

"Oho, e mga amo ko po sila e." sagot naman ni Ate Cherry

"Okay, tatlong special awards pa pala ang ating ibibigay sa mga naggagandahang kandidata natin." ani Shalani.

"Ano pa bang hinihintay natin?"

Mui  namin na hinintay na tawagin ang pangalan ni Elle sa huling dalawang special awards ngunit bigo pa rin kami. Maigi kong tinitigan si Elle na malaki pa rin ang ngiti kahit pa sya na lang ang wala pang sash o bulaklak mula sa mga special awards.

Namataan nang lahat ang pag-akyat ng isang hurado na si Yohan Carbonel sa stage, may hawak siyang que cards. Maya-maya pa ay iniabot ni Joko ang mic sa kanya.

"Good evening to everyone here. I am Yohan Carbonel and I myself will be announcing a new award and it will be called "Royal Gem Icon Awardee. The organizer and leadership of Barangay Masaya agreed to have the first ever RGI Awardee." Huminto ito saglit at saka lumingon sa kasama niya yata na nasa baba ng stage, may sinabi siya rito na sobrang inaudible.

"Ano na ba ang nangyayari?"

"Bakit hindi pa sabihin?"

"Ang tagal naman,"

"Pero infairness ang gwapo ng view."

Iyon ang mga narinig kong bulungan habang abala pa ang mga nasa entablado sa pag-uusap. Palagay ko nga ay ngalay na ang mga kandidata na ngayon ay mga nakatayo at awkward na ang ngiti, maliban kay Elle na nagagawa pang kumaway.

"We love you Elle!" Sigawan ng mga lalaki sa may bandang likuran, isang flying kiss ang ibinalik ni Elle sa kanila.

"Iba talaga siya Zarina," narinig kong wika ng kambal ko.

"Syempre, mana kaya siya sa akin. Best friend ko 'yan e!" Pagyayabang ko pa.

"I'm sorry for the interruption, the wait is over Barangay Masaya. Ang ating kauna-unahang Royal Gem Icon, will be accepting a bouquet of equadorian roses, a Php 50,000 in cash, a sash, and a plaque of recognition... to be awarded by, Ms. Samuella Lim and Mayor Johnny Salongga. Our first ever RGI awardee is none other than.... candidate number 4! Maria Elliese Altamirano!

FIFTY THOUSAND PESOS IN CASH?? 

Tama ba ang narinig ko? E mas malaki pa ang natanggap ni Elle na pera kaysa sa mapipiling Binibining Reyna ah. Mukha ngang hindi nga lang ako ang nagulat, pati na mga tao rin na nanonood. May kakaiba akong nararamdaman sa C.E.O at kakambal ni Henry na 'to e, there is something about him that I couldn't explain.

Halos mag-aalas 12 na ng gabi nang matapos ang pageant, bigo na nasungkit ni Elle ang korona, siya ang itinanghal na second runner up sa gabing iyon. Bigo man niya nakuha ang korona, mukhang may iba siyang nasungkit, isang C.E.O... 

Never pa akong nagkamali sa kutob, panigurado akong na love at first sight ang isang 'to sa best friend ko. Dahil nang lalapitan na sana namin si Elle para makapagpa-picture at ma-congrats siya, inunahan kami nitong si Yohan. Matagal niyang kinamayan at tinitigan ang kaibigan ko, mas inuna niya pang lapitan ito kaysa sa totoong winner na si Mirenda Marfori.

"Elle!" Masayang sigaw ko saka ko sinadyang banggain at daanan si Yohan. Agad kong yinakap si Elle saka hinalikana ang pisngi nito. "Ang galing-galing talaga ng best friend ko manang-mana ka sa akin! Congratulation mahal ko!"

"Thank you mahal ko," mangiyak-ngiyak nitong sabi nang magkalas kami mula sa pagkakayakap. Mula sa peripheral vision ko ay namataan kong nakatitig pa rin si Yohan sa kaibigan ko, tahimik lang siya na pinanonood habang nagsisilapitan kaming nga taga-suporta at pamilya ni Elle sa kanya.

"Ang galing-galing mo talaga ate!"

"Proud na proud kami sa'yo anak ko!"

"Etong second runner up! Anak ko 'to! Hindi 'to sakin nanggaling pero anak ko 'to."

Tila si Elle pa ang mas nagmukhang winner kaysa kay Mirenda dahil sa dami ng sumusuporta sa kaniya, ultimo itong isang judge na si Yohan sa kanya talaga naka-tuon ang pansin. Pero sa totoo lang, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Caprice sanTanas na 'yon, feeling ko talaga si Elle ang title pero dahil sa lakas ng kapit niya... Epal siya, darating rin ang karma niya. Madapa sana siya sa stage pagbaba niya

"Hoy Za, bakit tulala ka dyan?" Puna ng kambal ko. "Kanina ka pa ganyan, may period ka ba ngayon?"

"Huh? Wala! Iniisip ko lang kung saan ako ililibre ni Elle bukas, 'yon lang. Magde-day off ako ulit, laki ng napanalunan niya o!" Pagsisinungaling ko kay Xavier, pinandilatan niya naman ako ng mata at matapos ay nag-peace sign ako.

Winaglit ko saglit sa isipan ko ang tungkol kay Caprice Santanas at itinuon ang pansin sa pagsasaya dahil sa isang bagong achievement sa buhay ng matalik kong kaibigan mula pa ng kinder kami. Abala kami sa pagpapapicture sa kanya nang maputol kami ni Ate Cherry, hila-hila niya si Yohan na diretsong nakatingin kay Elle.

"Nay, Tay, Lolo... si Sir Yohan po boss ko." Pagpapakilala niya dito. "Mabait po siya, as in sobra." Pagmamalaki ni Ate Cherry sa Yohan na'to.

Mabait nga ate sobrang bait kasi tignan mo binigyan ng award si Elle, tas mas mataas pa yung cash nya kaysa doon sa totoong winner.

"Yohan Carbonel, C.E.O po ng Royal Gem Entertainment. Nais ko po sana na imbitahin si Elliese sa kumpanya ko, if ever lang po na gustuhin niya na magkaroon ng trabaho." Nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa labi ni Yohan habang nakikipag-kamay sa parents ni Elle. Suspicious talaga sis.

"Sino ba naman po kami para tumanggi Sir? Malaking bagay na po sa amin 'to sir, maraming salamat po." Mangiyak-ngiyan na sabi ni Tita Elsa.

"I can see her potential Ma'am and she truly deserves it." Titig na titig siya sa best friend ko. Oh my, Elle! Kakambal 'yan ng jowariwaps mo.

"Maraming salamat po Sir Yohan," nakangiting pagpapasalamat ni Elle.

"Excuse me po, maputol ko lang po ang usapan ninyo," ang ka-school mate ko na si Sam ang nagsalita. "Sir Yohan, your Dad is calling. Kailangan na daw po ninyo umuwi for a special appointment."

"Okay Sam, i'll be there." wika ni Yohan, si Sam ang kausap niya pero ang tingin niya ay nakapako pa rin kay Elle. "So... I'll see you in my office Ms. Altamirano. Congratulations again, mauuna na po ako." wika pa nito bago umalis kasama si Sam. Feel ko nga ay wala itong balak na umalis, hinila lang talag siya ni Samuela. 

"Feeling ko ate, may gusto sa'yo si Sir Yohan." Pamumuna ni Cris-mar, nakakabatang kapatid ni Elle.

"Pansin ko rin ate, grabe 'yung titig o ang lagk—Ahh! Kuya Ely naman parang eng-eng, Mama oh! Si Kuya nanapok."Panunumbong ni Cathy kay Tita Elsa.

"Boss namin 'yun Catherine, h'wag mong bastusin." Nanlalaki ang mga mata nito at namumula ang mga tenga na indikasyong naiinis ito.

"Elyseo hindi naman marunong magpasensya, alam mo naman na dalaga na 'yang si Cathy e." Pananaway ni Tito Jun kay Kuya Ely na bumatok kay Cathy.

"Hay naku kayo talaga! H'wag dito at nakakahiya, h'wag na kayong mag-away pa kita ninyo o. Nag-uwi ng karangalan itong kapatid ninyo," si Tita Elsa.

"Tita Elsa, saan po ba ninyo gusto kumain? Manlilibre po ako, mag-celebrate po tayo." Si Kuya Xavier na mukhang nagpapalapad papel aa mga magulang ni Elle.

"Hindi na Xavier, uuwi na rin kami. H'wag ka nang mag-abala pa, pagod na rin kasi ako." Siyang pagtanggi ni Elle,

"Ikaw naman Elliese parati mo na lang akong tinatanggihan." May pagtatampong wika ni Xavier.

"Ito naman, hindi naman sa pagtanggi. Pagod na kasi tayong lahat, sige sa susunod babawi ako. Hindi na kita tatanggihan."

"Sabi mo 'yan ha,"

"Oo promise,"

"Alam ninyo, bagay kayo. Bakit kasi hindi na lang si Xav, Elle? Single ka naman yata." Sabat ni Manolo.

"Dapat ang ginagawa mo ngayon, umuuwi e. Walang nanghihini ng opinyon mo, umuwi ka na nga. Naiirita ako sa'yo," pananaboy ko sa kanya.

"Zarina Janine," pinandilatan at pinagtaasan ako ng kilay ng Mama ko. Ayaw niya talaga na ganoon ko itinatrato si Manolo.

Ilang saglit pa ay nagkayayaan na umuwi ang mga tao nang matapos ang picturan at mag-announce na ang mga taga baranggay hall. Pinauna ko na maka-uwi sina Kuya, may gagawin lang akong tiyak na makakapag-satisfy sa akin. Gusto kong ipaghiganti si Elle sa bruhang Caprice na 'yon. Nakita ko siya kanina na may kinuha sa kotse niya at kalaunan ay pumasok sa barangay hall kasama ang mga alagad niya.

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para dahan-dahan na lapitan ang kotse niya at... butasin ang gulong nito sabay karipas ng takbo.

ELLE

Bago namin napagpasyahan na umalis kanina ay ibinigay ko muna ang parte nina Bettina sa napanalunan ko, malaki-laki ito kaya naman malaki rin ang ibinigay ko sa kanila. Kung hindi kasi dahil kina Bettina, baka wala akong cash na hawak ngayon. Hindi ko man nasungkit ang title crown, masaya naman ako sa mga premyo na nakuha ko. Malaki na 'yon para sa pangkabuhayan namin ng pamilya ko saka isa pa inalok rin naman ako ni Sir Yohan ng trabaho. Daig ko pa ang nanalo nang marinig ko 'yun mula sa boss ng ate at kuya ko.

Nang maka-uwi kami ay agad na ako na naligo, nag-alis ng make-up, at nagpalit ng damit, lahat kami ay pagod kaya naman napagpasyahan na namin na matulog at magpahinga. Bukas ko na lang siguro papartihin ang napanalunan ko sa contest.

Pagtapos namin kumain ng agahan kinabukasan ay tinipon ko ang buong pamilya para bigyan ng parte sa napana lunan ko. May bente mil rin ang iniabot ko kay mama panggastos at pambayad ng bahay, pinagbibigayan ko rin ng tig-iisang libo ang mga kapatid at pamangkin ko. Ibinukod ko na rin ang pambili ng mga pang-maintenance ni Lolo Igme pati na ang pagpapagawa ng jeep ni Tito Jun.

"Baka naman wala nang matira sa'yo apo," may pag-aalala na sambit ng Lolo. "Magtira ka para sa sarili mo ha,"

"Meron naman po kahit papaano," nakangiti kong sabi sa Lolo ko.

"Baka naman kami ay mawalan pa d'yan Elliese," tila hari na pumasok si Tita Nenita sa bahay namin habang nakalahad ang kamay niya. "Tandaan mong ako ang nagpaaral sayo ng high school."

"Hindi ko po nakakalimutan tita," wika ko saka inabutan siya ng dalawang libo.

"Bakit ito lang? Malaki ang napanalunan mo ah. Pati ang Tita Belen mo bigyan mo din,"

Labag sa loob ko na inabutan pa siya ng walong libo pa at nang makuha ang pera ay nagmamadali na umalis ng hindi man lang nagpapasalamat. Sanay na kami sa mga ganito, bata pa lang ako minamata-mata na kami ng mga kapatid ng Mama ko. Kaya naman nagsusumikap ako at kahit anong raket ay pinapasok ko para may pangtustus sa kanila.

Matapos ko na makapaglinis ng sala at kusina ay ang itaas naman ng bahagi ng bahay ang nilinis ko, naiwan ako dito sa bahay kasama sina Tala at Nemo. Pumasok na sina Cathy, Crismar pati na si Dorathy sa paaralan, namasada naman na si Tito Jun. Si Lolo naman ay hinatid ni Mama sa ospital para sa monthly check up nito. Sina Kuya Ely at Ate Cherry naman ay pumasok na rin sa trabaho nila.

Saglit akong namahinga matapos kong ipagtima ng gatas ang dalawang bata at patulugin sa kuna at sa duyan nila. Mula sa divider ay natuon ang pansin ko sa itim na calling card na iniabot ni Sir Yohan kagabi.

May oportunidad siya na ibinigay sa akin, igagrab ko na lang, ang kaso kung gagawin ko ito ngayon. Walang mag-aalaga sa dalawang bata na naiwan sa akin ngayon, nag-isip muna ako ng paraan kung saan ko pupwedeng iwan sina Tala at Nemo. Ang sabi naman ni Sir Yohan, anytime naman daw at pwede ako na pumunta sa kumpanya niya.

Habang nagsasaing ako ay nakatanggap ako ng text message mula sa boyfriend kong si Henry na hindi nahagilap kagabi, nangako siya na susuportahan niya ako pero wala ni anino ni Henry ang nagpakita.

From: Mahal
Message body:

 Mahal ko, congratulations. I love you.

Awtomatikong kumurba ang labi ko sa isang ngiti nang mabasa ko ang mensahe mula kay Henry, Magta-type na sana ako ng irereply nang bigla siyang tumawag, mabilis kong sinagot ito ay itinapat sa tainga.

"Congratulation sa aking prinsesa," mahina niyang sabi na mistulang bulong Sa palagay ko ay tumakas na naman siya sa taping niya.

"Pasensya na prinsesa ko, hindi ako nakapunta sa espesyal na gabi para sayo ah. Alam mo naman na nasa taping pa ako, si Caprice lang ang pinayagan e," aniya sa malamlam na boses.

"Naiintindihan ko naman, hindi mo kailangan humingi ng sorry."

"Babawi ako ha, promise 'yan. After ng series na 'to magkuquit na ako sa chowbiz, ikaw naman ang tutu—"

"Anong quit sa showbiz? Walang magku-quit! Ang girlfriend mo na naman ba 'yan. Akin na nga 'yang cellphone mo!"

Boses ni Madam Esmeralda ang narinig ko, siya talaga ang numero unong hadlang sa pagmamahalan naming dalawa ni Henry. Manager at tiyahin siya ng boyfriend, kadugo at mas nakatatanda kaya wala akong laban.

"Hoy Elliese ano ba? Hindi ba nag-usap na tayo? Sinabi ko na—" Agad kong pinatay ang tawag mang marinig ko ang nakakatakot na boses niya. Madalas niya akong maliitin kaya nakakawalang repesto na. Huminga ako ng malalim at pinigil ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko.

Ang kaninang excitement na nararamdaman ko ay tila nawala na parang bula ng dahil kay Madam Esmeralda. Pagod na ako pero dahil sa mahal ko si Henry, kailangan ko na naman na umintindi.

Ganun naman parati e, ganun na naman ulit.

"Kaya mo 'to Elliese," bulong ko sa sarili. "Kaunting tiis na lang," itinaas ko pa ang mga kamay ko saka ito iwinagayway sa ere. 

Continue Reading

You'll Also Like

23.9K 683 53
R-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She t...
68.3K 1.7K 22
Shiloh Esperanza was a transferee student. She's your typical innocent good girl who always follows orders around, listens to her parents, follows he...
514K 12.9K 51
COMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious...
48.6K 1.1K 53
Dahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan...