Ilang floors pa ang dinaanan nila bago sila huminto… Pagbukas pa lang ng pintuan ng elevator ay kita na niya agad ang napakaluwang na bulwagan na punung-puno ng ilaw… Paglabas niya ay marami na namang mga cameras ang nagkikislapan…
Mike: Teh, ‘wag ka lang tumayo jan… Mag-pose ka!... Kaloka! Hindi ka ba naturuan sa mga boot camps niyo?
Alam naman niya ang mga dapat gawin. Kaya lang naninibago siya. Iba na pala kapag nasa tunay kang sitwasyon. Dahil sa sinabi nito ay nagpakita na siya ng simpleng pose… Saka bahagyang ngumiti… Matagal niyang ginawa ‘yon dahil hindi talaga tumitigil ang mga flash ng camera sa iba’t-ibang panig.
Maging ang mga kasamahan niyang apat ay ganoon din ang treatment na natatanggap mula sa media. Sinikap na lang niyang ‘wag masyadong kumurap para naman maganda ang lahat ng mga kuha niya… Iyon ang isang bagay na naituro sa kanila…
Hindi rin nagtagal ay dinala na sila sa front row seats ng isang runway. Magkakatabi silang lima. Bagama’t nakaupo na ay patuloy pa rin silang pinagkakaguluhuhan….
Sofia: Grabe… Nakakapanibago noh?
Kathryn: Oo nga eh…
Bianca: Hindi rin… Siguro kayo… Pero ako sanay na eh…
Halatang may kayabangan talaga ang isang ito… Buti na lang at hindi na dumagdag pa si Lavinia dahil ang atensyon ay nasa magsisimula ng fashion show. Napapansin na niya ang determinasyon sa mga mata nito…
Maya-maya lang ay bahagyang nagdilim na ang paligid. Ang runway na lang ang nasisinagan ng malakas na ilaw… at nagsimula ng patugtugin ang kakaibang music…. Banayad lang ang rhythm nito…
Isa-isa nang naglabasan ang mga models… May mga babaeng nakasuot ng mga sexy at revealing pero couture na damit… Ganoon din ang mga lalaki… Iba’t ibang designs… weird pa ngang tingnan ang ilan… Pero masasabing high fashion lahat… Ang bawat detalye ay napagtuunan talaga ng pansin…
Ilang models din ang naglakad bago napalitan ang music… Agad namang nagpalakpakan ang lahat ng may isang matangkad na lalaking lumabas at huminto muna saglit… Ito na ang prinsipe… Nagsimula na rin itong maglakad sa runway… Pero patuloy pa rin ang palakpakan…
Wala naman itong reaction sa naririnig sa paligid. Basta nakatingin lang sa unahan… At sa unang pagkakataon ay nakita niyang muli ito sa personal… At hindi nga siya nagkakamali… He just looks so perfect… Higit pa itong mas gwapong tingnan sa personal kumpara sa mga posters na nasa kwarto niya…
Ang una niyang napansin ay ang mga mata nito, ang matangos na ilong at ang mga labi… Ang makinis nitong balat ay lalong lumutang dahil sa suot na all-black suit… Pero habang naglalakad ay bumabalik ang tingin niya sa mukha nito… Bagama’t may pagka-suplado ay tila may napapansin siyang kalungkutan sa mga matang ‘yon…
Nang mapadaan sa kanila ay ni hindi man lang sila tinapunan ng tingin… Diretso pa rin ito at ginagampanan ng husto ang pagiging isang model…
Nang makaalis na ay ilang models pa ang sumunod. Pero muli na namang bumalik ang prinsipe… Jeans na ang concept ng sumunod na designs… Kaya naka-faded na pantalon na lamang ito at walang suot na pang-itaas saka naka black aviator shades lang…
Lavinia: Oh my gosh!!!! He is sooo hot!!!!
Ang composure nito ay nawala na… Napatakip naman ng bibig si Bianca…
Bianca: Oh my!
Napahawak sa kamay niya si Sofia.
Sofia: Kath, he is really hot!…
Nakapako lang ang tingin niya sa prinsipe. Pilyo ang pagkakangiti nito habang naglalakad. Pero halatang kasali lang iyon sa attitude na dapat niyang i-portray dahil sa suot na damit… Low-rise ang pantalon na suot… Kaya kita ang kabuuan ng katawan nito…
Bagama’t may kapayatan ay talagang toned ang mga muscles… Perfect in all contours including his abs and going lower… May bigla tuloy siyang naalala sa klase ng pangangatawan nito… At hindi niya maiwasang mapalunok…
Nang dumaan ay bahagya itong sumulyap sa kanilang magkakatabing lima… Saka mabilis na nagflying kiss… Nagtilian ang mga katabi niya… Ngumiti lang ito pero hindi niya makita kung kanino ito nakatingin dahil sa suot na shades…
Matapos ‘yon ay ilang designs pa ang isinuot nito at ilang beses din na nagpabalik-balik sa runway… Habang wala pa ring tigil ang pag-flash ng mga camera at tilian ng mga tao…….
________________________________________
Kanina pa tapos ang fashion show… Nagsisimula na ang after-party… May ilang media na naroon. Pero hindi na kasing dami ng gaya kanina. Mukhang exclusive lang talaga ang event na ‘to…
Ngayon lang niya naranasan ang makapunta sa mga ganitong klase ng sosyalan… And she can’t help but be amazed… Ang elegante ng paligid niya… Kumpleto ito sa lahat… At sa isang pitik lang ng kamay ay may lumalapit na agad na waiter para ibigay sa’yo kung ano ang gusto mo…
Sa totoo lang, kanina pa siya natatakam sa mga pagkain na nakahanda. Pero napapansin niyang tila walang gumagalaw sa mga ‘yon. Mga bite-size lang na food ang pinupulot ng mga ito saka iinom ng red or white wine habang nakikipag-usap sa katabi…
Ang iba naman ay kanina pa nagsasayawan sa bulwagan sa saliw ng malamyos na musika sa entablado… Kanina pa siya humiwalay sa mga kasamahan. Sa totoo lang bored na siya… Maganda nga ang paligid. Pero parang hindi naman na-eenjoy…
Tumingala siya sa itaas… Ang laki ng chandelier… Ang daming babasaging crystal… Siguro pag bumagsak ‘yon, patay silang lahat… Napangiti siya sa kung anu-ano nang naiisip… at pinigilan ang pagtawa… Nasa ganoon siyang estado nang mapatingin siya sa ‘di kalayuan…
Namangha siya sa nakita… Dala ng sobrang excitement ay mabilis na siyang lumapit doon…….
Ang laki ng aquarium na kasalukuyan niyang pinagmamasdan… Sobrang laki talaga… Lagpas pa sa isang tao ang taas… At napakahaba pa… At napakaraming iba’t-ibang kulay ng isda sa loob… Mga klase ng isda na ngayon lang niya nakita… Pati ang mga uri ng coral reefs ay kakaiba rin…
Kathryn: Wow!... Ang gaganda!...
Ang luwang na ng pagkakangiti niya sa mga nakikita… At namimilog na rin ang mga mata niya… Hindi pa siya nakuntento at inilapat niya ang dalawang palad sa salamin ng aquarium na parang bata…
Hindi tuloy niya napapansin na may pares ng mga mata na kanina pa nakatitig sa kanya… Bahagya pa siyang napapaupo saka tatayo habang pilit sinusundan ang isang kulay dilaw na isda…
Pero sa minsang pag-alis ng isdang ‘yon ay nagulat siya sa nakita… Napansin niyang may nakatingin sa kanya sa kabilang panig ng aquarium… His brown eyes are just staring back at her… Hindi ito kumukurap… Hindi tuloy niya alam kung ano ang gagawin…
Basta matagal lang silang nagtititigan… On an instant, pakiramdam niya ang mga tao sa paligid ay nawala at silang dalawa na lang ang naroon… The only thing she hears is the music playing… Para siyang nahihipnotismo ng mga titig nito… Pinilit niyang umiwas… Pero parang ayaw nito…
Nang gumalaw siya at dahan-dahang lumipat sa kabilang panig ng aquarium ay dahan-dahan din itong sumunod sa kanya… Ang paglalangoy ng mga isda sa pagitan nila ay paminsan-minsang humahadlang sa pagtititigan nila… Pero patuloy lang itong sumusunod kahit lumalayo siya… Hindi pa rin napuputol ang panghihipnotismo nito…
Hindi niya maipaliwanag. Pero gusto niya itong iwasan… Kaya mabilis na siyang naglakad sa tabi pa rin ng kahabaan ng aquarium. Umiwas na siya ng tingin dito. Pero sa bawat sulyap niya ay nakikita niyang mabilis din ang mga hakbang nito habang nakatingin pa rin sa kanya…
Nang marating na niya ang hangganan ng aquarium ay agad na itong lumapit sa kanya at humarang…
DJ: Are you avoiding me?
Natigilan siya… Bakit… Bakit parang pamilyar?
Kathryn: H-Huh?
DJ: I said… Are you avoiding me?...
Hindi… Imposible… Imposible ang naiisip niya… It’s just a stupid thought…
Kathryn: Uhm… N-No… O-Of course not…
DJ: Then why are you running away?...
Kathryn: I wasn’t…
Napangiti ito saka bahagyang bumulong…
DJ: Really? For a second, I thought you’re avoiding me…
She faked a smile…
Kathryn: N-No, I would never do that…
Tumango naman ito..
DJ: Yeah, in fact, you should be proud… ‘coz I noticed you…
There’s just something she can’t explain with the way he looks at her…
DJ: Can I have this dance?
Hindi agad siya makasagot…
Kathryn: Uhmm… Y-Yeah, sure…
Hindi pa man niya naiaabot ang kamay ay hinawakan na nito agad ‘yon. Something ungentleman for a royalty… Pero inalalayan naman siya nito papunta sa dance floor… Alam niyang ang lahat ay nakatingin sa kanila… Alam niyang may mali sa ginawa ng prinsipe… Dahil kailangang formally introduced muna silang lima bago magkaroon ng interaction dito…
Pero parang wala itong pakialam… Hindi pa rin pinapakawalan ang tingin sa kanya… Kahit nang humawak ito sa magkabilaan niyang bewang at ito pa mismo ang nagpatong ng dalawa niyang kamay sa mga balikat nito… Hindi pa rin ito kumukurap… Tila namamalik-mata pa ang itsura…
Banayad na silang sumasayaw sa saliw ng musika… At dahil naiilang sa mga nakatingin sa paligid ay wala siyang choice kundi sa mga mata na lang nito tumingin… And she can’t really tell what exactly it is… But there’s something really weird going on here…
DJ: Y-You really look… so beautiful…
Mahina lang ang pagkakasabi nito… She gave a small smile…
Kathryn: Thank you…
DJ: And you seem to have grown your perfect teeth now…
Nung una ay napakunot siya. Pero naalala na niya ang ibig nitong sabihin…
Kathryn: Y-You remember?
He smiled…
DJ: Of course, how can I forget someone like you… Kathryn Chandria…
Lumuwang ang pagkakangiti niya sa kaalamang alam pa rin nito ang pangalan niya… Pero nang makita siyang ngumiti nang ganon ay para itong natitigilan… Parang wala sa loob na dinama nito ang isang pisngi niya…
DJ: Kathryn, I really missed you…
Nagtataka siya sa sinabi nito…
Kathryn: H-Huh?... W-What do you mean?
Para naman itong natauhan… at agad nakabawi…
DJ: I mean… I mean… w-when you didn’t come back at the garden some few years back… I missed you… I really did…
Naliwanagan naman siya sa sinabi nito… At pinagkibit-balikat na lang ‘yon…
Kathryn: Well, my mom forbidded me to go back to the palace back then…
Lumapit ito sa tenga niya. Saka muling bumulong…
DJ: No one’s gonna forbid us now… And I guess, we’ll be seeing each other more often, Kathryn…
Kathryn: Yeah, we will…
Hindi na ito umimik pa at nagpatuloy na lang sila sa pagsasayaw…
______________________________
The party was over… He’s back in the palace now… He already met the five ladies… The formal announcement was over… But his mind is wandering off somewhere…
Katsumi: Insan, ibang klase rin ‘yung ginawa mo kanina ha…Sigurado papagalitan ka na naman ni uncle…
DJ: Bakit? Ano bang ginawa ko?
Katsumi: Oh come on! You know what I’m talking about… You approached her before the formal announcement even begins…
DJ: I find nothing wrong with that…
Katsumi: Well, gusto lang naman nating alisin sa sip ng mga tao na may bias ng nangyayari. Baka isipin nila na wala ng kwenta ang tradisyon na tournament dahil nakapamili ka na ng gusto mo…
Nainis siya sa sinabi nito…
DJ: I just danced with her! It doesn’t mean I already chose her! Importante ang tournament para sa akin, Kats! At importante rin sa akin ang iisipin ng mga tao… lalong-lalo na si dad!… You know damn well that I always listen to whatever he says… And besides, I still hate that Kathryn girl! At hinding-hindi ko siya mapapatawad sa lahat ng mga ginawa niya sa akin!…
Katsumi: Then why did you still dance with her?
He paused for awhile… Then, he looked back at him…
DJ: Ang ganda niya eh!… Masama bang isayaw?!
_____________________________________
Votes and Comments are very much appreciated…
And hope you follow me on TWITTER: @itsailsworld