HIS OBSESSION (UNDER EDITING)

Galing kay erzalalaloves

42.6K 1.2K 241

Step into the alluring world of Yohannie Samuel Carbonel, a renowned billionaire and unstoppable force in the... Higit pa

PROLOGUE
STAR OFHIS OBSESSION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
Chapter 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
Chapter 41
CHAPTER 42
Chapter 43
Chapter 44
CHAPTER 45
Chapter 46
Chapter 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 3

1.3K 49 2
Galing kay erzalalaloves

SAM

Kay aga-aga at umagang-umaga boses ni Yoora ang naririnig ko, nagsesermon na naman siya sa mga handler at manager ni Jerome Floresca dahil sa kabi-kabilang dating issue at bad behaviour nito pagdating sa mga kasamahan ng naturang aktor sa set.

"Kailan ba titigil 'yan?" tanong ng kasamahan kong si Niña. "Kung tutuusin wala naman siyang karapatan e. si Sir Yohan nga hindi nangingielam, hindi rin nagmamando. Hinahayaan niya na mag-grow ang mga talents natin sa sarili nilang mga paa. Magsasalita lang siya kapag alam niya nang kailangan ng aksyon niya, hindi 'yong ganiya." 

"Shush! Hayaan mo na lang, baka mamaya madamay pa tayo." pananaway ni Donna. "Para namang hindi"

"E kasi naman girl napaka bida-bida ng Yoora na 'yan, feeling CEO." sabat naman ni Lorna. 

Si Ms. Yoora Carbonel ay ang panganay na kapatid ni Yohan, sobrang entitled at nakaka-inis pero kailangan kong galangin. Kahit na minsan masakit talaga siya sa bangs ay hinahayaan ko na, si Ninong Harison lang talaga ang tinitignan ko. Well, I need to act professional here inside the office kahit naman bff ako ng C.E.O at kailangan kong tanda ang work ethics.

Naupo na ako sa sariling cubicle office ko habang pinipirmahan ang mga dumadating na project at proposal mula sa mga aspiring shareholders. Dapat gawain ni Yohan ito pero dahil wala pa dito sa opisina ang lalaking 'yon at sadyang may katamarang taglay ay ako na ang gumagawa.Kabisado ko na ang pirma niya dahil halos walong taon ko nang pina-plagiaris ang 

"Samuela!" malakas na pagkakatawag ni Yoora sa pangalan ko. Mabilis kong liningon ang direksyon niya, mataas ang kilay at putok na putok ang pulang lipstick nito. "Nasaan na naman si Yohan? Bakit late na naman siya? Anong schedule niya ngayon? May meeting ba siya?" sunod-sunod nitong tanong.

Aba malay ko, itanong mo sa pagong.

"Hindi ko po alam Ms. Yoora at saka about naman po sa schedule niya si Alona po ang secretary, siya po ang mas may alam sa kung ano po ang schedule ni Yohan ngayon." wika ko, inirapan niya lang ako bago siya nag-walk out. "Irita mo ko," bulong ko saka ako bumalik sa pagpirma ko sa sandamakmak na papeles na nada desk ko.

Ginugul ko ang ilan pang mga minuto sa pagpirma ng mga proposal. Sa totoo lang, wala sa business at hindi inclined sa business ang course ko. Doctor sana ako ngayon kaso etong si Yohan hinatak ako sa field niya. Ako na sana ngayon si Dr. Samuela Jean, isang ophtalmologist. Siya ang sumagot ng lahat ng school fees ko para lang magkasama kami sa iisang university at course kaya kahit na labag sa loob ay tinanggap ko 

"Good morning po Sir Yohan."

"Good morning too."

"Good morning po."

"Good morning sir." 

Magigiliw na bati ng mga kasamahan ko sa trabaho, dumating na ang lalaking laging late, ang gwapo nga pero antokin, mahiksi ang pasensya, mainitin ang ulo, at higit sa lahat ay bading  kong kaibigan na si Yohan Carbonel. Sure ako sa lahat ng description ko about him, except sa bading one. Medyo duda kasi ako sa kaniya ng very light.

"Alona, what's my schedule for today?" siyang tanong ni Yohan sa sekretarya niya pagkatapat sa cubicle ko. 

"Sir, 'di ba po pinacancel ninyo po lahat kagabi? Except po sa isang event," sagot naman ni Alona. Yohan's secretary for three years. 

"And what event is that?"

"Barangay beauty pageant po 'yung Binibing Reyna ng Barangay Masaya, 6pm po 'yung start ng pageant pero 4pm po ang call time ng judge."

"Sige I'll be there, thank you." aniya bago siya bumaling sa akin. "And you're coming with me Samuela."

He's a lowkey fan of pageantry, madalas talaga siyang nakukuha as judge pero hindi ko akalain na pati sa baranggay pageant ay interesado siya. Usually kasi ay sa pangmalakihang pageant siya nagja-judge. This is oddly new for me, masyadong sosyal ang baklang 'to e.

"May choice ba ako?" sarkastikong tanong ko habang isinasara ang folder na hawak ko. Mariin niya akong tinitigan. "Mukhang wala kaya g na." 

"Alona dalhan mo kami ng coffee sa opisina ko," uto nito kay Alona saka nagmartsa papunta sa elevator.

Binuhat ko na ang walong folder mula sa desk ko at pumasok na rin sa elevator na kasama si Yohan. Pinindot ko na ang button upang sumara ang elevator saka ko hinarap ang baklang labanas na 'to.

"Bakit late ka na naman?" seryosong tanong ko. "Naghappy-happy ka na naman siguro kasama 'yong  Daniel na babaero na 'yon 'no."

"Happy-happy ka d'yan, inindyan nga ako kagabi sa tagpuan namin," aniya saka pinagkrus ang mga braso. "Pinapasakit niya parati ang ulo ko."

"Ulo sa baba o ulo sa taas?" Pagbibiro ko, irap naman ang isinagot niya.

"Shut up."

Aba nagmamaldita!

"'Yan, matagal na naman na kitang binabalaan Yohan. Nakinig ka ba? Hindi, inuuna mo pride mo."  Panenermon ko. "Kung hindi ka pa naman gaga at kalahati, don't settle for less,"

"Mahal ko siya Sam, hindi ko kayang mawala siya."

"Ang sabihin mo may nangyari na sa inyo, kaya ayaw mong iwan "

"Nagkakamali ka, hindi naman porket bakla ang nagmamahal e sex na agad ang dahilan. Nagmake-out kami ng one time pero hindi na naulit yon, kiss lang 'yon promise. Pure ang love ko for Daniel, ewan ko lang sa kaniya." Lumungkot ang boses ng bakla, DAZURB.

"Doon tayo natumba," bumuntong hininga ako. "Pero wait lang, kiss lang ba talaga? No more?"

"Kiss lang talaga, no more and no less. May delikadesa pa naman ako sa katawan, isa pa. Umiiwas ako sa mga sex transmitted disease para namang hindi mo alam kung kanino akong anak 'di ba?"

"Pokaret ka talagang Yohana ka." panunuya ko sa kanya.

"Watch your mouth, igagaya mo pa ako sayo. Kayo nga ni Julia ang laging gumagawa ng milagro." wika naman niya. "24/7 all day, all night, walang pahinga."

"So? Sanay na kami saka legal kami both sides." inirapan lang niya ako ulit. "Wala naman magagawa ang tatay ko, lima kaming anak. Nag-iisa akong may bilat, ang ending bilat na rin hanap ko. Tuwang-tuwa pa nga ang Tatay ko no'ng nalaman niya na barako rin ako e."

"How I wish 'di ba? Kaso homophobic si Tandang Harisson pati na sina Yoora at Honey," anito sa malamlam na boses. "I don't want to disappoint them especially Dad."

"Eto naman senti agad, sorry na hindi ko naman sinasadya e .Oo nga pala, bakit nga ba pumayag ka na mag-judge ng barangay pageant?" pang-uusisa ko nang makalabas kami mula sa elevator at naglalakad patungo sa kaniyang opisina.

"Pinilit ako ni Daddy e, kaibigan niya kasi yung chairman ng barangay na 'yon. As if I have a choice diba?" sagot niya. "Chinika rin kasi ni Ate Yanna na fan ako ng pageant e. Mabuti nga at hindi nagduda ang mahal kong ama, kung'di ay patay ako."

"Hay naku! Sunod-sunuran ka na naman kay Ninong, ipapaalala ko lang sa iyo Yohan. Trenta'y uno anyos ka na, hindi ka na teenager," litanya ko. "Look at Henry, tinaguriang black sheep at least favourite pero may sarili na siyang desisyon sa buhay."

"As if I can disobey Daddy's order,you know he wants me to be Enrique the second." sagot naman niya pagka-pasok sa kanyang opisina.

"Enrique? Siya ba yung englishero mong pinsan. E 'di ba dapat siya ang maging Yohan  the second? Mas matanda ka kaya sa kaniya."

Kibit-balikat siya na umupo siya sa kaniyang swivel chair at ako naman ay umupo sa itim na couch. Kasunod namin na dumating ay ang sekretarya ni Yohan na si Alona na may dalang dalawang starbucks na kape, umalis din siya kalaunan. 

"Alam mo iniisip ko na lang na gawin ang sina-suggest ni Daniel."

"Si Daniel? 'Yong boyfriend mo, nagsa-suggest? Himala yata, akala ko ay puro pagpapapogi lang ang alam ng lalaking 'yon."

"Sam." Pinandilatan niya ako.

"Sorry na, alam mo namang hate na hate ko 'yon e. Sa dinami-dami kasi ng lalaking makakarelasyon mo bakit siya pa? Like what the heck Yohan, suportado ko 'yang kalandian mo pero—"

"Samuela Jean!"

"Sorry na, so ano ba 'yon? Ano 'yong isina-suggest niya? Matino naman ba?"

"He suggested na mag-hire ng tao para magpanggap na girlfriend ko kaysa magpakasal ako kay Bella." ani Yohan matapos sumimsim ng kape na ikinasamid ko. " I hate her, masyado siyang spoiled brat at immature."

"W-What? Gago ka ba? Mandadamay ka pa ng ibang tao. Hoy! Umayos-ayos ka nga riyan. Matalino kang tao, I'm sure may maiisip ka pang mas matino kaysa diyan sa balak mo." pag-tutol ko habang ipinapatong ang cup na may kape sa coffee table.

"Malay mo naman sa barangay pageant na pupuntahan natin may mabingwit tayo. Base sa kwento ni Sandara, marami raw magaganda do'n." 

"Bingwit? Isda ata ang kailangan mong punyeta ka, umayos ka nga diyan lalaki ka." Banta ko pa.

"Correction, hindi ako straight na lalaki." Pagtatama niya. "Or maybe I'm bi pero hindi ako straight."

"O siya bisexual na kung bisexual pero Yohan puwede bang mag-isip ka na lang ng iba pang paraan. H'wag ka lang mandadamay ng ibang tao." Inirapan ko pa ang bobitang 'to.

"For now, 'yon pa lang ang naiisip ko." Humugot siya ng malalim na buntong hininga. 

Hay buhay parang life, totoo nga talaga ang kasabihan na "Nobody's perfect." Yohan is a living proof, sobrang yaman niya na at tila nasa kaniya na ang lahat but here goes his unidentified sexuality. Gulong-gulo pa rin siya.

Not really unidentified cause he consider himself as bi

"Hay naku Yohan, sinasabi ko lang sa'yo kung ano-ano inii—" Naputol ang dapat sanang panenermon ko nang biglang may kumatok mula sa labas.

"Come in," wika ni Yohan. Iniluwa ang pintuan ang isa sa mga empleyado at receptionist ng Royal Gem Films na si Cherry. 

"Sir Yohan, Ms. Sam, I'm sorry for the interruption po..." wika niya sa mahinang tinig.

"It's okay, what is it?"ani Yohan.

"Sir... m-magpapaalam po sana ako na maghahalf day. Kasali po kasi sa pageant yung hipag ko and..." he look hesitant. Mukha kasing striktong mama ang lalaking 'to kaya almost lahat ng employee dito ay takot sa kaniya. Malimit kasing ngumiti ang bruhildo.

"And?"

"Gusto ko po sanang masuportahan man lang, first time niya po kasi na mag-pageant."  Pagpapa-alam ni Cherry. 

"Sa Binibining Reyna ba 'yan?" siyang tanong ko. "Hindi ba't taga barangay Masaya ka?" usisa ko pa. Hobby ko po ang mangielam sa buhay ng tao at alamin ang mga private info about them, sorry na.

"Opo Ms. Sam..."

Ayoko talaga na tinatawag na "Miss" pero sanay na ako kasi nga naman babae ako at babae ako kung  manamit although alam naman nila na hindi ako straight na babae. Madalas kasing dumadalaw ang girfriend ko na si Julia dito. So ayon, share ko lang.

"Wow! Ngayon pa lang kamo congrats na agad sa kaniya, since she's a first timer. Achievement agad ito for her." Nakangiti kong wika 

"Thank you po Ms. Sam, sana nga po ay palarin. Napaka mahiyain nga po ng isang 'yon..." ani Cherry.

"That's the exact pageant where Sam and I will go later, why don't you just come with us?" pag-iimbita pa ni Yohan. "Ipakilala mo na rin ako sa sister-in-law mo."

Ay wow! Ume-straight bigla?

Kalma Sam, mapagpanggap ang Yohan na 'yan.

"S-sigurado ho ba kayo?" May pagtatakas nitong tanong. Don't worry Cherry, ako rin napapatanong.

Tumango lang si Yohan, "How bout your spouse? Hindi ba siya sasama?" 

"Actually po, naroon na po siya. Naka-off po siya ngayong araw, wala rin po kasing magbabantay sa unica hija po namin." 

"Oh! That's nice," mahiksing sabi ni Yohan. Tumikhim ito bago siya muling nagsalita. "Anong oras na ba?"

"11:30 na," sagot ko.

"Let's have an early lunch, Ms. Cherry Rose paki-announce na sa lahat then I will just have my lunch and have your own lunch too. Then after it, magkita na lang tayo sa lobby mamaya." wika ni Yohan. 

"Yes po sir! Thank you po sir!"  masayang sabi ni Cherry. 

"You may go," ani Yohan.

"Maraming salamat po ulit Sir," ani Cherry bago umalis. 

Mabait talaga si Yohan pagdating sa mga empleyado niya, mataas din magpasahod at magbigay ng bonus. Galante talaga 'yan kahit noong elementary pa lang kami kung straight nga lang siya baka ang swerte ng naging girlfriend niya. 

"Magpapadala na ba ako ng lunch kay Alona?" tanong ko kay Yohan na nakaharap ngayon sa laptop niya at nagtitipa.

"I'm still full,  magpadeliver ka kung gusto. I will just pay for it." sagot nito habang abala sa pagtutok sa laptop. "Ano ulit 'yung apelido ng asawa ni Cherry?" biglang tanong niya.

"Si Eliseo? 'Yong messenger natin?"

"Yea, siya nga." Mahiksing sagot niya na hindi man lang ako tinitignan.

Weird ha, dati-rati ay wala siyang pakielam sa mga employee niya tas ngayon may paganitong nang nangyayari. 

"Altamirano, bakit?" takang tanong ko. Tumayo pa ako mula sa single sofa at tinungo ang likurang bahagi ng swivel chair na kinauupuan ni Yohan at dumungaw sa screen ng laptop niya.

"Titignan ko baka may potential e, Cherry says her sister -in -law is shy. Let see if she has the potential to be an actress, we'll work hard until she lose her shyness ."  anito saka malaman na ngumiti. "Si Sabrina Monreal mahiyaan din noon. Tignan mo naman ngayon, isa na siyang primera bida-kontrabida. Isang maningning na star, shining, shimmering, splendid."

"Hoy! Hindi ko gusto ang ngiti mo ha." Pasigaw kong sabi

"Kaya nga tayo recruitment agency," at umirap pa ang loko. "Baka siya na ang susunod sa yapak ni Lorraine Buencamino at Sabrina Monreal."

Tumayo ako mula  sofa at tumungo sa direksyon niya para tignan ang pinagkakaabalahan ni Yohan.

" Maria Eliesse Salazar Altamirano..." pagbanggit ni Yohan  sa pangalan ng candidate number four. 


Mahaba ang buhok, singkit ang kulay kapeng mga mata, maganda ang hubog ng katawan, matangos ang maliit na ilong, mapink-pink ang manipis na labi, at hindi rin maipagkakaila ang mala diwatang kagandahan nito. Wala siyang masyadong ayos sa picture pero lutang na lutang ang kagandahan niya kaysa mga ibang kandidata.

"In all fairness, she's pretty. She had the looks and the body." pamumuri ko nang  masusi kong pagmasdan ang babae sa litrato.

She looks very familiar pa nga, I just don't know kung namukhaan siya ni Yohan. Feel ko nakita ko na siya noon pa, somewhere in Makati. Hindi ko na tanda, matagal na kasi 'yon.

"And she is perfect for the fiancée role..." 

"Fiance role?" Pag-uulit ko sa sinabi niya. "Did I.. hear it right?"

Pinagmasdan ko ang mukha ni Yohan, malaki ang ngiti at nagniningning ang mga mata niya habang titig na titig sa litrato ni Elliese.

Wala na, tumutuwid na ang lahi nito. 

"Hoy! Anong ibig mong sabihin? H'wag mong sabihin na na-inlove ka na ha, straight ka na ba?" 

"Stupid! Syempre hindi, I just like her aura. Innocent yet fierce."

"Weh?"

Kumbinsihin mo ako please.

"Sam!"

"What do you mean by the "fiancée" role?" 

"Gano'n ka na ba talaga kaulyanin? Kakasabi ko lang kanina, I want to hire someone na pwedeng magpanggap na fiance ko para hindi na ako i-push ni Daddy na magpakasal kay Bella Fuentabella. As easy as that," nag-iba bigla ang tono niya at mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya kanina.

"Itutuloy mo?" paninigurado ko tumango lang siya at tumayo mula sa swivel chair. 

"She look elegant and pricy, rare diamond." wika pa niya sa sinserong tono.

Grabe ka na Elliese ha, hindi 'to ganito magsalita pero iba siya sa'yo.

"Ipapaalam mo ba ito kay Daniel?" 

"Bakit hindi?" Diretsong tugon niya, "he's my boyfriend, dapat alam niya lahat ng plano ko, ginagawa ko, kung saan ako pupunta ang everything." wika pa niya, "Sige na, magpadeliver ka na ng lunch."

"Hindi, hindi ako gutom... Pero Yohan babalaan na kita hanggat maaga." aniko.

"Sam," he sincerely look at me as he turn his swivel chair on my direction. "Thank you for your concern, just don't worry about it. I can handle it, okay? Kumalma ka na diyan," tinapik niya pa ang balikat ko. 

Normal lang naman siguro sa isang kaibigan na mag-alala 'di ba? Minsan kasi itong si Yohan, may padalos-dalos na desiyon kaya kabado bente ako. 

Hinintay lang namin ni Yohan na matapos  na makapag lunch si Cherry bago kami umalis ng RGE, maaga pa pero may mga tao nang naka-abang sa labas ng sports complex na paggaganapan ng pageant mamayang gabi nang dumating ka,i. Lahat sila ay may kaniya-kaniya nang kandidata na gusto manalo,  may mga pa-banner at trapaulin pa. Sa labas ng complex ay makikita ang mga tarpaulin na mga mga mukha ng mga kandidata. lahat naman  silamagaganda pero para sa akin nag-stand out talaga ang hitsura ni Elliese. 

Agad din kami na nakapasok sa complex dahil nga sa hurado si Yohan, narooroon na rin ang ilan pa sa mga kasamang judge ng kaibigan ko Naabutan namin na nagrerehearse ng kanilang intermission number ang 24 na kandidata ng Binibining Reyna, magaganda ang ayos nila, pati mga katawan nila. Sobrang graceful din nila gumalaw, liningon ko ang abala sa panonod na si Yohan. Seryoso ng ekspreyong ng mukha niya ngunit mahahalata mo na meron siyang isang kandidata na tinatangi. May favoritism ang lalaking 'to, pasensya na girls.  Halatado na na kay number four lang ang kaniyang mga mata, kaunti na nga lang ay matutunaw na si Elliese.

"Clarinet Del Prado, 19."

"Janine Amira Assunta, 1.6"

"Clarice  Cassandra Cleofe, 20,. 

Habang suot ang puting t-shirt at fitted jeans na maty iba't-ibang kulay ay isa-isang rumampa at nag-rehearse ng kanilang introductory speech ang  mga kandidata. Sa unang tatlo kakikitaan ng pagka-bored si Yohan, kunot ang noo nito at tikom ang mga labi pero nung sumalang na at rumampa si Elliese ay para bang nagbago ang ihip ng hangin. Apura ngiti ang baklitang nagbibinata.

"Maria Elliese Salazar Altamirano, 24" pagpapakilala niya habang rumarampa, nag-flying kiss at kumindat pa ito. 

Ilang oras lang ang lumipas, matapos ang  final touch ng mga organizer sa place ng event ay isa-isa nang nagsipasukan ang mga excited na manonood, dala-dala ang mga tarpaulin, flashcard, at kung ano-ano pang mga gamit na may mukha at pangalan ng mga kandidata na.

"Good Evening, ladies and gentlemen! Tonight, witness as twenty four dazzling candidates present their very best and vie for the covetous crowns right here at this stage. As the night fills with sheer  excitement, we will soon find out who will be the worthy title holders of the crown. Sino na kaya ang kokoronahang Binibining Reyna ng Brgy. Masaya 2016. We are your host for tonight's event, ako po ang inyong lingkod SK Councilor Joko Hererra" panimula ng lalaking host na nakasuot ng puting polo at pantalon.

"And I am your SK Councilor Shalani Josa," pagpapakilala naman ng babaeng host na naka-suot ng asul na cocktail dress.

"And this is the search for the next Binibining Reyna ng Brgy. Masaya 2016." sabay nilang sabi.

Nagsimula nang lumabas at rumampa ang mga kandidata, suot ang itim na croptop at puting palda habang sinasayaw ang intermission number nila. Kasunod noon ay ipinakilala na ang mga judges:

"Ang una nating judge ngayon gabi ay ang pinakamamahal nating mayor, mabait, at maasahan, tunay na may malasakit. Hindi ko na pahahabain pa, atin pong salubungin ng malakas na palakpakan ang ating mahal na Alkalde Honorable Justisyo "Johny" Salonga."

"Sumunod naman ay ang ina ng ating barangay, ang pinakamagandang babae sa ating barangay Councilor Lea Hererra."

"Ang ating ikatlong judge ngayong gabi ay isang iginagalang at  talaga namang napaka-gwapo ang CEO ng Royal Gem Entertainment na si Mr. Yohan Carbonel,"

Nang tumayo si Yohan mula sa kinauupuan at kumaway sa mga tao na nanonood, halos lahat ay nagtiliian, ma pa babae, bata, matanda, at bakla. Malakas talaga ang appeal ng baklitang best friend ko.

"At syempre ang huling judge  natin ay ang former Binibining Reyna ng Barangay 2013 na isa na ngayong primyadong actress, the beautiful Ms. Caprice Louella Tan Zafra!"

Matapos ipakilala ang mga judges ay saka naman nagpakilala ang 24 na candidates ng pageant suot ang kanilang mga nagagandahang mga gown. 

"Clarinet Del Prado, 19 mula sa Kalye Masigasig at naniniwala ako sa kasabihang "Ang pag-abot sa iyong mga pangarap ang pinakamalaking abentura ng buhay." Maraming salamat po," pagpapakilala ng candidate number 1 na nakasuot ng kulay pula at sleeveless na mermaid gown.

"Janine Amira Assunta, 16 mula sa Kalye Havanna na naniniwala sa kasabihang "Happiness is a choice. You can choose to be happy. There's going to be stress in life, but it's your choice whether you let it affect you or not." Maraming salamat po." pagpapakilala naman ng isa ring naka one sided-assymetrical mermaid gown na kulay pink na candidate number 2.

"My name is Clarice  Cassandra Cleofe, Im 20 years old, mula sa Kalye Rizal and I believe that "Being in love with life is a key to eternal youth." And I thank you." pagpapakilala naman ng candidate number 3 na nakasuot ng kulay puting sheath gown na marmaing crystal.

Yohan is still wearing his usual poker face on the first three candidate not until...

"Magandang gabi po sa ating lahat..." ito pa lang ang binabanggit ni candidate number 4 ay naghiyawan na agad ang mga tao sa  bandang likuran ko, nawindang ang lahat dahil sa lakas ng hiyawan ng mga tao na ultimo mga judges ay napalingon sa mga audience. Nakasuot ito ng kulay pulang long sweetheart neck off-shoulder taffeta dress with mermaid skirt.

Darling of the crowd. I see. 

"Go Elliese!" malakas at sabay-sabay nilang sigaw, nangingibabaw pa ang boses ni Cherry at ng dating ka-schoolmate ko na si Zarina Velasco.

"Magandang gabi po, ako po nga po pala si Maria Elliese Salazar Altamirano, mula sa kalye na may mababait at mabubuting puso Kalye Diyamante at naniniwala po ako sa isang ingles na kasabihan. "Setting goals is the first step in turning the invisible into the visible. " Maraming salamat po," aniya at muling nagpalakpakan ang mga tao na sumusuporta sa kanila.

"Anak ni Elsa 'yan 'di ba? Ang ganda pala talaga," narinig kong sabi ng katabi kong babae. 

"Oo, kamukhang-kamukha ni Elsa 'yang si Elle noong kabataan ng nanay niya, 'di ba kapag nagtitinda 'yan sa tindahan ni Chona e walang ayos, ni hindi pa nga yata nagsusuklay. O e tignan mo naman ngayon nang naayusan, lumitaw ang ganda." sabi pa ng matandang babae habang nagpapaypay.

She's really a beauty, hindi na ako magugulat kung pati si Yohan ay maiinlababo sa babaeng 'to. Para siyang reincarnation or more like love child nina Snow White at Empress Ki.

Matapos nila na rumampa at magpakilala ay  ng talent competition naman ang sumunod, si candidate number 1 ay sumayaw ng hawaiian, nagspoken poetry naman si  candidate number 2, habang si candidate number 3 ay ipinamalas ang galing niya sa pagpipinta.

"And now let's have our candidate number 4, Ms. Maria Elliese Altamirano ng Kalye Dyamante." 

Marahang naglakad si Elliese mula sa backstage patungo sa stage habang inaawit ang intro ng Colors of the Wind.

"You think you own whatever land you land on, the Earth is just a dead thing you can claim but I know every rock and trees and creature has a life, has a spirit, has a name... You think the only people who are people are the people who look and think like you but if you walk the footsteps of a stranger. You'll learn things you never knew, you never knew..."


Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang ginintuang tinig niya. 

"Ganda ng boses," puri ng lalaki sa likuran ko. 

"Mana sa nanay," sabi naman ng babae na katabi ko.

Nagtinginan ang mga hurado na tila iisa ang iniisip maliban kay Yohan na matamang pinapanood at pinakikinggan si Elliese.

"Have you ever heard the wolf cry to the blue corn moon or asked the grinning bobcat why he grinned. Can you sing with all the voices of the mountain? Can you paint with all the colors of the wind? Can you paint with all the colors of the wind?"

Nang awitin niya ang chorus na may mataas na nota, tatlo sa mga judges pati na ibang manonood lalo na't mga taga-suporta niya ay sabay-sabay na tumayo habang pumapalakpak.

"Anak ko 'yan! Anak ko 'yan!" sigaw ng isang babae habang masayang tumatalon. 

"And you'll never hear the wolf cry to the blue corn moon?for whether we are white or copper skinned. We need to sing with all the voices of the mountain, we need to paint with all the colors of the wind. You can own the Earth and still, all you'll own is Earth until you can paint with all the colors of the wind..." pagtatapos niya sa awitin, kasabay non ay ang masigabong palakpakan at standing ovation.

Nagpakita rin ng mga talento ang iba pang mga kandidata, may nag-magic, gymnast, sand art, acrobat, exhibition, may gumamit ng musical instrument, at iba pa pero mukhang lahat ng judges at manonood ay hindi pa rin nakakamove on sa inabot na nota ni Elliese habang umaawit ng "Colors of the Wind".

In-announced na ang top 10 na rarampa habang suot ang kanilang national costume, kasama pa rin si Elliese, down to Magic 8 na rarampa naman suot ang napili nilang earth costumes. 10:00 pm nang matapos ang pagrampa ng earth costume, ngayon na iaannounce ang mga kandidata na makakasama sa Top 5 para sa question and answer portion. Isa sa tinawag si Elliese siya ang una, sumunod si candidate number 19, Irish Romulo, candidate number 18 Chanel Marquez,  candidate number 20 Alyzon Sutton, at si candidate number 10 Mirenda Marfori. 

"Good evening candidate number 4," bati ni Joko kay Elliese.

"Good evening din po," tugon ni Elliese.

"Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong muli ni Joko.

"Nervous plain nervous, cause this is the first time po na sumali ako sa isang pageant." sagot naman ni Elliese.

"For a first timer like you, hindi halata. You're doing good..." 

Lahat ay nagsulat nang magsalita si Yohan, hindi nakapag-pigil ang gaga.  Yohan ninyo, pinanganak na bida-bida.

"Wow even Mr. Carbonel, nahalata din iyon." ani Shalani na halatang nagulat din sa ginawa ni Yohan. 

"Thank you po," pagpapasalamat ni Elle at malawak  na ngumiti. 

"Candidate number 4 please pick your judge," wika ni Shalani habang iniaabot ang bowl na may lamang mga maliliit na papel, bumuno naman si Elliese at iniabot kay Shalani ang papel. "Okay your judge is Ms. Caprice Tan,"

"Good evening Elliese, here's your question. If you could give your younger self one piece of advice what would that be?"

"Thank you Ms. Caprice, for my younger self... The world is bigger than you think it is and your worries aren't as important as you think they are, just be you, i love you and be kind to yourself. That's all thank you."

Muling sinalubong ng masigabong palakpakan ng mga manonood si Elliese, simple lang ang tanong, simple lang din ang naging sagot niya. Maya-maya pa ay sumunod na rin na sumalang ang apat pang kandidata sa question and answer portion.

May intermission number munang naganal habang nag-uusap, usap ang mga judges. Ang mga kandidata naman ay naroroon sa backstage ng complex. Inobserbahan ko si Yohan habang nakikipag-usap sa mga judges. Maya-maya pa ay liningon niya ako at nagthumbs up... ano kaya ang iniisip ng lokong 'to?

Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan ang baklita, hinila ko siyang agad  at dinala sa medyo tagong lugar malapit sa side ng stage. 

"Girl, ano na?"

"Nagpagawa ako ng baging sash, plaque, at bouquet for pick up 'yon tonight. Nasa kanto na sila ngayon, ikaw na ang bahala na kumuha."

"Gago ka, para saan?"

"Just go, babayaran kita. Kakausapin ko lang si Chairman." He walk out after saying it.

Tangina?

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

75.9K 2.2K 50
Meet this Lieutenant from the camp of soldiers he's ruthless when comes to war and in business. He has a strict aura you never seen him smiled or hap...
389K 8.7K 42
Warning ⚠️ This is not suitable for 18 years old below⚠️ Hector Montenegro, a 25 years old-Engineer. He is tall and hot man. Siya ang ginawang subst...
191K 4K 28
R-18 No one messed with Red Aezen Del Rosario and it's obsession with Serran Jade. No one can stop him to fantasize the beauty of that stunning and...
7.6K 159 27
A gripping tale of love, betrayal and revenge Sienna Kehlani Yu is a successful fashion designer who find herself entangled in a murder accusation of...