My Ex Boyfriend is my Boss! ✓

Por YourAuthorJaz

161K 4K 166

COMPLETED STORY "I now have money and fame. I have everything I could wish for. Now, do you love me?" seryoso... Más

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Announcement
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue
Author's note
New story

Chapter 27

3K 81 1
Por YourAuthorJaz

Ava's pov

Lumipas ang isang buwan at sobrang close na ngayon ng mag ama ko. Halos araw-araw silang nag b-bonding at hinahayaan ko na lang dahil kulang pa yun sa ilang taong nawalay si Ashley sa ama niya.

At syempre laging kasama si Crystal sa bonding ng dalawa. Ayaw namin ni Asher na maramdaman niyang na l-left out na siya kaya kahit nasa bahay nila si Irish ay tinatakas ni Asher ang bata para makapagbonding kaming apat.

Wala rin namang kaalam alam ang babaeng iyon na ako ang kasama nila.

Kasalukuyan kong pinapaliguan si Ashley dahil first day of school niya. Nalaman ko rin na parehas sila ni Crystal ng school kaya mamaya ay susunduin kami nila Asher para sabay-sabay na kaming pumunta ng paaralan.

Paglabas namin ng cr ay nakabalot siya sa towel kaya kinuha kona yung underwesr niya at sinuot ito sa kanya.

Nilagyan ko muna ng powder ang kanyang likod at leeg at nilagyan ko rin ng lotion ang mga braso niya tsaka mga binti para iwas dengue.

Kinuha kona din ang uniform niya at tinulungan siyang suotin ito.

Inutusan kona yung isang yaya na patuyuin ang buhok niya dahil maliligo pa ako.

Ilang minuto ang lumipas at paglabas ko ng cr ay wala na si Ashley dun. Nagbihis na ako ng pang alis na damit bago lumabas ng kwarto tsaka bumaba ng hagdan.

"Good morning, tita!" Bati ni Ethan sakin.

"Good morning din, pamangkin!" Bati ko pabalik at umupo sa tabi ni Ashley.

"Good morning, bunso." Bati naman ni ate habang hinahain ang mga pagkain sa lamesa.

"Good morning din, ate. Sila mama? Tulog pa?" Tanong ko.

"Oo yata. Maaga pa kasi eh." Sabi niya at umupo na sa tabi ng anak niya.

Nagsimula na kaming kumain at ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na din kami.

"Finish your milk na, baby." Sabi ko kay Ashley.

Tumango ito at dahan-dahang ininom ang gatas na nasa baso.

"Susunduin ba kayo ni Asher?" Tanong ni ate.

"Oo, ate eh. Hindi muna kami sasabay sa inyo." Sabi ko naman.

"Ayos lang. Mag iingat kayo ha. Maauna na kami." Paalam niya at tumayo na sila.

"Sige, ate. Mag iingat rin kayo." Bilin ko.

Tumango lang siya at lumabas na ng bahay samantalang kami ni Ashley ay kinuha muna ang bag niya sa sala tsaka lumabas ng bahay at saktong dumating na rin si Asher.

"Daddy!" Sigaw ng anak ko nang lumabas mula sa kotse si Asher.

"Hi, baby! Good morning!" Bati ni Asher at kinarga ang anak.

Lumapit ako sa kanila at mabilis na yumakap bago tinungo ang passenger's seat.

"Good morning, Crystal!" Bati ko nang makita ko siya na nakaupo sa car seat dun sa likod.

"Good morning din po, mommy Ava!" Bati niya pabalik.

Bumukas ang pinto ng back seat at pinasok ni Asher si Ashley sa loob.

Sa tabi ni Crystal ay may isa pang car seat at dun pinaupo ni Asher ang anak namin.

Nang isara niya ang pinto ay dumeretso na siya sa driver's seat.

"Ready, girls?" Tanong niya habang nakatingin sa rear-view-mirror.

"Yes, we're ready!" Excited na sabi ng dalawa.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin kami sa school.

"Mag behave kayo ha. Then later, we will go to the mall. Okay ba yun?" Tanong ni Asher.

"Yes, daddy!" Masayang sabi ng dalawa.

"Oh, tara na." Tinaggal na niya ang seatbelt niya at lumabas na ng kotse kaya lumabas na rin ako.

Kinuha ko si Ashley sa car seat niya at si Asher naman ay binuhat si Crystal.

"Good morning, ma'am and sir!" Masiglang bati sa amin ng adviser niya.

"Good morning, Ashley! Good morning, Crystal!" Bati niya sa dalawa nang ibaba namin sila.

"Good morning din po, teacher!" Sabi ng dalawa.

"Ma'am, kayo na po ang bahala sa kanila ha." Bilin ko at tumango naman siya.

"Yes po, ma'am. Wag po kayo mag alala dahil safe ang mga anak niyo dito." Nakangiti niyang sabi.

Tumango ako at lumuhod kaming dalawa ni Asher para makapantay ang mga bata.

"Behave kayong dalawa ha. Mag aral ng mabuti." Bilin ko habang hawak ang mga pisngi nila.

"Opo!" Sagot nila.

"Good. Oh, goodbye kiss na." Sambit ko at hinalikan sila sa mga pisngi nila.

"Papakabait kayo ha. We love you." Sabi ni Asher at hinalikan ang dalawa sa ulo.

"We love you too, daddy!" Sabi ni Ashley.

"See you later, babies!" Sabi ko at tumayo na ng diretso.

"See you later, mommy Ava!" Sabi ni Crystal at hawak kamay sila ni Ashley nang makapasok sila sa loob ng classroom.

"So, saan tayo?" Nakangiti niyang tanong habang pabalik kami ng kotse.

"Kahit saan. First day of school ni Crystal, hindi man lang ba nag abalang pumunta ang nanay niya?" Tanong ko.

"Nope. I don't even know where she is. Paggising namin kanina ay wala na siya sa bahay. Sabi ng mga maids ay umalis daw ng maaga pero hindi nagsabi kung saan pupunta." Sagot niya at nakapasok na rin kami sa loob ng kotse.

"Ano bang klaseng ina yan si Irish? Ni hindi niya maasikaso ang anak niya." Naiinis kong sabi.

"Ewan ko rin sa kanya kung ano ba ang nangyayari sa babaeng iyon." Iling-iling niyang sabi.

"Hays, wag na nga natin siyang pag usapan. Umiinit lang ang ulo ko." Dugtong niya kaya tumango na lang ako at sinuot ang seatbelt ko.

Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na rin kami sa condo niya. Pagdating namin sa kanyang unit ay nanood na lang muna kami ng movie sa sala para magpalipas ng oras.

"Nga pala, Asher. Baka hindi muna kayo makapagbonding ni Ashley next week." Sabi ko.

"Oh, why?" Tanong niya habang nainom ng kape.

"Isasama kasi ako nila mama sa States ng ilang araw para matulungan kona sila sa mga negosyo nila kaya hindi ko siya mahahatid sayo." Sabi ko.

"Pwede bang iwan mo muna sakin ang bata?" Tanong niya.

"Paano si Irish?" I asked.

"Ako na ang bahala dun. Gusto ko lang talaga makabonding ang prinsesa natin eh. Ilang taon ko yun hindi nagawa." Sabi niya at bigla naman akong sinampal ng kunsensya ko.

"Pwede naman." Sabi ko na ikinangiti niya.

"Talaga?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman. May tiwala ako sayo, hindi mo naman siguro papabayaan ang anak natin eh." Sabi ko at tumango siya.

...

"Absolutely no!" Mariing pagtanggi ni mama.

"Ma, gusto rin ng bata na manatili sa ama niya ng ilang araw." Sabi ko naman.

"Kahit na! Baka nakakalimutan mong nasa iisang bubong lang sila Irish at Asher. Baka mamaya, saktan ng babaeng yun ang apo ko eh!" Galit niyang sambit.

"Hindi niya naman siguro gagawin yun, ma. At kung kaya niya gawin yun, nandyan naman si Asher para protektahan ang anak namin." Depensa ko.

"Ava, hindi mo ako naiintindihan eh. Ang hirap ng sitwasyon niyong mag ina. Noon pa man ay sinabihan na kita na tigilan mona si Asher. But what did you do when we're away? Nakipagkita ka sa kanya at sinama mo pa si Ashley! Paano na lang kung malaman ito ni Irish? You know she's crazy enough to hurt the both of you. And we don't want that to happen." Paliwanag niya.

"Ma, si Ashley ang pinag uusapan natin. Bakit tayo napunta dun? Ma, gets ko naman kung anong pwedeng mangyari dahil sa ginagawa ko eh. Pero ma, ginagawa ko ito para sa anak ko. Kawawa si Ashley ma, hindi niya nakasama ng ilang taon ang ama niya. Ayoko naman ipagkait yun sa kanya habang buhay. Kahit ngayon lang ay sasamantalahin kona na hindi maayos ang pagsasama nila Asher at Irish para kay Ashley. Natatakot ako na baka bukas o kaya sa makalawa ay wala na si Asher sa tabi ni Ashley. Kaya mas mabuting lubos lubusin na ang pagbobonding ng mag ama para sakaling may hindi magandang mangyari, at least nagkaroon ng quality time ang mag ama ko." Tila naintindihan naman ni mama ang paliwanag ko dahil niyakap niya ako.

"Fine. I will let you decide what to do. But always remember, we're here by your side. Wag mong sarilihin ang problema, anak." Payo niya at tumango ako.

"Thank you, mama."

To be continued

Seguir leyendo

También te gustarán

5.3M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
52.1K 1.4K 32
"you'll never escape from the devil like me marga,you belong to me mine only tandaan mo yan" -caleed Completed✓ (11-29-20)
1.4M 57.2K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...