Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 35
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 36

138K 3.6K 309
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 36

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na siyang naghatid ng matinding pagwawala ng puso ko.

"Stand up." Aniya sa mahinang boses, kusang sumunod ang paa ko sa sinabi niya at hinayaan kong hilahin niya ako ng maingat. Sinalo niya ang dalawang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya, habang ang kanang kamay naman niya ay nakahapit sa baywang ko.

Pinaupo niya ako sa gilid ng kama at saka kumuha siya ng tissue upang punasan ang luha ko. "Tama na." Pag aalo niya sa akin, nanatiling nakatuon ang mga mata ko doon sa sahig habang pinapakinggan siya. Hanggang ngayon, ni hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit ganito nalang kalaki ang tiwala ko sa kanya? Kung bakit kahit na isa lang siyang estranghero sa buhay ko ay may parte sa akin na para bang hinahanap hanap ko siya kahit kasama ko na siya ngayon.

Huminga siya ng malalim at saka binuksan ang cabinet sa bed side table niya. Halos lumundag ang puso ko nang makita ko doon ang notebook na iniiyakan ko. Kukuhanin ko na sana iyon pero inunahan na niya ako at saka inilayo sa akin iyon.

"That--"

"I know." Putol niya sa sasabihin ko, tinignan ko siya ng buong pagtataka.

"Ethan.."

Nakita ko ang pagtindig ng balahibo niya nang tawagin ko siya sa pangalan niya. Lumunok ako at nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Sa akin muna 'to." Aniya na nagpabilog sa dalawang mata ko kaya mabilis kong inagaw sa kanya iyon pero nabawi niya rin kaagad. Tinitigan niya ako ng matalim at napaurong ako nang maramdaman kong dumikit ang braso niya sa braso ko! Para bang may mabilis na kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko at mas lalong nagmadali sa pagtakbo ang puso ko!

"Akala ko ba importante sayo 'to? Pero muntik mo nang maiwan kagabi sa bar." Malamig na aniya na hindi binibitawan ang titig sa mga mata ko, lumunok ako at pilit kong inalis ang dila kong parang nabubuhol at hindi makagawa ng sasabihin.

"I..inatake ako ng sakit, kaya ganon." Pagdadahilan ko, ngumisi siya nang mapait at umiling. Nanlaki ang mata ko nang tumayo siya at mabilis niyang ibalik yung notebook doon sa cabinet at ni-lock niya yon saka ipinasak sa bulsa niya ang susi at muli akong pinagmasdan.

"That's mine!!" Singhal ko! Ngumiti siya at kahit nakangiti siya ngayon ay malamig pa rin ang titig niya sa akin!

"Sayo naman talaga. Magdate tayo, ibabalik ko sayo." Panunuya niya na nagpalaglag sa panga ko.

"What?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko, lumunok ako at nakipagsukatan ng tingin sa kanya. Date?! With this stranger? Napakamot siya sa batok niya at bumulong siya ng sobrang hina kaya hindi ko manlang narinig.

"Tsk, Claire, what am I going to do with you? Dati naman ikaw ang nagyayayang magdate."

"Ano?" Untag ko, ngumisi siya at padabog na ibinaba ang kamay na kanina ay kumakamot sa batok niya.

"Wala, ang sabi ko pumayag ka na." Pakiusap niya.

Natahimik kaming dalawa. Bakit ba gusto niyang makipag date sa akin? Aaminin ko, hindi ko maitatangging ang gwapo niya, yung mga titig niyang bawat himulmol yata ng katauhan ko hinahalukay niya, yung labi niyang manipis na medyo pinkish, yung buhok niyang hindi sinadiyang magulo, yung kilay niyang madalas magkasalubong kapag naiinis siya, yung tindig niyang lalaking lalaki at yung pangangatawan niyang bumagay sa katangkaran niya.

Maging yung pamilyar na amoy niyang napakabango ay nagiging dahilan ng pamimilipit ng tiyan ko. Pero, bakit ako? Posible bang totoo ang love at first sight? Damn it, Claire.

"Ah..naniniwala ka ba sa love at first sight?" Nahihiyang bulong ko, napaangat ang labi niya.

"What?" Hindi makapaniwalang sigaw niya. "H'wag mong sabihing itatanong mo rin sa akin, kung naniniwala din ba ako sa love at second sight?" Natatawang sambit niya na nag painis sa akin. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at saka tumayo ako at tumalikod sa kanya.

"A-ano! Naninigurado lang ako, ka..kasi diba? Kakikilala mo palang sa akin, tapos gusto mo na akong i-date?" Muli akong humarap sa kanya at halos pagsisihan ko iyon dahil nakahalukipkup ang kanang braso niya habang nilalaro namang ng point finger ng kaliwang kamay niya ang labi niya at yung mata niya nag iinit ang titig sa akin.

Lumunok ako, "What I mean to say is...ibalik mo na sa akin yung notebook! Wala kang mapapala doon!" Pinilit kong ngumiti sa kanya pero mas natalo ako ng mapaglarong pag ngisi niya.

"Date, Claire." Pangungulit niya, binasa ng dila niya ang ibabang labi niya at akmang hahakbang siya palapit sa akin! Pinanlakihan ko siya ng mata at sumigaw ako!

"Don't!!!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay halos pagtawanan na niya ako.

"Fuck, I love you so much more, baby, mas lalo mo akong china-challenge. Inaakit mo ako sa pagiging inosente mo." Natatawang sambit niya na nagpawala sa puso ko at nagpainit sa mukha ko, lumunok ako at nakipag sukatan ako ng tingin sa kanya!

"I hate you!" Sigaw ko na mas lalong nagpainit sa titig niya sa akin!

Tumikhim siya, "But I can hear your heart beating. Mahirap pagilan. Damn it, iba ang sinasabi ng utak sa puso." Bulong niya, nag iwas na siya ng tingin sa akin at tinalikuran na ako.

"No date? Say sorry to your dear notebook." Naiinis na sambit niya at akmang lalabas na siya.

Mababaliw na yata ako. Kung tutuusin pwede kong pabayaan nalang yung notebook na yon dahil ilang beses ko nang nabasa ang laman non, pero sinasabi ng puso ko na hindi ko pwedeng iwanan sa kung sino nalang yung notebook na yon! Importante sa akin iyon.

"Wala na bang ibang choice?!" Sigaw ko na nagpatigil sa kanya, bumaling siya sa akin at nginisian ako ng nakakaloko.

"Meron." Aniya, nagkaroon ako ng pag asa kaya napangiti ako!

"First, makipag-date ka sa akin. Second, makipag-date ka kay Ethan. Third, makipag-date ka sa may hawak ng susi ng cabinet kung saan nandoon ang notebook na gusto mong makuha." Pagtatapos niya na nagpakunot sa noo ko at nagpatindi ng inis ko sa kanya! Samantalang siya, nagagawa niya pa ring ngisian ako ng pilyo.

"Desperado ka na ba?!" Singhal ko, bumagsak ang balikat niya at nawala ang ngisi niya. Isa sa napapansin ko sa kanya ay ang mabilis na pagbabago ng mood niya.

"Well, I think I am... I am so desperate for your love."

Hindi ko alam kung nabibingi na ba ako o ano. Pero pilit kong isinawalang bahala ang sinabi niyang iyon dahil hindi magawang tanggapin ng utak ko, pero nagsusumayaw sa saya ang puso ko.

"Baka nga nadala sa madalian." Kanina pa nagbubulungan si Ara at yung asawa niya, samantalang ako ay nakabusangot dito sa tabi ni Ethan na maganang kumakain ng fruit platters niya.

Kagaya ng gusto niya, napilit niya akong makipag date sa kanya, at hindi ko akalain na makakasabay ko ring kumain si Ara ng breakfast dito sa buffet area ng hotel.

"Eat, Claire." Napapitlag ako nang bumulong si Ethan sa tainga ko, bumaling ako sa kanya at nakita kong hinila ng ngipin niya yung tangkay ng cherry na kanina ay nandoon sa Italian Soda niya.

"Kumakain ka ng tangkay?!" Nanlalaki ang mata ko sa pagtatanong sa kanya, pero hindi siya umimik, sa halip ay nakipag titigan siya sa akin at medyo gumagalaw galaw ang labi niya.

"Wha..what--"

"Done." Aniya at kinuha mula sa bibig ang binuhol na tangkay ng cherry! "Mas madali, kapag iniisip kong hinahalikan kita." Sambit niya saka kinindatan ako! Namula ang mukha ko at napatingin ako kay Ara nang marinig ko ang mahinang halakhak niya.

"Hindi ko alam na korni din itong kapatid mo." Bulong ni Ara doon kay Marcus, ngumiti lang si Marcus sa akin.

Nang matapos kaming kumain ng agahan ay naunang maglakad si Marcus at Ethan na mukhang may importanteng pinag uusapan. Napatingin naman ako kay Ara nang sikuhin niya ako.

"Anong nangyari kagabi?" May halong pang aasar na tanong niya.

"Nangyari? Wala, bina-lack-mail ako ng lalaking yan." Paghihimutok ko, ngumisi lang si Ara at nagpatuloy na kami sa paglalakad patungo sa parking.

"Ihahatid na muna kita and I'll pick you up at nine in the evening, may aasikasuhin lang ako." Ma-awtoridad na sambit ni Ethan, ngumuso ako pero marahan niyang hinampas ang labi ko kaya nanlaki ang mata ko. "What?!" Singhal ko!

Pinanlakihan niya rin ako ng mata, "What? Do you want me to kiss you so hard?" Pagbabanta niya na nagpainit sa mukha ko kaya tinalikuran ko na siya, narinig ko naman ang malakas na pagngisi niya. Hindi ko alam kung bakit may kumakalabit sa lintik na puso ko sa tuwing magsasalita ang lalaking ito, para bang awtomatiko nang titibok ng abnormal ang puso ko kapag boses na niya ang maririnig ko.

"Hindi manlang ako nakapag paalam kay Ara." Bulong ko nang makasakay na ako sa kotse ni Jamille na siyang ginamit namin kagabi ni Ethan. "H'wag mo nang istorbohin yung mag asawa." Pagsusungit ni Ethan kahit hindi naman siya yung kinakausap ko, mabagal na niyang pinaandar ang kotse at tumingin nalang ako sa kalsada.

Iniisip ko pa rin kung paano ko makukuha sa kanya yung notebook. Bakit ba gustong gusto niya akong i-date?

"Ilang date ba?" Tanong ko sa kanya nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila Jam.

Huminga siya ng malalim at kinalagan ang seat belt ko, "Kapag nagtanong ka pa ng nagtanong hindi ko ibabalik sayo yung lintik na notebook na yon." Pagmumura niya na nagpalunok sa akin, bumaba na kaming dalawa at halos mapatili ako ng dumapo ang kamao ni Kuya Justine sa mukha ni Ethan!

Kinabahan ako nang makita ko ang dugo sa gilid ng labi ni Ethan! Hinila naman ako ni Jamille papunta sa likod niya. "Kuya!"

"Shut up, Claire."

Ngumisi lang si Ethan at marahan na pinunasan ang dugo sa gilid ng labi saka ibinato kay Kuya Justine ang susi ng kotse ni Jam na kaagad namang nasalo ni Kuya. Matalim ang titigan nilang dalawa.

"I told you, don't rush everything." Makabuluhang sambit ni Kuya Justine na siyang mas lalong nagpangisi kay Ethan.

"Hindi nga, kaya nililigawan ko." Halos kilabutan ako sa lamig ng pananalita ni Ethan, bumaling siya sa akin at mas lalong magtayuan ang mga balahibo ko nang lamunin ako ng mga titig niya.

"I'll see you tonight, Claire."

****

A/N: Thank youuu so much sa patuloy na pagbabasa kahit na matagal akong mag update. :)

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
1K 232 9
Mackenzie's dream is to study at a prestigious university in London and be with her month-long boyfriend. She thought her life would be perfect and b...
9.9M 190K 32
"It was just one night... One night that ruined the years we shared. One night that ruined the forever we're about to build."
705K 10.9K 33
Almost Perfect Series I Perfect ang family. Perfect ang set of friends. Perfect ang lovelife.What more can I ask for? Just when I thought na perfect...