His Plastic Doll

By markferms

43.9K 1.7K 258

In the midst of Conan's moving on stage, his classmate, Ryle--their handsome school org president--seeks his... More

Author's Note
Wattpad Version
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Epilogue
Acknowledgment
Soon to be Published!
Cover Reveal
ARC Giveaway Winner
ARC Giveaway Receipt Proof
Chapter Preview
Early Review #1
Book Version
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Open For Pre-Order!
Don't Miss Out!

Chapter Twenty-Five

848 40 8
By markferms

Dumaan ang ilang araw at pinasya kong huwag na munang magpakita sa school, dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong sapat na lakas ng loob para harapin ang taong nanakit sa akin. The humiliation I felt that day was too great that I lost a big part of me in the process. And I know good communication was the only key to solve this, but I doubt if there would be any good timing.

Lahat ng mga importanteng gamit ko ay naimpake ko na sa isa kong bag. Nabayaran ko na rin ang upa ko ngayong buwan. Medyo nakakaramdam na rin si Ate na gusto ko munang makitira sa kanila dahil nangungulit na rin siya sa akin kung meron daw ba akong problema. Bale kaunting udyok na lang ang kailangan para mapilit ko ang sarili kong umalis, at kung ano man iyon ay hindi ko alam.

Siguro'y may parte pa rin sa akin na gustong marinig ang pag-doorbell ni Ryle, kahit hindi man kami pormal na mag-usap, kahit tumambay lang siya sa may pinto para ipaliwanag ang lahat ng mga nangyari dahil sa totoo lang, lito pa rin ako hanggang ngayon kung bakit kami umabot sa puntong iyon.

Kasama kong muli si Zyion sa apartment at abala siya sa pangungulit sa akin kung desidido na nga ba ako sa gagawin kong pag-alis. Para sa kanya kasi, ang mas maganda ko raw na gawin ay ang magsumbong para hindi ko na raw kailangan pang lumayo dahil parang ipinamumukha ko lang daw na ako iyong talo. At kahit anong pilit kong ipaunawa sa kanya na may domino effect iyon kung sakaling gawin ko, ayaw pa rin niyang makinig. Pero sa huli ay lagi pa rin niyang idinidiin na nasa akin pa rin naman ang desisyon, ang kaso lang ay maya't maya naman siya sa pamimilit sa akin na baguhin ko raw ang desisyon ko, na isipin ko raw nang mabuti. Gago rin e. Edi parang siya na rin ang nasunod kung ganoon.

Deep inside, I know reporting Ryle was no longer necessary. I know him, really. He's not that kind of person. Something must have really snapped inside him which was why it happened. The only thing I needed now was like an attempt of apology, like maybe let my phone ring, or say my name in our chat, or even let my doorbell ring.

And like a wish granted from above, it did ring.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Zyion.

Something in me wanted to leap in excitement. But the timing of it, I couldn't help but worry that this might only be the devil trying to play with my mind.

Sumilip ako sa peephole at wala akong nakita. But there's a presence. I know someone's in there. Papahawak na ako sa hawakan ng pinto pero nagdadalawang-isip pa rin ako kung pagbubuksan ko ba ito. I wanted whoever's outside to call my name, pero tingin ko'y alam nitong hindi ko ito papapasukin kung sakaling makilala ko.

Kinagat ko ang labi ko. There's only one way to find out.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Ryle sa gilid, nakatingin sa ibang direksyon at sinasadyang hindi ako lingunin.

"Uhh, hi, Conan," umpisa niya na kamot-kamot ang kanyang batok. Madiin ang kapit ng kanyang mga daliri sa gilid ng kanyang shorts at mahiya-hiya siyang ngumiti sa akin. "Gusto ko lang sanang mag-sorry sa naging pagtrato ko sa iyo. Sana mapatawad mo ako. Nadala lang ako ng emosyon ko."

He looked like shit. It seemed like he also skipped school and couldn't get enough sleep based on the dark circles under his eyes. Walang bahid ng Ryle na una kong hinangaan.

Hindi ko alam ang isasagot. I still hated him. Para sa akin ay hindi sapat ang isang sorry niya para mawala ang sakit na naidulot niya. I seriously believe that what happened to us should have been simple. Kahit sabihin lang niya sa akin nang harap-harapan na tapos na ang pagpapanggap namin, okay na, at least official. Hindi iyong hahayaan niyang maging malabo ang namamagitan sa amin. Hindi iyong gagawin pa niyang mas komplikado.

"Wala ka bang sasabihin sa akin?" sabi niya, pero hindi pa rin ako nagsalita. Tumambay lang ako sa harap ng pinto na para bang nagpapapasok lang ako ng hangin. Siya'y hindi ko magawang silipin. "Alam kong galit ka, alam kong masama ang loob mo, kaya please, kahit magalit ka sa akin, okay lang. Sigawan mo ako. Saktan mo rin ako. Mabayaran ko man lang iyong naging kasalanan ko sa iyo. Please, Conan, bigyan mo ako ng pagkakataon na mabayaran lahat ng iyon."

Humakbang siya at pumwesto katapat ko. Pero imbes na direkta sa mata ko ang kanyang tingin, dumulas ito patungo sa likuran ko, papunta kay Zyion.

Parang nag-slow motion sa harapan ko ang pagbuka ng kanyang bibig. There was a split-second that we just ligned up three—him, me, and Zyion—like an eclipse had suddenly happened, at kung ano mang klaseng eclipse iyon ay hindi ko na alam. Basta, dahan-dahan na lang kumurba ang kanyang bibig, mula sa hitsura niyang gustong humingi ng tawad hanggang sa tuluyang maibalik ang halimaw na umatake sa akin noong kailan lang.

Selos. Iyon ang lason na sumira sa aming dalawa. Selos.

"Kaya pala," sabi niya sa tonong nang-aakusa.

"Ryle," sabi ko sa tonong pagod na. "Kung ano man iyang iniisip mo, nagkakamali ka."

"Really? Iyang mesang may bote ng alak, itong halos mag-hatinggabi na, tapos kasama pa itong basketball player na kayong dalawa lang? Sinong ginawa mong tanga?"

Gusto kong hampasin ang mukha ko. Bakit ba ayaw niyang maniwala sa akin? Ganoon na ba katindi ang pag-aakala niya na adik ako sa mga lalaki at kung kani-kanino na lang nakikipagtalik?

"You're thinking it wrong—"

"No, I think I had it all right. Kaya pala ganoon ka na lang kadaling maka-move on dahil meron ka na agad na nakareserba? Ano, may pila ba sa kagaya mo? Ganoon na ba kaganda ang tingin mo sa sarili mo?"

Sinampal ko siya nang malakas.

Bumakat sa pisngi niya ang hapdi ng ginawa kong iyon. Napasinghap din ako matapos. Hindi ko inaasahang magagawa ko iyon, na parang kusa na lang gumalaw ang kamay ko.

I just couldn't allow him to accuse me of someone I'm not. I'm not a whore like what he thinks I am.

Zyion walked towards us. "At ano naman ngayon kung magkasama kami ngayon, ha, brad? Hindi ba't hindi naman talaga kayo? Huwag kang umasta na parang jowa mo itong kaibigan ko."

Nanigas ako sa narinig.

That sounded like a stupid response. Bakit iyon pa ang nasabi mo Zyion gayong nanggagalaiti na sa selos itong lalaking nasa harapan ko? He should have just said something else. He should have just pushed him out of the door, instead of adding more gas to the fire.

I didn't like this. Sa mga mata pa lang ni Ryle, mukhang alam ko na kung saan ito hahantong.

Sinubukan kong pumagitna sa kanila pero hindi iyon sapat. Ang unang sumuntok ay si Ryle, na siyang magiliw namang ibinalik ni Zyion. From the small proud smile in Zyion's face, it looked like he was looking forward to this, and that he came prepared to fight back. But Ryle didn't stop even though it's obvious that he doesn't have the advantage. He was just all fired up by his jealousy. Somehow, I think I had unintentionally conditioned him to be like that. Kagagawan ito noong panahong natutuwa ako na pinagseselos ko siya kay Zyion. I was just kidding back then. I didn't know that it would have contributed to this.

Tumili na ako nang malakas at nang mahinto silang pareho, na siyang ipinagpapasalamat kong nangyari. Nakatayo lang si Zyion habang ang napuruhang si Ryle ay bagsak sa sahig.

"Ano bang problema niyo, ha?" sabi ko, pero kay Zyion lang nakatuon ang atensyon ko. I appreciated it that he cared for me, but I didn't like how he acted against him. He didn't really have to do this!

"Kinailangan ko lang siyang gisingin sa katotohanan," paliwanag niya. "You suffered enough already. I just returned the favor."

Pero kung inaasahan niyang matutuwa ako sa ginawa niya, nagkakamali siya. "Umalis ka na muna, please," sabi ko sa kanya.

"Oh, I won't let you be left alone here with that asshole. Not a chance."

Ryle was trying to push himself up but failed. From the looks on his face, parang gusto niyang murahin si Zyion o kaya ay gantihan muli.

"Zyion," tawag ko. "I can take care of this. Trust me."

Ilang sandali rin niya ako tinitigan. I can clearly read what's going on in his head, because he already had voiced out his concerns about this so many times. Ayaw niyang magpadala na naman akong muli sa emosyon ko, ayaw niyang makita na naman akong umiiyak, at higit sa lahat, ayaw niyang bumalik na naman ako kay Ryle gawa lang ng awa o karupokan.

But there's a small moment of doubt. His eyes fell down and he gulped as he looked at me, the same way he does everytime he realizes he can't control me. "Okay, I trust you," he said. "But if it comes to it, you know what to do, right?" Pagkasabi niya no'n ay agad siyang sumilip sa nakaimpake ko nang gamit.

"Yes, I know. Thank you."

He nodded and then proceeded to leave. Which then left me with the man who turned my world into a rollercoaster ride. Nakaupo na siya papasandal sa pader at nagpupunas ng kanyang pisngi. Ang mga mata niya ay nakatuon pa rin sa direksyon ng umalis na lalaki, na para bang balak pa niyang sugurin ito kahit pa halatang wala siyang kalaban-laban.

When he looked at me, he let his guard down, na para bang binaha siya ng realization tungkol sa pagkakamali niya. That he was wrong for thinking something had been going on with me and Zyion. He must have realized that from the way we talked.

"I am truly sorry," sabi niya. "Nadala lang ako ng matinding selos. Maniwala ka, Conan." Selos na mukhang ako rin naman ang nagtanim sa isip niya. I should have stopped him from viewing Zyion as an enemy. I could have done that sooner, but I didn't, which was why I was also at fault to this.

Seeing his face again brought back the images of that day in the comfort room, where he—where he forced himself to me. Gusto ko sanang tanggapin ang sorry niya pero sa tuwing naaalala ko iyon, pati na rin sa hindi niya pag-amin sa akin na nililigawan niya na si Inesa? Hindi ko magawa.

"Bakit ba hanggang ngayon ay nagseselos ka pa rin? Hindi ba't tapos na ang pagkukunwari natin?"

"Ganoon ba ang lahat ng iyon sa iyo? Pagkukunwari?"

"Bakit, hindi ba?" mapanghamong sabi ko.

He was searching for my eyes and I feel like he could cry. "Para sa akin, hindi."

Saglit akong natigilan sa nasabi niyang iyon.

Para sa akin, hindi.

I could feel the insides of my head trying to reject those words and easily call it a lie, but my heart wanted to disagree, for between my heart and mind, it was the heart that has the ability to distinguish a lie from the truth. And he is in fact telling me the truth. I could tell from his eagerness to let me believe it.

"At alam kong ganoon din iyon sa iyo kahit pa ilang beses mong itanggi, Conan. Nababasa ko ang katotohanan mula sa mga mata mo, lalo na noong gabing may nangyari sa atin. Masyado ka lang takot na tanggapin ang katotohanang nahuhulog ka na rin sa akin."

His words, even though they rang true, still hurt my ear. Napapapikit na lang ako mula sa pagkairita. "Hindi ka ba natatakot sa mga sinasabi mo? Paano si Inesa? Ano, ginamit mo lang ba siya?"

"Totoong may gusto rin ako kay Inesa, pero hindi kami umabot sa punto ng kagaya sa atin. Mas gusto kita, Conan. Higit na mas gusto kita."

Sa pagkakataong ito ay alam kong tugon ko na lang ang kulang bago maging tuluyang kami. Pero may kung ano pa rin akong nararamdaman na mali. Para kaming nandadaya, parang mayroon kaming kung anong tinatakasan—na siyang alam ko'y makasisira lang din sa amin sa hinaharap kung hahayaan lang naming talikuran.

"So parang sinubukan mo lang kaming dalawa ni Inesa, ganoon ba? Tapos tinimbang mo lang sa aming dalawa kung sino ang mas gusto mo. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Hindi mo man lang ba naisip kung anong mararamdaman niya?"

"Conan, it's not what you think. I didn't do to Inesa the things we did. Hindi kami nag-sex, hindi kami nag-kiss."

I stood up and pointed my finger at him so furiously. "But stil, you tested the waters with her after trying me. Nakalimutan mo na ba? Kung paano mo ako tinalikuran na lang nang basta-basta noong Christmas break? Hindi mo ba alam kung gaano naging katindi ang epekto noon sa isip ko?" Kung hindi nga dumating si Zyion bilang isang kaibigan ko, hindi ko na alam kung ano pang nagawa ko sa sarili ko.

"It's because I was starting to get confused!" Tumayo na rin siya at tinapatan ang mata ko. Sinubukan niyang lumapit sa akin at gusto niya sana akong hawakan sa kamay pero humakbang ako papaatras. "I just wanted to confirm my sexuality. Kung bakla rin ba ako, o bisexual ba, o kung ano man. It was hard for me too! Why do you think that it was only you who was suffering?"

"Then you should have just told me. Everything." All these things he was confessing to me right now could have been the key for us to have our happy ending. Pero anong ginawa niya? Itinago niya iyon. Tuloy, imbes na makatulong ay baliktad pa nga ang mga nagiging epekto nito.

"I wanted to," he said with his hand in his heart. "But it's hard for me."

How could it be hard? Nagagawa na nga niyang makipagtalik sa akin at kung makahalik din siya sa akin ay para bang mag-asawa na kaming dalawa. He even confessed that he liked me, but still, he chose to complicate everything just because of his hesitance to accept the possibility that he might be really gay.

"Whatever," sabi ko na lang.

I was already eyeing my bag. I was just gathering up the courage to do it. Because honestly, this was what we both needed. We may have been deeply in love together but it just so happened in the wrong time. And if we just let this thing go on and on, we might only end up hurting each other again.

When I looked at him, I noticed that he could take care of himself. Ang mga suntok na natamo niya'y hindi naman ganoon kalala. "You can use whatever you need para mapagaling iyang mga pasa-pasa mo," sabi ko nang hindi nakatingin habang papadampot na ako ng malaki kong bag.

"Wait, saan ka pupunta?" sabi niya. Ang kamay niya'y gusto sana akong abutin pero hindi niya maituloy-tuloy.

"None of your business."

I could imagine Zyion slow-clapping at me for making such a decision, even myself too—because for the first time in my life, ngayon lang ako naging tiwala sa ginawa kong desisyon sa buhay, at iyon ay ang iwan siya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...