Fazed Arrow (The Athletes #2)...

By abeamus

1.4M 38.3K 21.2K

MONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always fe... More

Fazed Arrow
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 36

38.2K 778 443
By abeamus

Chapter 36

Birthday Party 



I just know that I agreed because of Rios. Ang ningning sa mga mata niya noon ay parang nanghihigop. And now I'm in trouble. How could I go to their party after what happened? Hindi ko alam kung paano sila pakikisamahan.

I'm not thinking about it that much anymore, but I'm aware that the mood would be awkward between us all. I am still disappointed with them, not boiling in rage anymore. Inisip ko na ang lahat para lamang maintindihan ko rin ang side nila.

Binasa ni Anikka ang invitation kahit wala namang gaanong mababasa roon. Kumot ang noo niya at bumuntong hininga.

"Kayong dalawa lang ni Aya? E, paano kung mangyari ulit 'yon?"

Bumuntong hininga ako sa upuan ko. "They already apologized to me. Para lang din naman sa bata ito..."

"Can I come?" taas ang kilay nitong sabi sa akin.

I nodded. "Ayos lang naman daw. Tinanong ko si Rhione. Ayos lang..."

The boy will turn five. Naging espesyal na rin sa akin ang bata kaya gusto ko rin talagang dumalo para sa kan'ya. Kahit pa hindi ako komportable, saglit lang din naman...

Ganoon pa rin ang ginagawa ni Xydon. Araw araw na nasa baement ng hospital I know what he wants. Gusto niya akong kausapin, gusto niyang makipag-ayos, gusto niyang humingi ng tawad... I could see it all from his eyes. Pero hindi siya umiimik kahit isang salita sa tuwing nagkikita kami sa basement. He would just stand and stare at me like he wants to hold me so firmly.

Hindi ko alam kung anong mas gusto ko. Tahimik siya, o kinakausap ako...

Sa opisina ay inaasar nila si Jasro dahil sa bagong doctor ng Hospital. Mas bata lang ng dalawang taon sa amin.

"Ikaw, a? Hindi ka loyal ka Weya!"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Demi. Ako na naman. Palagi na lang ako. Aaminin ko na minsan ay parang gusto ako ni Jasro, pero hindi ko naman sineryoso 'yon.

"Yieeeh," si Jaya. "Jasro plus Weya, Jaya!" At humagalpak ito na parang wala ng bukas.

Tawang tawa rin ako roon. Hindi ko napigilan ang tawa ko. Hindi naman natutuwa si Jasro sa amin.

"I can't continue liking someone who never stopped loving her first love," anito sa akin, sa mga mata ko mismo kaya natikom ang bibig ko.

"Wala bang filter 'yang bunganga mo, Jasro? Sapakin kaya kita?" si Anikka at masama ang tingin kay Jasro.

Napailing-iling na lamang ako. The statement wasn't supposed to impact me, pero bakit parang natamaan ako hanggang buto? Dahil doon ang dami ko na namang tanong. Hindi ko na nga lang inanyayahan pa ang mga palaisipan.

The next day, nagplano akong bumili ng bagong dress para sa birthday ni Rios. Pumasok ako sa isang mamahaling clothing line. Balita ko ay fiance na ng isang Montevinski ang may-ari sa line na ito.

I chose a white dress that is few inches before my knees. Formal daw kasi ang birthday party kaya sa tingin ko ay ayos lang na mag-dress ako. Binilhan ko ring ng pink na dress si Aya at bagong sapatos. I didn't buy a new stiletto anymore since I just bought a new one in the US when we had a vacation.

I was just looking for a bag for my Mom when I saw a familiar woman looking at me. Nang mahuli ko ang kaniyang mga mata ay nahihiya itong ngumiti sa akin. I was curious when I saw new pair of expressive eyes on her face.

Lumapit sa akin si Chantal.

"It's been a while... Kumusta ka na?" she asked with a bit of hesitation in her voice.

I didn't know what to say. Nanatili ang mga mata ko sa kan'ya, sinusuyod ang malaking pagbabago na nararamdaman ko. Her energy is different compared before. I couldn't feel bitterness. It seemed like... she's not Chantal that I knew.

Tumango lang ako at tinalikuran na siya. Lumabas ako ng studio na naninikip ang dibdib. Of course I still have a heavy emotion for her. Hindi na ako insecure sa kan'ya, pero hindi maganda ang ginawa niya noon. I'm not jealous anymore, pero siyempre ay may mga natitira pa ring sama ng loob para sa kan'ya.

"Ate..."

That made me stop. I literally stopped hearing the word from her. Naglakad siya papunta sa aking harap. Her eyes were sorry and she looked ashamed.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Malambot ang boses niya, hindi mo iisipin na nagawa niya sa akin ang mga masasamang nagawa niya noon. I know people change. I clearly know that popular fact. Ilang taon na rin naman, halos isang dekada na nga...

Nasa isang coffee shop kami. She was too sweet that I'm getting uncomfortable.

"I'm sorry kung ngayon lang ako naglakas ng loob na kausapin ka..."

Hindi siya makatingin sa akin nang maayos. Panay ang laro niya sa straw ng inumin niya.

"You're a doctor now. I know it's hard to believe, pero proud na proud ako sa'yo," she said sweetly and her smile made an impact in my heart.

I really dreamed having a sibling. Kapatid ko siya, oo, pero noon hindi naman talaga kami magkasundo dahil ayaw niya sa'kin. At saka nagseselos din ako sa kanya noon dahil kay... Daddy.

Tipid lang akong ngumiti. Hindi ako nagsasalita.

"You know what? May pamangkin ka na rin... Uh ..." parang nabigla siya sa sinabi niya.

My eyes widened a fraction as I nodded. Somehow, my heart felt light. Pero hindi ko pa rin alam kung paano siya pakikitunguhan ngayon. I was just suddenly happy that she has a kid now. Sa likod ng isip ko, baka 'yon ang dahilan ng pagbabago niya.

"She's actually... turning seven this month."

Kumunot ang noo ko ko at napansin niya 'yon. Seven years? So, she stopped chasing Xydon right after it? Right after our breakup? I was curious...

Her eyes closed a bit. "And Daddy... is sick. He had a heart attack four years ago. We went to US for an operation. The operation didn't end up well. Now, his movements have been limited. He's not working anymore..."

She didn't let her eyes stay at me any longer. She minded her food. Ako naman ay pilit tinatago ang pag-aalalang nararamdaman ko. I really... stopped trying to be a daughter to him. I didn't plan on catching his heart for me anymore after the incident. Tumatak sa isip ko na parte siya kaya nawala ang anak ko sa akin. But then, I still couldn't get it out of my head, and partly in my heart that's he's still my father.

I am still affected.

"He's asking about you... Kung nagkita na ba tayo... Kamusta ka na raw."

I sighed soundly and was unable to deliver any word. I didn't expect that to come to my ear. Dati, 'yan ang pangarap ko. Hindi ko na alam ngayon. I'm not happy as I expected to be way back when everything's still fine for me. I realized that people aren't the only one that change, feelings, too.

I didn't want to force myself to speak to her. I didn't want to let out any fake address. Tango lang at tipid na ngiti ang naibibigay ko...

Hinati niya ako sa basement ng mall.

You don't expect someone to accept you just because of a one-day apology. I know I've become heartless, but I know I still have a heart to forgive her, and everyone who had inflicted pain in me for the past years.

"Uhm... Alam kong hindi ka komportable sa akin. I am sorry for everything you've been through because of my childishness. I was really... reckless."

Nilalaro ko ang susi ko sa aking daliri para maging relaxed.

Mabagal akong tumango. Hindi naman ako santo, pero kung hahayaan ko kasing manirahan ang galit sa puso ko, ako rin naman ang mahihirapan. My hatred will just keep on dragging me beneath the unending sorrow. Who would suffer non-stop? It would be me...

I know things could've been different if she wasn't self-centered, but then who am I kidding? Nobody could set the time back. Things already happened because of our mistakes.

Also, a part of me doesn't want to disregard her effort in committing a better version of herself. It was never easy to change, but gladly, she overcame it. I know I just need time for their apologies that have been planted in my heart to grow.

"I have this mistake I'd regret forever. I'd like to share it with you, dahil kasalanan ko 'yon sa'yo, pero ngayon, hahayaan ko muna kayo ni Xydon na mag-usap. If you think he's not telling the truth... I'll explain. It was my fault. Completely."

Nagpaalam na siya matapos sabihin 'yon. She walked back to the mall since she has still a lot to buy. Hindi naman ako kaagad nakaalis ang sasakyan ko. Inisip ko ang sinabi niya... I know it's about cheating.

I couldn't believe I had a normal talk with Chantal. Hindi ko rin lubos maisip na may anak na siya... She gave birth too early, isa sa mga natanto ko. I didn't even ask who the father was. I know it's not Xydon...

At 'yong tungkol kay Daddy... Wala talaga akong kaalam-alam na may sakit siya at gano'n na ang sitwasyon niya ngayon. I know he knows about my miscarriage. Mommy blamed him years back. Narinig ko silang nag-uusap sa phone noon, at grabe ang iyak ni Mommy...

Nilabanan ko ang kasabikan kong kausapin si Xydon tungkol doon. I know it's just for my peace that's why I was so eager.

Pagbaba ko sa basement ng hospital, naroon na naman ang sasakyan niya. Nakasandal siya pinto ng driver's seat habang suot ang all black suit niya. Nakapikit siya at nakapamulsa, nakatingala na para bang pagod na pagod.

I slowly walked closer to my car. Hindi ko mabuksan ang sasakyan ko dahil baka bumukas ang talukap ng mga mata niya. I didn't notice myself that I was already staring at him...

With my fairest judgment, he really turned more handsome than he already is. His body has gotten more chiseled and sculptured. Maybe he stayed much time in his gym room, or maybe he's still playing football when he's free. Dumaan ang mga mata ko sa kanyang matangos na ilong. His lips now are a bit reddish. I saw his tongue made its way to flick on his lower lip. Gumalaw ang panga niya kaya nagtaka ako.

What the?

Agaran ang pagpasok ko sa aking sasakyan nang makita ang seryosong mga mata niya sa akin. His eyes were open! Bukas ang mga mata niya at... at pinapanood akong ... pinapanood siya!

Wala akong pinalipas na oras. Umalis kaagad ako sa lugar na 'yon. I was so embarrassed. Napapapikit pa ako habang nagmamaneho dahil sa kahihiyan. I looked at the mirror only to see myself blushing in red!

"It's not big deal, Weya," I told myself and started humming like a bird.

I had a lot of paperwork so I easily got over it. Natanto ko na hindi naman pala nakakahiya. Wala naman akong masamang ginawa. Hindi naman big deal 'yon.

Seriously, Weya? He could take it in as a very historical moment!

"Parang kasal dadaluhan mo, a?" Bumaba taas ang mga mata ni Anikka sa akin pagbaba ko sa sasakyan ko.

I rolled my eyes. Pumasok ako sa bahay nila at inisip kung totoo ba ang sinabi niya. I just really love white. What's the problem anyway? Siya nga hapit na hapit sa kanya ang pulang dress niya. Anong pupuntahan niya? Bar? Club? Makikipag-inuman siya?

Aya was wearing the things I bought for her. Tuwang tuwa ako. We both look at ourselves in a full length mirror.

"You are so pretty, Mimi!"

I'm wearing the white dress I bought and a white strap heels. Hindi ko nagamit ang binili ko sa US dahil masyadong mataas. My hair was slightly curled, too. I only put on very light makeup just so I'd look presentable.

Maraming tao sa venue. Walang gaanong media pero maraming bodyguards. Sumigaw si Rios dahil nakita kami kasama si Cheonsa. Rios was with Xydon who's in his usual suit. Kabado ako habang naglalakad kami papunta sa kanila para batiin ang bata.

Please, this is not the right time to reminisce the shameful thing I did!

Hindi ko na lang nilingon si Xydon. Hinatid na kami sa aming table. Rios keeps on going to our table because of Aya. Minsan pa ay kasama niya ang anak nina Zoren at Mooze. Some of the Montevinski kids were just sitting on their table.

Bumuntong hininga ako at nilingon na si Xydon na kanina pa ako tinititigan kahit saan man siya mapunta. Kumunot ang noo ko samantalang nanatili lang siyang seryoso. Nakapamulsa siya habang kausap ang mga lalaking pinsan. Nag-iwas ako ng tingin.

"Tita Doc." Lumapit sa akin si Rios, may gusto yatang ibulong kaya yumuko ako nang bahagya. "You are the prettiest," hagikgik niya at bumalik na sa mga Tito niya.

Natawa si Anikka sa tabi ko habang humihinga ako nang maayos para hindi mamula ang mukha ko.

"Hate na hate mo pero namumula ka dahil sa kan'ya..."

I glared at her. "Si Rios ang nagsabi—"

"Pinasabi ni Xydon kay Rios. Nakita kong nagbulungan ang mag Tito kanina..." aniya at umiling-iling.

I wiped my lips after eating. Hindi ko naubos ang sa akin. Uminom ako ng tubig. I can notice the people's eyes on me. Some are women of the Montevinskis, and most are Montevinskis. Minsan ay hindi tuloy ako mapakali.

"Tita mo papalapit," bulong ni Anikka sa akin na siyang ipinagtaka ko.

Napalunok ako nang makita si Tita Cha na palapit nga. Napaayod ako ng upo.

"How are you here?" ngumiti ang matanda na may magarang kasuotan. She's still sweet as before.

"Uhm, ayos naman po. The party is fine, Tita," sagot ko dahil inapakan ni Anikka ang paa ko.

Gusto kong bumawi kaso baka mahalata na kami.

"I hope you're enjoying the party. You too, Anikka, and... Aya, right?"

Ngumiti ito sa bata habang nasa harap ng lamesa namin. Mas dumami tuloy ang taong nagmamasid sa amin ngayon. She draws too much attention, or maybe this scene is just taken seriously by them because of the past?

"We do, Tita." Ni hindi ko alam kung tama bang Tita ang tawag ko o Mrs. Montevinski dapat?

"I hope we could catch up soon, Sweetie? Just tell me when you're free and I'll clear my schedule for you... I heard you're really busy," she said and chuckled.

Nahiya ako roon. I chuckled nervously as I nodded slowly. "Sige po..."

"I'll just check the other guests. Please, enjoy yourselves," anito bago tuluyang naglakad paalis at lumipat sa kabilang table.

Para akong nabunutan ng tinik dahil doon. Umalis si Anikka at Aya dahil naiihi 'yong bata. Naiwan tuloy ako sa table namin, mag-isa. Wala naman kasi kaming ibang kasama sa lamesa. Inabala ko na lang ang sarili ko sa cellphone ko. Akala ko si Anikka na ang papalapit pero nang inangat ko ang tingin ko, si Ate Rhione pala...

"Hi... Are you bored? Gusto ka naming lapitan kaso nahihiya sila."

Umiling ako habang nakangiti. "Ayos lang naman po ako rito."

Naalala ko tuloy ang nangyari sa restaurant noong nakaraan. I'm trying to forget about it, though. Ang mahalaga sa akin ay nasabi ko na ang totoo.

"Do you want to go to our table? Kayo nina Anikka?" she offered with her hopeless eyes.

I chuckled and shook my head. "We're fine here, Ate Rhione..." Mas lalong hindi ko kakayanin doon! Baka manigas pa ako sa upuan ko dahil sa kaba.

"Oh, it's fine. Do you need anything?"

Umiling ulit ako. "Ayos lang ako rito. Baka pabalik na rin sina Anikka..."

Tumango siya at sinundo na ng asawa niya. May bagong dating yatang kamag-anak nila kaya kailangang salubungin. Naiwan ulit ako sa lamesa habang nagtataka kung bakit ang tagal ni Anikka.

My neck started to ache. Nakayuko kasi ako habang may binabasa sa cellphone. Diretso ang tingin ko nang iangat ang paningin ko. Seryoso lang ang mga mata ko habang pinapanood ang mga babaeng kinakausap sina Xydon. Nasa pinakalikod si Xydon, umiinom ng wine habang nakikipag-usap ang mga pinsan niya sa mga babaeng bisita. Bagay na bagay sila sa mga Montevinski, kung mayroon pang single sa kanila. Xydon is free. Bagay siya sa naka-itim na tube dress.

Accidentally, I locked eyes with Xydon again. Bumuntong hininga ako at inabala na ulit ang sarili sa cellphone ko. Patapos naman na ang event, maaari na kaya kaming umuwi?

Akala ko si Anikka na ang umokupa sa upuan sa tabi ko, but when his familiar scent invaded my nose, naghuramentado na ang puso ko. I looked at Xydon who sat beside me. He looked calmed while playing with his wine.

I wanted to ask him what is he doing here, pero ayaw ko namang magsimula ng conversation. Kunwari na lang ay wala lang sa akin.

I wanted to scream because it felt like something is choking me. Tahimik lang kami. Kung kanina ay maraming nanonood sa amin dahil sa Mommy niya, sigurado akong dumoble 'yon ngayong si Xydon na ang nandito.

"Do you want anything?" he asked.

Hindi ko pinahalata na nagulat ako. Ramdam ko ang atensyon niya sa akin.

"Uhm, no..." malamig kong sagot, hindi na alam ang gagawin sa phone ko. Anikka, ano na?!

"Alright," bulong niya at sumandal sa kaniyang upuan. He continued playing with his wine. Minsan ay umiinom siya roon.

Even though I want to have a sip on my wine, too, I just couldn't. Baka matapon pa sa damit ko.

"They are Tiago's friends... I don't know anyone in their circle," he suddenly said again after a long silence.

Am I supposed to react? Ano?

"Ah..." Para lang may masabi. Gusto ko sanang hindi na lang pansinin, pero naaawa ako sa boses niya.

My phone vibrated. Bumungad sa akin ang message ni Anikka.

Anikka:

Erios saw us. Nakita niya rin si Aya. Alam niya na, Weya. Alam na niyang anak niya si Aya. Papunta kami ngayon sa bahay niya. I'm sorry. Sabi ko kasama kita, masyado siyang galit para pakinggan pa ako.

My jaw dropped. Erios was here? Gulat na gulat ako sa nabasa ko. I can imagine how much Anikka is struggling right now. Binalingan ko ang katabi kong nakatutok lang sa akin.

"Nandito ba si Erios kanina?"

I really tried to be casual. His lips parted when after hearing from me. Pinasadahan niya pa ang kan'yang labi at bumuntong hininga.

"Yes. Kesian called him. Why? Is there something wrong?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung alam na ba ni Kesian kaya niya tinawagan ang kaibigan niyo, o coincidence lang? I don't know if it's fine though if Kesian did it on purpose. Ayos lang ba dahil gusto na din namang sabihin ni Anikka, o bad move dahil mas maganda sana kung si Anikka ang nagsabi?

Umiling ako. I looked around to find Rhione. Kasama niya ang family ng asawa niya. I'm too shy to interrupt so I backed out on planning to say goodbye.

"Do you think I can go now?" tanong ko ulit sa kan'ya.

"Uuwi ka na?"

Is his voice too soft or is it just me who's overreacting?

"Kung pwede na... Magpapaalam lang ako kay Rios." Nag-iwas na ako ng tingin. His eyes are still my favorite.

I started preparing myself. Nahihiya akong tumayo dahil agaw pansin. Wala na rin naman akong gagawin dito. Nabigay ko na ang regalo ko. I already had fun with Rios who's now busy with his cousins.

"Sasamahan kita..."

Napansin yata ang pagkabalisa ko. Hindi na ako humindi. I need it, too.

Tumango ako at sumunod naman siya sa akin. Nauna siya nang palapit na kami kay Rios. His cousins were really attentive at us. Tahimik sila habang pinapanood kami ni Xydon. This has no meaning. Gusto kong sabihin sa kanila 'yon.

"Big boy, Tita Uoiea needs to go home now..." si Xydon sa kan'yang pamangkin.

His boy cousins were silent but observative. Buti naman at hindi na sila 'yong mga mapang-asar kagaya noon.

"Tita Doc?" Rios asked and run towards me. Nakasuot siya ng suit at maayos ang buhok. "Thank you for coming, Tita Doc..."

Sana hindi niya na hanapin si Aya... Buti na lang ay hinila na siya ng babae niyang pinsan para maglaro.

"Let's go..." bulong ni Xydon at ginabayan ako gamit ang palad niya sa likod ko.

My heart skipped a beat because of his sudden stance. Napalunok pa ako. Nagpaalam pa ako sa parents nila bago kami naglakad palabas. Patapos na rin naman daw ang party kaya ayos lang. Sila na lang daw ang magsasabi kay Rhione na umalis na ako.

Gusto ko rin kasing kamustahin si Anikka. Wala na rin naman akong kasama roon kaya mas mabuting umuwi na lang ako.

Hindi ako umiimik habang nasa tabi ko si Xydon sa elevator. I want to tell him na ayos na ako rito, pero nahihiya akong magsalita. Ihahatid niya lang naman siguro ako sa labas. Inabot ng valet ang susi ko at nakita ko na ang sasakyan ko ng nakaparada sa harap ng hotel.

"Uhm, thank you," mahinang anas ko sa kan'ya.

"Anything," tugon niya habang hawak ang dulo ng pinto ng sasakyan ko.

Tumango ako at papasok na sana kaso nagsalita ulit siya. Naudlot ang pagpasok ko.

"Can you tell me if you're already ready to talk to me? I'll wait..." his smooth voice sent shivers down my spine. Mas lalo akong nilamig.

Bumuntong hininga ako at tumango. Hinarap ko siya— seryoso. He was patiently waiting while I was finalizing my decision.

"Alright," bulong ko at tinalikuran na siya. "Let's meet tomorrow, then. I'll send you the location."

Continue Reading

You'll Also Like

238K 5.9K 38
Reign Clarisse Santiano always rushes things and acts on impulse. She's an idealistic Campus Journalist who doesn't want any serious attachment with...
907K 31K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
342K 5.3K 23
Dice and Madisson
110K 2.8K 37
FRIENDS SERIES #1 Ashanti is the bread-winner of the Sanchez Family. She wants to finish her course at AAG and earn a degree after. She's not into re...