His Plastic Doll

By markferms

44K 1.7K 258

In the midst of Conan's moving on stage, his classmate, Ryle--their handsome school org president--seeks his... More

Author's Note
Wattpad Version
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Epilogue
Acknowledgment
Soon to be Published!
Cover Reveal
ARC Giveaway Winner
ARC Giveaway Receipt Proof
Chapter Preview
Early Review #1
Book Version
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Open For Pre-Order!
Don't Miss Out!

Chapter Twenty

848 44 1
By markferms

Pakiramdam ko'y hindi lang nagkataon ang pagdaan ng Christmas break. Pakiramdam ko'y sinadya ito ni Lord para makatulong sa pagitan namin ni Ryle. Hindi na kasi siya tuluyan pang dumalaw sa apartment o kahit nangumusta man lang through text, at sa tingin ko'y parehas ang pagtrato namin sa Christmas break na ito, na ito ang susi para maibalik namin ang sarili namin sa kung paano kami noon, noong bago pa lang kami maging intimate sa isa't isa.

And thankfully for this season there was a high demand for part-timers. Naging busy na ako masyado sa pagkuha ko ng tatlong magkakaibang seasonal part-time jobs at parang nawalan na rin ako ng panahon para magmukmok. Wala na rin naman akong mapapala kung araw-araw na lang akong magkukulong sa apartment ko. Para bang may magbibigay sa akin ng award kapag ipinagpatuloy ko pa iyon.

The date was December 23, 2017. Ito na ang maituturing kong pinaka-late kong uwi galing trabaho dahil ang grocery na pinagtatrabahuan ko'y nag-extend ng operating hours hanggang alas-onse ng gabi at nagkataon pang sa pinakahuling shift ako na-assign. Ang pinakamahirap pa sa pagkakataong ito'y ang kakulangan ng jeep. Pagod na nga ako mula sa buong araw na pagtatrabaho, mukhang lalo pa akong mapapagod sa tagal kong nakatayo sa pilahan ng masasakyan.

"Uy," tawag sa akin ng isang boses.

Nasa may waiting shed ako sa may terminal ng jeep at ako itong nasa dulo ng pila. I don't expect to see anyone who knew me because most of them were at home or might be asleep by now, but I still turned my head towards the voice.

"Hi," sabi niya.

It was him. The boy who was so kind to me during one org meeting. Zyion Acosta. Iyong hinihinala ko ring nagka-crush sa akin, kahit pa may pagka-brusko siya.

"Hi," sabi ko sa tonong na-surpresa. Napatingin ako sa suot ko. Nakilala niya ako kahit pa hindi ako naka-uniform?

"Musta?" sabi niya.

I hate how he acted like he knew me. "Good. Ikaw?"

Tango lang ang tugon niya.

It's making me nervous how he just kept on staring at me, like he wanted to prolong our conversation, but I don't see any point why, e hindi naman kami gaanong magkakilala. Ni hindi nga kami gaanong nag-i-interact sa school.

"Uhh... kaklase ba kita noon? Or kababata?" sabi ko na lang.

"Huh? Ah, hindi," sagot niya nang natatawa.

"Ahh. Sorry. That must have been weird. You look like you know me."

"I do, actually."

Ahh, baka kasi sa kadidikit ko siguro kay Ryle kaya naging popular na rin siguro ako sa school. Doon niya siguro ako nakilala. Imposible naman kasing kilala niya talaga ako sa ibang larangan e hindi naman ako gaanong active sa school. Hindi rin naman ako napapabilang sa mga pino-post nilang cute doon sa Secret Files page ng aming school sa Facebook.

He must have sensed what I was wondering which was why he clarified. "I don't know you personally pero lagi kitang naririnig."

"Eh?" Laging naririnig? Shet. Baka kalat na sa ibang lugar na pokpok ako?

"Kilala kita kasi pinsan ako ni Joshua."


~ ~ ~

Pagkababa niya ng jeep, nagpasya siyang samahan ako pauwi tutal ilang lakad lang naman daw ang layo ng bahay nila mula sa amin. Idinahilan din niya ang Christmas break. Dahil daw doon ay may karapatan na raw siyang magpalipas-oras.

"Sana man lang nilinaw mong kilala mo ako noon pa," sabi ko, "na-stress kaya ako kaiisip kung naging kalaro ba kita noon sa probinsya o kaklase noong elementary o high school."

Isang motor ang nagbusina sa 'di kalayuan. Sa kabilang kalsada naman ay may kumpol ng mga tatay na nag-iinuman at ang lakas kung makapagkwentuhan. Iba nga talaga ang pakiramdam kapag nalalapit na ang pasko, parang gising pa rin ang lahat kahit pa maghahatinggabi na rin.

"Limot mo na agad mga kaklase mo noon?"

"I'm not very good at making friends before. I'm also shy so I don't always get to look straight on their faces. Feeling ko nga ang iniisip nila sa akin ngayon ay napakasuplado ko na kahit pa ang totoo niyan ay hindi ko lang sila maalala."

"Si Joshua ba, naalala mo pa?"

Hearing his name had a negative effect inside me which was why I chose not to answer.

Ilang lakad lang din ay nasa tapat na ako ng building namin. Hinarap ko siya para sana ay magpaalam na kaso bigla niya akong siningitan ng kanyang tanong, "May kasama ka ba ngayon sa inyo?"

I was weirded out by the question. "Wala naman. Bakit mo natanong?"

"Kung gusto mo, ituloy natin ang kwentuhan natin sa inyo?"

It was hard to know why he had asked such a question. It's not like we had a good talk from the moment we met from the terminal, e puro mga simpleng batuhan lang kami ng mga tanong at sagot, iyon lang. Ano bang klaseng kwentuhan ang tinutukoy niya? Gusto ba niyang pag-usapan namin si Joshua?

"O kung masyado ka na palang pagod ngayon, pwede naman ding ibang araw na lang," sabi niya.

"No, it's fine. I'm free today."

"Are you sure? Kagagaling mo lang sa trabaho."

"It's fine, really. Saka magkekwentuhan lang naman tayo. It's a good opportunity rin dahil hindi tayo gaanong nakakapag-usap sa school. This time, I might get to know more about you."

It might seem like I was flirting at him, but the truth was I was testing him. Kung totoo kasing magkakilala sila ni Joshua at lagi nila akong napag-uusapan, malamang may ideya siya kung anong nagaganap sa loob ng apartment ko. I just wanted to know if what I said might throw him off, or if he was actually into me, and if he would return the favor.

He simply shrugged. "Cool."

And it surprised me how simple his answer was. Just one word. Hindi man lang niya ako binigyan ng kahit anong clue kung alin man sa mga pinag-iisip ko ang pinakamotibo niya.

But I guess inviting him in my apartment wouldn't hurt. Ano man ang mangyari sa amin doon, kung may maganap bang pagtatalik sa pagitan namin o kung purong kwentuhan lang ang mangyari, hindi na rin ako lugi roon. Besides, I wasn't tied at all to anyone. Wala namang magagalit. Wait, no. Wala naman talagang may pakialam.

Inside my unit, I began treating him like a normal guest. I switched on the television, pinaupo ko siya sa sofa, nagmadali sa paglinis ng mga kalat at pinaghanda ko siya ng isang simpleng hapunan. If Ryle were here, sasamahan ako noon dito sa counter habang nagluluto, but he's no longer here so I shouldn't be thinking about it.

"How are you coping by the way?" tanong ni Zyion mula sa sofa.

I bet he's referring to Joshua leaving me. He might be a bit late to the news of me finally able to move on from him, but I guess he had no way of possibly knowing that because no one else knew that it was Ryle who I was with from these past few weeks. "Okay naman. Umiyak lang ako ng ilang araw at tapos na."

Kung nakikita lang niya iyong paggewang ng kutsilyo habang naghihiwa ako ng patatas, malalaman niyang nagsisinungaling ako. I went through worse. Hindi niya alam kung gaano katindi ang naging epekto sa utak ko ng biglaang hindi na lang pagpaparamdam ni Joshua. That if Ryle hadn't come and saved me, I don't think no one will.

"Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa kanya?" sabi ni Zyion sa gitna ng pag-inom ng drinks.

"Fuck him."

He chuckled and almost choked from drinking. "That's what I thought."

With a relative of Joshua here in my place, I can't help but remember those days that led up to him leaving me. I could still feel the heavy itch in my throat as I screamed, "Mamili ka Joshua! Ako o siya?" Ang lakas ng loob kong makapagsabi ng ganoon. Kung makaasta ako'y parang nasa isang teleserye lang ako. Nakakatawa.

Omelette na may patatas at kaunting bacon lang ang kaya kong ipaghanda sa kanya na alam kong mabilis agad maluto. I joined him near the sofa but not so close na baka hindi siya maging komportable. We ate in silence. Ang telebisyon lang ang tanging source ng ingay.

After all, we didn't know each other. Ni hindi nga siya nagbigay ng pangalan niya, parang ini-expect na niyang alam ko na ang pangalan niya. And since sabi naman niya, ka-close niya si Joshua, I expected him to know my name too, so I didn't even bother mentioning it.

"Matagal na kitang gustong kausapin tungkol kay Joshua," umpisa niya nang hindi nakatingin sa akin. "Hindi ko lang magawa dahil malamang wala ka pa sa mood na pag-usapan siya noon, baka makasagabal lang ako."

"And what, you think naka-move on na ako ngayon?"

"Aren't you? Hindi pa ba halata sa inyo ni president?"

Hindi man niya nabanggit ang pangalan ni Ryle, pero dahil parehas na tao pa rin naman ang tinutukoy niya ay hindi ko maiwasang manindig. "We are not together."

"Sigurado ka ba riyan? Tagarito lang ako sa area kaya aware ako kung anong nangyayari."

Asar kong tininidor ang omelette na kinakain ko. "Still, we are not."

"Okay. Fine. Sabi mo e." But from the look on his face, I think he no longer needed confirmation from me, na parang mas gusto na lang niyang paniwalaan ang nasa isip niya.

But I was more bothered by the fact that he knew. Kung alam pala niya ang tungkol sa amin ni Ryle, does that mean may iba pang nakakaalam o nakakahalata? E kuntodo na kami no'n sa pagtago ah?

Para hindi siya magka-ideya na kinakabahan ako sa bagay na iyon, pinasya ko na lang na ibalik kay Joshua ang usapan. "You said you wanted to talk to me about Joshua. Ano naman ba iyon?"

"Ahh. I was just worried about you. I already told you I was his confidant kaya lahat talaga ng bagay tungkol sa inyong dalawa, alam ko. Pakiramdam ko nga para akong nakikinig ng love story ninyong dalawa, told of course from his perspective. Kaya laking gulat ko na lang nang isang araw ay bigla-bigla na lang siyang nagpasyang putulin ang koneksyon ninyong dalawa."

Nahinto ako sa pagkain. Can't believe I was actually dealing about this matter when I thought everything about Joshua was already pushed deep down in my well.

"I just wanted to hear your side," dagdag pa niya. At para na rin siguro maipahiwatig niya sa akin na handa siyang makinig, iginilid na niya ang pagkain niyang tapos niya nang kainin.

Nagsalubong ang kilay ko mula sa direksyong tinungo ng usapan. Ano naman kaya ang mapapala niya sa pag-alam ng side ko? Ichi-chismis ba niya ito sa ilang mga kakilala niya? I don't think so. From a hunk like him, I don't think he likes to gossip. O baka naman pakana lang talaga ito ni Joshua? Baka dahil naduwag siya na harapin ako, itong pinsan na lang niya ang pinapunta niya sa akin para magkalapit muli kami?

To stop stressing myself I just asked him exactly what I had in mind. "What for?"

"Para na rin sa ikatatahimik ng lahat. Especially ako."

I looked at him and snorted, laughing. "Ikaw? Ano namang kinalaman mo rito?"

He shrugged like there was nothing weird from his answer. "I felt like a viewer of a good romantic series that wasn't given justice from the ending. And since I only get to hear Joshua's version, it's like I am only getting half of the actual story. Isa pa, kilala mo naman si Joshua 'di ba? He has this tendency to exaggerate things. May mga parte ng kwentong alam kong iniiba niya para lang magmukhang siya itong tama."

"Aren't all men?"

"Lalaki ka rin."

"I'm gay."

He snorted smilingly, like what I said didn't even matter. Nang hindi na siya nagsalita pa, I felt obliged to finally answer his question. "Kinwento ba niya na pinapili ko siya sa pagitan namin ng ex niya?"

"I'm aware of the involvement of his ex pero hindi niya nabanggit na pinapili mo siya."

Of course, he wouldn't. Men don't want to take accountability to the hurt they cause. As much as possible, isisisi nila ito sa iba. Sa akin.

"But he did tell me the reason why he left you," sabi niya.

My heart thumped. I wasn't expecting this.

Dapat ko bang pakinggan? Ready ba ako sakaling malaman ko?

"What is it?" I said without trying to look like I was desperate to know.

"Iniwan ka niya dahil hindi—"

"—hindi ako babae?"

"Dahi hindi ka raw marunong magmahal."

Napanganga ako. "Ano?"

He just looked at me. Like that was it. Nothing more.

"Sorry, I don't—I don't understand."

"There was one time he told you he loves you pero wala ka man lang reaksyon."

"That's it?" Sumandal ako sa sofa sabay malakas na bumuga ng hangin. Sinilip ko pa ang bawat gamit sa bahay na siyang tanging alam kong mga saksi kung gaano ko minahal si Joshua, at gusto ko silang isa-isahin at mapasang-ayon sa akin kung gaano ka-walang kwenta iyong rason na narinig ko. "That's it?"

"Iyon lang ang example niya pero tiwala akong hindi lang iyon natatapos doon. I could tell there's a lot more just from the sadness in his eyes."

I was scoffing the whole time. "Ano itong sinasabi niyang hindi ako marunong magmahal? E lahat nga ng mga kailangan niya pinrovide ko sa kanya? I gave him all of my time, poured every part of my soul to him, tapos ganoon lang ang sasabihin niya?"

"So, you love him?"

I wanted to say yes but my mouth won't move.

He sighed and gave me an expression saying, See?

"I can't answer that now."

"Fine. Did you love him?"

"Yes."

"Your yes sounded weak."

"I don't need to prove anything to you."

"Sure, sabi mo e. But think about it. You may tell anyone you know how to love as much as you like, but maybe it's what your mind wanted to believe? What about your heart? It should be your heart answering it."

I scoffed. "Nakakabwisit itong ginagawa mo."

Ngumiti lang siya at nag-unat ng kanyang mga braso. "Go on. Think about it," pahabol pa niya.

It landed on me like a killing blow.

Hindi ko tuloy alam kung anong dapat isipin sa pagbisita niya sa unit ko. Dapat ba akong magpasalamat o mainis nang tuluyan?

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...