DS #1: Snatching The Billiona...

By Gixxserss

376K 11K 384

Si Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Wakas
Phoenix and Lei's son story below
Pierce and Amanda's story below(2nd son)
Special Chapter

Chapter 37

7.9K 220 1
By Gixxserss

"Dad!" untag ni Lei pagkatapos bumaba sa kotse. Nasa labas kasi ito at nagkakape. Nakasuot siya ng sumbrero at kulay itim na shades.

Nagulat naman ang matanda dahil sa pagdating nila. Napatayo siya at binigyan ng yakap ang anak. Napansin nito ang pagiging masigla at liwanag ng mukha niya.

Mahigpit na niyakap ni Lei ang ama. Siniksik niya ng mabuti ang mukha sa dibdib nito.

"Anak, kamusta? Napaaga yata ang uwi ninyo?" tanong niya at lumingong kay Xander na buhat-buhat ang natutulog na si Phyton.

"Okay lang, dad. Salamat sa lahat-lahat," sambit niy na hindi pa rin kumakalas sa yakap. Nagtaka naman si Manuel na tinaponan ng tingin si Xander pero nagkibit-balikat lang ito.

"Naku! Anak, wala lang 'yon. Mukhang pagod ka na. Pumasok ka na sa loob," sabi ng daddy niya at pinunasan ang pawis nito sa ulo.

"Dad, nakakaalala na ako!" sambit niya at hinawakan ang magkabilang kamay ng daddy niya.

Gulat naman at takot ang hatid nito sa ama niya, "H-ha?!" tanong niya.

Napangiti si Lei sa kaniya, "Nakakaalala na ako. Kung iniisip mo na galit ako sa'yo, hindi okay? Nagpapasalamat nga ako sa'yo, eh,", sabi niya dito.

Lumiwanag ang mukha ng daddy niya. Nakahinga ito ng maluwag, "Salamat naman, anak." Niyakap niya ulit si Lei ng mahigpit.

"Sinabi na sa'kin ni Xander ang lahat. Isang tanong na lang ang itatanong ko sa'yo, dad. Kung naglayas si nanay, bakit hindi mo kami hinanap?" tanong niya.

Hinawakan ni Manuel ang pisngi niya at tipid na ngumiti, "Dahil may iba na siyang mahal, anak. Pasensya na kung hindi kita binalikan pa. Ayaw ko naman iparanas sa'yo ang buhay ko," sambit niya.

Hinawakan ng anak niya ang palad nitong nasa pisngi niya, "Ang importante magkasama tayo ngayon, 'di ba?" tanong niya ulit. Sobrang lawak ng ngiti niya sa daddy nito.

Tumango ang matanda sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na ganito kabait ang anak niya. Pinalaki siya ng maayos ni Esme. Hindi niya man nakapiling ng ilang taon pero bumabawi na siya.

Nagpahinga sa loob ng kwarto nila si Lei at Xander. Magkatabi silang nakasandal sa headboard ng kama habang ang anak ay natutulog sa gilid ni Lei.

"Sa tingin mo kung niligawan kita noon, sasagutin mo ako?" biglang tanong ni Xander sa kaniya.

Biglang napangiti si Lei sa kaniya, "Ewan. Ang hirap naman kasi taluhin ang mga kaibigan, Xand," sagot niya.

"Mabuti na lang at hindi kita tinalo. Kung 'di walang Phyton ngayon dito," natatawa niyang sambit.

Napailing si Lei sa kaniya habang tumatawa, "Kayamanan ko 'yan nuh!" komento ni Lei sa anak.

"Ako rin, eh. Paano ako kapag bumalik kayo sa kaniya?"

Biglang natahimik si Lei sa tanong na 'yon. Gumuhit ang kirot sa puso niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot at ayaw bumuka ng bibig niya.

"Xander," sambit niya, "Sa tingin mo puwedi pa kaming bumalik sa kaniya?" tanong niya dito. Hindi niya rin naman alam kung ano ang mangyayari pero naaalala niyang mas gusto niya na lang na maging Lei kung paano siya nito tintrato.

Hindi lumingon si Xander sa kaniya, "Mahal mo pa?" malamig nitong tanong.

Napatingin si Lei sa anak niya. Gusto niya ring makilala nito ang totoo niyang ama, "Kahit anong pilit kong isipin na hindi, hindi ko magawa, Xand. Mahal ko talaga siya, eh," sambit nito, "Nasaktan man ako pero 'yong nararamdaman ko dito," tinuro niya ang dibdib niya. Sobrang lakas ng pintig nito, "Gano'n pa rin. Ilang taon man ang lumipas, siya pa rin..."

★★★

Sa mga sumunod na araw ay nagpahanda ng salo-salo si Lei para sa mga kaibigan at daddy niya. Sinama niya na rin pati ang mga katulong.

"Lei, naaalala mo na ako? Sige nga, ano 'yong buhok ko noon?" tanong ni Boboy sa kaniya habang ngumunguya ng pagkain.

"Oo nga, Boboy! Tigas ng anit nito. Syempre kulot ang buhok mo, maitim ka pa no'n nuh!" sabi ni Lei sa kaniya, "Inaasar ka pa ngang uling noon, eh." Dagdag niya sabay tawa ng malakas. Nagsitawanan naman ang iba.

Nakasimangot si Boboy habang nakatingin sa kaniya, "Grabe ka naman, Lei. Moreno lang talaga ako," sagot niya.

"Oh, sige ako naman, ako naman," sabat ni Pedro sa kanila, "Ano ang buo kung pangalan, Lei? Eto, sigurado na 'to mga pre," sabi niya.

Huminto sa pagkain si Lei at tumayo sa upuan niya, "Penindro Ramos Kutong-kutong," sagot niya habang dinuduro si Pedro na nakaupo at nagbabalat ng seafood na hawak niya.

Nabitawan ni Pedro ang hawak niya habang nakaawang ang mga labi, "Alam mo?! Ang pangit pa naman ng apelyido ko!" sambit niya habang nagkalukot-lukot ang mukha.

Tumawa ng malakas si Lei sa reaksyon niya. Umupo ito sa upuan at napatingin kay Xander na seryoso ang mukha, "Bakit? May papahula ka din?" maangas niyang tanong. Sobrang laki ng nguya niya sa pagkain na nasa loob ng bibig niya.

Umiwas ito ng tingin sa kaniya at bumalik sa pagkain. Bigla namang nalungkot si Lei para sa kaniya.

Natahimik ang lahat sa hapag pero hindi napigilan ng isang kaibigan ma tanungin siya tungkol sa anak nito.

"So, alam mo na kung sino ang totoo niyang ama, Lei?" nag-aalalangan na tanong ni Boboy habang tinuturo ang bata na ngayon ay pinapakain ng yaya niga.

Tipid na ngumiti si Lei sa kanila, "Oo, naaalala ko," sagot niya. Hindi na niya dinungtungan pa ang sasabihin. Ayaw niyang lalong masaktan si Xander sa mga sasabihin niya.

Napatakip ng bibig ang dalawa. Tahimik naman na nakikinig lang si Manuel sa anak.

"So, paano 'yan? Babalikan mo ba siya?" tanong ni Pedro sabay tingin sa kaibigang si Xander.

Humigpit ang pagkakahawak ni Xander sa tinidor niya, "Stop it, Pedro. Hindi mo dapat tinatanong ang mga 'yan," matigas na sambit ni Xander sa kanila.

Napatikom naman ng bibig si Pedro at kumain na lang ng tahimik. Gano'n din si Boboy. Patingin-tingin na lang ngayon si Lei sa lalaking nasa tabi niya. Hanggang sa matapos ang salo-salo ay naging tahimik ang lahat.

Nagpunas ng bibig si Manuel bago tinawag ang anak, "Lei, mag-usap muna tayong dalawa," sabi niya.

Hindi nag-alinlangan na tumayo si Lei mula sa upuan niya at sumunod na naglakad papunta sa ama niyang naglakad palabas ng veranda nila. Nagsindi ng sigarilyo ang ama niya habang naghihintay sa anak. Napatingin siya sa malawak na kalangitan.

"Dad," tawag ng anak niya sa kaniya.

Humarap si Manuel sa anak, "Ano ang plano mo pagkatapos nito?" tanong niya at nagpalabas ng usok mula sa bibig niya.

"Luluwas ako ng Manila, dad. Pupuntahan ko ang mga kapatid ko," sambit niya at napayuko, "Dad, tatanggapin mo rin ba sila kagaya ng pagtanggap mo sa'kin dito?" nahihiya niyang tanong. Hindi niya gusto iasa ito sa kamay ni Phoenix.

Tinapon ng ama niya ang sigarilyo sa sahig at inapakan ito gamit ang mamahalin niyang sapatos, "Alam mo kung nasaan sila?" tanong niya.

Napaangat ng tingin si Lei sa kaniya, "Opo, inalagaan sila ng ama ni Phyton. Ang totoong ama niya," sabi niya.

Tumango-tango siya, "Talaga? Mabait ba ang ama ni Phyton? Mabait pa ba kay Xander?" tanong niya sa anak.

Lumabi si Lei sa ama bago tumango, "Mabait siya, dad. Hindi niya naman aakuin ang responsibilidad sa mga kapatid ko kung hindi 'di ba?" tanong ni Lei sa kaniya.

Tumango lang ang ama, "Kung gano'n puwedi namang tumira ang mga kapatid mo dito kung gusto nila. Malaki naman ang bahay na 'to," sagot niya na nakapagpangiti sa anak.

Tumaas ang magkabilang gilid ng labi ni Lei dahil sa malawak niyang ngiti, "Dad, alam mo naman siguro na masasaktan si Xander sa mga gagawin kung ito, sana ituring niyo pa rin siya na tunay na anak," tugon ni Lei sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ng ama. Kitang-kita niya ang mga pelat dito.

"Walang problema, anak. Ipakilala mo lang sa'kin kung sino ang lalaking 'yan at makakatikim siya sa'kin, pinabayaan ka niya." Kumuyom ang bagang nito.

Tumawa naman si Lei sa naging reaksyon niya, "Dad! Aksidente 'yong nangyari. At tsaka napatawad ko na siya sa mga ginawa nito," naging mahina ang boses niya, "Siya din naman ang naging dahilan kung bakit nakakaalala na ako."

Niyakap ni Manuel ang anak, "So, may kasalanan nga talaga siya, Lei? Naku, kahit sino pa siya, makakatikim siya sa'kin," sambit ng ama niya habang nakayukom ang kamao.

"Dad, mabait naman siya." Natatawa siyang niyakap ng mahigpit ang ama na parang pinipigilan ito.

"Kahit na! Humanda siya sa'kin," sagot niya.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay bumalik na sila sa loob. Hinanap kaagad ng mga mata niya si Xander pero hindi niya ito nakita. Napatingin siya kay Boboy.

"Nasa labas siya, nagpapahangin ata." Tumango si Lei sa kaniya at dumeretso sa kusina. Kumuha siya ng dalawang bote ng beer at nagsimulang tinahak ang daan palabas ng mansion. Siguro ay nasa halamanan ito. Doon siya laging nakatambay dahil tahimik.

Bumaba siya sa maliit na hagdan sa bukana ng bahay nila. Dumeretso siya sa kaliwang bahagi at doon niya nakita ang mga benches sa garden. Ilang hakbang pa ang ginawa niya hanggang makita ang likod ni Xander.

Deretso siyang umupo sa tabi nito at inabot ang isang bote ng beer, "Oh, bakit mag-isa ka na naman?" tanong niya.

Kinuha ito ni Xander sa kamay niya, "Salamat. Aalis ka na bukas?" tanong niya.

Isinandal ni Lei ang ulo sa balikat nito, "Oo, sasamahan mo ako?" tanong niya pabalik. Nasanay na siya na lagi itong nandyan.

"Hindi, baka hindi ko kayanin, eh," mapait nitong sagot. Deretso niyang nilagok ang beer na hawak niya hanggang nangangalahati ito.

"Puwedi mo pa rin namang dalawin si Phyton. Ikaw pa rin naman ang daddy niya, Xand," usal ng dalaga. Umayos siya ng upo at uminom ng beer.

Umiling si Xander sa kaniya, "Baka patayin ako ng tatay niyan." Nagbibiro niyang sambit pero may pait na pananalita.

"Hindi naman siya mamatay tao. Mabait naman si Phoenix," sabi niya.

"Pupunta akong States, Lei. Dadalhin ko si Dad sa pamilya niya, doon na rin siguro ako mananatili," huminga ito ng malalim at tiningnan ang ang bote na hawak niya.

Napatingin sa kaniya si Lei, "Kung gusto mong umalis magpaalam ka man lang kay Phyton. Alam mo naman na sanay na 'yon sa'yo, Xand," tugon niya na may halong panghihinayang. Hinawakan niya ito sa braso, "Pakiusap, kapag aalis ka magpaalam ka kay Phyton." Namula ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang mga luha. Kinagat niya ang labi at binitawan si Xander.

"Lei, 'wag kang umiyak. Alam na alam ko 'yan. Hindi pa naman ako aalis," sabi niya sabay hila ng balikat nito papalapit sa kaniya. Isinandal ni Lei pabalik ang ulo niya.

"Paano kasi kung hindi niya matanggap si Phoenix na magiging  ama niya?" natatakot niyang tanong.

"Anong hindi? Kaibigan niya nga ang lalaking 'yon, eh." Umirap si Xander at tumingala sa langit. Kumikinang ang mga bituin.

"Kasi ikaw ang namulatan niyang ama. Umiyak nga 'yon ng sinabi mo na iiwan mo siya, eh!" asik niya at pinunasan ang luha. Tumawa naman si Xander sa kaniya, "Kapag sa sofa ka natutulog, sinisiksik niya din ang sarili niya sa'yo," dagdag pa niya.

Biglang napaisip si Xander. Tama nga siya, kahit anong layo niya sa bata ay lumalapit pa din ito. Kapag lumilipat siya ng higaan at gumising si Phyton na wala siya lumilipat din ito sa tabi niya.

"Ewan ko ba sa kaniya. Siguro dahil hindi mo siya niyayakap," pagbibiro ni Xander sa kaniya.

"Anong hindi? Naghahanap kasi ng pagmamahal ng tatay 'yon!"

Bumuntong-hininga si Xander at tumayo kaya nauntog ang ulo ni Lei sa balikat niya.

"Aray ko!" napahimas siya sa ulo.

Tumayo sa harapan niya si Xander at kinuha ang kamay niya, "Tara na, kanina pa ata naghihintay si Phyton sa'tin," sabi niya at ngumiti.

★★★

Kinabukasan ay napadesisyonan din ni Xander na samahan silang mag-ina. Iiwan kasi muna si Lei si Phyton sa kaniya. Hindi siya sigurado kung doon pa ba tumutuloy si Phoenix sa penthouse niya dahil may sarili naman itong bahay.

"Anak, mag-ingat kayo!" paalam ng daddy niya. Nagyakapan silang dalaw.

"Salamat, dad. Tatawag na lang ako, okay? Mag-ingat ka din dito, 'wag kang manigarilyo lagi!" pinanlakihan niya ito ng mga mata habang nagbabanta ang mukha.

Tumawa ito, "Oo nga. Paulit-ulit ka, eh."

"Sinisigurado ko lang, dad. Matigas kasi ang ulo niyo."

"Hindi ah!" depensa nito.

Nagpaalam na silang tatlo. Si Phyton todo kaway naman sa lolo niya kahit umaandar na ang kotse na sinasakyan nila.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 231K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
14.9K 374 35
THE SEXY NERD'S HUNK GANGSTER This is the story of a sexy nerd STACEY MANUEL and the Hunk Gangster CRISSEN TOM "HELL" ROSS. For open-minded only. Rea...
233K 3.8K 52
Highest Rank Achieved #1 in trending #3 on popular #8 in romance #4 on love #9 on age The Billionaire's High School Wife "Daddy maawa ka naman! Pati...
182K 3K 50
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...