I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.4K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 13

102 48 10
By bluereinventhusiast

9:30 PM

Tumingin ako sa kalangitan nang natanaw ko ang mga bituin at buwan na kay liwanag sa gabi. Napangiti ako habang minamasdan ko ito nag biglang may dumating na – shooting star.

"Ayun may shooting star! Mag-wish ka Xeinna!" malakas na sigaw sa akin ni Kuya.

Ipinikit ko ang aking mata upang humiling sa shooting star.

"Sana ay ganito na lang palagi ang buhay namin, yung masaya at matagumpay bilang isang pamilya." mahina kong bulong sa kalangitan pagkatapos ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Napatingin ako kina Mommy, Daddy at Kuya pagkatapos ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na napapangiti habang minamasdan sila.

Lumapit ako sakanila at yumakap sakanilang tatlo pagkatapos ay dinama ko ang init ng aming mga yakap sa malamig na simoy ng hangin. Kumalas na ako sa yakap at ngumiti sakanila.

"Ang saya naman ng gabing ito, nais ko ulit itong maulit sa mga susunod pang linggo." nakangiting sabi sa amin ni Mommy.

"Gagawin natin to ng madalas kapag libre na ang mga oras natin, minsan kailangan din natin magpahinga sa buhay pero lalaban palagi." nakangiting sabi sa amin ni Daddy.

"O siya, pumasok na kayo sa loob boys. Kami nang bahala rito sa mga pagkain at latag. Magpahinga na kayo." nakangiting sabi ni Mommy kina Daddy at Kuya.

"Sigurado kayo? Malalim na ang gabi, pwede na kami ang magligpit niyan." nagaalalang sabi ni Daddy kay Mommy.

"Daddy pagod na ko!" mahinang bulong ni Kuya kay Daddy pero sapat na para marinig ko.

"Kuya kung magrereklamo ka, siguraduhin mong di ko naririnig." masungit kong sabi kay Kuya.

"Sige na mahal, kami nang bahala okay? Magpahinga na kayo." nakangiting sabi ni Mommy kay Daddy.

Tumingin lamang sa akin si Daddy na tila'y tinatanong ako kung ayos lang ba sa akin at sinagot ko siya gamit ang aking mga tingin na inaassure siyang kami na ang bahala ni Mommy rito.

Pumasok na sa loob sina Daddy habang nakaakbay ang isang braso ni Daddy kay Kuya. Pinagpatong-patong ko na ang mga plato gayundin ang mga baso pagkatapos ay pinagsama-sama ko ang mga kutsara't tinidor at dinala na ito papasok sa kusina namin. Inilapag ko muna ang mga kagamitang ito sa lababo upang balikan si Mommy doon sa pagliligpit.

"Mommy, kamusta? Ang saya niyo kanina ni Daddy ah. Kitang kita ko sa mga mata niyo yung pagmamahal sa isa't isa. Ang swerte namin dahil naging magulang namin kayong pareho ni Daddy." nakangiting sabi ko kay Mommy habang dala ko ang mga pagkaing natira kanina.

"Actually di ko naman talaga ineexpect yung pangyayari kanina, kita niyo naman sa mga mata ko ang gulat nang biglang tumugtog ang kapatid mo at nagsimula ka ng kumanta. Noon ay nangako sa akin ang Daddy mo nung magkasintahan pa lang kami na sa maliwanag na buwan ay isasayaw ako palagi ng Daddy mo gabi-gabi." nakangiting kwento naman sa akin ni Mommy habang dala rin niya ang iba pang pagkaing natira kanina papuntang kusina.

"Napaka-sweet talaga ni Daddy no? Nakakatuwa talaga kayong pagmasdan sa tuwing nasisilayan ko kayong magkasama. Kakaiba sa pakiramdam pero masarap." nakangiting sabi kong muli kay Mommy.

Pinagmasdan ako ni Mommy at nginitian ako nito habang inilalagay sa fridge ang mga tirang pagkain kanina.

"Anak, sinabi ko noon sa sarili ko na kapag nagkaroon ako ng asawa ay sana siya na talaga tapos yung tipo bang magiging isang love history ang kwento namin sa harap ng mga anak namin. Ikwekwento namin sakanila paano nagsimula ang lahat tapos kukulitin kami ng mga anak namin para ituloy ang kwento. Halos lahat ng mga babae, ganun ang pinapangarap nila. Isang masaya at buong pamilya na punong puno ng pagmamahal at tawanan." nakangiting kwento ni Mommy sa akin habang patuloy siya sa paglalagay ng mga tirang pagkain kanina.

"Mommy, alam mo naman dibang mahilig ako sa libro kaya nga ngayon ay isa na akong manunulat katulad nila. Na-inspire rin kasi sa mga kwentong binabahagi nila na hindi lang basta nakakatuwa pero nakakapagbigay-aral sa mga nakakabasa nito. Bago ako naging manunulat ay nagumpisa muna ako bilang isang mambabasa. Madalas ganyan na ganyan din nagsimula ang love story nila. Minsan ay hindi maganda ang unang pagkikita pero nagiging maganda naman ang susunod pero kadalasan maganda ang unang pagkikita pero sa mga susunod ay hindi pero sa bandang huli sila naman pala talaga ang nakatadhana sa isa't isa." nakangiting kwento ko naman kay Mommy habang hinuhugasan ang mga ginamit namin kanina.

"Ganun naman kasi talaga ang pagibig anak, hindi mo naman masasabi kung sino talaga ang para sayo. Mararamdaman mo nalang paggising mo isang araw, tinamaan ka na sa taong yun. Naniniwala ako na kapag nasa isang relasyon ka, kailangan piliin niyong dalawa na magwork ang relasyon niyo para magtagal kayo. Yung tipong kahit mag-away kayo ng malala, aayusin niyo pa ring dalawa. Hindi pwede palaging isa lang palagi ang gumagalaw sa isang relasyon. Bakit pa kayo tinawag na mag-partner kung nagiisa ka lang diba? Habang patagal ng patagal, mas nakikilala niyo ang isa't isa. Mas nagiging malalim ang koneksyon niyo." nakangiting sabi ni Mommy sa akin pagkatapos ay isinarado na niya ang fridge namin at tumungo sa gawi ko.

"Mommy, bakit yung iba naghihiwalay kahit ang tagal na ng relasyon nila sa kadahilanang di pa raw nila kilala ang isa't isa?" nagtatakang tanong ko kay Mommy.

Bahagya itong natawa sa aking tanong ngunit tinignan ako ni Mommy sa mata bago niya sinagot ang katanungan ko.

"Hindi naman sa tagal ng panahon nasusukat kung gaano mo kakilala ang isang tao. Minsan nga yung 10 years mo nang kasama, may mga bagay at bagay pa rin kayong hindi niyo alam sa isa't isa pero meron naman na kahit 10 months mo lang kasama, kilalang-kilala ka na niya agad." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

"Naniniwala talaga ako Mommy na sa buhay natin, meron lang na dalwang tao na darating sa buhay natin. Yung una ay blessing at yung pangalawa naman ay lesson. Kapag nagmahal ka kasi diba yung puso mo yung sinusunod mo kesa sa isip mo dahil yun naman ang nagmamahal. Kapag nasaktan ka, yun yung mga taong lesson sa buhay mo. Sila yung magpaparealize sayo na may mas better pang darating sa buhay mo na talagang deserve mo tapos doon darating yung pwedeng maging blessing ng buhay mo. Yung tipong mas better at mas deserve yung pagmamahal mo." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"One day you'll live with a person you've prayed for. Yung tipong tatanggapin at mamahalin ka ng buong buo. Always remember that the right person won't run away when the things don't work out." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

Nasabunan ko na lahat ng mga ginamit namin kanina pagkatapos ay si Mommy na ang nagbanlaw ng mga iyon.

"Magpahinga ka na anak, alam kong pagod ka pero salamat dahil tinulungan mo pa rin ako." nakangiting sabi ni Mommy sabay pat ng aking ulo at halik sa aking noo.

"Sure ka Mommy? Kapag tapos ka na dyan, magpahinga ka na rin ah. Alam kong pagod ka ngayong araw, deserve mo rin magpahinga okay? Don't worry about me. I'm happy na nakatulong ako sainyo." nakangiting sabi ko kay Mommy sabay yakap sakaniya ng kay higpit.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko pagkatapos ay naghalf bath ako pagkatapos ay naglagay na ako ng skin care ko para sa gabi at nag-lotion.

Kumuha na ako ng damit pantulog at kaagad ko naman iyong sinuot. Nagsuklay na rin ako ng buhok at pinatuyo ko muna ito bago ako matulog. Nang matuyo na ang buhok ko ay naghanda na ako sa paghiga at nagdasal pagkatapos noon ay nilamon na ako ng antok.

6:45 AM

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng isang malakas na kalabog galing sa baba. Bumangon na ako sa kama at hindi na inintindi kung anong itsura ko pagkatapos ay kaagad akong bumaba ng hagdan para tignan kung anong nangyari.

Napatingin na lamang ako kay Mommy at sa nabasag na malaking plato. Kinuha niya ang mga pitak na piraso ng plato pagkatapos ay winalis niya ang iba para masigurong ligtas ang daanan doon.

Napalingon sa gawi ko si Mommy pagkatapos ay binitawan niya muna ang hawak niyang walis at dustpan bago ako nilapitan at nagsalita sa aking harapan.

"Anak, ang aga mo ngayon ah? Gusto mo na bang kumain? Ipaghahain na kita." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

"Sige po Mommy, tawagin ko na rin si Kuya para sabihing kakain na." nakangiting sagot ko naman kay Mommy.

Paakyat na sana ako ng hagdan ngunit nakita ko ang maliit na sugat ni Mommy sa daliri niya.

"Mommy, anong nangyari dyan sa kamay mo? Nagdudugo oh. Tara gamutin muna natin yan." nagaalalang sabi ko kay Mommy habang hawak ang mga kamay niya.

"Wala ito anak, wag mo nang pansinin. Malayo ito sa bituka okay? Tawagin mo na ang Kuya mo at kakain na tayo." malumanay na utos ni Mommy sa akin.

"Mommy huwag ka nang magmatigas, gagamutin natin yan. Kukunin ko lang yung First Aid Kit natin dyan. Wag kang aalis." sabay lakad papuntang First Aid Kit pagkatapos ko itong kuhanin ay bumalik agad ako para gamutin ang sugat ni Mommy.

"Okay lang naman kasi ako anak, hayaan mo na." malumanay na sabi sa akin ni Mommy.

Hindi ko siya pinakinggan sa halip ay hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at kumuha ng bulak pagkatapos ay idinampi ko ang bulak na may kasamang alcohol. Nilinis ko muna ang sugat ni Mommy bago ko ito lagyan ng band aid.

"Maraming salamat anak, tawagin mo na ang Kuya mo at sabihin mo kakain na tayo. Maghahain lang ako." nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Sige po, ingatan mo yang sugat mo Mommy baka mamaya dumugo na naman yan." nakangiting bilin ko kay Mommy habang naglalakad papuntang hagdan.

Umakyat na ako sa kwarto ni Kuya at kumatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto.

Bumungad sa akin si Kuya na nakahilata pa rin hanggang ngayon at halatang sarap na sarap sa kaniyang tulog. Inalis ko na ang kumot niya pagkatapos ay tinapik-tapik ko ito ngunit parang walang epekto kaya sinigawan ko na siya at hinihila para bumangon ng kama niya.

"Ano ba! Natutulog naman yung tao oh, ano bang kailangan mo?" nakabusangot na sabi ni Kuya sa akin habang nakaupo at kinukusot-kusot ang kaniyang mga mata.

"Kakain na kasi ng breakfast, tulog mantika ka na naman kasi kaya ayan tuloy inabot mo sa akin. Tara na! Naghihintay na si Mommy sa baba." malumanay kong paliwanag kay Kuya.

"Sige sige, mauna ka na. Susunod nalang ako. Magaayos lang ako ng sarili ko tapos bababa na rin ako mamaya." kalmadong sagot sa akin ni Kuya.

"Bumababa kaagad kundi babalikan kita rito baka mamaya tumulog ka na naman dyan." malumanay na sabi ko kay Kuya.

"Oo na nga! Lumabas ka na ng kwarto ko, ang dami mong sinasabi. Masyado ka ng matalak dyan." naiinis na sabi ni Kuya sa akin.

"Naninigurado lang, mamaya kasi tulog ka naman tapos pahihirapan mo na naman akong gisingin ka." sabay irap kay Kuya.

"Wala naman akong sinabing gisingin mo ako sa umaga ah, alis na sabi sa kwarto ko at mag-aayos ako." kalmadong sabi ni Kuya sabay hila sa akin papuntang pinto at pinalabas ako sabay sarado ng pinto.

Bumaba na ako ng hagdan at nadatnan ko si Mommy na naghahain ng pagkain namin.

"Nasan ang Kuya mo? Bakit hindi pa bumababa?" nagtatakang tanong ni Mommy sa akin.

"Mag-aayos lang daw sandali Mommy, alam mo naman yon conscious na conscious sa sarili niya dinaig niya pa akong babaeng kapatid niya e." natatawang sagot ko kay Mommy.

"Maingat lang siguro talaga siya sa katawan niya, alam mo na. Binata na kasi ang Kuya mo. Hindi na nga ako magtataka kung isang araw eh may dadalhin na babae yan dito sa bahay. Wala naman kasing nasasabi pa ang Kuya mo kung may nagugustuhan o may pinopormahan na ba siya kaya wala din akong ideya sa buhay love life ng kapatid mo." nakangiting paliwanag ni Mommy sa akin.

"Hindi naman na bago yun Mommy pero sana makayanan niyo din ni Daddy kapag dumating na rin ang araw na bubuo na kami ng sarili naming pamilya." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Mahirap pero kakayanin. May sarili kayong buhay at kayong bahala kung anong tatahakin ninyo sa hinaharap. Kami ay taga-gabay lamang sainyo kung sakali mang nagkakamali na kayo ng landas na tinatahak. Hindi namin mapipigil ang puso niyong magmahal at mahalin ng isang tao." nakangiting sagot ni Mommy sa akin.

Ilang minuto pa ang lumipas nang bumaba si Kuya galing kwarto niya.

"Buti naman lumabas ka na Kuya, ang tagal mo. Gutom na ako kanina pa." masungit kong sabi kay Kuya.

"Alam mo naman na matagal akong natatapos mag-ayos ng sarili ko. Kailangan gwapo lagi." sabay kindat niya na ikinangiwi ko naman.

"Tigil-tigilan mo na nga yan Kuya, naasiwa ako sayo. May pakindat-kindat ka pang nalalaman. Patagal ng patagal, pa korni ka na ng korni ha." natatawang sabi ko kay Kuya.

"Grabe ka naman Xeinna, di mo na ba si love si Kuya?" nagpapaawang sabi nito sa akin.

"Love kita Kuya pero kung ipagpapatuloy mo yang kakornihan mo, ewan ko nalang talaga." natatawang sabi ko kay Kuya.

"Hindi ka pa kasi naiinlove kaya ganyan ka." nakangising sabi sa akin ni Kuya sabay gulo ng buhok ko.

"E bakit ikaw Kuya, nainlove ka na? Makapagsalita to, akala mo nainlove na tch." sabay irap ko sakaniya sabay hampas sakaniya.

"Hindi pa ba? tch." sabay titig sa akin ng malalim.

"Tigilan mo nga ko Kuya, mamaya kung sino-sino dinadala mo rito sa bahay kapag wala kami ah. Pumili ka ng disente na babae ha, hindi yung napulot mo lang dyan sa kanto." sabay pat sa kaniyang braso.

"Sus, pipili ba naman ako ng wala lang? Ano yun wala akong taste? Grabe ka naman." natatawang sabi sa akin ni Kuya.

"Malay ba naman namin kung anong type mo, wala ka namang sinasabi kung anong trip mo sa isang babae tapos wala ka ding ni isang babaeng dinala rito sa bahay so paano aber?" masungit kong sagot kay Kuya.

"Hmmmm, ano nga bang type ko? Basta parang katulad ni Mommy or katulad mo. Ganun yung gusto ko." nakangiting sabi ni Kuya.

"Kuya nagiisa lang kami sa mundo as if naman na maging girlfriend mo kami ni Mommy diba? Ang korni." natatawang sagot ko kay Kuya.

"Eto naman katulad lang di ko naman sinabing kayo ang gagawin kong girlfriend pero witty ka doon." natatawang sabi ni Kuya.

"Hep! Kakain tayo ng breakfast o magbabangayan na naman kayo dyan? Nasa harap kayo ng hapagkainan. Mahiya naman kayo sa grasya ng Diyos." naasiwang sabi ni Mommy sa amin ni Kuya.

"Eto na po Mommy, titigil na kami ni Xeinna. Dasal muna po pala tayo." kalmadong sagot ni Kuya kay Mommy.

"Ako na maglead." malumanay na sabi ni Mommy sa amin ni Kuya.

Nag Sign of the Cross muna kami pagkatapos ay sinundan namin ang prayer ni Mommy.

"Bless us, Oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ, Our Lord." lead ni Mommy ng prayer.

"Amen." sabay Sign of Cross ulit.

"Kumain na kayo, lumalamig ang pagkain." malumanay na utos sa amin ni Mommy.

Kumuha ako ng fried rice pagkatapos ay kumuha rin akong itlog at hotdog pagkatapos ay nagsalin na rin ako ng tubig sa baso ko kung sakaling mabulunan naman ako.

"Bilisan niyo kumain, mamaya malate kayo sa first subject niyo." maawtoridad na sabi ni Mommy sa amin.

Tumititig lamang sa akin si Kuya na parang nagsasabing alam ko na ba ang balita.

"Ano ba yun Kuya? Kanina ka pang senyas ng senyas dyan e." naiiritang sabi ko kay Kuya.

"Seryoso ka ba talagang hindi mo alam?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya.

"Magtatanong ba naman ako kung alam ko diba?" sarkastikong sabi ko kay Kuya.

"Well I guess, hindi ka na nagcheck ng phone at nagscroll sa social media kagabi. Nagannounce yung dean na may 1 week seminar ang lahat ng teachers natin kaya natural na wala tayong pasok today bale next week pa ang balik natin." kalmadong paliwanag sa akin ni Kuya.

"Ano plano mo Kuya? 1 week din yon." malumanay kong tanong kay Kuya.

"Well baka makipaglaro nalang ako kina Vince at Ulysses. Tambay nalang muna, ikaw ba?" kalmadong tanong sa akin ni Kuya.

"Hindi ko pa alam, biglaan e. Magtatanong din ako about sa bakasyon natin next week para mapag-usapan ulit." nakangiting sagot ko kay Kuya.

"Ay oo nga pala, next week na nga rin pala yon no? Pabilis lagi ng pabilis ang araw. Hindi ko napapansin na mamaya Sabado't Linggo na naman. Sakin kasi, hindi ko na masyadong iniintindi ang oras o kung anong petsa na ba? Basta gising, thank you Lord. Hindi ko na masyadong inaalala yung mga ganoong bagay, ang mahalaga ay yung buhay at masaya." kalmadong sabi ni Kuya sa akin.

"Patingin nga ako nung announcement nung dean Theodore, mamaya niloloko mo lang ako at ayaw mong pumasok." masungit na utos ni Mommy kay Kuya.

Kinakapa ni Kuya yung phone niya sa bulsa pero walang phone doon kaya umakyat ulit sa hagdan para kunin ang phone niya.

Nagpatuloy ako sa pagsubo at pagkain ng almusal nang biglang bumaba si Kuya galing taas.

"Eto Mommy oh, ayan ang evidence ko para maniwala kang hindi ako nagsisinungaling. Alam mo naman na goodboy ako diba? Hindi ako gagawa ng kalokohan sa school Mommy, maniwala ka sakin." binigyan ng assurance ni Kuya si Mommy na wala itong gagawing katarantaduhan sa school.

"Gusto mo rin bang tignan?" kalmadong tanong sa akin ni Kuya.

"Yep, saan ba?" habang sumusubo ng fried rice.

"Eto oh, ayan tignan mo." sabay abot sa akin ng phone niya.

"Ay hanep, totoo nga. Ang saya naman nito, 1 week. Ano kayang magandang gawin hmmm?" excited na sabi ko kay Kuya.

"Try mo munang i reach out ang mga kaibigan mo, malay mo wala rin silang gagawin. Bonding kayo, girl's time ba kumbaga." nakangiting sabi ni Kuya sa akin.

"Ano, iiwan niyo na ako rito mag-isa? May kaniya kaniyang lakad na kayo ah." nakabusangot na sabi ni Mommy sa amin ni Kuya.

"Mommy wag ka nang malungkot, mags-spend pa rin naman kami ni Kuya ng time sainyo ni Daddy. Gusto lang din naman namin maenjoy yung 1 week with our friends. Tandaan niyo palagi na kahit saan man kami mapunta, dito at dito pa rin kami uuwi at kayo pa rin lagi ang uuwian namin ni Kuya sa paglipas ng panahon okay?" nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Tama po si Xeinna, wag ka na pong magpakastress Mommy. Dadami lalo ang wringkles mo niyan, gusto mo ba yun?" mapagbirong sabi ni Kuya kay Mommy.

"Heh! Tumigil ka nga Theodore! Puro ka biro, akala mo naman talaga nakikipagbiruan ako sayo." naiinis na sagot ni Mommy kay Kuya.

"Eto naman si Mommy, masyadong seryoso. Gusto ko lang naman kayong patawanin. Wag ka nang masyadong mag-isip pa okay? Hindi naman mababago na anak mo kaming dalawa. Dito ang bahay namin at kayo ni Daddy ang mga magulang namin." nakangiting sabi ni Kuya kay Mommy.

"Mommy, wag kang magisip-isip ng kung ano ano. Hindi naman kami mawawala dyan e." sabay turo ko sa puso niya.

"Tama po si Xeinna. Hindi naman porket pwedeng may tsansang mawala kaming pisikal sa tabi niyo e ibig sabihin nun ay nawala na kami sa puso niyo. Tandaan niyo po palaging yan ang magpapaalala kung ano ang pagmamahal naming magkapatid sainyo at kung ano ang pagmamahal niyo samin bilang isang ina." sabay hawak niya sa puso ni Mommy.

"Mahirap talaga pero kakayanin, wala rin akong magagawa e. Hindi ko naman mapipigil na magmahal kayo at mahalin. Habang patagal ng patagal ay dapat unti-unti ko na ring tanggapin na hindi habang buhay samin iikot ang mundo niyo. Darating at darating din sa point na kailangan mong palayain sa sobrang pagmamahal mo dun sa tao na mas pipiliin mo yung maging masaya sila kahit na ikakasakit mo." nakangiting sabi sa amin ni Mommy sabay hawak sa kamay ni Kuya na nasa puso niya.

"Matagal pa naman ang mga pangyayaring yun Mommy. Gusto pa naming makapagtapos ng pagaaral, magkaroon ng business together, magtravel together, i-enjoy muna ang buhay dalaga/binata tsaka na muna yang pagboboyfriend at pagaasawa. Masyado pa naman kaming bata ni Kuya para sa ganyang bagay. Ang dami pa naming mga pangarap na gustong matupad kasama kayo kaya wag kang mag-overthink dyan okay? Hindi pa kami mawawala sa tabi mo, nandito lang kami palagi." nakangiting sabi ko kay Mommy sabay yakap sakaniya.

"Ipangako niyo sa akin na wag makakalimot kahit tumanda na kayo, magulang niyo pa rin kami. Kayo pa rin yung mga anak kong minahal at inaruga ko nang mahabang panahon. Ina niyo pa rin ako, anak ko pa rin kayo. Walang magbabago kung paano dati, ganun pa rin." nakangiting sabi sa amin ni Mommy.

"Oo naman Mommy, nangangako po kami. Walang magbabago, kayo pa rin ang ina namin. Kami naman ang anak niyo. Hanggang sa pagtanda, kasama namin kayo." nakangiting sagot ko kay Mommy.

"Nangangako ako Mommy, walang pagbabagong mangyayari." sabay pag-sumpa ni Kuya sa pangako na tutuparin ito.

"O siya tara na! Kumain na tayo! Ang dra-drama na natin." natatawang sabi ni Mommy sa amin.

Umupo na kami sa mga inupuan namin kanina pagkatapos ay tinuloy ko ang pagsubo ng pagkain.

"Theodore, may nagugustuhan ka na ba or pinorpamahan? Wala pa akong makitang babaeng dinadala mo dito sa bahay ah." nagtatakang tanong ni Mommy kay Kuya.

"Baka bakla po si Kuya, don't worry Kuya tanggap ka na namin ni Mommy. Wag mo ng itanggi." nakangising sabi ko kay Kuya.

"Manahimik ka nga dyan Xeinna! Di ako bakla okay? Wala pa lang talaga akong makitaan na babaeng magugustuhan ko at popormahan ko kaya ganun. Walang pasok sa taste ko." nakabusangot na sagot sa akin ni Kuya.

"Ah ganoon ba anak? Baka mamaya maunahan ka pa ng kapatid mo magka-boyfriend." natatawang asar ni Mommy kay Kuya.

"Mommy naman! Pati ba naman kayo makikisali sa pangaasar sakin ni Xeinna?" tila dismayadong sabi ni Kuya kay Mommy.

"Wag ka kasing pikon Kuya, nagbibiruan lang naman kasi tayo. Masyado kang seryoso." nakangisi kong sabi kay Kuya.

"Di ko hinihingi opinion mo ah, ikaw ba tinatanong huh?" napipikon na sabi ni Kuya sa akin.

"Wala akong pakialam. Bakla ka lang kasi, hi Ate Adrixennas!" natatawang asar ko sakanila.

"Wala ka pa lang pakialam, bakit nakikisabay ka?" mapang-asar na sabi ni Kuya.

"Bakla!" mapang-asar kong tawag sakaniya.

"Panget!" mapang-asar naman niyang tawag sa akin.

"Hay nako, tinanong ko lang kung bakit wala pang dinadalang babae at kung may nagugustuhan/pinopormahan. Kung saan-saan na napunta ang usapan." napasapo nalang ang kamay niya sa kaniyang noo na tila nasstress sa pangyayari.

"Ikaw kasi, tumigil ka na nga. Ayaw nalang kumain, ang dami pang dada." napipikon na sabi ni Kuya sa akin.

"Pikon ka na niyan? Kawawa ka naman." natatawang sagot ko kay Kuya.

"Tumigil na kayo ha, malilintikan na kayo sa akin." maawtoridad na sabi ni Mommy sa aming dalawa kaya tumahimik na kami ni Kuya at nagpatuloy sa pagkain ng almusal.

Lumipas pa ang ilang minuto ay nakatapos na akong kumain at hinugasan ko na ang pinagkainan ko.

"Akyat muna ako sa loob Mommy, magche-check lang ako ng phone ko." nakangiting paalam ko kay Mommy.

"Sige anak, ako nang bahala rito. Umakyat ka na." nakangiting sabi sa akin ni Mommy.

"Xeinna nag-chat sa akin sa akin ang mga kaibigan mo, pakitignan daw yung messages nila sa groupchat niyo." kalmadong sabi ni Kuya.

"Copy, sabihin mo intayin nalang nila ako." malumanay na sagot ko kay Kuya.

"Sure, chat ko na rin sila na paakyat ka na." kalmadong sabi ni Kuya.

Naglakad na ako papuntang hagdan at umakyat na sa taas para pumunta sa kwarto ko nang marating ko ito ay kaagad akong pumasok sa loob at hinanap ang phone ko.

Nakita ko na ang phone ko, nasa study table pala. Ini-open ko na ang phone ko pagkatapos tinurn-on ko ang wifi para macheck ang messages nila sa Messenger.

Nagulat ako nang bumungad sa akin ang mga messages nila, ang dami. Binuksan ko muna ang messages nina Nicole.

G I R L S

Nicole: Hello girls, may sasabihin ako sainyo. @Adrixeinna Marie Victoria @Maureen Ysabel Sanchez @Franchezka Aleah Imperial

Ysabel: Ano ba yun? Seryoso ba or important matters?

Chezka: Nakakakaba naman, ano ba yan?

Nicole: Nasaan ba si @Adrixeinna Marie Victoria ? Kahapon pa siya, wala.

Ysabel: Baka naman busy lang Nicole, wag muna tayo magconclude.

Chezka: Oo nga baka naman nagbonding sila ng family niya diba?

Nicole: Siguro, ewan ko ba. Share ko lang sainyo ang balita.

Chezka: Ano ba kasi yung sasabihin mo? Ang dami mo pang paligoy ligoy eh.

Ysabel: Oo nga, ano ba yun? Ang daming paentrance e.

Nicole: Nagchat sa akin si Kuya Zach na kung pwede this week nalang natin gawin yung bakasyon since handa na rin naman tayo.

Chezka: Ilan na ba yung agree? Okay and settled naman ba lahat?

Ysabel: Oo nga, kakausapin ko pa kasi ulit ang parents ko.

Xeinna: Andito na ako, so ano plano niyo? Mamaya naman ay sasabihin ko nalang kay Mommy at nang makapagpaalam ulit.

Nicole: Sa wakas @Adrixeinna Marie Victoria nagshow-up ka na din, kahapon ka pang wala. Ano bang nangyari?

Xeinna: Nag quality-time kami ng family ko. Medyo nabusy ako kaya hindi ko nahawakan ang phone ko.

Ysabel: Ganoon ba? Sure akong masaya yan, nakalimutan mo nang buksan phone mo e.

Chezka: Oo nga, nakalimutan mong iniintay ka rin namin.

Xeinna: Eto namang mga to, miss na miss niyo ako agad? Kalma, ako lang to

Nicole: #AdrixeinnaMarielangsakalaaaaaaaam

Xeinna: Tigilan niyo nga ko, kelan ba gaganapin if mareresched?

Nicole: Mga Wednesday daw, g ba kayo?

Chezka: Magpapaalam muna ulit ako.

Ysabel: Ako din baka hindi ako lalong payagan kapag di nagpaalam HAHAHAHAHA

Xeinna: Weh? Di mo sure? HAHAHAHA charot takot mo lang naman sa parents mo.

Nicole: Tara sleep over kina Chezka sa Tuesday?

Ysabel: Tanungin muna natin si Chezka baka mamaya hindi pwede sakanila.

Chezka: G ako, kausap ko ngayon si Mommy.

Xeinna: Sure, magpapaalam din ako dyan.

Nicole: So ano? Settled and okay na lahat? Magimpake na rin kayo ng damit na dadalhin niyo.

Chezka: Copy.

Ysabel: Got it.

Xeinna: Okay.

Adrixeinna Marie Victoria logged out

Carmellaize Nicole Ferrer logged out

Maureen Ysabel Sanchez logged out

Franchezka Aleah Imperial logged out

Inilapag ko ulit ang phone ko sa study table at nagpunta sa cabinet para maghanap ng mga damit na susuutin ko.

Once and for all, I was ready to face the blue skies again with this great people of mine.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp. 

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.1K 116 4
What if there's another world out there? And what if you are unknowingly a part of it? Are you willing to abandon your normal life? Or... You'll be m...
73.9K 4.6K 38
Pano kung sa pagkakamali mo? Maging slave ka ng lalaking kinaiinisan mo at higit sa lahat isa itong... GANGSTER? Kakayanin mo ba? Let the story begin...
80.9K 2.2K 50
"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!