DS #1: Snatching The Billiona...

By Gixxserss

377K 11K 384

Si Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Wakas
Phoenix and Lei's son story below
Pierce and Amanda's story below(2nd son)
Special Chapter

Chapter 10

8.4K 261 22
By Gixxserss

Sa labas ng itim na maliit na tent ay nagsimulang kumatok at tawagin ang pangalan ng dalawa. Kasama ni manong Lando si Jun. Patuloy ang pag-ulan at mukhang naging masarap ang tulog nilang dalawa.

"Lei, Sir! Gumising na po kayo, sa tingin ko ay kailangan na nating bumaba sa bundok!" sabi niya. Hinihintay niya itong sumagot pero nanatiling tahimik ang dalawa.

Nakakunot naman ang noo ng binatang nakatayo sa likuran ng matanda. Ang totoo ay siya ang nagsabi na gisingin ng ideyang kailangan nilang i-check kung kamusta ba ang dalagang natulog sa kasama ang sir nila. Napakamot ng ulo ang matanda at lumingon kay Jun na ngayon ay pinapayungan siya.

"Jun, mukhang tulog pa ata sila. Siguro mamaya na natin silang gisingin, alas-sais pa lang naman," sabi nito sa kaniya.

Napatingin ang binata sa nakasaradong zipper ng tent ng dalawa. Gusto niya sanang umangal pero nakakahiya naman kay manong Lando.

"Sige po, Kuya." Napalabi ito. Naglakad na sila pabalik sa loob ng kubo kung saan nagkakape ang iba at kasalukuyang nagluluto ng almusal.

Sa kabilang banda ay ayaw ni Lei na gumising kahit na may tumatawag sa kanila. Sobrang ginaw ng hangin at masarap matulog dahil sa yakap ng binata. Napamulat ang mga mata niya at agad na nanlaki. Hindi siya makagalaw mula sa kinahihigaan dahil sa mahigpit na yapos ng binata sa kaniya. Hindi niya alam kung paano ito nakayakap sa kaniya gayong nakatulog silang dalawa na magkalayo.

Kasalukuyan siyang nakatagilid pahiga at nasa likuran niya si Phoenix, nakasiksik sa katawan nito. Napatakip siya ng mukha at pinipigilan ang sariling sumigaw dahil sa kaba. Hindi niya maalala na may ginawa silang hindi kaaya-aya.

Naestatwa siya ng bigla nitong hinatak ang katawan niya papalapit. Para siyang nasusunog sa init ng kaniyang pisngi. Ano na lang kaya ang sasabihin niya kung magising ito? Ilang ulit niyang kinagat ang labi at daliri dahil sa pigil na tili hanggang sa naisipan niyang gisingin ito.

"Phoenix, huy! Phoenix, gising..." Bulong niya dito. Bahagya niyang siniko ang tagiliran nito pero hindi man lang nagising.

Nanindig ang mga balahibo niya sa batok dahil sa naramdamang hininga ni Phoenix sa batok niya. Lalo siyang napapikit dahil sa samo't-saring nararamdaman at hindi niya maintindihan.

Habol ang hininga niyang tinawag ulit ang pangalan nito, "Phoenix, ano ba? Gumising kana!" may diin ngunit pabulong na sambit nito. Agad niyang kinagat ang labi dahil sa kaba, "Teka, ano 'yang nararamdaman ko?" tanong niya.

Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig dahil parang nakatusok ito sa puwetan niya. Pilit niyang tiningnan ang kamay nito pero nasa taas naman.

"Baka may gamit na nahigaan namin," bulong niya.

Dahan-dahan at ingat na ingat siyang ginapang ang kamay nito papunta sa kaniyang beywang pailalim sa gilid ng puwet.

"Bakit naman ako kinakabahan?" tanong niya sa sarili. Mabilis niya itong pinadausdos sa puwetan niya at dinakot ang kanina pang nakatusok sa ilalim na bahagi ng katawan niya.

Agad niya itong dinakot pero sa pagkabigla ay sumigaw si Phoenix sa tabi niya.

"What the f*ck?! What are you doing?!" malakas niyang tanong habang nakaupo sa gilid niya.

Gulong-gulo ang buhok nitong makintab at tila ay hindi nagising ng maayos dahil mukha nitong namumula.

Parang hindi naman makatingin ng maayos si Lei habang tinatakpan ng dalawang palad ang bibig niya. Parang naging kamatis ang mukha ng dalawa pero higit na nahiya si Lei sa nagawa niya.

"A--no, 'wag mong sabihin na..." Nauutal niyang sambit at pinigilan ang sariling magsalita sa pamamagitan ng pagkagat ng labi nito.

Napahilamos ng sariling kamay si Phoenix at mabilis na ginulo ang buhok niya, "Yes, that was my f*cking erection!" may diin niyang bulong. Konting oras na lang ay magsasabungan na ang dalawa nitong kilay.

Nanatiling nakaawang ang mga labi ni Lei, muntikan ng lumabas ang eyeballs nito dahil sa gulat. Agad na tumigas ang mukha ng dalaga at umupo sa harapan nito pero agad din itong lumambot dahil sa hiya at bumalik sa pagkakahiga pero ay nakadapa.

"B---Bakit ba kasi nakatusok sa likuran ko?! H-hindi ko kasalanan 'yon!" sigaw niya sa ilalalim ng kumot nito.

Tumiim ang bagang ni Phoenix at tiningnan ang gitnang bahagi ng katawan niya. Nakatayo ito at nanatiling matigas. Napailing siya habang binibigyan ng tingin ang dalagang nakasaklob ng kumot.

"I didn't know! It's morning, Lei. Of course this will stand like it should be. You should have wake me up instead!" sabi nito at tinakpan ang mga hita.

"Wake you up? Eh, hindi ka nga magising, sobrang higpit pa ng yakap mo sa'kin!" sagot nito, "Kung alam ko lang na totoy mo pala 'yon, edi sana hindi ko ginawa 'yon! Ang feeling mo!" nakatiim ang panga ng dalagang ngayon ay nagsimulang mag-init dahil sa inis. Nakayukom ang mga kamao niya animo'y may pagbubuhatan nito.

Tumaas ang magkabilang kilay ng binata sa kaniya, umismid ito, "Hindi ka naman na bata na hindi mo alam na nangyayari 'to sa mga lalaki, ang sabihin mo chansing ka talaga! Bakit? Hindi ka pa ba nakahawak nito?" tanong niya. Halos mapugto ang ugat niya sa leeg dahil sa dere-deretsong pagsalita nito.

"Huy! Grabi ka sa'kin ah?" napaupo ito habang tinuturo ang lalaking ngayon ay nakatingin sa kaniya ng masama, "'Wag na 'wag mo akong pagbintangan ng ganiyan! At bakit ka nakayakap sa'kin? Nanghingi ka ba ng permiso?!" singhal niya sabay irap.

"Excuse me, Lei. I was sharing with your blanket and you hug me first! You hug me first! Understand?" he explained. He looked so frustrated.
Hindi ito makapaniwalang tumawa habang pinapalakpak ang mga kamay sa ere, "Wow, napakatalino mo talaga, Nix. Akalain mo 'yon? Nakagawa ka ng storya?" nagpakawala ito ng malagkit na ngiti, "Sa huling pagkakaalala ko, ay nakatalukbong ako ng kumot," tugon niya. Pinagekis niya ang dalawang braso at tinaasan ng kilay ang binata.

"I can't believe you. How can you say that? You did really hug me last night. I was telling you that I will share with your blanket," he explained.

"Hindi ko magagawa 'yon!" sagot niya.

"Bahala ka sa buhay mo! I didn't intend to do that! I was sleeping peacefully when you touch my d*ck, Lei!"

Napatakip si Lei ng tenga at parang batang nata-tantrums sa paghampas ng paa nito sa sahig at bumalik sa pagkakahiga.

"Ayoko ko ng marinig 'yan!" sigaw niya.

Napahawak si Phoenix sa ulo, "What? That you touched my d*ck?! No way! You are at fault right now!"

"Akala ko may gamit akong nahigaan!" sigaw niya pabalik habang pilit na isiniksik ang mukha sa ilalam ng kumot niya. Kung puwedi lang siyang tumagos sa lupa ay gusto niyang magtago mula sa binata, "Kasalanan mo 'yon, sino kasi nagsabi sa'yo na yumakap ka sa'kin?! Gong-gong ka!"

"Look what did you now! I can't close my eyes again! I was in a deep sleep when you suddenly f*ck!" sabi niya na parang hindi kayang ituloy ang sasabihin. Lalong namula ang mukha nito ng bigla itong pumintig ng husto.

"Bakit ikaw pa yata ang agrabyado? Eh, ang liit-liit naman niyan!" singhal niya, "Wala namang mawawala sa'yo! Tang*na ka!" malutong niyang mura.

Naglalag ang panga ni Phoenix habang nakaiwas tingin. Hindi naman  maliit ang kaniya, malaki nga ito.

Napaupo ang dalaga, nanatiling nasa ulo niya ang kumot habang tinitingnan ang nakabukas na palad.

"Ako nga 'tong nabahiran ng dumi ang kamay! Ang kawawa kong kamay, kung gusto niya sanang makahawak ng t*t* edi sana 'yong malaki naman!" pag-arte niya. Para siyang nasa dramang kagaya ng napapanood niya, mangiyakngiyak pero may halong pangungutya.

Tumiim ang bagang ng binata. Naniningkit ang mga mata niyang tumingin sa palad ng dalaga, "Stop that! Don't make fun of my manly man, Lei!" sigaw niya.

Binuksan niya ang zipper ng kanilang tent at nakita ang patuloy na pag-ulan. Pumasok ang malalig na hangin ngunit lumabas pa rin ito dala ang tuwalya pantakip sa ulo. Hindi na siya nag-atubiling pang lingonin ang dalaga dahil maliban sa hiya ay naiinis siya rito.

Naiwan namang nakasunod ang mga mata ng dalaga sa kaniya, agad din niyang naisipang sarhan ang tent dahil pumapasok ang ulan.

Naging malakas ang tili niya habang pinapalo ang sahig, "Ang bobo mo, Lei! Bobo mo talaga! Bakit mo naman sinabi 'yon? Hindi naman maliit," sabi niya sa sarili. Napatingin siya sa palad nito, "Hindi ka na virgin. Nakahawak ka na ng malaki," sambit niya saka iniling ang ulo para iwaksi ng ideyang iyon.

Sandali pa siyang humiga para makapag-isip kung ano ang sasabihin niya mamaya kapag nagkita sila pero wala itong naisip. Sa pagpapatuloy ng ulan ay kailangan na nilang bumaba mula rito. Kasalukuyan silang kumakain sa mahabang mesa ng presidente ng lugar. Nasa bahay sila nito, magmakasama.

Magkatabi si Jun at Lei ngunit si Phoenix naman ay nasa harapan nila. Hindi namamansin. Halata sa mga mukha nila na naiinis sila sa isa't- isa.

"Lei, okay ka lang ba? Maawa ka naman sa isda malapit ng magkaputol-putol pati buto niya," pabulong na tanong ni Jun. Pabalik-balik ang tingin niya sa dalawang hindi nagpapansinan.

Huminga ng malalim si Lei saka pinaikot ang mga mata sa lalaking ngayon ay masamang nakatingin sa kaniya.

Umirap din ang binata at marahas na sinubo ang kanin.

"Pagkatapos nito ay maghanda na kayo lahat para umalis, lahat ng gamit ay dalhin niyo," utos ni manong Lando.

Tumango silang lahat maliban sa dalawa na ngayon ay nagsusukatan ng tingin. Parehong nakakunot ang noo at malapit ng magsilabasan ang kuryente sa mga mata nila para mag-away.

"Lei, sir, okay lang ba ang tulog ninyo?" tanong niya sa dalawang naging tahimik ngayon, "Kinakatok ko kayo kanina pero hindi kayo nagising," dagdag na sabi ni Lando.

"O-okay lang po, narinig ko po kayo, manong," sagot ni Lei na hindi inaalis ang tingin sa mga abong mata ng binata, "Kaso inaantok...pa...po ako..." May diin niyang sabi na parang may pinaparinggan.

Napatango ang matanda sa kanila, "Sa ganito ka lamig na panahon ay aantukin ka talaga, hija." Bumaling ito kay Phoenix, "Ikaw, sir? Kamusta ang tulog niyo? Naging maayos naman ba?" tanong niya. Napataas ang magkabilang-gilid na labi ng matanda habang naghihintay ng sagot mula sa kaniya. Nakatitig kasi ito sa kaharap niyang dalaga, nakatiim ang bagang.

"It's alright, until someone disturbed my sleep. I regret sleeping with someone there..." Sagot niya. Napaiwas ito ng tingin sa dalaga at nagpatuloy sa pagkain.

Umismid si Lei, "Ikaw kaya 'yong disturbo sa'tin! Edi sana, hindi mo inako ang responsibilidad! Pabida ka kasi!" nanggagalaiti niyang sabi dito. Malakas silang dalawang kumain na halos mabasag ang pinggan na kinakainan nila.

Napaawang naman ang mga labi ng iba at nahuhulog ang kanin mula sa bibig.

"Pabida? I am not! You are! Such a sleep wrecker!" naging mataas ang boses ng binata sa hapag.

"Sleep wrecker, sleep wrecker! Wala ka pala, e! Iba yata ang nagising sa'yo! Bumalik ka ulit doon at matulog, baka sakaling magamot mo!" sagot niya dito.

Parang nanonood ng away ang mga kasamahan nila. Pabalik-balik ang tingin habang ngumunguya.

Napahampas ng binata sa mesa sabay tayo mula sa kinauupuan, "Damn! I don't want to eat!"

Napatayo din si Lei habang nakasabong ang dalawang kilay, "Nawalan na din ako ng gana." Sabay lapag ng kubyertos sa ibabaw ng pinggan nila. Naunang umalis si Phoenix sa kaniya, siguro ay babalik sa tent. Nilibot niya ang tingin para sana hanapin si manong Lando pero sa hindi inaasahan. Napalunok siya at agad na namula.

Nakatingin kasi silang lahat sa kaniya habang dahan-dahan na kumakain.

"Ah, manong Lando, mag-aayos na po ako ng gamit. Salamat po sa pagkain," sabi niya.

Akma siyang aalis ng biglang tumugon si Lando, "Kayo ba, hija, may alitan ba kayong dalawa niyang si Sir? Bakit parang nagpapatamaan kayong dalawa?" tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay.
Bigla naman siyang nakarinig ng mahinang tawa, "Siguro lovers quarrel lang 'yan, mang Lando. Alam niyo naman normal lang naman sa magkasintahan 'yan," sabi ni Fe.

Mabilis pa sa kidlat ang pag-iling ng dalaga sa kanila, "Hindi-hindi po, wala pong kami. Sadyang mainit lang talaga ang ulo no'n!" sabi niya.

"Naku, baka nagselos. Kanina kasi ginising namin sila kasama ko si Jun."

Nagulat naman si Lei na malamang magkasama pala sila ni Jun kanina.

"Hindi po talaga." Depensa niya sa sarili.

"Kuya Lando naman, walang sila ni sir," sabat ni Jun at tumayo sa tabi nito. Pinatong niya ang isang braso sa magkabilang balikat ng dalaga.

Naaasiwa naman si Lei na humakbang paatras, "Jun, alis mo na ako ah?" sabi niya at tipid na ngumiti. Agad na niyang hinakbang ang mga paa palabas sa bahay. 

"Oppps! Saan ka pupunta?" bumungad sa kaniya ang tanong na 'yan mula sa mataray na babae na nakataas ang isang kilay. Bahagya niyang tinulak ang balikat nito at binitawan.

"Hindi ba halata? Syempre aalis." Aalis na sana siya ng pinigilan ulit siya nito, "Ano na naman ba? Tapos na ang laro, okay?" angil niya na dahil sa iritasyon.

"Kung ayaw mo kay Jun, 'wag mo na siyang paasahin, Lei," seryoso niyang sambit at deretsong nakatitig sa mga mata nito.

"Kasi pinaasa mo rin siya?" tanong na pabalik ni Lei, "Kung gusto mo pa siya, ayusin niyo relasyon niyo, hindi 'yong nandadamay kayo ng iba."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran niya ang dalaga para umalis. 'Di alintana ang ulan hanggang sa makaabot sa tinatayuan ng tent nila.

Naabutan niyang nakaupo sa loob si Phoenix, nag-aayos ng gamit. Nakabusangot ang mukha nito. Nag-ayos na rin siya ng gamit na hindi sila nag-uusap. Ilang segundo ang lumipas ng magkatinginan silang dalawa pero agad ding nag-iwas ng tingin at sumimangot. Malakas na kumabog ang dibdib ng dalawa at hindi nila maintindihan kung bakit ganito. Dahil lang ba sa inis?

Continue Reading

You'll Also Like

15K 374 35
THE SEXY NERD'S HUNK GANGSTER This is the story of a sexy nerd STACEY MANUEL and the Hunk Gangster CRISSEN TOM "HELL" ROSS. For open-minded only. Rea...
425K 641 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
65.4K 1.7K 36
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
20.9M 514K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]