DS #1: Snatching The Billiona...

By Gixxserss

376K 11K 384

Si Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Wakas
Phoenix and Lei's son story below
Pierce and Amanda's story below(2nd son)
Special Chapter

Chapter 9

7.9K 266 6
By Gixxserss

Matapos maligo ni Lei ay agad na itong nagbihis. Hindi pa niya alam kung saan siya matutulog, merong dalang tent ng kasamahan niya at ang iba ay mananatili sa bahay ng presidente sa lugar na.

Kasalukuyan siyang nakasuot ng pajama at malaking t-shirt na dala niya. Nahihiya naman siya kung hindi man lang siya maligo, pinagbaunan kasi siya ng maraming damit dahil minsan daw umaabot ng ilang araw dito.

Pagdating niya sa loob ng tent na malaki ay agad niyang nakitang nagsilatagan na ng mga karton at sa ibabaw naman ay higaan nila.

Hinanap ng mga mata niya si manong Lando. At 'yon nakita niyang magkakamot ng ulo kasama at kausap si Phoenix at Jun. Madilim na rin kasi at tanging ilaw lang ang nagbibigay liwanag, mukhang uulan pa.

Biglang napalingon si Lando sa kaniya, "Lei, andiyan ka na pala. Halika dito at may pag-uusapan tayo." 

Nagtaka naman si Lei sa kaniyang paglapit. Wala siyang kaide-ideya dito. Nang makarating ay agad siyang nagtanong.

"Bakit po, manong Lando? May problema ba?" tanong niya. Tiningnan niya ang dalawang binata na pinagigitnaan si Lando.

"Kasi, hija. Wala kang matutulugan dahil puno na sa malaking tent, napag-usapan namin kung puwedi silang magsama sa iisang tent at ibigay sa'yo ang isa," paliwanag niya. Tipid na ngumiti si manong sa kaniya at napakamot ng ulo.

Napamaang naman siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihim dahil alam niyang hindi gusto ng dalawang binata na magkasama sa iisang tent.

"And I don't want to share with him, Lei. You can share with me instead," he said and rolling his eyes.

Napakagat ng ibabang labi si Lei sa sinabi nito. Hindi siya sanay na matulog na may katabing lalaki maliban sa mga kaibigan niya sa Manila dahil nakakatabi niya ito kapag natutulog sila sa quarters.

"Sir, kasi babae siya," sabi ni Jun. Sinang-ayonan naman ito ni manong Lando.

"Phoenix," mahinang sambit ni Lei.

"No,” pagmamatigas niya kahit wala pa namang sinasabi si Lei, “But she is with me the whole time. I brought her here with me, and I am the one who is responsible for her," he said, reasoning out.

Nahihiya naman na tumingin si Lei kina Lando at Jun. Narinig niya ang matandang bumuntong-hininga bago tumango.

"Tama ka, sir. Ikaw ang nagdala sa kaniya dito."

Kinwestyon naman iyon ni Jun, "Pero, Kuya? Babae pa rin siya. Hindi naman sila kasal bakit kailangang magkasama sila sa iisang tent?" tanong nito habang nakakunot ang noo. Halos magsabong ang magkabila niyang kilay habang nagsasalita.

Napakamot ng ulo si Lei, nakakahiya sa kanila at mukhang ipaglalaban ito ni Jun.

Umigting ang panga ni Phoenix habang nakatitig sa kaniya, "Because she will sleep on my tent, and excuse me. Matutulog lang naman kami, wala kaming ibang gagawin kung 'di ang matulog," matigas niyang sambit at pilit itong pinaiintindi sa binata. Nagpakawala agad siya ng matamis na ngiti ng makitang nakayukom ang kamao nito, "Are you jealous, Jun?" he asked playfully.

Biglang napatakip ng bibig si manong Lando sabay iwas tingin. Palihim itong tumawa, "Kaya naman pala, Jun. Okay lang 'yan."

"Hindi po ako nagseselos ang akin lang--,"

Pinutol ni Phoenix ang sasabihin niya.  Nakadikit ang isang daliri nito sa bibig, "Shh...it's okay, Jun. But Lei will really sleep on my tent," sabi niya sabay hawak ng pulsuhan nito.

Parang naging pipi si Lei na hindi makapagsalita sa harap nila. Pasalit-salit lang ang tingin niya sa dalawa. Totoo ang sinabi ni Jun babae siya pero sanay naman siyang makisama sa mga lalaki.

Huminga ng malalim ang binata at tumingin ng deretso sa dalagang nasa harapan niya, "Gusto mo bang doon matulog, Lei? Kasi kung hindi ibibigay ko na lang sa'yo ang tent ko, doon ako matutulog kina presidente," seryoso niyang sambit.

Naging malumanay ang boses nito at halatang nag-aalala sa dalaga.

Sa hindi alam na kadahilanan nataranta ang dalaga, "Ah-oo, Jun. Okay lang naman ako do'n tsaka magkakilala naman kami ni Phoenix." Pilit siyang ngumiti. 'Yon pala ay kinurot siya ni Phoenix sa tagiliran sabay bulong kaya nataranta ito.

"Okay, sige. Good night. Magkita na lang tayo bukas," sabi niya sabay talikod.

Sumunod naman sa kaniya si manong Lando, "Matulog kayo ng maaga!" turo niya sa dalawa. At saka umalis, "Jun, hintayin mo ako!" usal niya.

Nagkasabay si Jun at si manong. Halatang badtip ang binata kaya inakbayan niya ito.

"Jun, 'wag kang mahulog kay Lei. Uuwi din 'yan sa Manila, kagaya lang din ni Neneng." Umiling-iling pa ito sa kaniya.

"Gusto ko po kasi siya, Kuya. Mabait at walang arte sa katawan," sagot niya at tumingala sa langit.

"Alam mo naman na andami ding nagkakagusto sa kaniya. Narinig mo naman ang mga lalaki kanina habang naglalaro siya," mahina itong tumawa habang inaalala ang kaganapan kanina, "Nagagandahan sila sa dalaga, kung puwedi nga lang daw ligawan," sabi pa nito at parang nagagalak. May angking kagandahan talaga ang dalagan yaon.

"Opo, pati si Sir may gusto din ata sa kaniya. Iba talaga kapag bilyonaryo," napabuntong-hininga siya, "Lahat puweding makuha."

~~

Sa kabilang banda nagsimulang mag-ayos sina Lei at Phoenix. May dalang manipis na kumot at si Phoenix ginawang unan ang bag niya. Medyo malambot ang higaan nila dahil sa foam nito. Kasya naman sila kahit ang tatangkad nilang dalawa.

"Bakit kailangan dito ako matulog?" tanong ng dalaga.

Napatingin naman ang binatang preskong nakaunan sa bag niya. Nakasuot ito ng kulay puting damit.

"Bakit ayaw mo? Mas gusto mo ba kay Jun?" tanong niya pabalik. Tumiim ang bagang binata, "You will gonna follow what's my command, Lei," dagdag niya at pinapalala ito.

Sumeryoso ang mukha ng dalaga. Gusto pa sana niyang magsalita pero naging buntong-hinga ito. Nilagay niya ang tuwalya bilang unan niya.

Hawak ang likod ng binata ang likod niya at mag kunwaring sumasakit ito.

"Ouch! Masakit ang likod ko, siguro mula sa paglalaro kanina," dumaing siya habang pilit na inaabot ito.

Tumaas ang isang kilay ng dalaga, "Ano ang gusto mong gawin ko?" tanong niya.

"Massage me, please, Lei." Naging malambot ang boses niya. Parang natunaw naman ang puso ng dalaga at palihim na ngumiti ng matamis.

"Sige, magaling ako magmasahe, boss." Napakagat-labi siyang gumapang papunta sa likuran ng binata ngayon ay nakadapa.

"Sige, massage my back," bulong niya at ipinikit ang talukap ng mga mata, "Should I take off my shirt, Lei? Hmmm..." Tanong niya na may halong ungol.

Ipinagsawalang bahala ito ng dalaga ang ipinagpatuloy ang paghagod sa likod nito.

"Hmmm...that'a right, Lei!" napasigaw ito sa sarap.

Hindi alam ni Lei kung ano ang ire-react pero nagiging iba ang hatid nito sa kaniya. Ang sexy niyang ungol at ang kagwapuhan niya mismo. Parang may kung ano sa loob niya.

"Hmmm...anyways, you really are a good player, Lei. In my entire life I only seen sexy woman," bigla nitong sinabi na nakapagpatigil sa dalaga.

Compliment kaya iyan? May iba ba itong hinahatid na mensahe? O nahihibang na talaga siya.

"Continue what you are doing,"

Tumango siya at agad ding ginalaw ang mga kamay niyang nakalapat sa malapad niyang likod.

"You are incredible, Lei. Knowing you would be the best thing that I will  ever do in my life."

Malakas na kumabog ang dibdib niya.  Parang ilang boltahe ang kumalat sa katawan niya at hindi ito maalis nino man kung hindi ay ang binata mismo na nagdulot nito.

"Phoenix," usal nito. Hindi niya ito maintindihan. Hindi niya gustong magbigay ng kahulugan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. At kapag nalaman nito na magnanakaw ang kasama niya sa loob ng tent ay siguradong magwawala ang binata. Gano'n na rin si Jun, natatakot siya na baka ilang araw ay mabuking siya.

"Yes, Lei? Never mind what i've said. Siguro pagod lang ako," sabi niya saka tumihaya ng higa, "Thank you for the massage."

Parang may tumusok na tinik sa dibdib ng dalaga. Nagdadalawang-isip man siya pero kahit maliit at umasa siya sa mga sinabi nito. Huminga ng malalim si Lei at dahan-dahang umatras sa puwesto niya. Naglagay siya ng espasyo sa gitna para hindi sila magkahawakan.

Ang kamay ng dalaga ay nakalagay sa ibabaw ng noo niya, malalim ang iniisip. Si Phoenix naman ay nakapikit ang mga mata at pinipilit na makatulog kaagad kahit hindi pa naman inaantok.

Ilang minuto ang nakalipas ng binasag ni Lei ang katahimikan.

"Gising ka pa ba?" tanong niya.

"Oo, bakit?" malambing nitong sagot.

Napakagat-labi ang dalaga, "Tungkol sa nawalang mong wallet, 'yong sinasabi mo kanina, anong nangyari?" kuryoso niyang tanong. Hindi siya lumingon dito at nanatiling nakatuon ang mga mata sa bubong ng tent nila.

Nakarinig siya ng malalim na paghinga mula dito, "I was in the mall back then, with my sister’s daughter," kuwento niya.

Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga at dahan-dahang lumingon sa binata, "Pamangkin mo pala 'yon?" malakas niyang tanong.

Kumunot ang noo ni Phoenix at lumingon din sa kaniya, "What do you mean? Did you know me? See me there?"

Biglang napatakip ng bibig ang dalaga at bumalik ang tingin sa taas, "Hindi, 'di ba kapag anak ng kapatid pamangkin ang tawag do'n?" pagdadahilan niya. Napapikit siya dahil sa kaba. Muntikan na siyang mabuko dahil sa sinabi niya.

Tumango ang binata, "Yes, so, I am with Maddy that time."

Nakahinga naman ng maluwag si Lei habang kinukurot ang sarili niya.

"I was buying her stuffs, clothes and toys but when I am at the store for her dress, I lost my favorite wallet," sabi niya at agad na napailing.

"Favorite wallet?"

"Yep, that was from my dad who passed away when I was 10 years old. That has sentimental value,"

Biglang nakaramdam ang dalaga ng kirot sa dibdib niya. May halaga pala 'yon, maliban sa pera. Ano na lang kaya ang mangyayari kung malaman niya.

"Hinanap mo man lang ba? Baka naiwala mo lang," sabi niya saka pinaglaruan ang mga daliri. Nakokonsensya siya.

Nagpakawala ng tawa si Phoenix, "No, I didn't. Someone bump in me and boom, I lost my wallet. I want that back, Lei. I only got one picture with my dad and it's there!" matigas niyang sagot. Parang may gigil ang tono ng boses niya at gano'n na lang ang kaba ni Lei.

"Hala, sayang naman. May importante ka pa bang gamit doon?" tanong niya.

Ipinagbili na ng boss niysa ang wallet na 'yon. Sobrang laki pa naman ng halaga no'n. Napatakip ng mukha si Lei.

"Cards, but I am processing my new cards now."

Naaalala ni Lei na binigay niya ang credit cards sa boss niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Boss J sa mga cards na 'yon dahil hindi naman nila iyon pinakikialaman dahil ayaw nilang ma-trace.

"Mabuti 'yan, hindi mo man lang ba pinahanap?" kinakabahan man pero nakuha niya pa rin na itanong 'yon sa kaniya.

"Let's not talk about it, I am hurting whenever I remember that I lost it," sabi niya at nagtakip ng mukha, "That's my dad remembrance."

Naging tahimik ang dalawa at tanging kuliglig lang ang naririnig. Hindi pa rin siya makatulog kahit anong gawing posisyon nito na parang pinakiramdaman ang isa't-isa.

Hindi na napigilan ng dalaga ng dalaga magsalita, "Tulog ka na ba?" tanong niya.

Biglang tumunog ang kanilang tent, unti-unting tumatama ang bawat patak ng ulan. Napatakip ito ng kumot dahil sa lamig na biglang kumapit sa balat niya.

"Hmmm, no, why?"

"Hindi ka rin ba makatulog? Gusto mo bang sa iba na lang ako tumuloy? Okay lang naman sa'kin," sabi niya. May diin niyang tinikom ang kaniyang bibig habang mahigpit na hinahawakan ang kumot sa kamay niya.

"Yeah but no, Lei. I already told you that you will sleep beside me," seryoso niyang sambit. Hindi man lang ito nagbigay kahit isang segundong lingon sa dalaga.

"Oo nga, pero kasi hindi din ako makatulog." Lumabi siya saka nagtakip ng kumot. Para na siyang turon at siya ang nagsisilbing saging.

"Let me ask you something instead," kasabay ng malamig na ihip ng hangin ay ang lamig din ng boses niya. Tila ay bumalik ito noong una silang makasama papunta sa Sta. Catalina.

"Ano ba 'yon?" kinkabahan niyang tanong.

Malakas ma pumatak ang ulan sa bubong ng kanilang tent.

"Can you tell me about yourself?" tanong niya.

Huminga ng malalim ang dalaga saka lumabas sa kumot, "25 na ako, hindi ako nakapagtapos ng college, may sakit ang nanay ko," mapait siyang ngumiti, "Kaya isa akong breadwinner sa bahay, kailangan kong paaralin ang dalawa kong kapatid," huli na ng maramdaman niya ang basang pisngi nito. Sa trabahong pinagtatrabahuan niya, lahat sila magkaramay, lahat may problema kaya alam mo kung paano sila pakikisamahan patungkol sa pangangailangan.

"How can you manage that? What is your work?" tanong nito. Halata sa boses nito na nagtataka siya kung paano.

"Syempre, lahat ng puweding trabahuin ay ginagawa ko," prangka niyang sabi at agad na tinikom ang bibig. Ayaw naman na sabihing magnanakaw siya no’ng nasa Manila pa sila.

"Seems like you are superwoman."

Iyon ang huling usapan nila bago naisipang matulog dahil sa lamig ng panahon dahil sa pag-iyak ng langit at pagkirot ng dibdib niya.

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 385 47
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
233K 3.8K 52
Highest Rank Achieved #1 in trending #3 on popular #8 in romance #4 on love #9 on age The Billionaire's High School Wife "Daddy maawa ka naman! Pati...
1.2M 24.2K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
376K 11K 43
Si Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa unang tingin ay aakalain mong tomboy si...