DS #1: Snatching The Billiona...

By Gixxserss

376K 11K 384

Si Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Wakas
Phoenix and Lei's son story below
Pierce and Amanda's story below(2nd son)
Special Chapter

Chapter 7

8.6K 318 14
By Gixxserss

Pagkatapos ng kanilang pagbibigay ng food packs at pagpapakain sa mga bata ay hinanda na ng mga opisyal ng Sitio ang basketball court. Naglagay din ng mesa para sa scoring. Kasalukuyang nakaupo ang dalaga katabi si Phoenix na kanina pa bumubuntong-hininga.

"Alam mo? Kung hindi ka marunong, 'wag kang maglaro," simula niyang sambit. Pinagbuhol niya ang dalawang braso sa dibdib at pinaikot ang mga mata dahil sa inis.

"I know how to play, Lei. And I am afraid that someone will get mad if I won against him," sabi niya. Nagtunog Neneng na rin siya dahil sa sinabi nito.

Umangat ang magkabilang labi ni Lei, "Talaga lang ah? Sino naman kaya ang tinutukoy mo?" tanong niya sabay taas ng isang kilay. She smiled playfully.

Umismid si Phoenix at umiling, "Wala, don't mind what I said."

Biglang pumasok si Jun dala ang susuotin niyang damit. Nakasuot na siya ng sapatos at jersey shorts. Halatang pinaghandaan.

"Sir, magkalaban pala tayo." Sabi nito at dumeretso sa likuran nila.

Napalingon si Lei sa kaniya para sana tanongin ng may biglang tumakip sa mga mata niya.

"Aray! Ano ba?!" singhal nito at hinawakan ang palad na nasa mga mata niya.

"Shh...he is half-naked. Don't look at his chubby body," bulong nito na may halong pangungutya. Natigilan naman si Lei sa pagbaklas ng palad niya.

"Yes, I know, Jun. Good luck for the game," sagot niya.

Tumango ito bilang tugon, "Lei," tawag ni Jun sa dalaga.

Binitawan ni Phoenix ang mga niya kaya agad itong bumaling sa tumawag sa kaniya, "Bakit, Jun?" tanong niya. Nanatiling blurr ang mga niya kaya kinusot niya ito.

"Kapag nanalo ako sa larong ito, puwedi bang payagan mo akong manligaw sa'yo? Kahit matagal hihintayin kita," seryoso nitong tugon.

Napahinto si Lei sa ginagawa at unti-unting inangat ang tingin sa kaniya. Seryoso ang mukha ni Jun at walang halong ano mang ekspresyon. Napamaang siyang nagnakaw tingin sa katabing gumagalaw ang panga.

"Ah---a," hindi siya makagawa ng ano mang salita dahil sa gulat. Hindi ito ang unang beses na sinabihan siya ng salitang ligaw pero kasi ang huling nagsabi sa kaniya nito ay lumayo sa kaniya matapos malaman na nagnanakaw ito.

"Sorry, Jun. But I think Lei couldn't accept your bet."

Napakagat-labi ang dalaga at hindi alam kung seryoso ba ito o nagbibiro lang. Mabait si Jun, tinutulungan siya nito kapag may kailangan. Sinasamahan siya kapag nag-iigib ng tubig at naglalaba ng damit.

"Sorry din, sir, pero sa tingin ko ay nag-iisip pa si Lei," sagot nito sa kaniya na lalong nagpa-init ng ulo nito, "Kung magtatanong ka kung seryoso ba ako? Lei, seryoso ako."

Paano kung malaman niyang isa siyang magnanakaw sa Manila? Iiwan din siya nito.

"Lei, come on. Don't make him wait that you don't want that bet," he whispered in her ears, "Answer him, that's my command."

Lei looked at her with doubt face.

"Kaya dapat hindi ka mangamba, Lei. Makakahintay naman ako, tsaka ligaw lang naman," sambit niya. Ramdam ni Lei kung gaano ka sinsero ang boses niya. Parang naging iba ang galaw ni Jun ngayon. Parang naging matikas siya o baka dahil sa kulay pulang jersey uniform na suot niya.

"Sige, pero kapag nanalo ka lang!" itinaas niya ang isang daliri para paalahanan siya. Tumango si Jun sa kaniya at ngumiti.

"Lei, you don't need to do that!" sigaw ni Phoenix sa kaniya. Ginulo niya ang buhok saka tumayo, "I'm gonna win this game anyway," may kumpyansa nitong sabi.

Palihim na tumawa si Lei, "Kaya dapat talunin mo siya, okay? Kung ayaw mo nito, galingan mo!" masigla niyang bigkas at sumandal sa likuran ng upuan nila.

"Sir, Sir!" biglang may tumawag sa kaniyang lalaki mula sa labas ng tent at si Berto pala ito may dala-dalang damit na kulay green na may halong itim.

"Yes, po?" baling niya dito. Hindi pa rin siya mapakali sa sinabi ni Lei. Nakabusangot ang mukha niya at tila'y nawalan ng gana.
"Ito ang damit na gagamitin mo para mamaya. Bigay 'yan ng presidente,” tugon niya. May ngisi ang mga labi nito at halatang excited sa labanan.

Kinuha ito ni Phoenix ng may ingat at tiningnan, "Salamat po," sabi niya.

"Limang minuto at magsisimula na ang laro, sir. Nasa labas na ang apat mong kasama." Aniya.

Tumango si Phoenix at tumalikod na. Nakita niya ang matamis na ngiti ni Lei sa kaniya.

"Bakit?" tanong niya na may halong pagtataka.

"Mukhang bagay sa'yo ang damit na 'yan. Ipahiram mo agad sa'kin pagkatapos, ah? Susuotin ko din kahit mabaho na ng pawis mo." Maangas niyang sabi saka humiga sandali at nakaekis ang dalawang binti.

"My sweats are not bad to smell, Lei." Sabi niya sabay hubad ng kasalukuyang damit para magbihis ng panibago at susuotin sa laro.

Napalunok naman si Lei kasabay ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Napakaputi at may kurba ng bawat pandesal sa bahagi ng kaniyang tiyan. Namangha siya dito at agad ding iniwas ang tingin ng makita ni Phoenix na nakatingin siya sa hubad nitong katawan.

"You can watch this all day, anytime you want, Lei. It's free," he said and winks his eyes ather.

Umirap ang dalaga at iniling ang ulo, "Magbihis ka na, Phoenix. Bakit hindi mu'ko hinayaang makita ang magandang katawan ni Jun at sa'yo puwedi?" tanong niya at pinag-ekis ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.

Dahan-dahang hinakbang ng binata ang kaniyang mga paa patungo sa lugar kung saan nakahiga ang dalaga. Dumukwang ito para ilapit ang kaniyang mukha sa kaniya.

Sa sobrang lapit ay napaiwas ng tingin si Lei dahil sa ilang na kaniyang nararamdaman. Sobrang gwapo ng binata sa mga mata nito, ang tangos ng kaniya ilong ay nababagay sa makinis niyang mukha. Mahinang tumawa si Phoenix at kinurot ang pisngi niya, "You are blushing, Lei. That's good, you are reacting," sabi niya. Nagsimula siyang tumalikod at nagbihis.

Naiwan namang nakahawak sa kaniyang pisngi ang dalaga, "Hindi naman ah!" pilit niyang itinanggi ang nararamdaman niyang biglang pag-init ng pisngi niya lalo. Nagsiliparan ang mga naglalarong paruparo sa kaniyang tiyan kasabay ng pagkabog ng dibdib niya.
Lumingon ito sa kaniya at nagpakawala ng mapaglarong ngiti, "Bakit mo tinatakpan ang pisngi mo kung gano'n?" tanong niya. He smiled playfully.

"Syempre, dinadama ko lang ang pisngi ko!" lumakas ang boses nito para depensahan ang sarili. Hindi naman naitago ng binata ang tawag niya.

"Why don't you take off your hands? Hm?" tumaas ang isang kilay niya, "Take that off, Lei." Lumpit siya dito at dumukwang hanggang isang inch na lang ang pagitan nila.

Sandali silang nagkatinginang dalawa. Naghaharumentado ang dibdib niya dahil sa kaba na halos kumawala ito sa kinalalagyan.

"Or I'll kiss you," bulong niya.

Nagbigay ito ng malakas na boltahe sa katawan papunta sa kamay at agad itong kinuha sa mukha niya.

"Eto na! Eto na, Phoenix!" natataranta niyang sambit. Habol ang hininga siyang humawak sa gilid ng upuan na hinihigaan niya, mahigpit na kapit, "Sige na, puwedi ka ng umalis. Magsisimula na ata ang palaro." Nagkagat-labi siya at malakas na lumunok.

Ngumiti ng matamis si Phoenix, "Right! Why are you afraid of the thought that I will kiss you? Most of the woman wants my kiss and taste my lips, Lei." Prangka nito. Wala namang preno ang bibig niya kaya lalong nahiya ang dalaga.

Napairap ito sabay upo sa upuan, "Ewan ko sa kanila..." Inayos niya ang damit at bumulong, "Kung puwedi nga kitang papain, matagal na."

"May sinasabi ka?" tanong niya.

Ngumisi si Lei, "Wala! Tara na!" nauna siyang naglakad palabas.

Parang nalula siya ng makitang ang daming babae sa labas, madaming taong nakapaligid sa maliit nilang court. May dalawang grupo sa gitna.

"Seems like there is idol in here, Lei," komento niya at saka ito inakbayan.

Masama siyang tumingin dito, ang pogi pala niya tingnan sa suot-suot na jersey uniform.

"'Wag kang ewan, Phoenix. Talunin mo muna si Jun sa laro."

"As you wish." Kumindat siya dito at nagpatuloy sila sa paglakad palabas.

"Andito na...Mr. Phoenix Delos Santos, sa kabilang grupo...Mr. Junreil Masal!" pagpapakilala ng may hawak na mikropono sa mesa.

Nagsigawan ang mga tao, tili dito at doon. Daig pa ang totoong laro sa PBA.

"Ano? Wala ba akong good luck kiss diyan?" tanong niya saka humarap dito.

Kumunot ang noo niya, "Anong good luck kiss?" nagtataka niyang tanong at itinulak ang ulo nito palayo sa mukha niya, "Kapag nanalo ka bibigyan kita," sabi nito.

Sumimangot ito, "Make sure that it will ends in 5 seconds," sabi niya saka naglakad papunta sa gitna ng court, tinatawag na kasi ang pangalan nila.

"Sir Phoenix at Junjun, jumpball," sabi ng referee. Pumwesto na ang dalawa habang ang mga kasama ay umaamba sa pagtilapon ng bola.
Sumandal si Lei sa gilid ng puno habang pinagmamasdan ang dalawang lalaki na nag-aagawan sa bola. Hindi sila nagpapasa ng bola sa kasama at tila'y lumalakas ang tensyon sa pagitan nila.
Ilang minuto na ang lumipas at pantay-pantay lang ang score. Puno ng pawis ang mga mukha ng mga ito, pero ang nakaagaw ng kaniyang pansin ay ang hot na hot na lalaki na tumatakbo sa gitna. Tumatalon-talon din ang buhok niya. Halos mahimatay ang mga babaeng natitingnan niya.

"Good luck sa'yo mamaya, tingnan mo," turo niya sa ilalim. Napatingin si Lei sa itinuturo niya, "Mukhang ilang takbo na lang sa gitna tatataob na 'yang sapatos mo." Humalakhak ito na parang nang-iinis.

Umismid lang siya, "Wala kang pake, inaano kita diyan ah? Ma-dyoga." Matigas niyang sabi habang nakatitig sa gitna.

"Jun, foul!" 

"Wala ah? Hindi ko siya natamaan!" angal nila habang paikot-ikot sa gitna. Nasa gilid lang si Phoenix, deretsong nakatingin sa dalaga hawak ang tuhod at hinahabol ang hininga.

"Anong ma-dyoga?!" tanong ni Neneng. Lei’s lips twisted.
"Puwedi ba? Pakilayo sa'kin 'yang dibdib mo," sabi niya at umirap. "At teka nga, bakit ka ba nandito? Ha?" tugon niya. Napahawak sa kaniyang beywang si Lei.

"Pinabibigay ni papa sa'yo!" hinagis niya ang jersey short sa kaniya at agas naman itong sinalo ni Lei.

"Kung wala lang akong modo kanina ko pa sinaktan ang babaeng 'to, e. Napaghahalataan na, e!" gigil niyang bulong, "Oh? Bakit ka pa nandito? Nakuha ko na oh!" iwinagayway niya ang hawak na damit na gustong-gusto niyang ihampas sa pagmumukha ng kaharap niya.

Matamis siyang ngumiti, "Kapag nanalo ako puwedi bang i-date ko si Phoenix?" kumagat-labi siya sa harapan ng dalaga at diringdiri naman ito, "Sa akin siya ngayong gabi." Dagdag pa niya.

Gusto sanang masuka ni Lei pera tinakpan niya ang bibig niya. Nakakadiri ng mukha niya. Ganiyan din yata ang mukha niya kapag nagkakagat-labi.

Sumeryoso ang mukha ng dalaga at naglakad papalapit sa kaniya, "Mukha ba akong asawa niya? Girlfriend niya? Kung gusto mo, neng, sa kaniya mo sabihin 'yan." Napailing si Lei sa hindi pagsang-ayon dito.

Napaawang ang mga labi ni Neneng habang nanlalaki ang mga matang tumingin sa kaniya, "Hindi pala kayo?! Sige, siya na lang ang tatanongin ko mamaya." Excited niyang sambit. Gumalaw-galaw pa siya na parang sinindihan ang puwet niya.

"So, wala kang pakialam kung magkasama kami?" lumiwanag ang mukha niya. Bigla namang nakaramdam ng pagkairita si Lei.

"Deal!" naiinis niyang wika. Napayukom ang kamao niya.
Kumunot ang noo ni Neneng, "Anong deal?" tanong niya na may halong pagtataka.

"'Di ba kapag nanalo ako? Sabi mo? Edi deal."

"Sabi mo wala namang kayo!" sigaw niya.
"Deal nga!" pahabol kong sigaw, pero tumalikod siya at hindi nakinig. Wala nang nagawa ang dalaga at tila nagsisi kung bakit niya sinabi ‘yon. Pumunta siya malapit sa court.

50 points sina Jun at 53 naman sina Phoenix.

Kumunot ang noo niya ng makitang naging iba ang estilo ng kanilang laro. Hindi na sila nag-di-dribble ng bola at parang nagkakainitan na rin.

Biglang pumito ang referee, "Phoenix,  first personal foul!" sabi ng annoucer, "Score, 50, 53. Bola sa team Jun, free throw."

Napasabunot ng sariling buhok si Phoenix at lumingon sa gawi ni Lei. Malawak itong ngumiti sa kaniya. Tumango lang ang dalaga bilang tugon. Naging dikit ang labanan nila hanggang sa huling segundo ay nakabol sina Jun. Tumawa lang siya sa mukha ni Phoenix na parang nagusot dahil sa inis. Lumapit ito sa kaniya at sumimangot.

"Someone is happy," pasaring niyang sabi kay Lei.

"Bakit ka natalo? Hindi mo ata ginalingan," sagot naman ng dalaga.

He pouted his lips and wipes his forehead, "You didn't gave me my good luck kiss, that's why."

"Sus, paano ba 'yan? Kami na ang susunod na maglalaro."

"Lei, ito may nahanap akong bubble gum. Limang piraso 'yan ah? Good luck sa laro!" sabi ni manong Lando sabay bigay sa kamay niya ang mga ito.

"Salamat, manong! Babayaran na lang po kayo ni Phoenix," aniya saka tumawa.

"Bakit ako? Akin ba 'yan?" tanong nito.

"Wala akong pera, e. Limang piso lang naman ata 'to." Binuksan niya ang isang piraso at pinasok sa mga bibig niya. Kailangan niya 'to para mamaya. Napailing na lang ang binata sa kaniya.
"I don't have cash, too. I lost my wallet, someone snatched it."

Bigla namang napaubo ng malakas si Lei. Muntikan na niyang malulon ang gum na nginunguya niya. Agad namang mahinang hinaplos ni Phoenix ang likod niya.
"Are you okay?" he asked. Nag-alala ang mga mata niya habang nakatingin sa dalagang nakatingin sa lupa hawak ang leeg nito.

Tumango ito, "Oo, okay lang. Muntikan ko na kasing malulon 'to." Sobrang kaba ng dibdib niya.

"Stop eating that, then. You'll play in a minute," he told her.

She groaned, "Hindi, okay lang ako." Tumayo ito at napatingin sa binatang walang alam na siya ang kumuha no'n.

"Pag-usapan natin mamaya ang wallet mo, sa ngayon ipapanalo ko muna 'to," matigas niyang sabi, "Pahiram ako ng damit mo. Bilis dito. Magbibihis lang ako." Mabilis itong hinubad ng binata.

Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas siya suot ang damit ni ginamit ni Phoenix at naka-tuck in ito sa shorts niya.

"Pahiram ng sapatos, magkasing laki lang naman ata tayo ng paa." Maangas itong umupo sa upuan habang nginunguya ang chewing gum sa bibig niya.

"Para kang lalaki, bagay na bagay sa'yo 'yan." Tumawa ito at hindi nag-atubiling hinubad ang sapatos niya.

"Uy! Tamang-tama." Komento niya. Ang laki ng paa nito.

Pagtayo niya ay tumayo din si Phoenix sa harapan niya. Tumitig ito sa mga mata ng dalaga.

"Dahil hindi mo ako binigyan ng good luck kiss, bibigyan kita ngayon, hindi mo na kailangang hilingin."

Continue Reading

You'll Also Like

191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
28K 1.2K 29
Wala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napki...
4K 69 5
{17+}{Ongoing} Start: April 16, 2024 End: ----------------- Hades Chaos Maximilian is known as ruthless businessman and a merciless mafia boss who fe...
63.2K 1.6K 34
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...