DS #1: Snatching The Billiona...

By Gixxserss

376K 11K 384

Si Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Wakas
Phoenix and Lei's son story below
Pierce and Amanda's story below(2nd son)
Special Chapter

Chapter 6

9.8K 354 16
By Gixxserss


Ilang linggo na rin ang pamamalagi nila sa lugar at napansin ng dalaga na parang nag-iiba ang kilos ng dalawang binata sa tabi niya. Gano'n din ang mga tao sa paligid niya, nawiwili sa pinagagawa ng dalawa.

"Ready na ba ang mga gamit niyo? Medyo malayo-layo ang lalakarin natin. May matutuluyan naman tayo doon," sabi ni Lando. Siya ang nangunguna sa grupo na dala ni Phoenix, siya din kasi ang may alam ng mga lugar dito.

"Opo!" sagot ng lahat.

May dala-dala ang lahat ng backpack at ang iba ay travel bag. Nauna na ang mga packs ng pagkain sa lugar. Nagsisimula na rin daw silang magluto para sa mga bata.

"Kailangan na nating umalis para hindi tayo maabutang ng mainit ma sikat ng araw," dagdag pa nito at nagsimulang maglakad. Sumunod si Lei sa matanda at katabi si Phoenix. Suot ang kupas niyang sapatos at butas-butas na pants at sumbrero- ay ready na siya.

"Ilang years mo nang ginagawa 'to?" bigla niyang natanong.

"More than five years I think," sagot nito na hindi man lang lumingon sa kaniya.

Napatango si Lei at deretsong tumingin sa daanang madaming alikabok at lubak-lubak.

Naging kuryoso naman lalo si Lei sa kaniya. Hindi lahat ng tao napagtutuunan ang mga taong nangangailangan, "Bakit mo ginagawa 'to?"

"Because I want to, why are you asking?" tanong niya pabalik.

Bumuntong-hininga siya saka nagsalita, "Dahil malaking bagay 'to sa mga taong mahirap at kapos." Mapait siyang ngumiti habang nakatingin sa mala-asul na kalangitan.

Kung sana ay may tumutulong din sa kanila, kung hindi lang nag-ibang babae ang papa niya. Siguro ay hindi niya kailangan magtago, tumakbo at palihim na umiyak kapag sa tingin niya ay wala siyang karamay sa buhay.

"Yeah, I know. That is why I am helping them. They needed it and I will provide what I can." Seryoso niyang sambit na nakapagpaliwanag sa kalooban niya.

Minsan lang siya nakakasalamuha ng mga ganiyang tao, madaming tao ang lubog sa pera-mayaman, pero konti lang ang nakakapagbigay tulong sa mga nangangailangan.

"Ang bait talaga..." Sabi niya dito at lumawak ang ngiti.

Pigil naman ang ngiti ng binata sa kaniya. Biglang umagos sa utak niya ang ala-alang kung paano niya ito ninakawan nang nasa manila pa sila. Napakagat-labi siyang nagmadaling naglakad.

"Hey! Why are you in hurry?" tanong ni Phoenix na may halong pagtataka sa mukha niya. Nakataas ang kilay niya at nakakunot ang noo.

Nasa likuran siya ni Lei, nakasunod at naghihintay na sagotin, "Hey! Are you deaf now?"

"Hindi, nawalan lang akong gana na kausapin ka." Pagsisinungaling niya.

Ang totoo ay nako-konsensiya siya sa ginawa nito sa kaniya. Oo medyo masungit siya pero mabait si Phoenix. Alam niya 'yon, nakikita niya at naramdaman niya.

"What? That fast? Damn...ano ba ang ginawa ko?" tanong niya at mabilis na naglakad papunta sa tabi niya, "Lei, hello."

"Phoenix, mamaya na tayo mag-usap." Napasimangot si Lei at hinawakan ng mahigpit ang backpack strap niya.

"No way. Ano ako? Pampalipas oras mo?"

Napahinto siya ng lakad at masamang tiningnan ang binata. Napabalik din ng lakad si Phoenix sa gawi niya at hinarap ito. Mata sa mata. Para siyang nalulunod sa mga magagandang kulay abong mata nito na tila ay nangungusap sa kanilang pagtitigan.

"Anong pinagsasabi mo?" she asked, raising her brows.

"Anong sinabi? Ang pam...palipas...oras?" paguulit nito at bahagyang itinulak ang ulo niya gamit ang daliri nito, "Bakit may mali ba akong sinabi?" tanong niya ulit at umismid. Pilit siyang ngumiti at nagsimulang maglakad ulit.

Napayukom ang mga kamay ni Lei habang tinitingnan ang makisig na likod ng lalaking kausap niya kanina.

"Kung hindi lang ako ganito ngayon, matagal na kitang tinalo. Ako pa ang manliligaw sa'yo," bulong niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Umirap siya at iniling ang ulo.

Bigla naman na sumulpot si Jun sa tabi niya at sinundan ang matalim niyang tingin sa unahan, "Anong tinitingnan mo?" tanong ni Jun.

Napahawak si Lei sa dibdib niya dahil sa gulat kasabay ng pagpikit ng mga mata niya, "Put*angina," malutong niyang sabi.

Napatakip naman ng bibig si Jun at pigil ang tawang nilingon siya, "Nerbyosa ka pala?" nanginig ang bahagi ng balikat niya.

"Ginulat mo ba naman ako? Mabuti na lang at hindi kita nasuntok. Sigurado ako na dudugo 'yang ilong mo," maangas niyang sabi at kinalma ang sarili. Huminga siya ng malalim at muling umiling.

Nilagay ni Jun ang dalawang palad sa likod na bahagi ng kaniyang ulo, "Bakit? Kaya mo ba ako?" pagkamangha niyang tanong, "Kaya siguro parang lalaki ka kung gumalaw." Dagdag pa niya habang ang tingin ay nasa daraanan.

Walang pinag-iba. Batuhan, puno ng punong kahoy at palayan ang dinaraanan nila. Nagpakawala ng mahinang tawa si Lei, "Kaya kitang patumbahin 'no! Ang lamya mo kayang gumalaw."

Pumuot si Jun sa kaniya at nahihiyang nagkamot ng ulo, "Talaga? Parang hindi naman, o, sanay ka lang talaga sa mga taga-manila," sagot niya, kaakibat nito ang kaniyang pagtatanggi.

"Totoo nga, tsaka maputi ka kasi kaysa sa mga taga-rito." Ngumisi siya at marahan pinalo ang balikat nito.

Hindi nila nakita ang pagbabalik ng lalaking nakataas ang kilay na may dalang mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi--si Phoenix.

"Oh? I'm sorry, I forgot what's mine." Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ng dalaga at mabilis itong hinila paalis.
Panlalaki naman ng mga mata ang nagawa ni Lei at hindi makapagsalita dahil sa gulat. Napamaang siyang nakatitig sa seryoso nitong mukha at kamay na nakakapit sa kaniya. Hindi siya nagpatinag hanggang nakalayo sila sa kaibigang si Jun.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, naguguluhan siyang yumuko at nagkagat-labi. Hindi niya puweding isipin na nagiging iba ang kaniya kinikilos, hindi niya ito puweding bigyan ng malisya.

"Puwedi mo na akong bitawan, nakakahiya naman sa iba na nakakakita sa'tin," bulong niya rito matapos inikot ang paningin. Bulong at ngisi ang kaniyang nakita.

"Ayoko," matigas niyang sambit. Hindi niya man lang ito binigyan ng isang segundong tingin.

Magkasabay na tumaas ang dalawang kilay ni Lei sa kaniya, "At bakit naman hindi? Hanggang makarating tayo pupuntahan natin hinahawakan mo ang kamay ko, gano'n?" tanong niya. Umiling siya at bumuntong-hininga.

Dahan-dahan nitong nilapit ang namumulang mga labi sa kaniyang tenga, "Baka kasi bigla ka na namang tumabi sa lalaking 'yon. Alalahanin mo, lahat ng gusto ko ay gagawin mo," bulong niya. Nagdala ito ng kakaibang boltahe sa katawan niya, parang biglang nagsilabasan ang mga paroparu sa kaniyang tiyan at papaikot na nasiliparan.

Napatikom ang bibig niya at sa hindi alam na kadahilanan ay tumango siya rito, "Lahat."

"That's good, nagkakaintindihan naman pala tayo." Umayos ito ng tayo na parang walang nangyari.

Pilit na inaalala ni Lei ang damdamin niya na dahil lang ito sa isang kasunduan. Pag-iling at pagkagat ng labi niya ang siyang ginawa niya para pigilan ang sariling umasa. Dumaan sila sa masikip na daraanan, hindi man lang nagbigay ng konting kaginhawaan si Phoenix sa pulsuhan ni Lei na kanina pa niya ito hinahawakan.

"May dadaanan pa tayong talon, puwedi kayong maligo doon kung gusto niyo pagkatapos ng ating gagawin."

Kuminang ang mga mata ng dalaga sa narinig, "Gusto kong maligo sa talon. Mukhang masarap ang tubig dito, eh," sabi niya.

Lumingon siya sa likuran para hanapin sana si Jun pero hindi niya ito makita. Noong nakaraan sinabihan niya ito na maligo sa talon na nadaanan nila pero hindi natuloy dahil kailangan nilang magpahinga.

"You are looking for whom, Lei?" he asked seriously.

Nataranta naman si Lei at dumeretso ng tingin, "Ah, wala."

"Anong wala? You are looking for Jun right? Bakit anong gagawin niyo?" tanong niya. Tinapunan niya ang dalaga ng masamang tingin.

"Ano--ano kasi, hindi ah!" nauutal niyang sagot saka nag-iwas ng tingin.

"Puwedi naman kitang samahan kung gusto mong maligo do'n," sabi niya at nag-iwas ng tingin, "No, I will go with you. No Jun." Naging matigas ang boses niya habang nagsasalita. She pouted her lips.

Naging maganda sa pandinig ito ni Lei imbis na magalit. Unti-unting umangat ang gilid ng labi niya, "Oo na. Maligo tayo do'n kapag wala na tayong ginagawa, masaya yata 'yon." Masigla niyang sambit.

"Alright, you can't stay away from me. Every move you'll make, I will be beside you." He commanded.

"Oh, sige." Kunwari ay napipilitan niyang sagot.

Namangha siya sa nakitang napakataas na talon. Mayroong batis sa ilalim at parang ang sarap maligo. "Wow!" halos umuwang ang labi niya habang tinititigan ito. Ngayon lang siya nakakita ng batis sa personal. Nasanay siya sa malansang tubig ng Manila o 'di kaya ay maduming tubig sa ilog kanal.
Nananatili silang nakatigil sa bungad nito. Napatitig naman si Phoenix sa dalaga at palihim na ngumiti.

"Is this the first time you saw it?"

"Dito lang ako nakakakita ng ganitong yamang tubig, alam mo na...buhay Manila," sagot niya saka ngumiti.

"Yeah, but there are some resorts there."

Biglang nagpakawala ng tawa si Lei, napatakip siya ng bibig habang pinipigilan ang sarili. Itinaas ng binata ang kaniyang kilay sa ginawa niya, "Why?"
Tumigil ito at ngumiti ng mapait, "Hindi naman kami kagaya mo na maraming pera. Lahat ng gusto mabibili, makukuha, at mangyayari," panimula niyang tugon. She took a deep breathe. Napatingin ito sa tuktok ng talon, "Kailangan naming gawin ang hindi dapat para lang kumayod."

"Anong hindi dapat?" kuryoso nitong tanong.

"Wala, halika ka na nga. Ayon na sila o!" turo niya sa mga kasamahan, "Tayo na lang ang naiwan." Tumawa siya saka hinila si Phoenix na nagugulahan. Hindi niya puweding sabihin sa kaniya ang totoo. Hindi naman lahat ng tao nakakaintindi.
Pagdating nila sa taas ay 'yon na lang ang gulat ni Lei sa dami ng tao sa maliit na lugar na 'yon. Merong maliit na espasyo at basketball ring na gawa sa kahoy. Nasa gilid naka-puwesto ang tent nila kung saan nandoon ang mga packs ng pagkain.

"Ando'n sa loob ng kubo na 'yon ang mga nagluluto ng pagkain, sir," sabi ni Lando. Sinundan naman nila ng tingin ang itinuro niyang kubo na gawa sa tuyong kugon.
Tumango ang binata at hinigpitan ang kapit niya pulsuhan ni Lei, "Salamat, po." Sambit niya, "Tara tingnan natin kung ano ang ginagawa nila." Sabay hila nito pero nanatiling nakatayo amg dalaga habang masama itong tinitingnan, "Why?"

"Bobo ka ba? Sinabi na nga ni manong Lando na nagluluto sila," matigas nitong sabi at umirap, "Bakit mo pa kailangang pumunta do'n?"

"Just wanna look for them, Lei. 'Wag ka nang magreklamo." Hinila siya nito at hinayaan na lang magpahila sa binata. Ano pa nga ba ang gagawin niya kung 'di ang sumunod.

"Sir, andito na pala kayo!" bungad ng tagapagluto sa kaniya.

Dalawang babae at tatlong lalaki ang nakasuot ng apron na kulay puti. Naghahalo at meron ding nag hihiwa ng mga ingredients para sa niluluto nila. Siguro ay nasa 40's na sila.

"Yes, kamusta kayo dito? Salamat sa pagtulong," sabi niya sabay ngiti, "Sinabihan niyo ba ang mga tao dito?"

"Okay naman po, sir. Ah, opo, naglibot na po ang Presidente ng purok namin. Paalalahan ulit baka malimutan," sagot ng babaeng hawak ang kustsara para tikman ng niluluto, "Sayang din po ang tulong."

Tumango ang binata at akma ng aalis ng biglang magsalita ang lalaking nagpupunas ng kamay. Nagpakita siya ng kaputian ng ngipin nito, "Sir, sasali ka ba sa palaro mamaya? Merong basketball diyan lang sa harap," magiliw nitong tanong.

Nagulat naman si Lei sa narinig. Kuminang ang mga mata niyang bumaling sa mamang hindi niya kilala, "May basketball po? Meron din bang basketball para sa'ming mga babae?" tanong niya. Parang takam na takam ito sa laro.

"Marunong kang mag-basketball, hija? Ayos 'yan, bihira sa mga babae ang marunong maglaro," aniya.

Mabilis na tinango ni Lei ang ulo niya, "Opo," napangisi siya.

"Alam mo 'yong anak ng presidente namin dito, marunong din 'yon. Nakasali nga sa varsity team sa Manila," magiliw nitong kuwento sa kaniya. Wala naman silang pakialam na dalawa at parang gusto pa ngang umalis ni Phoenix sa harapan niya.

"Ah, talaga po? Mabuti 'yan." Iyan lang ang naging tugon ni Lei sa kaniya. Pilit siyang nagpakawala ng ngiti.
"Teka, andito lang 'yon kanina, e," sabi niya habang dumudungaw sa pintuan ng kubo na tila ay may hinahanap na kung sino, "Ayon pala siya! Neneng! Halika ka dito, may ipapakilala ako." Tawag niya.

Napantig naman tenga ng dalawa dahil sa biglaang pagsigaw nito. Parang may dumaang anghel sa harapan nila, isang magandang babae, dala ang mapang-akit ng ngiti niya. Umalon ang buhok niya dahil sa biglaang pag-ihip ng 'di kalakasang hanging sa mukha niya. Napalunok si Lei habang nakatitig sa kakarating lang na dalaga.

"Kuya Ronel, bakit po? May kailangan kayo?" tanong niya gamit ang malamya nitong boses.

Halatang may maganda itong pangangatawan dahil sa kurba nito at sa suot na spaghetti strap na hapit na hapit sa katawan.
"Siya nga pala si sir Phoenix at si?" tanong ni Ronel sa dalaga habang tinataasan ng kilay.

"Lei, Lei po," sagot niya.

Humarap si Neneng kay Phoenix at matamis na ngumiti.

Napakipit si Lei dahil sa nakikita nitong dibdib na halong bumundol sa katawan ng katabi, "Hi, Phoenix. Ako nga pala si Neneng!" pagpapakilala niya sa sarili. Isinampay niya ang kamay sa ere para sana sa isang mag-shake hands pero hindi ito tinanggap ng binata.

Napaiwas ng tingin si Phoenix, halata sa mukha nito ang pagkairita, "Okay," simpleng sagot niya.

Nawala ang ngiti ng dalaga at agad na tinago ang kamay sa likuran niya dahil sa pamamahiya.

"Marunong daw si Lei mag-basketball, Neng."

Tumaas ang isang kilay nito, "Oh? Talaga? Edi maglalaro kaming dalawa." Umikot ang mga mata niya, "Pero dapat sports lang ah? Baka kasi umiyak ka kapag natalo kita, eh."

Umismid si Lei sa kaniya, "Hindi naman ako iyakin, Neng," sagot nito. Hindi niya naiwasang mainis sa kaharap nito.

"Hmmmp! Pagsasabihan ko si papa na may gaganaping liga para sa babae." Nagtaray ito bago iniwan silang lahat.

"Aalis na po kami." Sabay hila sa kaniya ni Phoenix.

"Hindi ka marunong maglaro 'no?" usyosong tanong ni Lei sa kaniya.

"I know, I just don't feel like playing it with the people here," sagot niya.

"Hindi ka lang yata marunong, eh. Nagdadahilan pa." Nagpakawala ng mahinang tawa si Lei. Binibiro lang naman niya ang binata.

Dumepensa naman ang binata, "Of course, I know! That's my sports."

Nagkibit-balikat lang si Lei saka ngumiti.

"Pero maglalaro ata ako mamaya."

Pagdating nila sa tent ay agad silang nakarinig ng usapan.

"Sasali ka daw sa liga, Jun? Maganda 'yan, pakitaan mo sila ng kagalingan mo," sabi ni manong Lando.

"Opo, pampapawis lang!" sagot naman nito. Naginat-inat ang binata habang nakatingin sa dalagang kasama ni Phoenix.

Tumiim ang bagang ni Phoenix habang nakatitig sa kaniya, "I think, I will play basketball, Lei."

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 385 47
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
4K 69 5
{17+}{Ongoing} Start: April 16, 2024 End: ----------------- Hades Chaos Maximilian is known as ruthless businessman and a merciless mafia boss who fe...
324K 482 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...