DS #1: Snatching The Billiona...

By Gixxserss

376K 11K 384

Si Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Wakas
Phoenix and Lei's son story below
Pierce and Amanda's story below(2nd son)
Special Chapter

Chapter 5

10.1K 345 31
By Gixxserss

Matapos maligo ni Lei ay nag-ayos siya ng sarili. Nakasuot ng blouse at saya. Mukhang makakasanayan niyang suotin ito kaysa sa butas-butas na pantalon at malaking damit. Dito naging maayos ang galaw niya, unti-unting nalulusaw ang parang lalaki kung gumalaw.

"Lei, tayo na. Kanina pa tayo tinatawag ni Lando sa labas, kakain na daw," sabi ni Lorna mula sa labas ng kwarto niya. Sinuklay niya muna ang buhok bago naglakad palabas.

"Opo, manang. Tapos na ako," sagot niya gamit ang malambing na tono ng boses niya.

Magkasama silang lumabas ng bahay at nakitang medyo madami palang tao. Nilibot niya ang paningin at nakitang kumakaway si Jun sa kaniya.

"Lei, dito!" sigaw niya habang nakangiti.
Umangat naman ang gilid ng labi niya saka kumaway pabalik.

"Mukhang napapadalas ang pagsama niyo ng binatang iyan, hija. May gusto ata sa'yo," bulong ni manang Lorna sa kaniya.

Agad namang umiling si Lei sa kaniya, "Naku, manang! Magkaibigan lang kami!" sabi niya saka inakbayan ang matanda.

Hindi niya nakita na papalapit na pala si Jun sa kaniya, "Lei, tabi tayo ah?" aniya saka siya hinila.

"A-ano..." Hindi na siya nagsalita at nagpahila na lang sa kaibigan. Tipd siyang ngumiti nang batiin siya ng mga tao na nadadaanan nila.

"Magandang gabi, Lei." Bati sa kaniya ng mga kasamahan.

Tumango si Lei, "Magandang po," bati niya pabalik.

"Kung hindi lang talaga maganda ang batang 'yan, aakalain ko talagang tibo," biro ni Nestor. Nagsitawanan naman silang lahat maliban kay Phoenix na ang sama ng tingin sa kamay ni Jun na nakahawak sa pulsuhan ni Lei.

Bigla namang nahiya ang dalaga at napakamot ng batok, "Ganito lang po, talaga ako," sagot niya saka bumaling kay Phoenix, "Uy, babalik ko na lang mamaya ang telepono mo ah?" sabi niya saka ngumiti. Umigting ang panga ni Phoenix at umiwas ng tingin. Napairap naman ang dalaga sa kaniya.

"Suplado talaga," bulong niya sa sarili.

Nakatayo silang lahat sa gilid ng mga pinagtagpi-tagping mesa sa gitna. Merong nakalagay na na kanin sa ibabaw ng dahon at kasalukuyan namang hinihiwa ang baboy at manok na inihaw. Isa-isa namang nilalagay ang mga isda at nakahilera na ang mga prutas.

"Tulungan ko na po kayo, manang!" aniya saka naglakad papunta sa matandang hawak ang tray ng inihaw na isda.

"Salamat, hija. Ayusin mo lang 'iyan at kukunin ko ang natapos ng hiwain na karne," sagot niya saka iniwan sa kaniya ang malapad na tray.

Napangiti siya at tumango. Kitang-kita niya ang sarap ng pagkakaihaw, "Excuse me po. Maglalagay muna ako." Amoy na amoy niya ang usbong ng preskang isda. Isa itong tilapia. Nagsibigay naman sila ng espasyo para sa kaniya, "Salamat."

Akma siyang maglalakad ng may biglang humawak na kamay sa tray na hawak niya, hindi lang isang pares kung 'di ay dalawa. Nanlaki ang mga mata niya ng makarinig ng tinig.

"Ako na," sabi ni Phoenix.
"Ako na dito, Lei." Ani Jun.

Sabay nilang sambit. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin, at hindi siya nagkakamaling sina Jun at Phoenix nga ang nakahawak sa tray na hawak niya rin. Napamaang siya sa dalawang mga mata na nakatingin sa kaniya. Pasalit-salit niyang tiningnan ang dalawang binata sa harapan niya.

"Ako na ang bahala, Jun," sabi ni Phoenix sabay hila ng tray sa gawi niya.

Umiling si Jun sa kaniya, "Hindi, sir. Nakakahiya naman po sa'yo. Bisita kayo rito kaya ako na po," sagot niya saka hinila papunta sa gawi niya.

Nakasunod ang mga mata ni Lei sa kanila at hindi maintindihan kung ano ang nangyayari.

"It's okay, this is my responsibility. Lahat ng tao dito ay sakop ko," paliwanag niya gamit ng seryosong mukha, kunot ang noo at halos maging kulubot na ang kilay.

"Sir, hindi na. Taga rito din naman ako eh." Ngumiti siya rito ng pilit at inagaw ang tray.

"Ah, teka lang ah? Anong ginagawa niyo? Ang daming gagawin diyan oh? Bakit pinag-aagawan niyo 'yang dala ni Lei?" tanong ni manang Lorna habang sinisilip ang mga mukha nila. Humalukipkip naman ang ibang nakapansin sa kanilang ginagawa. 

"Oo nga, manang. Nagsasayang sila ng oras," sabat ni Lei habang pinagkukunutan sila ng noo, "Oh! Sa inyo na nga 'yan." Mahina niyang itinulak ang tray sa kanilang dalawa at tumalikod.

Napangiti naman si manang Lorna sa dalawang binata bago umalis sa gawi nila. Naiwang nakasunod ang titig ng dalawang binata kay Lei at malagkit na nagkatinginan.

"Okay, do that. I won't do that anymore," sabi ni Phoenix sabay bigay tulak ng hawak nilang bagay na naglalaman ng isda.

"Hindi, sir. Nasasakupan mo po sila hindi ba? Ikaw na lang po."

Ibinalik ito sa kaniya ni Phoenix at hindi na humawak, "Taga rito ka 'di ba?" sabi niya habang nakataas ang isang kilay nito, "Ikaw na ang gumawa," sabi niya gamit ang sarkastikong boses niya.

Iniwan niyang nakaawang ang mga labi ni Jun habang pabalik-balik na nakatingin sa hawak at sa lalaking naglakad patungo sa gawi ng dalaga.

"Hoy, Jun! Bilisan mo diyan para makakain na tayo!" singhal ni mang Nestor na ngayon ay naglalagay ng mga nahiwang karne.

Huminga siya ng malalim, "Opo!" saka sinunod ang utos niya.

"Oh? Bakit ka nandito? Tapos na ba ang ginagawa niyo?" tanong ni Lei saka kuha ng mga sawsawan.

Sumandal si Phoenix sa nakahiwalay na mesa, "Yeah, I gave it to Jun. Namimilit talaga, eh," sagot niya.

"Ah, talaga? Sana tinulungan mo." Tumalikod siya patungo sa mesa, "Siya nga pala, dalhin mo dito ang ketchup, suka, at patis," baling at utos niya rito.

Nagpakawala ng ngiti ang binata at dali-daling kinuha ang mga gagamiting sawsawan. Sumunod agad ito sa likod niya at parang buntot ng dalaga.

Napatingin si Jun sa kaniya kaya nagkibit-balikat si Phoenix sa kaniya habang nakangisi. Tila ay nanalo siya sa paligsahan kanina.

"Lagyan mo 'yan,” utos ng dalaga sabay turo sa maliit na lagayan ng sawsawan.

"Okay." Palihim na ngumiti ang binata.

Kada lapag ni Lei ay agad naman itong nilalagyan ni Phoenix ng suka at patis at nilalagyan ng tig-iisang ketchup. Matapos ang paghahanda ay magkasama silang naghugas ng kamay.

"Bakit hindi mo ako pinansin kanina?" tanong ng dalaga at pumuot.

"I don't feel talking to you earlier,” he answered.
Napameywang si Lei habang nakaharap sa kaniya, "Ayos ka rin ‘no? Hindi ko talaga alam kung ano 'yang tumatakbo sa isip mo." Umirap siya saka nagpunas ng kamay.

Maayos na tumayo ang binata at tumingin sa kaniya, nilahad niya ang dalawang kamay nito sa harapan ng dalaga.

Tumaas naman ang isang kilay ni Lei sa pagtataka, "Anong ginagawa mo?" tanong niya.

He smirked, "Wipe my hands," he said seriously.

Pinanlakihan siya ng mga mata ng dalaga, "Bakit hindi ka ba marunong?"

"Of course, I do know. But that is my command, you will do whatever I want right?" he asked like what they talked about earlier.

Nag-aalangang tumingin si Lei sa kaniya, "O-Oo nga, bakit?" nauutal niyang tanong pabalik. Napakagat-labi siya ng lalo pa itong nilapit sa kaniya.

Nagpakawala siya ng mapaglarong ngiti, "Wipe it, Lei."

Tumango si Lei at hinawakan ang mga kamay niyang malambot pa sa kamay niya. Pinunasan niya ito gamit ang malinis na pampunas, dahan-dahan habang pinagmamasdan ang kaputian nito. Hindi kagaya ng iba, mas malinis talaga ang kamay niya kahit saang banda.

Ibinalik niya ito matapos punasan, "Ayan na." Tipid siyang ngumiti.

"Lei, halika na kakain na tayo," tawag sa dalaga.

Nilapag ni Lei ang pampunas, "Halika na," sabi niya saka humakbang paatras at tuluyan ng naglakad.

Nakasunod sa kaniya si Phoenix hanggang sa puwesto nito katabi ni manang Lorna at nasa kaliwa naman ay si Jun kaya nagtaka ang dalaga na nasa likuran siya nito.

"Phoenix, saan ka? Bakit andito ka?" tanong niya.

"I want you to be on my side, Lei," sabi niya sabay tingin kay Jun na nakatitig din sa kaniya. "On my side," ulit niya na may diin.

Napalunok ang dalaga sa kaniya at tiningnan ito na tila ay tinatanong ng kaniyang mga mata kung ano na naman ang ginagawa niya.

"Why? I am doing anything bad. That's my command, Lei."

Bumuntong-hininga si Lei, "Manang, may espasyo pa ba? Si Phoenix kasi gustong nasa tabi natin," baling niya dito.

Napalingon sa kaniya si manang Lorna at ngumiti. Nagbigay din ng ngisi si Phoenix bago nagbigay espasyo sa tabi nito at kanang bahagi ni Lei.

"Dito, sir. May espasyo pa para sa iyo."

Tumango siya, "Salamat, manang."

Lumusot siya dito at tumayo. Nakapuot naman si Lei sa tabi niya. Napapagitnaan siya ngayon ng dalawang binata at naiilang siyang ganiyan.

"Andito na ba lahat?" tanong ng babaeng volunteer at nilibot ang tingin.

"Susunod na lang daw si Liz, Fe."

Tumango ito, "Sige, dahil bago dito si Lei, siya ang magle-lead ng prayer natin tonight," sabi ni Fe habang nakangiting binigyan siya ng tingin.

"Oo nga, si Lei." Rinig niya pang pagsang-ayon dito.

Napalunok ng laway si Lei habang nakahawak sa dibdib dahil sa gulat. Umikot ang tingin niya sa mga taong nakatingin at naghihintay sa kaniya. Parang ang laki ng bagay na nakabara sa lalamunan niya at paulit-ulit siyang lumunok. Namamawis ang noo at mabilis na tumibok ang puso niya.

"Are you okay?" bulong na tanong ni Phoenix sa kaniya malapit sa kaniyang tenga.
Hindi makapagsalita si Lei na umiling, "M-masama ang pakiramdam ko," sagot niya. Napapahid siya ng noo. Kahit medyo malamig ay bigla siyang nakaramdam ng init dahil sa biglaang pagturo nito sa kaniya.

"Ako na lang ang magle-lead ng prayer mukhang masama ang pakiramdam ni Lei, e." Pagprisinta ni Jun.

Tipid namang ngumiti si Lei sa kaniya, "Oo, medyo sumama ang pakiramdam ko." Dagdag pa niya sabay tango.

"Mukhang maayos ka naman kanina, hija?" nagtatakang tanong ni manang Lorna sa kaniya.

"Siguro dahil sa pagpunta nila sa lampas, Lorna at hindi sanay sa malamig ma hangin." Komento ni mang Berto.

"Wear my jacket, are you cold?" tanong ni Phoenix. Dahan-dahan niyang hinubad ang kulay itim na hoodie jacket. Hindi pa nga niya nababalik ang t-shirt nito papahiramin na naman siya uli.

"Ah, hindi na. Nakakahiya naman, okay naman ako." Napailing siya kasabay ng paggalaw ng mga kamay niya pakanan at papuntang kaliwa, pabalik-balik.

"No," matigas niyang sambit, "I already take this off, Lei."  Mukhang hindi papayag ang binata sa naging tono ng boses nito.

"Tayo ay magsiyukong lahat para sa isang panalangin," simulang sambit ni Jun.

Napaayos naman silang lahat ng tayo at nagsiyukuan maliban kay Lei. Nakamasid lang ito sa mga kasamang nakapikit at taimtim na dinadama ang dasal na sinasabi ni Jun.
Napakagat-labi siya at bumuntong-hiniga, narinig ito ni Phoenix kaya tinulak niya ang ulo ng dalaga payuko.

Napalabi ito at nahihiyang pumikit. Ang totoo ay hindi siya marunong magdasal. Magmula ng maging snatcher siya ay hindi na siya pumapasok sa simbahan. Nalimutan na rin ang mga panata dahil sa kabulustugang ginawa niya.

Nang matapos ang dasal ay agad silang nag-angatan ng ulo.

"Kainan na! 'Wag kayong mahiya ah?"

Parang hindi siya makasabay sa kanila. Ganito pala ang boodle fight na tinatawag nila, parang salo-salo lang. Naputol ang titig niya sa mga nagtatawang kumakain ng may biglang bumundol sa braso niya.
"Ano?" tanong niya sa binatang may hawak na jacket.

"Damn, wear this! Kanina ka pa sinasabihan ang tigas ng ulo mo," sabi niya na may diin bawat bigkas. Isinabit niya ito sa balikat ng dalaga at bumaling sa pagkaing nasa harapan niya.

Umirap si Lei at wala na ring nagawa kung 'di ay umatras at suotin ito.

"Lei, ano ang gusto mo? Suka at toyo o ketchup?" tanong ni Jun, "Nilagyan kita ng manok."

"Suka at toyo na lang, Jun. Salamat." Sinuot niya ang binigay na jacket ni Phoenix.

"Jun, we're gonna share this sawsawan. Can't you see we already have," ani Phoenix. Inangat niya ito para makita ni Jun. Tipid pa siyang ngumiti dito at irap lang ang naging ganti niya ni Jun sa kaniya.

"My hoodie looks good on you, Lei." Komento niya.

"Salamat. May plano ka ba na ipahiram lahat ng gamit mo sa'kin?" tanong niya, "Andito sa'kin ang cellphone mo, t-shirt at ngayon, itong jacket mo." Nagulat siya ng makitang malapit na maging bundok ang ulam na nasa harapan niya.

"Wala naman, its just you need it. That's why I let you borrowed my things," sagot nito.

"Bakit ang daming ulam sa harapan ko?" tanong niya. Hindi siya makapaniwalang pinaghiwalay ang mga ito at nilagay sa gitna, "Hindi naman ako gano'n kadaming kumain."

"Nilagay 'yan ni sir, Lei. 'Yong manok lang 'yong sa'kin," sagot ni Jun.

Napalingon si Lei sa katabing niyang busy-busy'han. Napatingin naman si Phoenix  na parang walang alam.

Tumaas ang kilay niya sa kaniya,"What?" he asked, chewing the food inside his mouth. Umikot ang mga mata ni Lei at tumiim ng bagang. Bigla naman si Phoenix  nagsalita, "I just want you to eat more besides you are under my responsibility at baka bigla kang pumayat dito." Pagdadahilan niya. Ngumiti agad siya kahit puno ng kanin ang bibig niya, bumubukol ito sa dalawang pisngi na parang nakatambak lang.

Napailing si Lei at pigil ang ngiti sa kaniya. Nagsimula siyang kumain gamit ang kamay niya. Sa pagkakataong ito, ngayon niya lang naramdam at naranasan ang mapayapa at masayang buhay. Pero hanggang kailan niya tatakasan ang problema?

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
99.1K 2.4K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
14.9K 374 35
THE SEXY NERD'S HUNK GANGSTER This is the story of a sexy nerd STACEY MANUEL and the Hunk Gangster CRISSEN TOM "HELL" ROSS. For open-minded only. Rea...
4K 69 5
{17+}{Ongoing} Start: April 16, 2024 End: ----------------- Hades Chaos Maximilian is known as ruthless businessman and a merciless mafia boss who fe...