Somewhere Down The Road (Publ...

By asherinakenza

9.9M 218K 25.1K

Isang tamang pag ibig sa maling tao at maling panahon. Hanggang saan ang kaya mong isugal, para sa pagmamahal... More

Somewhere Down The Road
SDTR: Prologue
SDTR: Kabanata 1
SDTR: Kabanata 2
SDTR: Kabanata 3
SDTR: Kabanata 4
SDTR: Kabanata 5
SDTR: Kabanata 6
SDTR: Kabanata 7
SDTR: Kabanata 8
SDTR: Kabanata 9
SDTR: Kabanata 10
SDTR: Kabanata 11
SDTR: Kabanata 12
SDTR: Kabanata 13
SDTR: Kabanata 14
SDTR: Kabanata 15
SDTR: Kabanata 16
SDTR: Kabanata 17
SDTR: Kabanata 18
SDTR: Kabanata 19
SDTR: Kabanata 20
SDTR: Kabanata 21
SDTR: Kabanata 22
SDTR: Kabanata 23
SDTR: Kabanata 24
SDTR: Kabanata 25
SDTR: Kabanata 26
SDTR: Kabanata 27
SDTR: Kabanata 28
SDTR: Kabanata 29
SDTR: Kabanata 30
SDTR: Kabanata 31
SDTR: Kabanata 32
SDTR: Kabanata 33
SDTR: Kabanata 34
SDTR: Kabanata 36
SDTR: Kabanata 37
SDTR: Kabanata 38
SDTR: Kabanata 39
SDTR: Kabanata 40
SDTR: Kabanata 41
SDTR: Kabanata 42
SDTR: Kabanata 43
SDTR: Kabanata 44
SDTR: Kabanata 45
SDTR: Kabanata 46
SDTR: Kabanata 47
SDTR: Kabanata 48
SDTR: Kabanata 49
SDTR: Kabanata 50
SDTR: The Road To Forever [1]
SDTR: The Road To Forever [2]
SDTR: The Road To Forever [3]
SDTR: Epilogue
SDTR: SELF PUBLISH

SDTR: Kabanata 35

147K 3.7K 401
By asherinakenza

SDTR: Kabanata 35

Malalim pa rin ang titig niya sa akin pero nabaling ang atensyon ko doon sa isang lalaking biglang humawak sa magkabilang balikat niya mula sa likod niya at napakunot ang noo ko dahil sa pagkakatantong magkamukha silang dalawa!

"Hey, hey, easy. Relax, bro. Kaya mo pa namang magpigil." Ngumingising sambit nung kamukha niya at saka pilit siyang pinaupo doon sa kaharap kong upuan. Tumingin naman sa akin yung lalaki at tinanguan ako.

"Liam!" Sigaw ng isang babae mula sa likod ko kaya mabilis akong lumingon pero namilog ang mata ko nang makilala ko kung sino siya!

"Ara?!!" Sigaw ko! Nanlaki ang mata ni Ara na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Biglang namasa ang dalawang mata niya at napaubo ako nang kabigin niya ako ng yakap!

"Oh my God! Claire! Naaalala mo ako! God!" Sigaw niya saka mas hinigpitan ang yakap sa akin! Hinampas hampas ko ang likod niya para makawala ako sa yakap niya.

"Ano ba? Sa tingin mo ba makakalimutan ko ang best friend ko?! Hinding hindi mangyayari yon!" Grabe, namiss ko siya. Sobrang namiss ko siya, kailan nga ba kami huling nagkita?

"Psh, edi sana best friend nalang din tayo." Narinig kong bulong ni Ethan sa likod ko pero hindi ko siya pinansin dahil mas pinagmasdan ko si Ara ngayon.

"What happened? Bakit parang medyo tumaba ka?" Kunot noong tanong ko kay Ara nang mapansin kong medyo may katabaan siya ngayon, pero kahit ganoon ay hindi ko maitatangging ang ganda ganda niya pa lalo.

Ngumiti si Ara at hinaplos ang buhok ko, "I miss you." Aniya at muli akong niyakap, bago pa kami naupo doon sa table kung saan nakaupo si Ethan at yung kamukha niya. Sa tingin ko ay kambal ang dalawang ito.

"Uhm, gusto mo lumipat tayo ng table? May asungot kasi dito." Bulong ko kay Ara na nagpatawa lang sa kanya.

Umiling siya, "Sisteret, ano ka ba. Hindi tayo pwedeng lumipat ng upuan, gusto mo bang magwala yung asawa ko kapag nawala ako sa paningin niya ng ilang segundo lang?" Humahalakhak na kwento niya, kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Asawa?" Wala sa sariling sambit ko. Ngumiti siya at tumango, "Yes, asawa. Kaya rin ako medyo tumaba dahil kapapanganak ko palang." Aniya na nagpabilog sa dalawang mata ko!

"Asawa?! Anak?" Napatakip ako sa bibig ko, "P..paano nangyari yon?"

Mas lalong natawa si Ara sa akin pero napansin ko ang pagkabalisa sa mga mata niya.

"Claire, si Marcus Liam, ang asawa ko. At si Ethan naman ang kapatid ni Marcus." Pakilala niya sa akin doon sa dalawa, tinignan ko si Marcus na ngayon ay parang naglalaway sa katititig sa best friend ko, seriously? Bakit wala akong maalala? Sa pagkakaalam ko, mag best friend kami ni Ara at wala siyang tinatago sa akin na kahit ano. What happened 4 years ago? Sa pagkakataong ito alam kong nakakulong ako sa alaala nung debut ko dahil iyon lang ang paulit ulit kong naaalala, yung gabing kasayaw ko si Dad ang paulit ulit sa alaala ko sa tuwing sumasakit ang ulo ko.

Kumirot ang ulo ko dahil sa pag iisip pero pilit akong ngumiti sa asawa ni Ara. Bumaling naman ako kay Ethan na ngayon ay mabigat ang pagtitig sa akin. Pero hindi ko na naiwasan ang paghawak sa ulo ko at mariin na pagpikit ng dalawang mata ko, naramdaman ko ang pag yakap sa akin ni Ara sa balikat ko.

"Claire, o..okay ka lang ba?!" Ramdam ko ang pag aalala sa boses niya, nahagip ng mata ko ang papalapit na si Kuya Justine pero pilit akong umiling iling.

"No..."

"Damn it!" Sigaw iyon ni Ethan nang tuluyan ko ng ibagsak ang katawan ko sa sahig! Nagkagulo silang tatlo at hindi ko na malaman kung sino na ngayon ang nakayakap mula sa likod ko!

"Fuck, baby. Calm down." Pamilyar ang bulong na iyon sa tainga ko na naging dahilan upang mas lalong sumakit ang ulo ko. Isang malalim na paghinga ang hinugot ko at doon ko lang napansin na umiiyak na ako dahil sa sobrang sakit!

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng taong nakayakap sa akin ngayon at halos ibulong ko na ang mga salitang pinakawalan ng labi ko. "Please, help me. To..to stop the pain." Umiiyak na pakiusap ko! Pakiramdam ko ay unti unting hinihila ang lakas ko dahil sa sakit na nararamdaman ngayon ng ulo ko!

"Claire!!" Boses iyon ni Kuya Justine at kitang kita ng hilam kong mata kung paano niya halughugin ang sling bag na dala dala ko! "Shit! Bakit wala kang dalang gamot?!" Singhal niya sa akin, mabilis niya akong hinila doon sa nakayakap sa akin at halos bumigat ang puso ko nang makawala ako sa mga yakap niya. Yung yakap na sobrang pamilyar sa akin.

Binuhat ako ni Kuya Justine at nagmadali siyang lumabas ng bar. Rinig ko ang boses ni Ara at ang mga patakbong yapak nila na sumusunod sa amin ni Kuya.

Mabilis niya akong isinakay sa front seat at kinabitan ng seat belt. Nagtatalo sila Ara doon sa labas at hindi ko masyadong maintindihan ang mga pinag uusapan nila dahil nakatuon ang mga titig ko kay Ethan na ngayon ay punong puno ng hinanakit ang mata. Naglakad siya patungo kay Kuya Justine at kitang kita ko kung paano niya pasimpleng kinuha ang susi sa kamay nito saka tumungo siya sa driver seat at halos marinig ko ang malakas na pagmumura ni Kuya Justine nang paharurutin ni Ethan ng mabilis ang sasakyan ni Jam!

Wala na akong lakas para magtanong sa kanya, sa halip ay ipinikit ko nalang ang mga mata ko upang mabawasan ang matinding pag sakit ng ulo ko. Patuloy pa rin sa pag agos ang luha ko at ni hindi ko na rin maintindihan ang kirot na ginagawa ng puso ko ngayon.

Mahigpit ang kapit ko sa dulo ng damit ko nang bigla niyang hilahin ang kaliwang kamay ko at pinagsalikop ang daliri naming dalawa. May kung anong nagpakalma sa akin nang maramdaman ko ang init ng bawat gilid ng daliri niya, maging ang pag iyak ko ay unti unti na ring humupa hanggan sa makatulugan ko na rin ang pagsakit ng ulo ko.

Higpit na pagyakap ang ginawa ko nang makaramdam ako ng mabilis na pagpapatakbo ng motor! Panay ang hampas ng malamig na hangin sa balat ko pero natatalo iyon ng mainit na yakap na natatanggap ko mula sa likod niya. Iba ang pakiramdam ko ngayong yakap yakap ko siya, masaya at pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere na kailanman ay hindi ko inakalang mararamdaman ko.

Kumakalabog din ang puso ko sa sobrang kasiyahan sa katotohanang nayayakap ko siya ng ganito kahigpit. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa kamay ko at nang bumaba ako sa motor na iyon ay parang nalungkot ang puso ko dahil wala na ako sa mga yakap niya. Unti unti kong pinagmasdan ang mukha niya, pero parang nagkagrado ang mga mata ko dahil sa labo nito, pilit kong kinukusot iyon upang maging malinaw ang pagtitig ko sa kanya pero mas lalo lang itong lumalabo!

"Claire..." Tinawag niya ang pangalan ko at halos mag echo na iyon sa tainga ko nang sumakay na siya sa motor niya at panay na ang iyak ko nang pinaharurot niya ng mabilis iyon palayo sa akin!

"Hey.." May tumatapik tapik sa braso ko, dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nakita kong dim lights ang buong kapiligiran ko. Nakabalot ang buong katawan ko sa puting blanket at ramdam kong may nakahawak sa braso ko. Bumaling ako sa kaliwa ko na naging dahilan para magtagpo ang mata naming dalawa. Nagwala ang puso ko at kulang nalang ay lumabas na ito dahil sa pagkalabog.

Nakatagilid siya habang pinagmamasdan ako, "Nananaginip ka." Bulong niya sa namamaos na boses.

"A..anong ginagawa ko dito? Saan 'to?" Wala sa sariling tanong ko kay Ethan, yes, kasama ko nanaman siya at sa huling pagkakatanda ko ay umiiyak ako sa sasakyan ni Jam habang hawak hawak niya ang kamay ko.

"Don't worry, you're safe here." Paninigurado niya, nag iwas ako ng tingin sa kanya at saka umupo ako sa kama. Hindi ko alam pero hindi ako nakakaramdam ng takot kahit pa katabi ko siya ngayon sa iisang higaan, sa katunayan ay nagugustuhan iyon ng sistema ko.

"Uuwi na ako." Bulong ko saka akmang tatayo, pero hinawakan niya ang braso ko at umupo rin siya. Napasinghap ako nang haplosin niya ang buhok ko at inilagay sa likod ng tainga ko ang nakatakas na buhok.

"Aren't you going to ask me something?" Desperadong sambit niya pero kalmado pa rin.

"Ha?"

"Kung bakit kita dinala dito." Patuloy niya, diretso ang tingin ko sa paanan ng kama habang siya ay ramdam ko ang malalim na pagtitig sa akin.

"M..may sakit ako, ka..kanina inatake ako." Nabubulol na sagot ko, huminga siya ng malalim.

"That was last night, baby." Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman kong nagtayuan ang balahibo ko dahil sa paraan ng pagtawag niya sa akin.

Huminga siya ng malalim, "Ah..ano, salamat sa pag aalaga sa akin kagabi. Kaya mo naman ako dinala dito kasi inalagaan mo ako diba?" Wala sa sariling sambit ko, pero ang totoo ay wala akong maalala simula nang makatulog ako sa pagmamaneho niya, binuhat niya ba ako kagabi patungo dito?

Mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko sa kanya.

"Salamat? May kapalit yon." Biglang aniya, tinignan ko siya sa mata. "What?"

Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin, lumunok muna siya bago nagsalitang muli. "Makipag date ka sa akin." Aniya na nagpabilog sa dalawang mata ko, date? Sa kanya? Bakit? I mean, bakit niya ako gustong maka-date?

"Lahat ng bagay dito sa mundo may kapalit, inalagaan kita kagabi, kaya makipag-date ka sa akin." Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa kanya? Parang isang biro ang sinasabi niya pero napaka seryoso ng boses niya.

Bigla akong kinabahan! Tinignan ko ang buong katawan ko at laking pasasalamat ko dahil kung anong suot ko kagabi ay yon pa rin ang suot ko ngayon.

Narinig kong ngumisi siya, "Tingin mo talaga re-rapin kita?" Seryoso pa rin ang boses niya kaya hindi ko alam kung paano ko ba siya sasagutin. Napaka sungit ng tono non at medyo natatakot ako sa pag aakalang galit siya.

"Tumahimik ka nga." Pagsusungit ko din, nagwawala kasi ang puso ko sa tuwing maririnig ko ang boses niya.

"Tss."

Tumayo siya at tumungo siya doon sa single sofa saka ibinigay sa akin ang isang paper bag. "Maligo ka na, sabay na tayong mag breakfast." Anyaya niya at saka lumabas siya ng kwarto.

Napakamot ako sa ulo ko at hinalungkat ko ang paper bag. Namula at nag init ang mukha ko nang makita kong may underwear at bra doon! May skinny jeans din doon at simpleng floral top na blouse.

Tumayo na ako at pumasok sa cr, doon ko lang nabasa sa isang pakete ng sabon kung nasaang lugar ako.

Azalea Residences

Napahinga ako ng malalim dahil alam kong nasa Baguio pa rin ako.

Nagsimula na akong maligo at hinayaan kong alalahanin ang panaginip ko kagabi kasama ang isang lalaking iniiyakan ko nang iwanan ako sakay ng motor niya. Hindi kasi biro yung hapdi at kirot na iniwan non sa kaliwang bahagi ng dibdib ko kahit pa sabihin kong isang panaginip lang ang lahat ng yon, dahil kung talagang panaginip lang iyon, bakit sobrang sakit? Bakit hanggang ngayon ay may bumabara pa rin sa puso ko?

Kinukuskos ko na ngayon ang buhok ko habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa isang salamin dito sa Hotel, masasabi kong sukat na sukat sa akin ang damit na hindi ko alam kung binili ba niya o pinabili niya? Pero nagustuhan ko ang pagka hapit nito sa katawan ko.

Napatigil ako sa pagkuskos ng buhok ko nang makita ko ang repleksyon niya mula sa likod ko, malalim ang titig niya sa akin habang nakahalukipkip.

"You're so damn...beautiful." Bulong niya na nagpalunok sa akin, kumawala nanaman ang puso ko nang humakbang siya palapit sa akin at kinuha ang suklay doon sa may tapat ng salamin saka marahan na pinasadahan ng suklay ang basang buhok ko, nagtititigan kaming dalawa sa salamin habang ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasan ang panghihina ng tuhod ko sa tuwing bumabangga ang mainit niyang daliri sa leeg ko o sa kahit saang parte ng balat ko sa mukha, kilalang kilala ko ang haplos na ito, pero hindi ko alam kung saan at kailan ko naramdaman.

"A..ako na!" Bawi ko sa sariling kaluluwa ko mula sa mga titig niya saka hinila ko ang suklay sa kanya.

"Uuwi na ako, baka hinahanap na rin ako sa amin." Bulong ko saka tinalikuran ko na siya, nakita ko ang sling bag ko doon sa ulunan ng kama kaya kinuha ko iyon! Pero natigilan ako dahil magaan ito.

Mabilis kong binuksan iyon at hinalungkat, sa pang ilang pagkakataon ay naramdaman kong may dumagan nanaman sa puso ko nang makita kong wala sa bag ko ang notebook na yon! Itinaktak ko ang bag ko sa ibabaw ng kama pero walang bumagsak doon, ginulo gulo ko ang buong kama para hanapin iyon pero hindi ko makita.

"Anong hinahanap mo?" Malamig na tanong sa akin ni Ethan. "Yung, yung notebook." Nauutal na sagot ko sa kanya nang hindi siya pinagbibigyang tingin saka sumilip ako sa ilalim ng kama.

"Notebook." Hindi makapaniwalang aniya. "Oo. Importante yon sa akin!" Nanginginig na ang binti ko at kamay ko dahil sa takot na baka naiwala ko iyon! Nararamdaman ko na rin ang pag iinit ng dalawang mata ko at kahit anong oras ay alam kong babagsak na ang luha ko.

"Importante sayo?" Bulong niya, hindi ko na siya pinansin pa, mas ginawa kong abala ang sarili ko sa paghahanap ng notebook at wala akong pakialam kung magulo ko man ang buong kwarto ng hotel.

"Stop, Claire." Dinig kong sambit niya. "No..no." Tumungo ako upang silipin sa ilalim ng sofa at alam kong para na akong baliw na panay ang hanap sa isang bagay na alam kong malabo ko ng mahahanap.

"I said stop!" Sigaw niya at hinila niya ako patayo mula sa pagkakatungo, tinitigan ko siya ng masama at hinayaan ko ng bumagsak ang luha ko! Sobrang bigat ng titig niya sa akin, "Wala dito." Dagdag niya, "Hindi, nandito yon, nasa bag ko lang yon. Importante sa akin yon." Ayan nanaman yung paghagulhol ko, naiinis na ako sa sarili ko dahil wala na akong ginawa kundi ang umiyak sa tuwing mararamdaman kong may pumipiga sa puso ko!

"Importante sayo?" Malamig na sambit niya at mas tinitigan ako sa mata. Hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya saka naglakad ako patungo sa pinto, sa bar. Baka nasa bar yung notebook!

"Where are you going?" Narinig ko ang yakap niya na sumunod sa akin. "P..pupunta ako sa bar! Si..siguro naiwan ko sa bar yung notebook! Hindi ko pwedeng maiwala yon!" Sigaw ko nang hilahin niya ako paharap sa kanya.

"Bullshit, baby. Stop crying." Pakiusap niya, kumunot ang noo ko.

"Will you please stop calling me in that way?" Pakiusap ko sa kanya! Hindi ko maitatangging ang laki ng epekto sa akin sa tuwing tatawagin niya ako sa ganoong paraan, pero ayokong masanay, dahil parang may kumakawala sa dibdib ko.

Itinulak ko siya pero hindi sapat ang lakas na mayroon ako, "Ethan, please? Kailangan kong makita yung notebook na yon." Pakiusap ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay ayaw niya akong pakawalan sa kwartong ito.

"Why is it so important to you?" Kunot noong aniya na para bang naninigurado, hilam na ang mga mata ko sa sariling luha at hindi ko na nagugustuhan ang paghikbi ko.

"Move." Pagtataray ko sa kanya habang umiiyak ako. Pero sumeryoso at mas lalong lumalim ang titig niya sa akin.

"No, baby. Answer me, why?!" Pagpupumilit niya. "I said mo--"

"Just answer my goddamn question, Claire!" Sigaw niya na nagpapitlag sa akin at mas lalong nagpabuhos sa luha ko na naging dahilan para isigaw ko sa kanya ang nararamdaman ko!

"Dahil yun lang ang kumukumpleto sa akin! Dahil pakiramdam ko ang laki ng kulang sa buhay ko! At sa tuwing nababasa ko yon, nararamdaman kong buong buo ako! I..I don't know, but I feel so safe and complete sa tuwing mababasa ko ang sulat kamay na nandoon."

Mas lalo akong humagulhol at napaupo nalang ako sa harap niya habang tinatakpan ko ang mukha ko. "At nasasaktan ako sa tuwing maiisip ko na mapupunta sa iba yung notebook na yon. Ayokong may ibang makabasa non.." Umiiyak na sambit ko, nanginginig ang balikat ko dahil sa pag iyak ko.

"I...I just feel that it was written for me, kahit na alam kong imposible." Humihikbing patuloy ko, narinig kong lumuhod siya at pilit niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakatakip ko sa mukha ko, pilit niyang hinuli ang mga mata ko, dama ko yung hinanakit sa mga titig niya at ang pamilyar na emosyon na hatid non ay dama ko.

"Pakiramdam ko may nag mamahal sa akin ng totoo sa tuwing mababasa ko yon. Dahil nitong mga nakalipas na araw, ayoko man maramdaman o isipin, pero pakiramdam ko niloloko ako ng mga tao sa paligid ko." Pagsusumbong ko sa kanya.

"Claire..." Garalgal na tawag niya sa akin, hinawakan niya ang pisngi ko at marahan na pinunasan ang luha ko. Ipinikit ko ang mata ko at dinama ko ang haplos niyang parang nagpapagaan ng kalooban ko.

Nang muli kong imulat ang mata ko ay tinanggap ko ang malambing na pagtitig niya sa akin.

"I feel so lost, Ethan."

****

A/N: Pasensya na sa update kung ganyan. T.T ang sakitin ng Ate niyo. Sa mga nagbabasa ng Save The Best For Last, sorry po kung walang update, sobrang masakit na kasi yung ulo ko, pero plano ko naman talagang gawan ng UD yung STBFL pero hindi ko na talaga kaya. Basta salamat sa pagbabasa. Ingat kayo palagi!

Love lots.

Ate Ash.

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 682 37
(I don't like him book 2) 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished :...
195K 1.7K 7
"You just assumed that there's something going on between us. Sorry not sorry, but you fell on my trap." -CM Claudio Martinez-the mysterious but dang...
2.4M 69K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
5.4K 222 10
[Ongoing] My Porker-Faced Guy Book 2 Matapos ang apat na taon, 2 years with no communication, ay nagkitang muli sina Mica at Xander. This time, hindi...