DS #1: Snatching The Billiona...

By Gixxserss

376K 11K 384

Si Lizzeth Dimaano ay isang kawatan. Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang pamilya tama man ito o mali. Sa... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Wakas
Phoenix and Lei's son story below
Pierce and Amanda's story below(2nd son)
Special Chapter

Simula

40.7K 664 24
By Gixxserss

Third person’s POV

Suot ang butas-butas na pants, malaking damit at halos mawala ang totoong kulay ng sapatos. Si Lei ay nakaupo sa isang upuan patagilid at naka-ekis ang dalawang paa, nguya-nguya ang bubble gum sa loob ng bibig niya.

"Lei, nakikinig ka ba?" tanong ng boss nila. Tumaas ang kilay nito. Nanatili si Lei sa kaniyang ginagawa at pinalobo ang bubble gum hanggang sa sumabog ito sa bibig niya.

May dalawang kamay na yumugyog sa kaniyang magkabilang balikat, "Lei, tinatawag ka ni boss!" sabi ng lalaking halos gumulo ang mukha sa kaba.

Dinilaan niya ang paligid ng bibig upang maipasok ulit ang gum bago binigyan ng tingin ang boss na nakakunot ang noo'ng nakatingin sa kaniya, nasa ibabaw ng mesa ang dalawang pinagsaklop na kamay at dahan-dahan itong nagiging mahigpit.

Kalmadong tumingin si Lei ng deretso sa kaniya at itinaas ang magkabilang gilid ng bibig, "Oh? Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong niya.

Hindi man lang nagkaroon ng takot sa kaniyang mukha. Hindi kagaya ng mga kasamahan niya halos maihi sa sariling pantalon. Tumawa si Lei ng malakas, "Boss, naman! Masahiin niyo nga siya, mahirap na baka ma-stroke," sabi niya at sumandal sa upuan.

Dali-dali namang nagtakbuhan ang dalawang lalaki sa likod niya at menasahe ito.

Napailing ang matabang boss nila at napapikit na tila ay kinakalma ang sarili, tinaponan niya ng masamang tingin ang dalaga, "Lei, umayos ka nga! Tandaan mo ah? Andami mo pang utang sa'kin kaya ayosin mo ang trabaho mo!" sigaw niya.

Napatakip ng bibig si Lei at pigil ang tawa. Paano ba naman kasi muntikan ng maputol ang ugat niya sa leeg sa sobrang gigil sa kaniya.

"Boss J, naman! Kalma ka lang. Baka ma highblood ka niyan..."

Si Boss J ay isang matabang, malaki ang tiyan, nasa 60's na siya at retired na sa pagiging magnanakaw. Malaking pera ang ninanakaw nila pero ngayon ay sa maliit muna sila dahil mainit pa ang grupo sa mata ng gobyerno. Si Lei ang pinakamagaling sa lahat pero gano'n din kataas ang utang niya sa boss nila.

Lumalim ang mata niyang kanina pang nangingitim dahil sa inis, wala talagang kadala-dala itong si Lei. Sakit sa ulo at hindi mo alam ang trip.

"Umalis na nga kayo!" sigaw niya ulit at pinagtutulak ang taong nasa likod niya. "Alisin niyo ang babaeng 'yan sa harapan ko!" itinuro niya ang dalagang nakabungisngis at nakapamulsang tumayo.

"Relax, aalis na nga. High blood ka talaga, eh." Kumindat siya sa kaniya para asarin ito at mabilis din na tumakbo ng makitang kinasa ni Boss J ang hawak niyang baril, "T*ngina naman, ayoko pang mamatay!" sigaw niya habang walang habas na tumawa.

Nakasunod sa kaniya ang mga grupo niya nagsisitawanan sa likod niya. Nang makatapak sa kalsada ay tumingin siya sa mga ito at pinatutulak ang ulo nila gamit ang daliri niya.

"Kayo ah? Ang bu-bwesit ninyo!" matigas niyang sabi at dinura sa gilid ang bubble gum niyang naubos na ang lasa, "Teka, saan ba daw tayo ngayon?" tanong niya. Nakatayo siya habang nakapa-meywang.

Tinapon ni Xander ang sigarilyo niya bago nagsalita, "Uuwi, day off natin ngayon pero bukas mall tayo. May mall show kasi kaya madaming tao bukas," sagot niya. Tumaas-taas ang dalawa niyang kilay at ngumiti.

Si Xander ang pinaka-close niya. Maliban na kapitbahay niya ito sa maliit na subdivision ay magkababata sila at oo, sa subdivision sila nakatira. Ginamit niya ang perang nautang sa boss nila para bumili ng bahay kaya aabot na ng limang million ang utang niya. Kasabay no'n ang pagkakasakit ng nanay niya at bayad sa buong college ng mga kapatid niya.

Sumilay ang malaking ngiti sa labi niya, "Talaga? Ayos 'yan, pre!" tumaas ang boses niya at nag-apir sa isa't-isa, "Oh? Boboy! Pedro, uwi na muna kayo, makaligo naman kayo. Ambabantot niyo na," sabi niya at napatakip ng ilong.

Inamoy nila ng sarili at nagtinginan, "Hindi naman ah? Sobra ka naman. Napapawis lang ako kanina sa gym ni boss," sagot ni Pedro.

"Hindi din naman ako mabaho, sobra ka talaga Lei." Ani Boboy. Pagtingin nila sa kaibigan ay nasa malayo nakaakbay kay Xander, "G*go talaga ang dalawang 'yan. Iniwan ba naman tayo matapos utuin." Dagdag niya habang sinusundan ng tingin ang dalawa, "Ped---," naputol ang sasabihin niya ng makitang umalis na rin sa tabi niya si Pedro papunta sa kabilang direksyon. Kumunot ang noo niya, "ANG SA-SARAP NIYO TALAGANG KAIBIGAN, BW*SIT!" malakas niyang sigaw.

Nagtatawanang naglalakad sina Xander at Lei. Sa unang tingin aakalain mong tomboy si Lei pero mahaba at maganda ang buhok niya, makinis din ang mukha at may mga konting dumi dahil do'n sila natulog sa quarters, matangkad at maputi. Iba lang talaga ang pananamit niya.

Si Xander naman ay may lahing German kaya makikita mo ang angking kagwapuhan nito. Maputi at magkasingtangkad sila ni Lei. Pinasok niya ang trabahong iyon dahil wala na siyang maasahan sa bahay nila, na-stroke ang daddy niya matapos ma-bankrupt ang negosyo nila.

"Napakawalang-hiya mo talaga, Lei. Pati si Boss muntikan ng mawalan ng hininga dahil sa'yo," sabi niya habang natatawa. Huminto sila kung saan naka-park ang itim niyang motor.

"Si Boss lang 'yan. Magiging masaya tayong lahat kung mamatay na 'yan." Lumakas ang tawa nilang dalawa. Kinuha niya sa kamay ni Xander ang helmet at isinuot ito sa ulo niya. Sumasabay na lang siya sa kaniya dahil sayang ang pamasahe.

"'Pag ikaw tuluyan niya, naku!" biro niya bago pinaandar ang motorsiklo.

Umismid siya at sumakay sa likod, "Hindi niya ako babarilin, mautak 'yon. Ayaw niyang mawala ang pinakamagaling magnakaw sa grupo niya." Umiling siya saka humawak sa beywang ni Xander.

"Yeah, and he'll not like the idea that you can't pay your debt."

"Debt is debt, your life or pay debt," sagot niya bago nagsimulang tumakbo ang motor na kung saan siya lulan.

***********

"Oh? Mga pare! Galingan niyo ngayon ah?" sabi niya at marahang pinalo ang nga balikat nila. Nakasuot sila ng magandang at makukulay na damit ngayon parang totoong magmo-mall sila.

Si Lei at nakasuot ng pencil skirt na hapit na hapit sa kaniya kahubugan at manipis na top na kita ang kaniyang cleavage at puting boots na hiniram niya sa kapit-bahay kaya hindi siya komportable sa kaniya damit at kilos lalaki pa rin.

Ang tatlong lalaking kasama niya ay nakasuot naman ng polo at preskong nakabukas ang tatlong butones na kita ang kanilang magagandang dibdib, may pekeng magandang hikaw at dala ang kagwapuhan nila.

Shades on...hindi sila puweding magkasamang pumasok. Dahil sa taas sina Xander at Lei, si Boboy at Pedro naman sa baba. Kumindat si Lei sa kanila at isinuot ulit ang shades. Nakahawak ang binata sa kaniya beywang at hinapit ito.

"Ayosin mo nga ang galaw mo, parang lalaki ka pa ata sa'kin, eh," bulong ni Xander na may halong reklamo.

"Puwedi naman kasi akong mag-pants na lang at malaking damit pero puteks, kita ang dibdib ko, pre!" may diin niyang bulong bago ngumiti sa nakikitang tao.

"Hindi nga puwedi, dapat maayos mukha nating lahat," tugon ng binata.

Umismid ito, "Mukha bang may sira mukha natin? Teka nga! Ayusin mo 'yang kamay mo ah? Nakikiliti ako puteks!" pigil ang tawa niya sa harap ng guard.

"Ma'am, check ko lang po ang bag niyo," sabi ng guard. Binuksan ni Lei ang bag niya at sinilip naman ito ng guard gamit ang batuta na hawak niya. Pagkatapos niyang i-check ang bag na naglalaman ng sangdamakmak na sanitary pad ay uminit ang pisngi nito. 

"Puwedi na po kayong pumasok," naiilang niyang sambit. Napaiwas siya ng tingin.

Palihim silang tumawa at nagsimulang maglakad, "Hindi ko talaga ma-gets utak mong bano." Kantiyaw ni Xander.

Siniko niya ito sa tagiliran kaya dumaing ito ng mahina, "Shut up! Daming nakatingin sa'kin."

Pumunta sila sa pangalawang floor at sumandal sa railings. Sobrang dami ng tao na nakatingin sa baba para manood. Nang magsimulang kumanta ang artista at nagsitilian silang lahat at halos mahimatay. Sobrang gwapo ba naman kasi. Hindi nila alam na nagsimula na rin na gumalaw ang kamay ng dalawa.

"Babe, tingnan mo oh? Ang gwapo ng artista," sabi ni Lei sabay dukot sa pitaka ng isang babaeng sobrang lakas makatili. Peke silang nagngitian.

"Yeah, he is handsome," he answered. Tila seryoso naman ang naging tugon do’n ng binata, "Doon tayo para makita mo ng maayos." Dagdag pa niya.

"Sige tara!" sabi ni Lei. Lalong lumaki ang ngiti nila ng makarami sila, "Big time, pre." Komento niya bago hinila si Xander papuntang comfort room.

"Bakit dito mu'ko dinala? Pambabae 'to tangeks ka!" sabi niya. Pumasok sila at ni-lock ang pinto.

Binuksan lahat ni Lei ang pitaka at kinuha ang pera, "Sh*t, daming pera, pre." Halos kuminang ang mga mata nilang pinaghatian ang pera bago lumabas ng banyo na parang wala silang nagawang masama. Nagulat naman ang mga babaeng nasa labas ng makitang may lalaki siyang kasama. Ang iba ay nagbulungan pero hinayaan niya ito ang importante ay madami ang kinuha nila.

"Pakitawagan na sila Pedro, kung tapos na sila," utos niya dito at inikot ang paningin.

"Sis, nawawala ang wallet ko." Pumantig ang tenga nila sa boses na ‘yon. Napatikom ng mga labi si Lei.

"Saan mo ba kasi iniwan? Saan mo nilagay?" tanong niya. Dumaan sa kanila ang dalawang dalaga habang hinahalukay ang bag ng kaibigan.

Pero ang nakaagaw ng atensyon niya ay ang isang seryosong lalaki na naglalakad papasok sa isang mamahaling boutique. Nakaitim itong amerikana at may kasamang bata, siguro ay anak niya. Parang nag-zoom ang mga mata niya ng makitang lumalabas ang kalahati ng pitaka nito.

Iniwan ni Lei si Xander na kinakausap ang iba pang kasama. Natakam siya sa pitaka nito pero kailangan niyang mag-ingat. Pumasok siya kung saan ito pumasok at nagpapanggap na namimili ng damit.

"I want a dress, I'd love to have a pink one," sabi ng batang animo'y mula sa mayamang pamilya.
Lumapit siya dito at tumalikod. Kumabog ng malakas ang dibdib niya. Kapag nagkataon ay makaka-jackpot siya.

"Alright, baby. We'll buy one. Just choose there and tell me."

Nanindig ang balahibo niya sa ganda ng boses nito. Ang lalim at ang gwapo. Napakagat-labi siya at sumilip sa pwetan nito. Sunod nang sunod ang lalaki sa bata at si Lei naman ay ginagawan ng paraan para makuha ang pitaka niyapero hindi niya maabot. Nang sa wakas ay tumigil sila sa kabila, sinoot ng dalaga ang kamay sa nakahanger na mga damit pangbata. Dahan-dahan niyang hinila ang pitaka mula sa bulsa nito pero gumalaw binata.
Napaharap ang binata sa kaniya at kinunutan ng noo. Nagtataka siyang binigyan ito ng tingin at tumalikod na rin.
Nakahinga maluwag si Lei at kumuha ng isa pang damit, "Muntik na 'yon ah?" bulong niya sa sarili. Ngayon lang kumabog ng malakas ang dibdib niya dahil sa kaba. Sobrang laki ba naman kasi ng pitaka niya at halatang madaming laman.

Sumipol siya ng mahina at pumunta sa gawi nila. "Phoenix, I like this one and this,” sabi ng bata. English pala ‘to, e.  Binigay sa kaniya ng bata ang mga damit pero muntikan na siyang matumba ng may bumangga sa kaniya. His forehead furrowed as he glares at his back.

"What the hell, miss? Can you walk straightly?" he asked, shouting at her.

Napakamot naman si Lei sa leeg niya dala ang mga damit, "Sorry po, sir. Na-out balance lang po," sagot niya. Hindi halata sa mukha niya na sobrang nahuhumaling sa lalaking kaharap niya.

He sighed and turns his gaze on the girl he is with. Hinihila kasi nito ang kamay niya, "Let's go there," sabi niya at hinila siya.
"Alright, be careful, Maddy."

Naiwan si Lei na tulala bago bumalik sa sarili. Dali-dali niyang binalik ang damit at lumabas. Nakuha na kasi niya ang pitaka nito. Hinanap niya agad ang mga kaibigan pero hindi niya ito nakita. Bumaba siya mula sa 2nd floor lulan ng escalator. Kumuha siya ng bubble gum para kumalma at sinubo ito.

"Saan po ba kayo huling pumunta? Baka naiwan niyo lang do'n ang pitaka niyo," sabi ng guard habang kasamang naglalakad ang mag-ina.

Tumango si Lei sa kaniya na parang close na close silang dalawa. Nagmadali siyang lumabas at dumeretso sa parking lot. Doon niya nakita ang mga kaibigang pabalik-balik na naglalakad.

Kumunot ang noo niya at tumaas ang kilay sa kanila, huminto siya at nakapameywang, "Anong nangyayari sa inyo? Hinuli ba kayo?" tanong niya na may halong pag-aalala.

Umangat ang mga tingin nila at lumiwanag ang mga mukha, "Lei!" sigaw nila at nagsitakbuhan para yakapin siya. Tumawa silang tatlo.

"Akala namin nahuli kana! Bakit ba kasi bigla kang nawala?!" tanong ni Xander bago kumalas sa yakap ang tatlo.

Tumaas ang gilid ng labi niya, "Ako? Mahuhuli? Tsss...pero kailangan na nating umalis bago tayong lahat mahuli." Pinakita niya ang bumubukol na pitaka at ngumiti.

Nagmadali ang dalawa na pinaandar ang motor. Sumampa siya patagilid sa motor ni Xander suot ang helmet.

"Hoh! Ang swerte natin ngayon!" sigaw niya. Mabilis na pinatakbo ni Xander ang motor kaya napakapit siya at mahigpit habang malakas na tumatawa. Nag-uunahan ang mga motor nila sa kalsada.

"20 thousand po lahat, sir," sabi ng cashier.

Akmang kukuhanin ni Phoenix ang pitaka niya ng wala siyang makapa. Kinapa niya lahat ng posibleng lalagyan pero wala. Nagsimula siyang mataranta.

Nagtataka ang cashier na tumingin sa kaniya gano'n na rin ang pamangkin niya.

"I lost my wallet, damn!" may diin niyang bulong.

Biglang pumasok sa isip niya ang babaeng sunod nang sunod sa kanila kanina.

"F*ck that woman!"

"Sir, okay lang ba kayo? Wala po ba kayong pambayad?" tanong ng babae.

"No, Phoenix is rich," the kid answered.

"Can I see your CCTV footage? I think the woman snatched my wallet," he said. His face crumpled.

Continue Reading

You'll Also Like

412K 613 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
4K 69 5
{17+}{Ongoing} Start: April 16, 2024 End: ----------------- Hades Chaos Maximilian is known as ruthless businessman and a merciless mafia boss who fe...
28K 1.2K 29
Wala ng choice si Mia kundi ang dumepende sa kanyang kapalaran at basta na lang nanghila ng unang taong nahagip ng mata niya upang magpabili ng napki...
3.1K 91 20
Rank Achieved: #20 in Popular PROLOGUE "Drew I'm bored." I rolled my eyes at Lyra. She's my bitchfriend. Anyway I'm Drew Martini. 16. Graduating Hig...