Fazed Arrow (The Athletes #2)...

Av abeamus

1.4M 38.3K 21.2K

MONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always fe... Mer

Fazed Arrow
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 19

22.8K 919 686
Av abeamus

Chapter 19

Won


Wala kaming training sa umaga.

"Huwag n'yo ngang guluhin ang kaibigan namin! Nag-aaral siya! Isa!" sita ni Jaya sa mga lalaking inaasar ako mula sa sliding window.

Seryoso lang ako habang nag s-solve ng calculus. Kagabi pa ako nag-aaral ng calculus, at nakakatuwa dahil ang bilis ko silang makuha. Sobrang dali naman pala nito. Siguro tamad lang talaga ako? Siguro matalino talaga ako?

Grabe, ganito pala ang feeling?

"Huwag niyo ngang pinapasigaw 'yan! Mga gagong 'to," boses ni Jared mula sa labas.

Ang lakas ng tili.

I smiled when I finished answering our assignment. Ngayon ko na ginawa dahil whole day ang training namin bukas. Time management!

"Ano'ng meron?" Takang taka si Demi habang nilalapag sa lamesa ko ang fruit tea na pinabili ko.

"Wala..." I said and stretched my hands up.

Tapos na ako sa assignments ko. Si Jaya, hayun, nasa labas na at nakikipag tawanan kay Jared.

"Inspired na inspired ka yata? Ganyan ba talaga kapag may Montevinski sa buhay?" dagdag niya at naupo sa tabi ko.

Wala pa kasi si Anikka. Nagpaalam na aalis kanina pero hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik. Duda talaga ako roon, e. Pakiramdam ko may secret boyfriend 'yon.

"Feeling ko," at saka ako tumawa at tinusok na ang takip ng fruit tea ko.

I leaned on my chair while thinking of something else. I was insecure, but now I'm inspired. Tumatak kasi sa isip ko ang sinabi ni Xydon. Non verbatim, he said, you can still do better as long as you want it for yourself. In my case, I want to be better for myself. Para hindi na ako ma insecure pa...

"Nasa labas na ang sundo mo, 'Nak..." si Mommy nang pababa na ako galing sa aking kwarto. Mamaya pa kasi ang schedule niya kaya si Xydon ang nagprisintang ihatid ako.

"Bye, My!" at humalik ako sa kan'yang pisngi. I was about to go but she pulled my hand gently.

Ngumiti si Mommy. "I'm happy that you're happier now..."

I smiled back. Alam ni Mommy na hindi na ako naghahabol sa atensyon ni Daddy. Sometimes, I still ask how is he but I never got any replies. Hindi na rin ako gaanong ka apektado dahil natanto ko na hindi nga naman lahat ng tao ay kayang ibigay ang pagmamahal na inaasam natin. Someone else will fill it up for you.

Niyakap ako ni Mommy.

"Hayaan mo na, Anak. Maging masaya na lang tayo. Tanggapin mo na, okay?" puno ng timyas ang boses ni Mommy.

Mahirap madaliin ang mga ganitong bagay, pero alam ko naman na dadating 'yong panahon na matatanggap ko na rin. Nagpupursigi akong maging kontento sa mga bagay na hawak ko na kaysa sa mga bagay na mahirap abutin.

Wala namang magbabago sa katotohanang ama ko pa rin siya.

"O, bakit 'to?" tanong ko nang abutan niya ako ng paperbag galing sa backseat na kanina ko pa nakikita sa rear view mirror.

Nasa tapat na kami ng school gate. Hindi ko na pinapasok ang sasakyan niya.

"It's for you to know..."

Tinignan ko ang laman. Bagong set ng jersey pero itim ang kulay. Tinignan ko ang likuran. Montevinski pa rin ang pangalan.

"Black?" taka kong tanong. Puti ang kadalasan na nakikita ko sa pictures niya, e.

"Black ang team color namin this year..." nag-aalinlangan ang kan'yang boses. Alam niya kasing ayaw ko sa mga ganitong kulay.

"Ito ang isusuot ko kapag maabutan ko ang laro mo?" Sinulyapan ko siya habang binabalik sa ayos ang damit na gagamitin ko.

Tumango siya at bumuntong hininga. "Just don't forget about our deal... if you really want to watch."

'Wag kong madaliin ang laro ko. Ayos lang daw kahit mahuli ako sa game niya basta mag-focus ako. Gusto niya ngang lumiban pero ayaw ko nga ang ideyang 'yon kaya humantong kami sa deal na 'to.

"Okay! Bye! Ingat ka. Thank you." Humaba ang nguso ko dahil sa mahabang thank you.

He chuckled and pulled me a bit. He gave me a hug which I returned in an instant. His manly fragrance cleared the way to my lungs.

Inter-high came. As usual, marami na namang tao. Nanalo na ako ng isang game at pakiramdam ko, ako ang pinaghandaan ng ibang schools. Panay kasi ang masusing tingin nila sa mga galaw ko.

"Nagkagulo! Binuhat na ni Zoren papuntang Hospital," iyon ang narinig ko pagbalik ko sa booth ng mga kaibigan ko. Binaba ko ang bow at arrow ko sa libreng lamesa.

"Ano'ng meron?" naiwan sa siwang ng labi ko ang fries na kinuha ko sa kanilang paninda.

"Si Kelly Gonzaga, pinalo sa ulo. Hindi alam kung sino ang namalo!" Si Jaya ang sumagot sa akin na parang naghihisterya pa.

Nanlaki ang mga mata ko. "Huh?! Bakit??"

Gulantang ako dahil inaanak 'yon ni Mommy. Hindi kami close pero alam kong mabuti 'yong tao kahit may pagka-suplada talaga.

"Baka dahil marami nang nakaaway 'yon? Bumabawi?" Assumption ni Anikka habang nag-aabot ng shake sa mga bumibili.

"Kumusta?" tanong ko.

"Wala kaming balita. Ang alam ko sikreto daw at bawal lumabas ang balita. Narinig ko lang sa mga kaibigan niya kanina noong bumili rito," sabi naman ni Demi habang kalmadong naghihiwa ng kung ano.

Bumisita si Xydon sa akin noong hapon. Dito kasi kami matutulog kasama ang mga kaibigan ko tutal ay may booth sila rito. Booth sana para sa mga athletes namin kaso marami namang bumibili na galing ibang school.

"Kamusta si Kesian?" tanong ko habang nakasandal sa hood ng sasakyan ni Xydon. Nasa harap ko naman siya.

"She's fine. Nandoon din si Zoren. Ti-te-trace na kung sino at may hint na rin naman," sagot niya at inabot sa aking an ice cream at kutsara.

Tumango ako. I want to tell everything to my Mom but I feel like they labeled it as confidential for a reason. Ayaw ko naman mangialam.

"Kumusta training mo?" I asked instead.

He looks manly with his slight dumpy hair. Natatawa ako. Kaya pala sabi niya sa likod kami dahil naka jogging pants na siya at t shirt. Ready to sleep, Xydon?

"Tiring. Ikaw dapat tinatanong ko," aniya habang ineeksamina ang isa kong kamay.

"Tsansing!" tawa ko.

"Tss. Hindi. I just noticed it's a bit reddish," agap niya at magaang kinurot ang pisngi ko kung nasaan ang dimple.

"Bukas na ang laro niyo..." paalala ko sa kan'ya at nabigla ako nang mabilis na namula ang kan'yang tainga. Malakas tuloy akong natawa.

"Uh, yeah... To be honest, I'm pressured to win."

Mas lalong lumakas ang aking halakhak. I couldn't really analyze his expression, but it was funny and amusing at the same time.

I rolled my eyes. May kung anong lumulukso sa aking tiyan. Sa mga mata niya, roon mo makikita kung gaano siya ka desididong manalo.

Naging tahimik kami habang kumakain ako ng ice cream. Kung saan saan lumalagpas ang paningin ko, pero siya ay madalas sa akin lang ang tingin. Minsan tunatawa kami sa mga random na pinag-uusapan.

"Seryoso talaga si Mooze sa kan'ya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

That Mooze Diego is a notorious playboy of all time! The one he's hitting on was very known for being softy. Softy nga yata ang nickname no'n, e.

"Seryoso 'yon," aniya sabay alis ng dumi sa gilid ng labi ko. "Naging crush niya rin yata 'yon noong bata pa lang kami..."

Tumango ako. "Ang layo ng age gap niyo," puna ko.

Natawa siya. "Kuya niya si Magnuz. Iyon ang ka age ko..."

Hindi ko kilala 'yong Magnuz. Ang dami kasi nilang magpipinsan. Hindi ko rin gaanong kilala ang iba dahil nasa ibang bansa.

"Ang dami niyo," I thought out loud, realizing they're really many.

He just smirked at that. Pero sa huli, may kung sakit na gumuhit sa kan'yang mukha. Like he remembered something. Malapit si Mommy sa mga Montevinski kaya sa tingin ko alam ko kung anong naalala niya.

Bigla na lang siyang yumakap sa akin. Binaba ko ang ice cream sa hood ng sasakyan niya at sinuklian ang kan'yang yakap. Bahagyang sinusuklay ng kamay ko ang medyo tuyo niya'ng buhok. Ang bigat ng paghinga niya.

"I just got back from Dubai when I heard about his death. Sa lahat ng pinsan ko, siya ang pinaka-close ko... Kami nina Maddizon."

It's Sean Gray Montevinski. Ang namatay nilang pinsan ilang taon na ang nakalipas. Kapatid ni Zoren at kapatid nitong babae.

"Kaya ayaw kong pumupunta sa Dubai, dahil pakiramdam ko, pagbalik ko may masamang balita ulit," his tone was the evidence of his sorrow.

Maybe he's not yet healed? O, siguro, healed na pero bumalik iyong pakiramdam.

I sighed and hugged him tighter. Madalas ay parang buhos ng tubig ang mga salitang lumalabas sa bibig ko, ngayon ay kabaligtaran. I don't know how to comfort him through words so I just used physical comfort. That way, I can make him feel my intention.

"Kaya kahit anong mangyari, ayaw kong pumunta sa Dubai..."

Umaga, natalo nina Mooze sina Vier. Kasama ko pang nanood si Xydon at grabe ang kamayan nilang mag pinsan pagkatapos ng laro. Napa-iling ako at pinasadahan si Vier na galit kasama si Tasha. I looked away when he looked back. Bakit siya galit? Magaling naman talaga si Mooze. Talagang distracted lang last year.

"Kadiri. Ang lampa," parinig ni Mooze kaya inawat na ni Ate Rhione.

"Diego! Nakakahiya ang kayabangan mo!" si Ate Rhione kaya natawa ako.

"Whatever, Rhione! I'll go now. May babakuran pa ako," mayabang na siwalat ni Mooze at nag martsa buhat ang kan'yang duffel bag.

Pumalibot ang kamay ni Xydon sa baywang ko kaya nilingon ko.

"I'm hungry. Let's eat somewhere. Tapos aalis na rin ako..." aniya dahil may gagawin pa siya sa university nila bago ang laro.

Kumain kami saglit sa isang fast food kasama si Ate Rhione at Cheonsa. Pagkatapos no'n ay nag hiwa-hiwalay na rin kami para sa mga personal na gawain. Ako, panay ang meeting at tambay na lang sa booth nina Jaya.

Inutusan ako ni Jaya na bumili ng ice sa kabilang booth nang tabihan ako ni Vier habang naghihintay. Naka jersey shorts pa rin siya pero puting t shirt na ang pang itaas. Magulo ang basang buhok, paniguradong nag-shower.

"Are you happy that we lost?" aniya sabay abot ng pera sa estudyante.

"Hindi naman," pormal kong sagot.

Bakit ba ako kinakausap nito? Hindi na nga kami nagpapansinan at baka magalit si Tasha. Possessive 'yon.

"I saw you. Stop lying." Ang yabang ng tono niya habang sarcastic ang itsura sa akin.

My eyebrows turned wavy. "Problema mo?" Kinuha ko na ang ice na nakalagay sa supot at nag martsa paalis.

Sumunod siya kahit hindi pa nakukuha ang order niya. I was panicking since I didn't want another news k about me with him.

"You were so happy because your boyfriend's cousin won against us! Siniko pa nga ako no'n! Wala ka nang pake ngayon, a?"

Umapaw ang init ng ulo ko sa binubuo niyang usapan. What's wrong with him?!

"Bakit kailangan kong magkaroon ng pake? Ano ba kita?" sa huli ay sinabi ko 'yon. Sinadya kong marinig ng ibang tao para hindi ako ang malandi sa komosyon na 'to kundi siya. Siya ang malandi!

"Wow!" Shock was all over his face. "Kinalimutan na nga ako! Dahil hindi lang ako makalapit sa'yo, wala ka nang pakialam?!"

Marami akong gustong isumbat pero mas pinili kong itikom na lang ang bibig at tuluyan siyang iwan doon na ngawa nang ngawa. Ang totoo niyan ay wala naman na akong pakialam sa mga pinupunto niya, pero gusto ko pa ring ipamukha sa kaniya ang dahilan kung bakit ayaw ko na siyang maging kaibigan pa.

Hindi ako nagkwento kila Jaya kahit takang taka sila sa pagiging badtrip ko pagbalik. Kailangan kong kumalma para sa laro ko.

"Panoorin natin bukas ang championship ng volleyball, a?" dinig ko sa mga kalaban ko habang naghahanda na kami.

"Kung makakalaro lang sana si Kelly. Ang ganda sana ng laban!"

Nasa hospital nga! Mas mahalaga pa yata ang laban kaysa sa safety ng tao. Jusko!

"Ten for Villaceran, Raven Claws!" anunsyo galing sa speaker. Nakaabot ako sa championship at laro ko na.

Ten means bullseye.

"Galing naman pala ng bata ni Zeus!" sigaw mula sa pamilyar na lalaki.

When I looked where it came from, my eyes widened. Nakita ko si Tiago, Mooze, Ate Rhione, Cheonsa and Hiraya. Si Tiago ay may hawak na camera na nakatutok sa akin.

I was happy because of their support, idagdag pa ang suporta ng mga kaibigan ko. Nanonood din si Vier pero hindi ko pinapansin.

"Ten, Villaceran, Raven Claws!"

I was smirking every time the result was being announced. Seryoso ang bawat hila ko sa string. I was really thirsty for the title. I really wanted to win.

Magaling ang mga kalaban ko pero dahil perpekto ko lahat ng scores bawat level, ako ang nanalo. Tinignan ko kaagad ang oras sa aking cellphone at alam kong nagsisimula na ang laro nina Xydon.

"Congrats, Weya! Crush ka ng kaibigan ko!" sigaw mula sa isang lalaki. Busy naman ako sa pag-ayos ng gamit.

"Gago ka, a? Kulong na 'yan! Sa pinsan ko 'yan!" boses na naman ni Tiago 'yon.

"Nagmamadali, a? Sabay ka na raw sa amin," si Ate Rhione habang hinihintay ako.

"Sige po. Bihis muna ako," paalam ko at dumiretso na sa shower room. Kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Hindi na kami sasama, Weya. Magbabantay kami, e, at maglilinis..." si Jaya habang nagbibihis ako sa isang cubicle.

"Ay, sige, ayos lang. Bukas ko na lang kayo ilibre? Panalo ako!"

Ngayon lang rumehistro na panalo ako! Masyado kasi akong nagmamadali para sa game ni Xydon.

"Sige, girl! Congrats! Picture muna tayo bago ka aalis!" si Anikka.

Kumuha muna kami ng mga litrato bago dumiretso sa parking lot. Malapit pa sa sasakyan ni Tiago ang sasakyan ni Vier kung saan kasama niya si Tasha. Hindi ko sila pinansin samantalang masuri ang kanilang mga mata lalo na sa damit ko. Jersey kasing itim na may puting Montevinski sa likuran.

"Wow! Prepared!" pang-aasar sa akin ni Mooze.

"Pinasuot sa akin!" sabi ko at pumasok na sa sasakyan.

Tatlo kami sa loob. Si Hiraya ay sinundo kanina nila Lorcan para sa isang gig kaya kami na lang ni Ate Rhione at Cheonsa. Habang patungo kami sa university nina Xydon, pinaguusapan naman nila Mooze ang tungkol sa case ni Kesian.

"Galit na galit si Gray, e. Akala mo makakapatay... Inutusan niya pa si Lolo," si Mooze sa shotgun seat.

"Mahal niya, e," si Ate Rhione sa tabi ko.

"Malabo yata sila ngayon? O no'ng mga nakaraang araw? Malapit na pala ang birthday ni Gray," Tiago shifted the topic.

Ako, nakaupo lang at nakikinig. Si Cheonsa ay tahimik lang din.

"May plano na 'yon! Nagpatulong sa aming girls! Ang mahal nga ng gastos niya!" si Ate Rhione at malakas na tumawa habang kinikilig.

Pagdating namin sa field ay grabe ang dami ng tao. Maingay at panay ang tingin sa akin habang naghahanap kami ng upuan. May lumapit sa aming kapareho ko ng damit— lalaki.

"Doon daw kayo, Rhione. May pina-reserve na upuan sa inyo." Nagtagal ang tingin niya sa akin at ngumisi.

Grabe ang atensyon sa akin. Ngayon ko lang naramdaman ang kahihiyan sa aking suot-suot ngayon. Wala namang problema sa akin, kaso 'yong matatalim nilang mga mata....

"Mooze, bili ka ng popcorn!" si Tiago habang naglalakad kami.

"Gago ka ba? Ano 'to? Sinehan? Iba na lang!"

Pag-upo namin, nahuli ko kaagad ang malikot na si Xydon. Nasa sa kaniya ang bola habang tumatakbo siya. His hair was messy and even from afar, you could see how sweaty he is. All black ang kan'yang suot at napangiti ako. I hate black but it fits perfectly fine in him.

Ang galing niya at panay ang sigaw sa kan'yang pangalan.

Grabe ang dagundong sa puso ko habang papalapit siya sa goal. When he kicked the ball and it was counted as point taken, napatalon kami ni Ate Rhione habang magkahawak ang kamay.

Pagbalik ko ng mga mata ko sa field, natagpuan ko ang nakakasilaw niyang mga mata. He was smirking while walking with his both hands on his waist. Tumingala siya, parang umungol.

"You won?" he mouthed while facing my way.

I grinned and nodded. His smile grew wilder before he went to their team's bench. Sobra sobra ang tahip ng aking puso dahil sa pinaghalong mga pakiramdam. I'm excited, happy and nervous all at once. Gusto kong umihi pero pakiramdam ko ay wala naman ding lalabas!

Binigyan kami nina Mooze at Tiago ng pagkain. I was watching Xydon while he's playing with great concentration. He knows I'm here but his focal point was the ball. Parang gusto ko tuloy maging bola bigla. Parang ayaw niyang ibigay ang bola sa iba. Ayaw niyang ipaagaw o ipahawak man lamang.

He groaned when the ball was stolen from his teammate. Tumakbo ulit siya. He was really trying to snitch the ball back to their team's hold but to no avail. Point taken from the other department.

"Masyadong seryoso," rinig ko kay Ate Rhione. Napansin niya rin. Kaso, ngayon lang naman ako nanood. Hindi ba siya natural na ganito?

"E, pabibo sa nililigawan!" hagalpak ni Tiago.

I chuckled while feeling nervous. Alam kong pagod na pagod na siya dahil sa lawak ng kanilang tinatakbo. Our eyes locked again and he projects a problematic look. I chuckled.

"You can do it," I mouthed while people were watching us.

"For us, I will," he said and he winked. May narinig pa akong mga tili kung saan.

"Sila ba? Sila yata!"

"Sana all may sugar daddy!"

Dahil doon, bumulwak ang malakas na hagalpak nina Tiago at Mooze. Kahit si Ate Rhione ay natawa pero hindi kagaya ng sa dalawa. Napa-iling na lang ako.

Hindi naman kalayuan sina Xydon sa amin pero medyo mataas ang upuan namin. Tuloy ang laro at sa kalaban ang bola. Sobrang attentive ni Xydon habang tumatakbo. His eyes were like eagles and his speed was proclaiming the people that he's an embodiment of a cheetah. I never foresaw I'll be seeing someone running as a sexy beast.

I think, whether he loses or wins, panalo pa rin siya sa akin.

I cheered when he stole the ball from the other team. I was praying and hoping so hard they will win! Malapit nang maubos ang oras at tie ang kanilang score! Mukhang pagod na pagod na siya kaya kailangan na talagang matapos.

"He can do it, right?! Itatakwil natin siya kapag hindi!" si Ate Rhione habang tumitili.

"Omg," bulong nang ipasa niya sa iba ang bola. "Shit," mura ko nang ibalik sa kan'ya habang palapit siya nang palapit sa goal. "You can do it, baby..." bulong ko habang magkadikit ang mga palad, nakatayo na kaming lahat..

Matinis na tili ang pinakawalan ko kasabay ng pagtalon ko. Umingay ang paligid. Sigawan, ang tunog ng oras, at sang tambol sa cheering squad nina Xydon. I was celebrating with his cousins for a moment, and when I looked in front to find him, my heart boomed when he was already in front of me.

Totoo pala 'yong parang titigil 'yong mundo mo. Tatahimik ang paligid at ang magiging focus ng mga mata mo ay 'yong taong gusto mo lang.

He was smiling with his messy hair. Ang tuwang tuwa niyang mga mata ay parang sumisigaw ng— akin ka na, tayo na, panalo ako. I smiled and looked up. He hugged me tightly and I even felt my body being raised a bit from the ground. Tumili ako at pinalo ang kaniyang balikat. Ang tanging naririnig ko lang ay ang malalakas niyang tawa. Humalik siya sa tainga ko matapos akong yakapin.

"Congratulations!!" I was beyond happy.

He groaned and cursed. "We won," he declared like I didn't know about that fact.

"Nandito pa kami! Whoo!" ang malakas na boses ni Tiago. "Congrats! Montevinski ka ka talaga! Malandi!" dagdag nito.

I was laughing so hard. Tinatawag na siya ng teammates niya pero ayaw paawat. Yumakap pa ng matagal bago nagpaalam at bumaba para sa picture taking.

"Kilig ka naman!" Kinailangan pang lakasan ni Ate Rhione ang boses niya dahil sa tambol ng higanteng drums.

I laughed so hard. Wala akong nasabi. Pagkatapos ng picture taking, sakop sakop kaagad ni Xydon ang baywang ko. Wala siyang sinang-ayunan na mga estudyanteng gustong magpa-picture. Si Tiago lang ang pumapayag, si Mooze ay parang takot na takot sa babae. Wow.

We took a lot of pictures together. Since he won, I agreed to all of his request. Ang daming positions ang gusto niya. He carried me on his back, he carried me like a bride, he back-hugged me, and so on! Resulta, marami kaming pictures! Sobrang dami! Paniguradong hindi na naman siya makakapili kaya ipo-post niya lahat!

"Ako na ang mag-uuwi sa kaniya. Kita na lang tayo sa bistro. Samahan ko magpalit," aniya habang nakangiti pa rin.

Nagpaalam na kami sa mga pinsan niya. Hawak niya ang duffel bag naming pareho sa kaliwang kamay, at sa kanan ay ang kamay ko. Malapit sa field ang parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. People were stealing glances at us but we didn't care at all.

Binuksan niya ang pinto ng shotgun pero hindi niya ako pinapasok kaagad. He pulled me for a hug. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. It felt like our hearts were beating in the same pace. Sobra ang tuwa niya nang idikit ang noo sa akin.

"Day 1. I love you. Girlfriend na kita," ngisi niya at nagtagal ang labi sa aking noo.

My heart was so full of happiness. My stomach was filled with alive butterflies. Today, we both won. I've never felt winning could be this electrifying. We won each other's hearts and we will keep winning each other's hearts.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

912K 31.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
347K 5.3K 23
Dice and Madisson
58.6K 2.7K 45
Date Started: May 05, 2021. Date Ended: June 24, 2021. - Nailah Saige Romero, a 1st year college student taking Culinary arts on University of Cebu...
1M 27K 35
Book 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa...