Fazed Arrow (The Athletes #2)...

By abeamus

1.4M 38.3K 21.2K

MONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always fe... More

Fazed Arrow
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 17

23K 667 143
By abeamus

Chapter 17

Love


Tawa ako nang tawa habang inaasar nila si Kuya Jeymz tungkol sa pagkagusto niya sa 'kin noon.

"Mga gago, noon lang 'yon!" anito sa mga kaibigan pero sa akin tinapon ang tissue.

Umilag ako habang tumatawa. "Bakit namamato?"

"Patahimikin mo nga sila, Weya! Lagot ako sa girlfriend ko nito!" aniya pero natatawa naman.

May girlfriend kasi siya sa Cebu. Hindi naman makapunta dahil busy daw sa school works.

"Tama na, mamaya bumalik ang feelings," sabi ni Kuya Dech, kapatid ni Demi.

Umiling-iling ako at uminom sa red cup ko. Kaonti lang ang iniinom ko dahil bawal akong magpakalasing. Gusto kong i-check ang cellphone ko kaso naalala kong iniwan ko pala sa kwarto ni Jaya.

Nang dumami na ang mga lalaki sa poolside kung saan kami nagbibiruan, pumunta na kami sa malaking modern hammock kung saan medyo malayo sa kanila. Kasya kaming apat doon.

"Nag story ako, a? 'Yong inaasar natin si Kuya, tapos noong nag-uusap kayo," sabi ni Jaya at gumalaw ang hammock dahil sa paggalaw niya.

"Huwag kang magulo, Jaya! Nakakahilo..." si Demi.

"Anong story? Pakita nga ako."

Lumapit ako sa kan'ya at dinungaw ang cellphone niya. The background was loud and the crowd was wild, too. Magkatapat kami ni Kuya Jeymz habang inaasar kami. Tawa lang kami nang tawa sa lahat ng videos sa kan'yang IG stories.

"Uy, nakita na ni Xydon. Finollow ako niyo dahil story ako nang story na kasama ka."

Napalunok tuloy ako nang wala sa oras. Wala namang meaning ang asaran kanina, pero bakit parang guilty ako? This is not about getting him jealous... Ayaw ko palang pagselosin dahil baka lumipat sa iba.

Mas naging matao sa pool area kumpara sa loob ng bahay. May mga serbidora na lumilibot kaya hindi na namin kinailangan pang pumasok sa loob para kumuha ng mga kailangan namin. Nagtagal kami sa hammock.

Hindi ko namalayan na napakarami na pala ako ng inom. Nararamdaman ko na ang sapak ng alak sa sistema ko.

"Gaga ka! Kanina pa raw tumatawag sa'yo ang nanay mo! Bakit mo kasi iniwan sa kwarto ko?"

I groaned and lazily stood up. "Sige, kukunin ko na..." medyo hilo kong sabi at umalis na sa hammock.

Pagpasok ko sa bahay, nagsasayawan ang mga tao. Natapunan pa ng beer ang halter cropped top ko. Naku, puti pa naman... Tumatalon kasi ang iba kaya nabangga ako. Hindi ko na alam kung sino...

Kumunot ang noo ko nang naramdaman na may sumusunod sa akin. Pamilyar ang mukha niya nang lingunin ko. Nasa second floor na ako at nasa likuran ko lang siya. Halatadong ako ang sadya.

"Lasing ka na..." bigkas niya at inayos ang kan'yang buhok.

"Sino ka?" tanong ko.

Nagkamot siya sa batok. "Uh, Karl... Magtatanong lang sana kung saan ang—"

Biglaang may tumulak sa kan'ya na ikinagulat naming dalawa.

"Anong binabalak mo?" Tinulak ulit ni Xydon iyong Karl. "Ha?" Isa pang tulak.

Nagtaas ng dalawang kamay si Karl. Ako naman ay hinila si Xydon palayo sa kan'ya. Nahirapan ako dahil matigas at malaki ang katawan niya.

"Xydon, ano ba?!"

Hindi niya inaalis ang nanlilisik nitong mga mata kay Karl. Parang takot na takot naman itong lalaki kaya umalis na lang. Susugurin pa sana ni Xydon pero hinila ko ang polo nito. Buti na lang at walang katao-tao rito sa parte namin.

"Xydon!" pigil ko sa kan'ya.

Hinarap niya ako na madilim ang mga mata. He's intimidating right now and I don't know why!

"Kaya ba hindi ka nagrereply? Ganito ang ginagawa mo? Sino 'yon?"

Uminit kaagad ang mukha ko. Alam kong hindi dahil sa alak kundi sa sinabi niya.

"Anong ginagawa?! I went here to get my phone! Hindi ko nga kilala 'yon!" sagot kong pasigaw at pinantayan ang nanlilisik niyang mga mata.

Agresibo ang pagtaas baba ng kan'yang mga balikat. Bakit ba siya galit?

"You think I'm flirting with him??"

Naiinis ako dahil gano'n ang iniisip niya.

"Hindi sa gano'n," biglang pag-amo ng kan'yang mukha. "Nabigla lang ako. I don't trust men, Uoiea... At bakit ba kasama mo 'yon?"

Humawak siya sa aking siko habang sinusubukang pakalmahin ang kan'yang sarili. Ako, inis na inis pa rin.

"Nagtatanong lang kung saan ang comfort room!"

Bumuntong hininga siya at tumango. Mas kalmado na ngayon. Bumabagal na rin ang pagbaba-taas ng kan'yang balikat.

"I'm sorry. Stop shouting now. Sa susunod magpasama ka. Ayaw kong... nakikita ka na gano'n."

I stomped my foot. "Anong gano'n??"

Hinila niya ako. Nagpahila naman ako. Dadaan sana ang ilang babae, pero umatras na lang dahil sa posisyon namin ni Xydon.

"Na may kasamang lalaki... sa pribadong lugar."

"Hindi ko nga kilala 'yon, Xydon!" pilit ko sa kan'ya dahil 'yon naman ang totoo.

"Alright, Alright. Calm down now... Let's get your phone. Kanina ka pa tinatawagan ni Tita," bulong niya at saglit na humalik sa pisngi ko. "Magbihis ka na rin," sabay baba niya sa cropped top ko na tumaas.

Sinamahan niya ako sa kwarto ni Jaya. Pagkuha ko ng cellphone at matapos makapag bihis, lumabas na rin kami ng kwarto. I have a mixed emotions. Naiinis ako, pero dahil sa mga paglalambing niya, natatabunan.

Tumawag si Mommy kanina sa akin, nangamusta. Pabalik na kami sa hammock nang harangin siya ng ilang kakilala. Kumuha rin ako ng bagong inumin habang hindi siya nakatingin. Nang mahuli niya ako, bumuntong hininga siya. I just bit my lip for an apology. Nandito naman na siya, kaya ayos na sigurong maglasing?

"Why do you drink too much every time there's a party?" tanong niya habang hawak na ang baywang ko. Inagaw niya na sa akin ang inumin ko at hawak niya sa libre niyang kamay.

"Minsan lang naman kaming dumalo sa mga party. Ayos lang din naman kay Mommy kasi alam ko ang... limitasyon ko."

Alam ko nga ba? Minsan nakokonsensya ako dahil grabe ang tiwala sa akin ni Mommy. Gusto niya rin kasi na matuto ako sa mga sarili kong desisyon. She believes I'm still young, and that I will grow with time. Totoo naman 'yon. We explore a lot. We won't learn unless we explore.

Pagbalik namin sa poolside, wala na ang mga kaibigan ko. Huminto si Kuya Dech sa amin. Nakipagkamayan siya kay Xydon na para bang magkakilala talaga sila. Naalala kong same year nga pala silang pareho.

"Goodluck sa laro! Isasama mo ba 'to?" sabay turo sa akin ni Kuya Dech.

Kumunot ang noo ko. Saan ako isasama? At anong laro.

"Salamat. Kung gusto niyang manood, ayos lang naman, kaso maisasabay sa inter-high nila... kaya baka hindi ko na papuntahin," ang sagot ni Xydon sa kan'ya.

I think they're talking about football? Maglalaro si Xydon? Hindi ko pa siya napanood na naglaro sa isang opisyal na laban.

Nilingon niya ako at ngumiti siya. I smiled back and Kuya Dech barked into laughter.

"Ang hirap magka-girlfriend ng bata, ano?" ngisi niya kay Xydon.

Napansin ko na papalapit na ang ilang lalaki sa amin. Mas lalo kong napagtanto na grabe ang influence nilang magpipinsan.

"Hindi ko pa sinasagot," sabi ko habang nagbibigay senyales kay Xydon na kailangan na naming umalis sa crowd.

"You just have to be patient," Xydon chuckled. "We have to go now."

"Sige, bro! Enjoy kayo," sabay kindat ni Kuya Dech bago ako iginiya ni Xydon paalis. Narinig ko pa ang panghihinayang ng mga kalalakihan. Kung umasta sila, parang idolo nila si Xydon.

"Famous," pagpaparinig ko at sumalampak sa loob ng hammock.

Tumabi siya sa akin. Saan kaya ang mga kaibigan ko? Siguro ay nasa mga kalandian na naman nila.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Hindi ka ba pagod? Umuwi ka na kaya?" sabi ko.

I didn't mean to be harsh or what. Siguro ay dahil sa tama ng alak kaya ganito na ako magsalita. Naka-ilan na rin naman kasi ako...

"Pagod ako kaya nandito ako. Ikaw? Mukhang inaantok ka na. Dito ka matutulog?"

We're together almost everyday, but I'm still not used to his soothing voice whenever he talks to me. Pero kapag ibang tao, madalas ay malamig at suplado siya. Pansin ko na gano'n halos lahat silang magpipinsan.

"Dito... Gusto mo rito ka na rin matulog? Padala ka ng damit mo..." parang tanga kong suhestiyon.

The fact that I want to stop talking, but I just couldn't.

He smirked and shook his head, like he already knows why I'm talking this way. His smile is very alluring. One thing I love the most about him.

Marahan na gumagalaw ang hammock. Ang tugtog sa party ay napalitan ng Rnb. Ang repleksyon ng tubig sa amin ay agaw pansin dahil blue ang tiles sa ibaba. The lighting was fine and dramatic, too. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang Korean drama kami.

"You can sleep in our house. There's a room for you there. That's much better idea..." suhestiyon niya habang nakangisi.

Umakbay siya sa akin at hinayaan ko lang. Ang kalmado ng mga mata niya, akala mo hindi nanindak kanina sa second floor.

"Bakit hindi sa condo mo?" agap ko.

He chuckled. "Bawal kapag lasing..."

I rolled my eyes. Pakiramdam ko naman nakuha ko ang punto niya. I love it that there's a huge room of respect for me.

"Hmm... Let's see! Usapan namin sleepover dito, e." Sabi ko at nilingon ang hawak niyang red cup na mayroon pang laman.

Ininom niya ng diretso kaya napanguso ako. He smiled and put the cup on the table besides the hammock. Bumalik din siya kaagad sa posisyon namin.

"Whatever your decision is, it's fine with me. Kung dito, just be safe. Kung sa akin lang kasi, you'll be safer," mabagal nitong sabi, akala mo bata ang kinakausap!

Tumahimik kami. Nakatingin lang ako sa harap kung saan tanaw ang madilim na kalangitan dahil bahagyang naka slant ang hammock. Marami lang unan sa likod namin, sinasalo kami para hindi tuluyang mapahiga.

I sighed and opened a topic.

"Sa tingin mo? Ano'ng dahilan bakit nagloko si Daddy?" I asked without giving him a stare-back. I know this is really a random topic!

Tumikhim siya habang nilalaro na ngayon ang takas na buhok ko malapit sa tainga.

"I, too, couldn't get why he cheated. You're too lovely, bakit kailangan pang gumawa ng iba sa ibang babae?"

Natawa ako kahit nasasaktan sa katotohanan. Mom is more lovely than I am, pero gano'n pa rin, pinalitan pa rin ni Daddy. Dalawa kaming pinalitan niya.

"Pagdating ng panahon, alam ko naman na iiwan mo rin ako. There's no definite things in this world..." ma-drama ang boses ko dahil sa kirot sa dibdib.

Doon ko na siya nilingon. He looks irritated sprinkled with self-controlling expression. Mahaba at makapal ang kan'yang mga pilikmata, sa ibaba at sa itaas.

"You don't know my plans, my feelings and all, Uoiea. If only you knew every detail running in my head everytime I look at you, I sure know you'd never think that way," he delivered quickly and firmly. Like he wanted me to sew every word he says in my heart and mind.

I smirked without cutting the staring. May epekto na ng alak sa sistema ko, pero dumadaloy pa rin ang mga binitawan niyang salita sa isip ko. Klaro lahat.

"Daddy ko nga nagawa 'yon. We have the same blood..." punto ko.

Hindi ba? Tatay ko na 'yon, nagawa pa rin sa akin ang bagay na 'yon. Nagawa pa rin akong iwan, at itakwil. Niloko niya pa si Mommy. Niloko niya kami. How much more ang hindi ko ka-dugo?

"It's not always about blood, Uoiea... Sometimes, it's a matter of love."

I tilted my head after hearing what he said. A matter of love... Nakukuha ko ang punto niya. Pero... bakit pakiramdam ko... mahal niya na ako sa paraan ng pagkasabi niya?

But then, it's still early to conclude. Ayaw kong umasa dahil baka sa huli, grabe ang balik ng sakit sa akin.

"Hindi mo naman siguro iniisip na kaya kong gawin ang ginawa ni Daddy? Sa kadahilanang magkadugo kami?" tanong ko.

Hindi siya kaagad nakasagot. Bumuntong hininga siya. Akala ko naman negatibo ang isasagot niya...

"I can't blame you why you happened to be thinking that way. Your experiences are your reasons. I can't judge you, and I won't. But please... trust me."

I heaved a sigh and nodded slowly.

"I won't leave you for a very shallow reason. Basta sa akin ka lang, maayos sa atin lahat," dinaan niya sa biro ang huli kaya natawa ako.

Tumango ako na ikinatuwa ng kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa akin. Siguro nga iba na 'to...

Naging abala ako sa training ko sa mga sumunod na araw. Mas seryoso ako kumpara noong last year. Gusto kong manalo para sa sarili ko. I also want to make my Mom, Xydon and my friends proud and happy. Para naman masuklian ko rin ang support at effort nila para sa akin.

Tuwing hapon ay sinusundo pa rin ako ni Xydon. Kahit sobrang busy niya, palagi pa rin na sa kaniya ako sumasakay pauwi. Hindi rin naman siya papayag na hindi siya ang maghahatid sa akin.

I noticed na nagiging demanding na rin ako. I always want to video-call him. Palagi naman siyang pumapayag kahit nagre-review siya kaya sa tingin ko, wala namang problema. Kasi pwede naman siyang humindi kung busy talaga siya...

Hindi tumama sa gitna ang arrow ko. This is my last draw for today, and my arms are weak already. Natawa ako. Gano'n pala talaga kapag pagod na, nagbabago. Inayos ko na ang gamit ko at dumiretso sa students' nook para puntahan ang mga kaibigan ko.

"Wait lang, may ibibigay lang ako sa junior high department," bungad ko nang nagsitayuan na sila.

"Huh? Ano na naman?" bagot na sabi ni Jaya.

"Iyong bimpo ng bata. Ibibigay ko sa Kuya niya..." sabi ko habang palayong naglalakad.

"Dalian mo!" pahabol ni Anikka at tumango ako.

Sabay-sabay kasi kaming lumalabas sa gate, at doon nila hihintayin ang sundo kong si Xydon. Minsan, si Xydon na lang ang naghihintay sa akin kapag maaga siyang natatapos sa klase niya.

Naglalakad ako at panay ang asar sa akin ng mga mas bata sa akin. Hindi naman ako sikat, pero marami-rami ang nakakakilala sa akin dahil sa pagiging athlete ko. And at the same time, maganda rin naman ako...

"Saan ang room ni Booz, ading?" tanong ko sa isang grupo ng mga babae.

"Hi, Ate Weya! Si Booz po? Baka nasa gate na siya, 'Te. Sa likod po..." sagot ng junior high sa akin.

"Ah, sige. Salamat!" bago ako nagsimulang maglakad.

"Medyo hawig sila ng mata ni Chantal, ano?" Dinig ko sa isa sa mga kaibigan niya bago ako nakalayo.

Sa totoo lang, ayaw ko talaga na pumupunta rito dahil nga nandito si Chantal. Junior high pa lang kasi siya. Pero sa tingin ko naman ay sinundo na siya ng Mommy niya. Sana nga ay oo dahil ayaw ko na silang makita.

Nagtanong ako kung saan si Booz, ang kapatid ng bata na inaalagaan ko kanina. May nagturo naman kung nasaan ito. Kakausapin ko na sana nang maagaw naman ng galit na magulang ang atensyon ko. 'Yon din kasi ang pinapanood ng batang Booz.

"What? Pito ang mali mo sa history subject niyo? Ano kaya ang iisipin ng Daddy mo riyan? Na mas magaling pala talaga sa'yo si Weya??" ang Mommy ni Chantal sa kan'ya.

Kaonti na lang ang mga estudyante rito kaya kaonti lang ang nakakasaksi sa komusyon na nagaganap ngayon.

"Mommy, nakalimutan ko po kasi-"

"I don't care about your reason, Chantal! Do your best in school! Baka gusto mong magsisi ang daddy mo na pinili niya tayo!"

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. I'm thankful that my mother isn't like her mother, but at the same time, I'm irritated about the fact that I'm being indulged in the conversation.

"Yes, Mommy... Hindi na po mauulit," ang supladang Chantal na sobrang amo sa harap ng kaniyang Mommy. Nasa gilid sila ng kanilang sasakyan.

"Do it! Puro ka salita!" anito bago binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.

I noticed the firm closing of the hands of Booz. Binalik ko ang tingin ko kay Chantal at nagtagpo ang aming mga mata. Her eyes turned like those of Lion's eyes. Na para bang malaki ang galit niya sa akin, at malaki ang hidwaan sa aming pagitan. She rolled her eyes and closed the window.

"You're Weya, right?"

Tinignan ko si Booz nang nagsalita siya. Tumango ako at inabot sa kan'ya ang bimpo ng kapatid.

"Ibibigay ko lang sana," sabi ko.

Tinanggap niya ito at tumango. Mukha siyang suplado pero may hitsura. Halata rin na may masasabi ang estado niya sa buhay.

"Salamat," anito at nagmartsa na paalis ng may galit sa mga mata.

Naiwan ko roon na nakatayong mag-isa. I think he likes Chantal so much. Kaso, ang gusto niya ay may iba ring gusto. Chantal likes Xydon, kaya naging kontrobersyal kaming magkapatid dito sa school. Alam niya naman na kasing may something sa amin ni Xydon, pero kinakalat niya pa rin na totoo ngang may gusto siya sa Montevinski ko.

I sighed and just started walking straight back to the nook. Habang naglalakad, naalala ko ang nasaksihan ko. Hindi ko akalain na gano'n pala ang Mommy niya. Sa mga posts kasi niya, parang ang saya saya nilang pamilya. Hindi ko alam na kagaya rin pala ni Daddy ang Mommy niya. Buti na lang at hindi gano'n si Daddy sa kan'ya, kasi paano na lang ang isip niya kung dalawang magulang niya ay ganoon, 'di ba?

Hay. I'm really lucky to have my Mom. I look up to how my Mom gives me everything I need. And how she manages to give me both mother and father's love all by herself. Maybe, I really have to be content now for everything I have. Because I realized, just like in archery, aiming too high and more really breaks our expectations, goals and life. 

Continue Reading

You'll Also Like

31.7K 578 7
Aravella Serene is the woman who have all the means in the world. If she would ask for a universe, the clan would immediately obliged. If she would a...
349K 5.4K 23
Dice and Madisson
1M 27K 35
Book 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa...
77.3K 2.1K 49
Panacea Series #1 Elvira Itzel is willing to lose her worth just for the man that she loves. She's willing to give everything for him; her body, her...