Fazed Arrow (The Athletes #2)...

By abeamus

1.4M 38.2K 21.2K

MONTEVINSKI SERIES #2 Uoiea Ishan Villaceran is one of the popular Archers. A hopeless daughter who always fe... More

Fazed Arrow
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
Author's Note

Chapter 15

24.3K 805 465
By abeamus

Chapter 15

Choose


I've never been this happy during summer break. Si Jaya kasi ay palaging pumupunta sa kanilang probinsya, si Anikka naman out of the country, at si Demi ay nasa farm nila. Ngayon, kahit mag-isa ako sa bahay palagi, sinusundo naman ako ni Xydon para mag-stay sa kan'yang condo.

Busy si Mommy sa project nila kaya madalas siyang wala, hindi kami makapasyal. Si Daddy naman, wala naman na 'yong pakialam sa akin.

I hate those parents who can easily leave their own children. Bakit pa gagawa kung hindi rin kayang panagutan? But then I'm grateful I wasn't aborted.

"Alam mo ba?" pauna ko habang naglalaro kami ng ML ni Xydon. Nasa kama niya kami, naka-akbay siya sa akin habang naglalaro kami.

We've become closer every passing day. Halos ganito lang palagi ang ginagawa namin. Minsan ay kasama rin namin ang mga pinsan niya. Close ko na nga si Ate Rhione at Cheonsa.

"What is it?" interesadong tanong niya at nilingon pa ako kahit may clash. Kanser.

"I was supposed to be aborted..."

Hindi naman na mabigat sa akin ang katotohanan na 'yon. Binuksan ni Mommy ang usapan noong eleven years old ako. I didn't cry, pero dinala ko 'yon ng ilang taon. Ngayon, wala naman na.

Natigil na siya sa paglalaro. Tumawa ako.

"Ang kanser mo, Xydon! Be professional naman!" I tried to cleanse up the mood, but it wasn't helpful at all.

"Aborted?" hindi makapaniwala na tanong niya. "You're telling me... you weren't supposed to be with me right now? Kung naituloy 'yon?"

Binagsak niya ang cellphone niya sa kama. Defeated. Talo na rin naman kaya hinayaan ko na rin ang cellphone ko. Magkaharap na kami ngayon habang nakaupo sa kama.

"Absolutely. Kung aborted ako, wala talaga ako sa tabi mo ngayon..."

"And you take this lightly? I can't believe you."

Hindi ko alam kung bakit siya ganito ka apektado, gayong buhay na buhay naman ako. Alive and kicking!

"Because I've digested it a long time ago. Noong eleven pa ako sinabi sa akin ni Mommy. I healed years after knowing it, ngayon ay wala ng epekto sa akin..."

He closed his eyes firmly and tried to stifle the rage coming out of his eyes. Galit siya.

"I can't... talk about this," aniya at nag-iwas ng tingin.

I watched him standing on the carpeted floor. Hindi niya ako nilingon.

"Magluluto lang ako ng snack mo," he said coldly and walked slowly out. Parang wala siya sa kanyang sarili.

"Okay! Laro lang ako sa phone mo. One game lang! Rank!" pahabol ko, at alam kong narinig niya 'yon.

My hero was resurrecting when I thought of his reaction. Ganoon din ang reaksyon ko noong unang rinig ko... I don't know why it feels so heavy inside. Mabigat, pero nangingibabaw ang tuwa. Hindi ko alam!

I feel like... I feel like he was too scared to lose me. I feel like imagining I'm out of the picture of his life wrecked him so much.

It's only him, my mother and my best friends could make me like that way. It's fun to be alive knowing there are people that are scared to lose you. It means you're loved, and valued so much. A thing I've never felt to my father.

"Tapos ka na? Gutom na ako..." sabi ko habang nasa screen ang mga mata. Basta lang akong naupo sa high stool niya na may sandalan.

"Lose streak pala, hehe. Anim na stars lang naman. Hirap pala ng mga kalaban kapag Mythical Glory na, 'no?"

Wala naman siyang pakialam. Kahit nga raw ibalik ko pa siya sa Master ay ayos lang.

Kumain kami pagkatapos ko maglaro. He wasn't talking, but he was extra caring today. Nakakalunod ang ginagawa niya.

His thumb made its way to the side of my lips. Pinunasan niya at ginawaran ako ng ngiti. Nagtagal ang titig ko sa kanya. There's something in his smile that I don't like.

"Kinakaawaan mo ba ako?" malamig kong tanong.

Mabigat siyang huminga at umiling. Pero mukhang kinakaawaan niya talaga ako.

"Ayaw ko ng kinakaawaan, Xydon. Alam mo naman 'yon, 'di ba?"

He's holding my hand now. His hands are calloused, very different on the way he holds me. His eyes remained the way he stared at me earlier. Ayaw ko 'yon. Basta, ayaw ko.

"I'm not pitying you, baby... Hindi awa 'to, okay?"

He tried to pull me but I managed to get my hand back. Tumayo ako at tinalikuran siya. He immediately followed me 'til his room. Binuksan ko ang tv at binagsak ang sarili ko sa kama niya. I know he won't talk to me until I'm calmed. Perks of having a matured slash college suitor.

Nakayakap siya sa akin habang nanonood ako. Natuon na ang atensyon ko sa pinapanood.

"Can we talk now?"

Pinatay ko na ang tv at umupo. Ganoon din ang ginawa niya. He pulled me closer and I didn't complain.

"I won't do anything you don't want. It's not a pity..."

"Bakit gano'n ka makatingin?" Kalmado na ako.

He heaved a sigh. "I just can't believe it. Looking at you longer makes me realize how lovely you are. That's why I couldn't accept why you were supposed to be aborted. Hindi ko lang matanggap."

I questioned myself, was it pity? Tunog kinakaawaan pa rin naman ako, pero wala na akong galit. I realized just now that we cannot control someone else's emotions. We must not.

Ayaw kong kinakaawaan, pero kung 'yon ang nararamdaman niya para sa akin, may magagawa ba ako? I can't tell him to be happy about it when he couldn't.

"I treasure you so much, that's why I feel this way. I sure know this isn't a pity..." he justified and I nodded.

"Nakaraan naman na 'yon. Naalala ko lang randomly. Dapat hindi ko na lang siguro sinabi."

"Hindi sa gano'n. I'm glad you're open to me, but don't expect me to be always glad in everything you say and will say. Lalo na kung negatibo 'yon sayo..."

Tumango ako. The tranquility in his eyes tamed me, too. I tilted my head, like I was hypnotized.

Niyakap niya ako. Sobrang clingy niya, at nahawa na ako sa kanya. Xydon's influence.

"I was... I was broken when I heard it. I just can't..." Tumigil siya, hindi yata alam ang sasabihin. "It's hard for me to imagine the world without you."

Ang bigat sa dibdib. Parang may nakadagan sa dibdib ko. Mabigat, pero ang saya saya. Maybe it's filled of too much happiness, that it feels too heavy already.

"Paano kung walang Uoiea ngayon? I asked myself while I was cooking your siomai... And for a few minutes, I was lost. I just got back to myself when you appeared again in the kitchen," he opened up while playing with the ends of hair.

"You're making me feel like I'm too special," bulong ko at nilaro ang kanyang buhok.

"Because you are. And people failed to make you feel what you deserve."

Who wouldn't fall? Who wouldn't fall for someone who always makes you feel the best, and so lovely? Siguro ay may mga taong matitigas ang pusong hindi mahuhulog sa kan'ya, pero hindi ako kabilang doon.

Our summer routine remained that way. Kahit may scheduled work siya, napipilitan siyang lumiban sa tuwing nalalaman niyang wala akong kasama. I was overwhelmed.

"I have work," sagot niya nang tawagan ko. He sounded stressed.

Sobrang boring ngayong araw! Gusto kong magbasa ng mga libro ni Mommy pero ayaw ng utak ko!

"Sinanay mo ako, tapos biglang ganito..."

Gusto ko siyang kasama ngayon.

"Ilang araw akong lumiban, Uoiea... Babawi ako bukas, okay? A-absent ako para sa'yo bukas."

I sighed. "Hindi ba pwedeng ngayon?"

"Please?" pagmamakaawa niya.

Gusto ko talaga siyang kasama ngayon, pero kung ayaw niya, okay lang naman. Pinatay ko na ang tawag at napagpasyahan matulog na lang. Paggising ko, ang dami niyang messages.

Xydon:

I'm sorry. Babawi ako bukas, okay?

Xydon:

I really have to finish my paperwork today for the company. Papagalitan ako ni Lolo kung hindi ko gagawin.

Xydon:

Answer, please? Tulog ka ba?

Marami pa at kada oras ay may messages siya na sobrang dami. I didn't reply. Hindi ko alam pero nagtatampo ako.

Kinabukasan, hindi ako nakasipot sa labas namin dahil niyaya ako ni Daddy kumain. I was expecting us to be alone, kaya ang saya-saya kong pumasok sa sasakyan niya dahil sinundo niya pa ako. Pero nang makita si Chantal sa front seat, para akong nilamon ng hinagpis.

I smiled forcely and closed the car's door. Sa backseat na lang ako.

"Uh, hello, Daddy..." Nawala na ang energy ko.

Ngumiti siya ng tipid at nagmaneho na. Wala man lang bang reply? Walang pangangamusta? Kahit simpleng bagay na 'yon, pakiramdam ko dinudurog ang puso ko.

"Daddy, bili tayo niyan bago umuwi mamaya?" malambing na sabi ni Chantal habang nakapalibot ang kamay sa braso ni Daddy.

Saan ako? Nasa likuran nila. Sinasaktan ng katotohanan, na hindi lahat ng una, mas mahal.

"Yes, princess. Saan mo gustong kumain?"

Akala ko ako, pero siya pa rin.

Sa isang mamahalin kaming restaurant pumunta. I rarely go here with Mom because the food are all pricy. Tapos sila, mukhang sanay na sanay na.

Panay ang tingin sa akin ni Chantal, pakiramdam ko nang i-insulto. I don't like it so I rolled my eyes out of annoyance. Hindi ko madalas itong ginagawa, pero nang maalala ang sinabi ni Anikka noong nakaraan...

"What is that, Ishan?!" sigaw ni Daddy na nakapagpabilis kaagad sa pintig ng puso ko.

Feeling weak, I shook my head. Nahihirapan akong huminga. Ayaw ko ng paraan ng pagsigaw niya. He was the reason I'm afraid to be scolded. Noong bata pa ako, wala yatang araw na hindi niya ako sinisigawan. There were times he's good and sweet to me, but those moments were very rare. Sobrang dalang.

"Uh, bakit po pala tayo lumabas, Daddy?" tanong ko nang sa wakas ay magkatabi kami dahil may binibili si Chantal.

"I want to talk to you about something," sagot nito, seryoso.

Tumango ako kahit hindi sigurado kung gusto ko ba ang pag-uusapan namin. Gusto ko rin sanang magpabili sa kan'ya ng kwintas kaso nahihiya ako dahil hindi niya naman ako inalok... Ayos lang, kay Mommy na lang.

"Dad, I'll just meet my friends. Sandali lang ako," aniya matapos makabili. She even eyed me like she's up to something.

"Okay. I'll just talk to Ishan. Message me if you want to go home already..."

I smiled while hurting. Sana ako rin. Sana gan'yan niya rin ako kamahal. Why does it seem like I still have to beg just so my own father would love me like usual fathers do to their children?

Mahirap ba talaga akong mahalin?

Sa isang coffee shop kami pumunta. Matutuwa sana ako na dalawa lang kami ngayon, kaso alam kong may dahilan kaya niya ako gustong makasama.

"How's your archery training?"

Hindi ako makasagot. I didn't enroll this summer...

"Uh..."

Binagsak niya ang kopita. "You didn't enroll?!" pagtaas niya ng boses sa akin. Ayaw ko ng sinisigawan...

"Uh, sabi po ni Mommy, tulungan ko siya sa clinic para sa preparation po sa immersion namin this grade twelve..."

Umismid siya, tila ba nakakadiri ang naging desisyon ko. Sa totoo lang, I am playing archery because he wants me to ba an archer. Gusto niya na... manatili ang apelyido niya sa school namin.

"Or maybe you didn't enroll because your mind is focused on something else, huh??"

Umiling ako habang mabigat ang paghinga. I don't feel like crying, but my chest feels so heavy I just wanna go home. Kahit gusto ko siyang makasama pa ng matagal.

"Hiwalayan mo 'yong Montevinski kung ayaw mong itakwil na talaga kita..." malamig niyang sabi.

Hindi na ako nagulat. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. He's willing to throw me out of his life just so Chantal would be happy.

"Bakit po? Hindi pa po kami..."

"Iwasan mo. Hindi mabuti sa pagiging athlete mo 'yan! Akala mo naman ang gandang tingnan na boyfriend mo ang isang Montevinski??"

Why is he like this to me? Mas tumatagal, mas guma-grabe ang turing niya sa akin. He hates me since before, but not as extreme as this moment. Ano ba ang ginagawa ko?

"Dad—"

I badly wanted to tell him Xydons's my happiness so it's hard for me to just let him slip away but he didn't give me a chance to even say it out loud.

"Ano? Handa mo akong suwayin para sa kan'ya??"

"Dad, palagi naman kitang sinusunod. Just this once, 'Dy..."

He scoffed and his eyes are becoming darker every seconds passing by. Nagagalit na siya. At ang puso ko, pagod na yata.

"Just this once? You never satisfy me kahit sinusunod mo lahat ng gusto ko, Ishan... Huwag ka nang humirit! Mas lalo lang lumalaki ang galit ko sa'yo!"

I bit my lip. People are stealing glances at us. May kilala pa akong kaibigan ni Xydon. I just hope he won't tell him about this. Na sinisigawan ako...

"Dad..."

Hirap na hirap ako.

"Sundin mo ako! Tantanan mo ang lalaki na 'yon!"

My shoulders are moving up and down. It's becoming more aggressive. I want to leave and breathe. I just want... to rest.

"Ayaw ko nang makarinig pa tungkol sa inyo. You think you're equal to him, Ishan? You think you're enough for him? You're not even enough for your own father!"

His words sting a lot. Parang hindi ko ama, at parang hindi niya ako anak. Kaya ayaw ni Mommy na lumalapit pa ako sa kanya, dahil alam niyang ganito si Daddy sa akin. One time, my father dragged me because the admins of the school called him about my low grades. Kinaladkad niya ako noon at nakita ni Mommy.

"Mark my words! You choose, Ishan!" aniya at nag-iwan ng limang libo sa lamesa at umalis na.

I was left there, miserable. Pilit kong binabalik ang kalmado kong puso. Why is it hard to be with someone you love? Sa kanya lang napapagod ang puso ko. Sometimes I wonder, is it still worth it? Ang pahabol ko, ang paghingi ko ng atensyon, lahat...

Sumandal ako sa headrest ng sofa. I'm never enough. I will never be equal to someone because my worth is as low as the ground.

I want to ask him why I have to suffer this way. Ako ang unang anak... I want to tell him that!

Kaya niya akong saktan para kay Chantal. Isang katotohanan na hindi ko maintindihan. I hate it. I hate my life. I'm never enough. I don't satisfy people.

"Miss, nasiraan po tayo..."

My eyes were at the window. The raindrops were falling down dramatically. Gaya ng pagbagsak ng mga 'to ay siya ring pagbagsak ng pakiramdam ko.

"Miss..."

Bumuntong hininga ako at nilabas ang limang libo kahit alam kong sobra ito. Mabait si Kuya sa akin. Itinanong niya rin kung ayos ba ako kanina. Hindi ko siya nasagot dahil ayaw ko ng kausap. I felt guilty so...

"Masyadong malaki ito, Miss. Hindi ko matatanggap..."

"Ayos lang po."

"Hindi na nga sana kita pagbabayarin dahil umuulan pa..."

I smiled and went out. Nabasa kaagad ako dulot ng ulan. I started walking alone. Nasa kanto naman na ako ng subdivision kaya ayos lang. It's not that far, so I can manage. Gusto ko rin damdamin ang ulan, para naman kumalma ako.

Habang naglalakad, ang daming tanong sa isip ko. Pagod na pagod ako ngayon.

Nahinto ako nang may narinig na malakas na tunog. It's like a door that was hardly pushed to close. Tumaas ang titig ko at nakita si Xydon na may hawak na coat. He's in his usual corporate attire. Ngayong nakita ko siya, mas gumulo ang isip ko.

"Uoiea," sabay balot niya sa akin ng coat. Sinulong niya ang malakas na ulan.

His eyebrows were shot up, an indication that he's mad. He was just stifling his heavy emotion from bursting out. Hindi niya ako sinisigawan. Alam niya kaya? Na-kwento kaya ni Mommy?

"Nandito ka..."

Hindi siya umimik. Maingat niya akong pinasok sa sasakyan niya kahit basang-basa ako...

"You should've called..." Pinunasan niya kaagad ako. There's a spare shirt in his car. "Susunduin kita kahit saan ka. You should've called..."

"Ayos lang ako. Nasiraan kasi 'yong taxi." I was trying hard to sound okay, kaya mas halatang hindi ako okay.

Hindi siya umiimik. Hindi rin nawala ang galit sa kanyang ekspresyon. Parang hindi mo mapapaamo...

"Tapos na ang trabaho mo?"

Tumango lang siya habang pinupunasan ako ako ng marahan.

Tell me, how could I let him slip away? Hindi ko kaya dahil siya na lang ang ganito sa akin. I will tell him what happened baka maintindihan niya ako. At para hindi ko na rin ipunan pa sa loob ko.

"Sinama ako ni Daddy kanina. Kasama niya si Chantal. Gusto ka ni Chantal—"

"Wala akong pake sa kan'ya. At hindi ko rin 'yon kilala."

His words are fast and straight.

"Kapatid ko sa father's side... Tapos s'yempre, gusto ni Daddy na... makuha no'n lahat ng gusto niya. Uhm..."

Ang hirap ituloy dahil malalim na ang titig niya sa akin ngayon, parang hindi niya nagugustuhan ang mga sinasabi ko. Before I could even start, I heard the doors locked. Ginawa niya 'yon habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"What, baby?"

Napalunok ako. That endearment made everything worse.

"Gusto niya na... layuan kita—"

"Hindi mo 'yon gagawin," malamig niyang putol sa akin. Tumigil na siya sa ginagawa niya sa akin.

"Gusto ko siyang sundin palagi, kasi gusto kong... makuha ang loob niya."

"Hindi mo kailangang itulak nang itulak ang sarili mo para lang matanggap ka..."

Tumango ako. Alam ko naman 'yon. Kahit ang mga kaibigan ko 'yon ang sinasabi nila sa akin...

"It's just so unfair... that he's so determined to hurt me for his other daughter..." sabi ko at nag-iwas ng tingin. "Bakit?"

Kinuha niya ang mga kamay ko at pinalandas sa kanyang leeg. He made me hug him. Nakayakap na rin siya sa akin. Kumalma kaagad ang puso ko. Kaya ang hirap niyang pakawalan, dahil nararamdaman ko ang mga bagay sa kan'ya na hindi kayang ibigay sa akin ni Daddy.

Letting him slip away means losing.

"He even told me that... I never satisfied him. Bakit? Lahat naman ginagawa ko..."

"Tell me everything..."

Tumango ako.

"Hinding hindi raw ako magiging sapat. Kahit sa'yo. Tapos alam mo? Hindi ko matanggap na... kaya niya akong itakwil para sa ikasasaya ni Chantal. Itatakwil niya ako... sa oras na hindi kita iiwanan..."

Bumuntong hininga ako. I made sure to not sound like I am willing to sacrifice him. Alam ko ang pakiramdam no'n, bakit ko gagawin sa kanya?

"Iiwan mo ba ako?" malamig niyang tanong. "Kasi, pasensya na, pero hindi ako papayag."

I smiled. He never failed to make me feel loved. Never.

"He sees you as a failure and never enough, but I see you otherwise. You don't have to keep on running after him even if he's your father. He doesn't even treat you right as a father should be..."

Tumango ako.

"Ano'ng gagawin ko? Pagod na pagod na ako... na habulin siya para sa pagmamahal na dapat sana ay kusa niyang ibinibigay."

Humigpit ang yakap niya. Basa na kaming pareho. Hindi man lang niya ako tinutulak palayo.

"Stop chasing love that only give you pain. Okay? Hindi mo ako iiwan. Kaya kong ibigay lahat ng bagay na hindi niya kayang ibigay sa'yo. Hinding hindi ako magiging kagaya niya. I can love you to the extent you won't need to seek for more anymore."

Natahimik ako. Binagsak ko ang pisngi ko sa balikat niya. I get comfort and love in his simple tactics. I've decided... I'll surely lose something, but I think Xydon is worth the trade.

"Hindi mo ako iiwan, alright? I'll always be here for you. Hindi ka lang sapat sa akin, kundi sobra pa. Kaya sa akin ka na lang, hmm?"

Tumango ako habang nagpapahinga sa kanyang bisig. I renewed my hug and I heard his relieved sigh. Napangiti ako. Alam kong pagod siya ngayon, at sa aming dalawa, siya itong mas kailangan ng pahinga...

"Thank you," I whispered gingerly. I feel calmed now.

"To take care of you is always an honor. Dito ka lang sa akin, okay? You're always enough, and you always make me satisfied... Kahit wala ka pang ginagawa."

I chuckled. I'm happy, but the same happiness hurts me, too. Pero ito lang yata ang sakit na gugustuhin kong maramdaman araw-araw. Hindi ko alam na ganito ako kabilis mahuhulog sa kaniya.

"I choose you," bulong ko at sinara ang talukap ng aking mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 350 8
If you were going to ask my younger self what was my biggest fear, I would have probably said... death. I was so scared of passing away more than any...
58.4K 2.7K 45
Date Started: May 05, 2021. Date Ended: June 24, 2021. - Nailah Saige Romero, a 1st year college student taking Culinary arts on University of Cebu...
76.9K 2.1K 49
Panacea Series #1 Elvira Itzel is willing to lose her worth just for the man that she loves. She's willing to give everything for him; her body, her...
1M 27K 35
Book 2 of When Trilogy Beatrix Hayle Ponce de Leon thinks that it was over. Ni anino ni Yael ay hindi na niya nakita matapos nilang maghiwalay at sa...